Chapter 4

2255 Words
ARAW NG SABADO. Maagang umuwi si Jasmine mula sa kanyang trabaho. Naglaba pa siya ng kanyang mga damit, para may masuot siya sa pagpasok sa susunod na lingo. Iilan lang kasi ang mga damit niya, kaya kailangan niyang labhan ang mga ito, upang may maisuot siya sa mga susunod na mga araw. Wala ang kanyang kaibigan, dahil tuwing biyernes ng gabi ay umuwi ito sa bahay niya. Kaya mag-isa lamang siya ngayon sa kanilang kuwarto. Matapos maglaba ay naglinis na rin siya ng kanilang kuwarto. Inayos din niya ang mga gamit niya at isinama na rin ang gamit ni Heather. May pagka burara kasi ang kaibigan niya, kaya kalat-kalat ang mga gamit nito. Pati ang isang Bra nito ay naiwan pa sa ibabaw ng kama. Hindi siguro nakita ni Heather, dahil natatabunan ito ng kumot kaya hindi nito nakuha at nadala pauwi. Nang matapos na si Jasmine ay agad na siyang naligo. Maya-maya lamang ay darating na ang kanyang kaibigan upang sunduin siya. Mabuti na iyong naka ligo na siya, para hindi na ito maghintay sa kanya ng matagal. Isang pantalon na maong at puting T-shirt ang suot ni Jasmine. Nasa sampayan na kasi lahat ang mga Blouse niyang magaganda. Kaya T-shirt na ang suot niya. Kasalukuyan siyang nagsusuklay nang mag ring ang kanyang Cellphone. Agad naman niya itong kinuha upang sagutin. "Hello, Nathan!" bungad niya sa kaibigan. Medyo kinakabahan din siya, dahil alam niyang dumating na ang kanyang kaibigan at baka hinihintay na siya sa ibaba. "Hello, Jasmine. Are you ready? andito na ako sa tapat ng Boarding House." pagbibigay alam ni Nathan sa kaibigan. "Oo, sandali lang Nathan at lalabas na ako." sagot ng dalaga, saka pinatay ang kanyang lumang cellphone na de keypad. Nagsuot na lang siya ng flat Sandals saka nagwisik ng pabango. Mabuti na lang at may imported na pabango na bigay sa kanya ang kanyang Tita Ligaya, kaya mayroon siyang nagagamit ngayon. Agad na lumabas si Nathan sa kanyang kotse, upang salubongin si Jasmine. Pinag buksan din niya ito ng pinto, saka umikot sa kabilang pinto upang pumasok. "Dadalhin muna kita sa Condo ko, doon ka magbibihis at aayusan." wika ni Nathan, habang binubuhay nito ang Makina ng kanyang Kotse. "Kinakabahan ako Nathan. Baka mapahiya ka lang doon nang dahil sa akin. Sinabi ko naman sayo diba? hindi pa ako nakakaranas pumunta sa mga Party ng mayayaman. Ni hindi nga ako marunong kumain sa mamahalin na Restaurant. Baka pagtawanan lang ako doon." bakas sa mukha ni Jasmine ang kaba, habang sinasabi iyon kay Nathan. Tumawa lang si Nathan. Natutuwa talaga siya sa dalaga. Hindi ito nahihiyang sabihin sa kanya ang pagiging inosente nito sa lahat ng bagay. Kung ibang babae lang ito, kahit galing naman sa hirap ay magpapanggap na mayaman at Class. Pero iba si Jasmine, totoong tao siya at hindi marunong mag sinungaling. Sasabihin niya kung ano ang totoo sa kanyang sarili at pagkatao. "Andito na tayo! halika na, para maayusan kana ng make-up Artist." wika ni Nathan, bago lumabas ng kotse nito. Umikot din siya sa kabilang pinto upang pagbuksan si Jasmine ng pinto. "Nathan, paano ba ito tanggalin? bakit ayaw matanggal?." nagtatakang tanong ni Jasmine sa binata, habang hinihila nito ang kanyang set belt. "Pindotin mo muna yang pula, para ma-unlock. Hindi talaga matatanggal iyan kapag hihilain mo lang." sagot naman ni Nathan sa dalaga. "Dito mo pindotin, diinan mong mabuti para maalis ang pagkaka locked." turo ni Nathan, habang itinuturo ang red button kay Jasmine. "Ay ganyan lang pala!" bulalas pa ni Jasmine nang tuloyan na niyang matanggal ang kanyang set belt. "Halika na!" pagyaya sa kanya ng binata, hinawakan na rin nito ang pulsuhan ni Jasmine, upang isakay sa loob ng elevator. Pagdating nila sa top floor ay agad din silang lumabas ng elevator, saka nagtungo sa pinto ng Penthouse ng binata. Agad din binuksan ni Nathan ang pinto ng kanyang Penthouse, upang makapasok silang dalawa. "Wow! ang ganda-ganda naman ng bahay ninyo. Ang linis-linis at ang bango-bango. Naku Nathan, baka pagalitan ka ng Nanay mo kapag nalaman niyang nagdala ka ng mahirap dito?!" wika ni Jasmine, nanlalaki din ang mata nito sa takot. "Ano kaba Jasmine, huwag mo nga masyadong dina-Down ang sarili mo. Wala na din si Mommy, patay na siya two years ago. Si Daddy naman ay nasa Germany ngayon, busy sa mga Negosyo na naiwan ni Mommy." sagot sa kanya ng binata. "Sorry Nathan." sabi na lang ni Jasmine sa kaibigan. "Sit down, tatawagan ko lang ang make-up Artist na mag-aayos sayo." wika sa kanya ni Nathan, saka siya pina-upo sa napaka lanbot na sofa. Ang laki-laki din nito at puting-puti pa ang kulay. Nakakahiyang upuan, baka kasi madumihan. Hindi naman nagtagal at dumating na ang mga Make-up Artist na tinawagan ni Nathan. Napakaraming dala ang mga ito, may mga kahon at bag silang dala-dala na akala mo maglilipat bahay. "Good evening, Sir Nathan. Siya ba ang aayusan namin?" tanong ng isang Make-up Artist kay Nathan. Nagulat pa si Jasmine, dahil bakla pala ito at hindi tunay na babae. "Yes!" malamig na sagot ng binata. "Saan namin siya aayusan, Sir? tanong ng isang magandang babae kay Nathan, ngunit boses bakla din. "Sa Guestroom." sagot naman ni Nathan. Agad na hinila ng isang Make-up Artist ang kamay ni Jasmine at dinala ito sa loob ng Guestroom. "Ang ganda mo naman, kahit wala ka pang kaayos-ayos ay maganda kana..." pagpuri sa kanya nang isang bakla. "Oo nga! napaka ganda mo. Halika na upang masimulan na natin ang pag-aayos sa 'yo. Sigurado akong maraming mata ang luluwa kapag nakita ka nila mamaya." excited na wika ng isa pang bakla. Akala ni Jasmine ay mga babae ang mga ito kanina, dahil mukha naman silanv babae sa paningin niya. Mula sa mukha hanggang sa katawan at hindi mo masasabing lalaki pala ang mga ito. Pero ng magsalita na, doon niya napagtanto na bakla pala ang dalawa. "Anong pangalan mo?" muling tanong sa kanya ng isang Make-up Artist niya. "Jasmine po!" nahihiyang sagot niya. "Ang ganda naman ng name mo... bagay na bagay sa 'yo ang napiling pangalan ng nanay mo para sayo." kinikilig na wika ng bakla. "Ipikit mo na lang ang mga mata mo at mag pahinga. Kami na ang bahala sa 'yo." sabi pa ng bakla sa kanya. Kaya naman ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata, upang marelax din siya. Hindi na namalayan ni Jasmine ang ginawa sa kanya ng dalawang bakla. Nang gisingin siya ng mga ito ay tapos na siyang ayusan. Pinapatayo na siya ngayon upang ipasuot sa kanya ang Dress na binili ni Nathan, para sa kanya. Isang Pink Evening Gown ang ipinasuot sa kanya ng kanyang mga Make-up Artist. Parang sinukat din sa katawan niya ang Gown, dahil tama lang ito sa kanya. Napaka ganda ng fit nito at tama lang din ang haba. Hindi niya maaapakan kapag naglakad siya. "Marunong kabang maglakad gamit ang stilettos?" tanong sa kanya ng isang bakla, habang ipinapakita sa kanya ang hawak nitong Stilettos na napaka taas ang hills. "Hindi po, wala bang mas mababa diyan? baka naman natapilok ako kapag yan ang isuot ko." sagot ni Jasmine. Kaya muling ibinalik ng bakla ang Stilettos sa loob ng kahon at binuksan ang isa pa. "Oh, itong Sandals na lang. Hindi kana matatapilok dito, kasi malapad ang takong nito." pabirong wika ng bakla sa kanya, habang inilalagay sa paa nya ang kulay puting Sandals. "Hayan, bagay! tumayo ka at subukan mong maglakad lakad. Para masanay ang paa mo at hindi ka mag alangan mamaya." wika pa ng isang bakla. Sinunod naman ni Jasmine ang sinabi ng bakla at naglakad-lakad siya paikot sa loob ng kuwarto. "Relax lang Jasmine, huwag mo rin ilagay ang kamay mo sa likod mo. Heto ang hawakan mo, para hindi mo pinag sasalikop ang mga kamay mo. Remember, dadalo ka sa isang Eleganting Party. Lahat ng dadalo doon ay mga Socialite. Mga kilalang tao sa Gobyerno at Negosyo. Mayroon din mga Celebrities, kaya kailang mong makibagay sa kanila. Hindi rin lahat ng mga dadalo doon ay makiki-Party lang, dahil nagpupunta sila doon upang kilatisin ang isang tao." agad naman na kinuha ni Jasmine ang Purse na ibinigay sa kanya ng kanyang Make-up Artist. "Ayan.... Ready kana!" kinikilig na wika ng isang Make-up Artist. Pinaharap siya sa isang salamin at ganon na lang ang pagkagulat niya sa kanyang bagong anyo. Halos hindi na din niya makilala ang kanyang sarili, dahil parang ibang tao na ang nakikita niya sa harap ng salamin. "Ang ganda-ganda mo talaga Jasmine. Siguradong maraming lalaki ang tutulo ang laway, kapag nakita ka mamaya!" wika ng isa, saka siya hinila palabas. "Sandali, yung bag ko!" pigil niya sa dalawa. "Hindi mo pweding dalhin ang bag mo doon, iyang hawak mong Purse ang gagamitin mo, Jasmine." wika sa kanya ng isang Make-up Artist. "Sige, po. ililipat ko nalang ang mga gamit ko." sagot niya sa dalawa. Naiinip na sa paghihintay si Nathan sa paglabas ni Jasmine. Alas otso na rin ng gabi, kaya kailangan na nilang maka alis na dalawa. Hanggang magpasya siyang katukin na ang pinto ng Guestroom, upang madaliin ang mga nasa loob. Ngunit biglang bumukas ang pinto at lumabas ang Make-up Artist saka inalalayan si Jasmine na maka labas ng kuwarto. Natulala si Nathan nang makita niya si Jasmine. Napaka ganda nito at talagang bagay na bagay sa dalaga ang suot nitong Pink Gown. Para itong modelo na nakatayo sa kanyang harapan. "Sir Nathan, ready na ang iyong Date!" bulalas ng isang Make-up Artist kay Nathan. "You are so beautiful, Jasmine." papuri ni Nathan sa dalaga. "Thank you!" nahihiyang sagot ni Jasmine sa kaibigan. "Let's go..." sabi ni Nathan, sabay lahad ng kanyang palad sa harap ni Jasmine. Nakangiting tinanggap naman ng dalaga ang kamay ng binata, saka sila magka panabay na lumabas ng Penthouse. Ibang sasakyan ang sinakyan nila Jasmine at Nathan. Isa na ngayong mamahalin na Sports Car ang mina maneho ni Nathan. Pumasok sila sa isang Exclusive Subdivision na tila familiar kay Jasmine. Lalong kinabahan si Jasmine, nang tumigil sila sa tapat ng Gate na kilang-kilala niya. Walang iba kung hindi ang Mansion na pinag lilingkuran ng kanyang Tita Ligaya. "Nathan, bumalik na lang tayo. Hindi ako pweding pumasok sa bahay na iyan." kinakabahan na wika ni Jasmine. Natigilan naman si Nathan, dahil sa sinabi ni Jasmine sa kanya. Tinitigan din niya ito sa mga mata at tila naghahanap ng kasagutan sa mga tanong ng kanyang isipan. "Dyan kasi nagta-trabaho ang Tita Ligaya ko, Nathan. Ang tita ko ang Mayordoma sa Mansion na iyan, baka pagalitan ako nun kapag nakita niya ako na nasa loob ng bahay ng amo niya." kinakabahan na wika ni Jasmine. Ngumiti lang si Nathan sa kanya. "Huwag kang kabahan, ako ang bahala sa 'yo. Hindi kita iiwanan mag-isa, kaya ipanatag mo ang loob mo." sagot naman ni Nathan, saka muling pinatakbo ang kotse nito papasok sa malawak na bakuran ng Mansion. Pagdating nila sa harap ng Maindoor ng Mansion ay may nag-aabang na rin na mga Valet Driver. Kaya iniwan na ni Nathan ang kotse niya sa valet. Magkahawak ang kamay nina Jasmine at Nathan na pumasok sa loob. Naglakad sila sa Red Carpet, patungo sa loob ng Mansion. Halos lahat ng bisita ay naka tingin sa kanila. Mapa babae o lalaki ay sa kanila ang tingin ng mga ito. Nanlalamig ang mga kamay ni Jasmine, dahil sa kaba ng kanyang dibdib. Parang ayaw na rin humakbang ng kanyang mga paa dahil sa kaba. Agad naman siyang hinawakan ni Nathan sa kanyang beywang, saka siya inalalayan sa kanyang paglalakad. Agad naman ipinakita ni Nathan ang Invitation Card na dala niya at agad naman silang dinala sa magiging table nila. Pang dalawahan lang ang table nila, kaya magka harap silang dalawa. Agad din silang inasikaso ng isang Waiter at binigyan agad sila ng kanilang makakain. "Natatandaan mo ba ang mga pinanood mo kanina?" pabulong na tanong ni Nathan, kay Jasmine. "Umm!" maikling sagot ng dalaga. Saka niya kinuha ang forks and knife. Muli pa niyang tiningnan ang ginagawa ni Nathan saka siya nag simulang maghiwa ng kanyang Beefsteak. Napangiti naman si Nathan, dahil madali lang matuto si Jasmine. Hindi rin mahahalata sa dalaga na kinakabahan ito. Pino din itong kumilos kaya naman lalong nakakadagdag sa angkin nitong ganda. Matatapos nang kumakin sina Jasmine at Nathan ng mayroon magsalita sa Stage. Natuon ang attention ng lahat sa Stage, dahil pinatay din nila ang mga ilaw sa paligid at tanging sa Stage na lang ang maliwanag. Tahimik lang na nakinig ang lahat, sa nagsasalita sa kanilang harapan. Hanggang sa tawagin na ang Star of the Night, na walang iba kung hindi ang mag-asawang Altamera na may-ari ng Altamera Interprises. Malakas na palakpakan ang maririnig sa buong paligid, habang papalabas ang mag-asawang Altamera. Muli namang tumahimik ang paligid ng mag simula ng magsalita si Mr. Altamera. Tahimik lang si Jasmine at Nathan, habang nakikinig sa nagsasalita. Wala man maintindihan si Jasmine sa mga sinasabi ni Mr. Altamera, dahil puro tungkol sa Negosyo ang laman ng kanyang talumpati. Naki palakpak na lang siya sa mga tao, nang marinig niyang nag palakpakan na ang mga ito. Hanggang sa muling nag salita si Mr. Altamera. "Ladies and Gentlemen, I would like to introduce to you, my son and only heir. The young and smart new CEO of Altamera Enterprises, Mr. Dylan Altamera!." buong pag mamalaking pakilala nito sa kanyang anak. Malakas na palakpakan ang maririnig sa loob ng bahay ng Altamera. May isang Spotlight din ang biglang nag liwanag at naka tutok ito sa itaas ng napaka garang Grand Staircase ng Mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD