Chapter 4: Wedding Ring

1457 Words
Akira's POV. "Are you sure na ayaw mong sumabay samin ni Josh kumain sa labas? You said wala naman si Yaya Minda sa bahay nyo, baka mag isa ka lang doon. If you want you can sleepover sa amin." suggestion ni Sanya. Napangiti ako, nakikita ko naman kasi talagang nag aalala sya pero kahit na gusto kong sumama, may pride naman ako no! Malapit na nga akong mabansagan na pambansang third wheel dahil dikit ako ng dikit sa kanilang mag jowa. Isang buwan na kasi ang nakalipas simula ng mag start ang pasukan. Kami ni Thunder ay ganun pa din, parang lumala pa nga dahil para lang akong hangin sa kanya. Minsan sa bahay sya umuuwi, minsan hindi. Kung anong mapag-tripan nya. Minsan gusto ko na nga lang syang yakapin at sabihing wag ng umalis dahil miss na miss ko na sya kaso malamang sapakin ako nun kapag ginawa ko yun. "Ano ka ba Sanya? Hindi na ko baby. I can manage myself. Sige na, mag date na kayo ni Josh. Mag enjoy kayo" pag uudyok ko sa kanya kasi naman kitang kita sa mukha ng best friend ko na ayaw nya kong iwan. "Kasi naman Akira, bakit hindi ka pa mag boyfriend? Para lagi ka ng may kasama" nagkatinginan kami ni Sanya sa sinabi ni Josh. Hindi nga pala nya alam na may asawa na ko. Pero useless din naman ang pagpapakasal naming dalawa ni sungit. Hindi ko rin naman maipagsigawan sa mundo na, ako si Mrs. Montenegro, asawa ni Thunder Rein Montenegro, yung prof na kinababaliwan nyong lahat! I faked a laugh. "Hayaan mo at maghahanap na ko para di na ko third wheel sa inyo" pagbibiro ko. "Loka-loka ka talaga! Alam mo namang imposible yun, martyr ka kaya hindi mo keri" hindi napigilang sabi ni Sanya kaya pinanlakihan ko sya ng mata. "At bakit naman imposible? Grabe ka naman love! Ang possessive mo kahit sa kaibigan mo, pano mapopormahan yan ng barkada ko?" napatingin kami ng sabay kay Josh. "Sino namang poporma kay Akira?" nakataas na kilay na tanong ni Sanya sa boyfriend nya. "Pinagti-tripan mo na naman ako no, Josh? Wag ako, okay?" sabi ko. "Hindi no! Basta makikilala mo din sya. Masyado pa kasing torpe, shy type kasi yun pero sobrang gwapings" "Naku Sanya, bitbitin mo na nga yang boyfriend mo at lumakad na kayo dahil baka nababaliw na yan sa gutom. Kung anu-ano na ang sinasabi" utos ko kay Sanya. "Oo nga! Baka mahamugan ang bunbunan at lalo pang lumala" sagot ni Sanya sakin kaya natawa ako. "Hoy! Grabe naman kayo saking dalawa. Lagi nyo na lang akong pinagtutulungan" pagda-drama ni Josh. "Mag iingat ka Aki, aalis na kami" bumeso muna sakin si Sanya bago umalis. Pagkaalis nila ay sumakay na din ako sa kotse ko at nagmaneho. Nung mai park ko ang sasakyan ko sa garahe ng bahay ay hindi ko malaman pero bigla akong kinabahan. Pero di ko na inalintana yun dahil gusto ko ng matulog. Hindi pa ko nakakabawi masyado sa mga araw na napuyat ako. Konting puyat pa at pwede na kong mag cast na zombie sa walking dead. Wala si Yaya Minda dahil bumisita ito sa isang kamag-anak sa probinsya. Paakyat na ko sa hagdan ng mapansin kong bukas ang pintuan ng kwarto ni Thunder. Napakunot ang noo ko, nakakapagtaka naman na umuwi sya pero wala ang kotse nya. Kinakabahan na talaga ako pero nagtapang-tapangan pa din ako. Tatapang ka kasi talaga kapag si Thunder ang asawa mo dahil para ka kasing may everyday duel sa isang dragon. Sumilip ako ng bahagya sa pinto. Laking gulat ko ng makitang may ibang tao sa loob at mukhang hinahalungkat nya ang gamit ni Thunder. Dahan dahan kong pinindot ang emergency buzzer na meron kami dito sa bahay. Bawat bahay dito sa subdivision na to ay may emergency button na kapag pinindot mo magbibigay ng signal sa mga guards at pulis na rumesponde sa bahay nyo. Aalis na sana ako ng makita kong nasa table  malapit sa pinto ang wedding ring namin ni Thunder, as usual ay hindi nya isusuot iyon nung makita kong tumalikod sya para buksan ang aparador ni Thunder ay naglakas loob akong dahan-dahan at mabilis na kuhanin ang singsing. Nakuha ko iyon at paalis na sana ng mabilis itong humarap kaya nakita nya ko. Mabilis kong itinago sa bulsa ko ang singsing at tumakbo. "Hoy bata! Bumalik ka dito!" rinig kong sigaw nito. Mas binilisan ko ang pagbaba ng hagdan at patakbo na sana sa main door kaso kamalasan ay bigla akong nadulas kaya naabutan nya ko.  Dali dali akong tumayo at nanginginig itong hinarap. "Manong, please kunin nyo na lahat, wag lang tong singsing" pagmamakaawa ko pero sa totoo lang kinakabahan ako. Nakakatakot yung itsura nya, ang laki nyang tao, maraming tattoo at nanlilisik ang namumula nyang mata. "Masyado kang atribida!" nagulat ako ng mabilis itong lumapit sakin at hawakan ako sa balikat "Perwisyo ka kaya ito ang nararapat sayo!" yung sumunod nyang ginawa ang syang lubos na nakapagpagulat sakin. Napasigaw ako sa sakit pero tila kasabay noon ay nabingi ako. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa lapag at unti-unting pagdilim ng paningin ko. Thunder's POV. "I told you I cannot stay here tonight Ella" I told Ella. Bumaling ako ng tingin sa kanya. Ella is my girlfriend. Girlfriend ko na sya bago pa kami maipakasal ni Akira.  Nakilala ko sya noong college palang kami. Hindi ko kayang hiwalayan si Ella kaya hindi ko na lang sinabi sa kanya na may asawa ako at nagpakasal ako ng lihim. Pero ang hindi ko maintindihan ay for unknown reason di ko alam kung bakit wala akong guts para sabihin kay Akira ang about kay Ella. "Please naman babe, dito ka na mag stay. Minsan ka lang naman mag sleepover dito, usually doon ka naman sa office mo" pagmamakaawa sakin ni Ella. That's true, yung mga gabi na hindi ako umuuwi sa bahay. Sa opisina talaga ako tumutuloy. Sa tatlong taon naming kasal ni Akira kahit kelan di mabasag basag ang awkwardness at parang malaking pader na nasa pagitan naming dalawa. Pwede naman kasi kaming maging magkaibigan kaso alam ko naman yung feelings nya para sakin. I just don't want to give her false hope dahil baka mas lalo syang umasa na may patutunguhan ang relasyon namin na to. Ewan ko ba sa babaeng yun, she is an all out and vocal. She will say and do what she want. She is always full of surprise. "Ella, I can't, I'm sorry, I'm going" nakita kong lumungkot ang mukha nya, pero merong parte sa sarili ko na gustong gusto ng umuwi. Nagpaalam si Yaya Minda na hindi sya makakauwi kaya mag isa lang doon yung babaeng yun. The night we fought na hindi sya nakauwi agad and she started talking about responsibility ay tumatak sa isip ko. I hate her pero responsibilidad ko pa din sya. "Fine! Take care okay? I love you" lumapit ito at hinalikan ako sa pisngi. "Thanks. Love you too" Mabilis din naman akong nakarating sa subdivision namin dahil walang traffic. Papasok na ko at dadaan na sa guard house at akmang lalampasan ko na ito ng makita kong pinapahinto ako nung guard. Nakakapagtaka naman dahil kilala naman nila ang sasakyan ko. Huminto ako at binaba ang bintana ng sasakyan ko. "Manong, ano pong problema?" "Ay Sir Montenegro. Nasa bahay nyo po ba ang misis nyo?" tanong nito. "Siguro po, bakit?" "Kasi sir, may nag ring po ng emergency button sa inyo, nagpunta na po ang respondents namin sa bahay nyo. Mag ingat na lang po kayo pauwi" Kinabahan ako bigla kaya dali-dali kong nagmaneho pauwi. Hindi ko alam pero ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko habang nagmamaneho ako. Malayo pa lang ako ay tanaw ko na ang sasakyan ng pulis at barangay. Mukhang nagkakagulo sila. Pagkapark na pagkapark ko sa tapat ng bahay ay dali dali akong bumaba. Nakita kong may inilabas silang naka posas na lalaki mula sa bahay namin. "What the hell happened here?" tanong ko pero di nila ako inalintana. "Nandyan na ang ambulansya? Buhay pa ba yung babae?" tanong nung isang pulis. Mas kinabahan ako ng marinig ko iyon kaya hinatak ko sa kwelyo yung pulis kaya nakuha ko ang atensyon nya. "Teka sir, sino ba kayo? Bawal pa po ang outsider dito" "Where is she? I'm her husband. Where's my wife?" "Pasensya na po, dito sir" turo nya sa loob ng bahay. Hindi pa man din nya natatapos ang sasabihin nya ay pumasok na ko sa loob ng bahay. Sa unang beses sa buhay ko ay pinanlamigan ako ng husto. Si Akira, nakahiga sya sa lapag, walang malay at duguan. Pinalilibutan sya ng mga pulis. "What are you staring at?! Bakit wala kayong ginagawa?! Magsitabi nga kayo!" sigaw ko. Hindi na ko nagdalawang isip at binuhat na si Akira. Sinubukan nila akong pigilan pero nagmamadali akong isinakay sya sa kotse. While driving her to the hospital. I can't help but curse at myself. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat ng ito. Masyado akong naging pabaya, kahit pa hindi pagiging asawa ang maging trato ko sa kanya dapat man lang hindi ko sya pinabayaan. You are so damn selfish Thunder.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD