PROLOGUE

2018 Words
"Aling Carmen! meron nabang bagong labas na Fashion Magazine?" malayo pa si Jasmine ay sumisigaw na ito upang tanungin ang tendira ng mga News Paper at Magazine, kung meron nang bagong issue sa paborito n'yang babasahin "Ay! Jasmine, mabuti't nandito kana. Kanina pa gustong bilhin ang nag-iisang Fashion Magazine na ito. Pero hindi ko ibinenta sa iba, dahil alam kong hahanapin mo ito sa akin ito." wika ng babaeng may edad sa kanya. Agad din n'yang inilabas ang babasahin na inilaan n'ya para sa dalaga. Tuwang tuwa naman si Jasmine, nang tanggapin n'ya ang Magazine na kanyang inaabangan. Mahilig s'yang magtingin ng mga bagong design ng mga magagandang damit, lagi din n'yang pinapangarap na balang araw ay s'ya naman ang gagawa ng mga design ng damit na malalathala sa Fashion Magazine na hawak nya. "Salamat po aling Carmen." wika nya sa babae, saka binayaran ang Magazine at nagpaalam na dito. Agad ding bumalik si Jasmin sa puwesto ng kanyang ina sa palenke. Nagtitinda ang kanyang ina ng mga isda at sea shells sa palengke. Ito ang pinagkukunan nila ng kanilang pang araw-araw na gastusin at sa sa kanyang pag-aaral. Hindi na nakagisnan ni Jasmine ang kanyang ama. Maaga daw itong namatay, dahil tumaob ang bangkang sinasakyan nito sa gitna ng dagat, habang nangingisda. Ipinilit daw kasi nitong mangisda kahit masama ang panahon, kaya ito naaksidente sa gitna ng dagat. Hindi na rin muling nag-asawa ang kanyang ina. Ginugol na lang nito sa paghahanap buhay ang kanyang panahon, upang mapag-aral ang kanyang nag-iisang anak. Matalino si Jasmine at lagi din itong nangunguna sa klase nila, kaya naman lagi s'yang nakaka libre sa matrikula n'ya sa paaralan dahil schoolar s'ya. "Nanay! tingnan mo itong magazine na hawak ko, inay, oh!. Ang gaganda ng mga design ng mga damit, bongga!..." bungad n'ya sa kanyang ina, na abala sa pagtitinda. "Naku naman Jasmine, magazine na naman ang binili mo? paano ka makaka-ipon ng pera, kung lagi mo na lang inu-ubos sa pag bili-bili ng mga Magazine na 'yan ha?" patalak sa kanya ng kanyang ina, habang naka pamaywang at may hawak pang pambugaw ng langaw. "Nay, kapag Fashion Designer na ako. Naku mas maganda pa sa mga damit na ito ang gagawin ko. At kapag nanyari 'yun Nay, hindi kana magtitinda ng isda. Dahil magpapahinga kana lang sa bahay, Nay, at ako na ang magbibigay sa 'yo ng pera." wika n'ya habang nakayakap sa binili n'yang babasahin. Umiling na lang ang kanyang ina, nasanay na rin ito sa pag e-imagine ng kanyang anak. Alam ni Jasmine na tutol ang kanyang nanay sa pangarap nitong maging Fashion Designer. Ayaw din s'yang payagan nito na lumayo sa kanilang bayan. Dahil sa Maynila lang s'ya puweding mag-aral upang maging ganap na Fashion Designer. Isang plano ang naisip ni Jasmine. Mag-iipon s'ya ng pera magmula ngayon, upang may magamit s'yang pang matrikula para sa pangarap n'yang kurso. Maglalako na lang s'ya ng mga Souvenir items upang maka pag-ipon. Tama, 'yon nga ang gagawin nya, magpa part time din s'ya sa pag Tour Guide ng mga Tourista sa kanilang lugar. Isang taon na lang ay Graduating na s'ya sa High School, kailangan na n'yang maka pag-ipon. "Souvenir! Souvenir! bili na kayo ng souvenir mga madam at sir. Murang mura lang po! bili na kayo..." sigaw ni Jasmine habang umiikot sa isang Beach Resort. "Hey, young lady! Come over here, let me see that." tawag sa kanya ng isang Foreigner, habang kumakaway sa kanya. "Hi sir, please buy one for your beautiful wife, one thousand, three hundred pesos only sir." wika n'ya sa lalaking foreigner, saka iniabot ang isang bag na paninda nya. Yari ito sa pinatuyong dahon ng pandan. S'ya din mismo ang gumawa ng kanyang mga paninda, kaya malaki ang kinikita n'ya sa araw-araw na paglalako n'ya ng mga ito. "Do you like this, honey?" tanong ng lalaki sa kanyang asawa, saka ipinakita ang hawak nitong bag. "This is so beautiful honey! yes i love it." sagot naman ng babae, isinukbit pa ng babae ang bag sa kanyang balikat upang malaman nito kong babagay nga ba sa kanya. Agad naman na binayaran ng lalaki ang bag. Hindi na rin kinuha ng lalaki ang sukli nito, Tip na lang daw n'ya ito dahil nagustuhan ng asawa nito ang paninda nya. Nagpasalamat naman si Jasmine, dahil sa kabaitan ng mag-asawa. Lalong nag pursige si Jasmine sa pagtitinda ng mga bag na s'ya mismo ang gumagawa. Mga handmade ito gamit ang pinatuyong dahon ng pandan. Maingat din nya itong nilalagyan ng burda upang mas maging kaaya-aya ito sa paningin ng mga bibili. Mayroon din s'yang mga panindang pabitin. Gawa rin n'ya ito mula sa mga sea shells na napupulot n'ya sa dalampasigan. Isang umaga habang namumulot s'ya ng mga shells sa tabing dagat. May isang groupo ng mga lalaking tourista sa lugar ang biglang dumating. Isang sasakyan ang dala nila, at agad na nagtatakbo ang mga ito papunta sa dalampasigan. May mangilan ngilan na rin nagsuswimming sa dagat ng mga sandaling 'yon. Karamihan ay mga dayo sa kanilang lugar at galing ang mga ito sa Maynila. Nakita n'yang nag unahan sa paglusong sa dagat ang mga lalaki, habang malakas na sumisigaw. Tila nakawala ang mga ito sa hawla at ngayon lang nakakita ng dagat. 'Taga Maynila siguro ang mga ito?' naitanong na lang nya sa kanyang isipan, habang minamasdan ang mga lalaking nag-uunahan sa paglangoy. Tumingala s'ya sa kalangitan at nakita n'yang mataas na sikat ng araw. Nag desisyon na s'yang umuwi na at nang maka pagluto na nang pananghalian nila ng kanyang ina. Baka mapagalitan na naman s'ya kapag umuwi ang Nanay n'ya at wala pang nalutong pagkain. Naglakad s'ya sa gilid ng dagat pabalik sa pinanggalingan nito. Madadaanan din n'ya ang kinaroroonan ng mga lalaki, pero binaliwala na lang n'ya. Dahil wala naman s'yanh ibang madaanan kung hindi sa tapat nila. Nang makatapat na s'ya sa mga kalalakihan ay bigla na lang s'yang sinabuyan ng tubig ng isang lalaki. "Aaaaaay!" tili n'ya dahil sa sobrang gulat nang bigla na lang itong mabasa ng tubig dagat. Nagtawanan naman ang mga lalaking may gawa sa kanya. Niyaya din s'yang maligo ng mga ito at umahon pa ang isa upang hilain s'ya sa tubig. "Halika na miss, samahan mo na muna kami dito." wika sa kanya ng isang lalaki. Nagpumiglas naman si Jasmine sa pagkakahawak sa kanya ng lalaki. "Bitawan mo ako! bastos!" pasinghal na sigaw n'ya sa lalaki, habang nagpupumiglas. Natapon din sa tubig ang laman ng plastic na dala-dala n'yang may laman na mga empty sea shells. Parang gusto n'yang umiyak dahil sa panghihinayang sa oras na iginugol n'ya para maka ipon lang ng mga shells. Agad na tinadyakan ni Jasmine ang lalaki sa gitna nito, kaya nabitawan s'ya ng lalaki. Agad naman s'yang tumakbo palayo sa mga lalaki, habang takot na takot sa mga ito. Nagtawanan naman ang mga kalalakihan dahil sa ginawa ng isang babae sa kaibigan nila. Nagpustahan kasi ang mga ito na kung madadala nila sa gitna ng dagat ang dalaga ay manlilibre ang isa. "Ouch! that b***h!" nanggigigil na wika ng binatang tinadyakan ni Jasmine sa balls nito. "Mukhang napasama 'ata nang pagsipa sa 'yo ng babaing yun, Bro? Baka mabaog kana n'yan?" wika naman ng isang kaibigan nito. Tawanan naman ang ibang kasama nila dahil sa sinabi ng isa. "Shut up!" inis na saway ng binata sa kanyang mga kaibigan, habang patuloy pa rin na hinahawakan ang kanyang gitna. Tumulo din ang kanyang pawis, dahil sa sakit na kanyang iniinda. "Kapag nakita ko ulit ang babaing 'yon, humanda s'ya sa akin. Pagsisisihan n'ya ang ginawa n'yang ito sa akin. Lulumpuhin ko talaga ang babaing 'yun!" galit na banta pa ng binata. Nanlilisik din ang kanyang mga mata sa labis na galit. Wala pa ni isang babae ang gumawa sa kanya ng ganon. Ngunit ang isang probinsyanang hindi n'ya kilala ang unang nakapanakit sa kanya. Hindi s'ya makakapayag na hindi makaganti sa babaing iyon. Lintik lang ang walang ganti. Hapon na natapos si Jasmin sa kanyang paggawa ng kanyang mga aralin. Kailangan pa n'yang bumalik sa Resort upang maka pagtinda. Sayang din kasi ang kikitain n'ya kung liliban s'ya sa pagtitinda. Malaki na rin ang kanyang naiipon, pero gusto parin n'yang dagdagan ito. Dahil sa susunod na buwan ay Graduation na nila. Malapit na s'yang umalis upang mag-aral sa Maynila. Kagaya ng naka-ugalian, malakas na naman na sumisigaw si Jasmine, upang e-alok ang kanyang mga paninda sa mga tourista sa lugar. "Souvenir! Souvenir kayo d'yan!" sigaw nito habang naglalakad sa gilid ng dalampasigan, kung saan maraming tao ang nakatambay. Napakarami ding mga Tourista na naliligo sa dagat. Masaya namang nag-iinuman ang isang groupo ng kalalakihan sa isang table malapit sa dagat. Napansin nang isa, ang dalagang naglalakad at maraming hawak na paninda. "Bro, diba s'ya yung babae kaninang umaga na sumipa sa alaga mo?" tanong ng isang binata sa katabi nitong lalaki. Dahan dahan naman lumingon ang lalaki sa bandang likod nito upang tingnan ang itinuturo ng kaibigan nya. Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata n'ya nang makilala ang babae. "Siya nga 'yan. Humanda ka sa akin babae ka! oras na mahuli kita, itatali talaga kita." wika nito sabay tayo at malalaki ang hakbang n'yang lumapit sa dalagang nagtitinda. Masaya si Jasmine nang makabenta na naman ulit s'ya ng isang Bag na paninda. Paalis na sana s'ya ng makita n'ya ang isang lalaking mabilis na naglalakad palapit sa kanya. Nanlaki tuloy ang kanyang mga mata nang makilala ang lalaki. Ito lang naman si Mr. Bastos na nagsaboy sa kanya ng tubig-dagat at hinila pa s'ya patungo sa tubig. Dahil sa nakikita n'yang dilim ng mukha nang lalaki habang palapit sa kanya, ay mabilis na naman s'yang tumakbo. Lumingon pa s'yang muli sa lalaki at nakita n'yang hinahabol na s'ya nito. "Nanay ko! tulongan mo ako!" piping wika nya at lalong binilisan ang pagtakbo. Dahil sa sobrang takot n'ya sa lalaki, ay natisod s'ya at nabitawan ang Bag na paninda n'ya. Mabilis din s'yang bumangon at lumingon ulit s'ya sa lalaki. Nakita n'yang maaabutan na s'ya nito, kaya matulin na naman s'yang tumakbo. Nagtungo s'ya sa mga Cottages at doon nagtago. Hingal na hingal pa s'yang tumigil sa isang sulok upang maka pagpahinga. Hanggang magdisisyon na s'yang lumabas na ng Resort. Hingal na hingal si Jasmine nang tumigil s'ya sa isang tindahan. Nang makabawi sa kanyang pagod, ay minabuting umuwi na lamang s'ya upang makapagpahinga. Napansin n'yang hindi na n'ya dala ang isang Bag na hindi n'ya nabenta. Nanghinayang din si Jasmine, dahil magit isang libong pesos din ang kikitain n'ya kapag nabenta ang bag na iyon. Ayaw naman n'yang bumalik pa sa loob ng Resort at baka makita na naman s'ya ni Mr. Bastos. Nanggigigil tuloy s'ya sa lalaking iyon, guwapo sana kung hindi lang ito bastos. "Naku! huwag ko lang makikita ulit ang bastos na 'yon at sasampalin ko na talaga s'ya." wika n'ya habang naglalakad pabalik sa kanilang bahay. Hindi na naabutan ni Dylan ang babae, napaka bilis nitong tumakbo at biglang nawala sa paligid. Pabalik na sana s'ya sa kanilang table ng makita n'ya ang Bag na nasa buhangin. Lumapit s'ya dito at pinulot ito, saka mataman na pinagmasdan ang napulot n'yang Bag. Tiningnan n'ya itong mabuti sa loob at labas ng Bag. Napansin n'yang maganda ang pagkakagawa ng Bag at kung ibebinta ito sa mga Mall ay tiyak na kikita ang maygawa noon.. Maganda din ang pagkakalagay ng mga beads at burda nito, masasabi n'yang napaka malikhain ng taong gumawa nun. Kinuha na lang n'ya ang Bag, itatago na lang n'ya ito at ibabalik sa may-ari kapag nagkita silang muli. Napapailing na lang s'ya sa kanyang sarili. Ano ba kasi ang pumasok sa kanyang isipan at pinatulan ang pustahan nila ng kaibigan n'yang si Liam. Tuloy may isang inosenting babae ang nadamay sa kalokohan nila. Hindi n'ya makakalimutan ang mukha ng babaing 'yon. Napaka amo ng mukha nito, at napakaganda rin ng mga ngiti n'ya kanina habang kausap nito ang isang touristang bumili ng Bag na tinitinda ng dalaga. Sana magkita pa sila ng dalaga, upang maibalik nito ang Bag na naiwanan nito ng dahil sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD