Chapter 5: Lights Off

1349 Words
Akira's POV. Minulat ko ng dahan-dahan ang paningin ko. Laking pasalamat ko ng pamilyar na lugar ang kinagisingan ko, alam kong nasa ospital ako.  Naramdaman ko ang matinding pagkirot ng tagiliran ko. I was stabbed there. Walanghiyang magnanakaw, sya na nga tong nagnanakaw sya pa tong may lakas ng loob manaksak. Inikot ko ang paningin ko. Wala akong nakitang tao, nalaman kaya nila mommy ang nangyari sakin? Bakit wala akong bantay? Ano ba yan? Hindi ba alam ni Thunder na napahamak ako? Biglang bumukas ang pintuan ng kwartong kinalalagyan ko at laking gulat ko nung iluwa nun si Thunder. Dahan-dahan syang pumasok. Nang makapasok sya ay doon ko lang nakita ang kabuuan nya, dala dala nya ang isa sa mga bag ko. Nakakatawang luxury bag ang dala nya pero lalaking-lalaki pa din syang tingnan. "It's good that you're awake" he said. He sat down beside me. Marahan nya ding nilapag ang bag sa gilid ko. "How are you feeling?" pero imbis na sumagot ay tinitigan ko lang sya ng nakangiti. "Yan ba ang epekto ng pagkakasaksak sayo?" "Grabe ka naman! Sino bang matutuwa ng nasaksak? Natutuwa lang ako dahil nandito ka" sabi ko. Pi-noke nya ng marahan ang noo ko. "You're crazy. Why wouldn't I be here, dinalhan pala kita ng damit just in case uncomfortable ka sa hospital gown mo" "Kumuha ka ng damit ko? Including-" "Including what?" "Alam mo na yun!" "Underwear?" cool nyang sagot. "Sshhhh! Ang lakas ng boses mo, pinakielaman mo ba yun?" "Yes, what's the big deal?" naka kunot ang noo nyang sagot. "Nakakahiya kaya!" namumula kong sabi pero di nagbago ang tingin nya "Sige na nga, salamat talaga Thunder" Tiningnan nya ko ng diretso sa mata na para bang sinusuri ang bawat parte ng mukha ko. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa titig nya. "Are you really okay now?" sincere nyang tanong. "Masakit ang masaksak pero okay na ko" I smiled to show him I'm fine. "Do you know na wala kang malay for the past two days?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. "Talaga? Bakit naman ganun? Nasaksak lang naman ako" "You loss too much blood kaya ganun buti na lang at naging okay ka at isa pa" lumapit sya at pinoke ulit ang noo ko.  "Why would you fight a criminal for a ring?" "Anong for a ring ka dyan?! Hindi lang basta-bastang ring yun. Wedding ring natin yun. Akala ko nga tinapon mo na yun but I'm so glad na itinabi mo pala. Alam kong hindi mo talaga ako gustong makasama pang habang buhay pero para sakin kasi wala na kong gusto pang makasama bukod sayo kaya I value that ring that much because it symbolize that I am married to you" Natahimik sya at tila nag isip. Maya maya tumayo na sya at parang lalabas na. Pero bago pa man sya tuluyang lumabas ay may sinabi sya. "Lalabas lang ako to talk to your doctor and also to get you some food" Tumango naman ako. "Akira" he called me. Napatingin ako ulit sa kanya dahil akala ko tuluyan na syang lumabas. "I know the ring is important for you but it is not right to risk your life. I might not be a good husband but know that I do care for you" he said bago tuluyang lumabas. Ako? naiwan lang naman akong nag uumapaw ang kilig sa katawan. Gusto kong magsisigaw. Nag aalala na si Thunder sakin? Does it mean I'm important to him? Hindi ko alam pero napakasaya ko.  In less than a week ay pinayagan na din naman ako umuwi ng doktor ko dahil mabilis ang naging recovery ko. Hindi na namin pinaalam sa magulang ko ang nangyaring insidente dahil ayaw kong mag alala sila habang nagpapagamot si daddy sa abroad. Binisita ako ni Sanya habang nasa hospital ako, laking gulat nya nga ng malaman na inaasikaso ako ni Thunder. Mas nagulat ako kasi nalaman kong di rin pala pumapasok si Thunder pero umaalis sya pag umaga. Naisip ko baka dahil sa business na mina-manage nya. I did ask him and he told me na inasikaso nya ang bahay para mas mapa secure ito. "Thunder, anong gusto mong lutuin ko para makakain na tayo ng dinner?" tanong ko sa kanya habang nanonood sya ng TV sa sala. Nanlaki naman ang mata nya ng makita ako. "How did you get down here? I told you na magpahinga ka na lang sa kwarto mo diba? Pano na lang kung bumuka yang tahi mo?" natuwa naman ako kasi nakakita ako ng nag uumapaw na concern mula sa kanya. Kung ganito lang din naman si Thunder sakin, ayos lang sakin kahit ilang beses akong magpasaksak, joke lang! Jusko napaka gwapo nya lalo na kapag di naka salamin. Napabalik naman ako sa realidad ng pumitik sya sa harapan ko. "Hindi ka na magluluto, magpapa deliver na lang ako. Sige na maupo ka na lang dito sa couch" sabi nya at Inalalayan nya pa kong makaupo ng maayos bago sya umalis para tumawag. Napaka caring palang tao ni Thunder, kanina din kasi nung pag uwi namin, inalalayan nya ko paakyat hanggang makahiga ako para magpahinga. Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa sobrang busog. Whoo! Ang sarap talaga ng Berrie Royal ng McDonald's. Tatayo na sana ako para magligpit pero pinigilan ako ni Thunder and he told me to just go to my room at magpahinga na. Gusto ko pa sanang tumanggi pero wala din akong magagawa. Nakakatakot kayang magalit ang isang yun. Nakahiga na ko sa kama at magpapahinga na sana ng biglang mamatay ang ilaw.  "Thunder!" sigaw ko dahil bigla na lang nawalan ng kuryente. Nakakatakot at naiiyak ako. Takot pa naman ako sa madilim dahil naranasan ko ng makidnap nung bata ako. Business tycoon ang parents ko kaya naman napagdiskitahan akong kidnappin. Tinali nila ako sa isang masikip at napakadilim na kwarto kung saan nararamdaman ko ang mga insektong gumagapang sa paligid na kung saan ay kinakagat ako. Bumaba ako ng kama ko at pilit na pinagsisiksikan ang sarili ko sa pagitan ng kama at side table ko. Parang sa iba ay kaartehan iyon pero sobrang na-trauma ako dahil sa pangyayaring yun, pinipigilan ko mang umiyak pero hindi ko mapigilan. Mas lumala ito dahil kailan lang ay napasok ang bahay namin at muntik na kong mamatay. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto since hindi ko pa nasasarado ang kurtina ng kwarto, nagsisilbing liwanag ang buwan para makita ko ang humahangos na itsura ni Thunder. "Akira, what happened? Are you alright?" lumapit sya sakin at sinipat ako kung may nangyari bang masama sakin. "I'm fine, Natatakot lang ako Thunder, parang kailan lang nangyari ang lahat" umiiyak kong sabi sa kanya. He gave me a worried look. "Sssh tahan na" He hushed me at naramdaman ko ang pagtapik nya ng balikat ko. "Wag ka ng matakot, as long as I'm here, I will protect you" napatingin ako sa mata nya. Napakaganda ng mata ng asawa ko, pakiramdam ko malulunod ako sa titig nya. "Really? Why would you protect me? Akala ko ba ayaw mo sakin?" medyo humuhupa na ang luha ko. Ang simple-simple lang ng sinabi nya pero nababawasan agad yung takot ko. "Fine, let's say I do hate you pero gaya ng sabi ko sayo nung nakaraan, I am your husband and I am here to take care of you. So you can stop crying. I'll stay with you tonight" Tumango ako at mabilis na yumakap sa kanya. Akala ko ay magagalit sya pero hinayaan nya lang ako. Napakasarap pala sa pakiramdam na nasa bisig ka ng taong pinakamamahal mo, lahat ng takot at lungkot biglang mawawala. Pakiramdam ko may nagkakarera sa puso ko.  Nagising ako dahil tinatamaan na ng sinag ng araw ang mukha ko. Hindi ko nga pala sinarado ang kurtina kagabi. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at laking gulat ko ng makitang may nakatabi saking gwapong nilalang. Mala greek god naman ang itsura nitong asawa ko. Humarap ako sa kanya. Tulog na tulog sya. Napaka peaceful ng pagkakatulog nya, marahil ay sobrang napagod at napuyat sya sa pagbabantay sakin kagabi. I touched his face gently. "I am so lucky to be your wife and I just love you so much" I said in a very low tone voice. Sana lagi na lang kaming ganito.  Sana matutuhan na talaga akong mahalin ng nag iisang lalaking mahal ko. I hope my professor which is my husband will really be lifetime partner. I love you so much Thunder Rein.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD