Cloud's POV.
"How do I look bro?" tanong ko kay Josh.
Ito kasi yung araw na nagkalakas na ko ng loob para magpakita at mas makilagkilala kay Akira.
Dapat ay noong nakaraang linggo pa ito pero may nangyaring masama sa kanya, kaya mas gusto ko syang makita ngayon, I wanna check and see personally na ayos na sya. Sobra kasi akong nag-aalala para sa kanya.
"Ano ka ba naman tol? Ang OA mo na, don't worry dahil hindi nadadala ng pogi lang si Akira. Sabi naman ni Sanya sakin, NBSB daw si Aki kaya kung liligawan mo sya at malinis ang intensyon mo, we will support you" assurance sakin ni Josh. "Ayan na pala sila"
Bumilis naman ang t***k ng puso ko ng makitang bumaba na ng sasakyan nya si Akira at mula sa passenger seat nito ay lumabas si Sanya.
"Good morning babe!" bati ni Sanya kay Josh, bago pumunta at yumakap dito.
"Tss umagang-umaga ang aga ng landian, di pa ko nakapag breakfast pwede bang kumain muna tayo sa cafeteria?" pagyaya ni Akira.
Tila nabagabag naman ko ng marinig kong hindi pa sya kumakain? Bakit nya naman pinababayaan ang sarili nya ng ganyan? If she want, I can take care of her all my life, I wanted to tell her that pero baka magulat sya at ano ang isipin nya sakin.
"Yes we will Aki, after you meet my teammate na isa rin sa mga close friends ko. Akira, this is Cloud. Cloud, this is Akira" pagpapakilala samin ni Josh habang binibigyan ako ng mapanuksong ngiti.
Bumaling si Akira sakin na tila nagulat pa
"Wait, OMG! Cloud! It's nice to see you again! Grabe, thank you talaga sa pagtulong sakin dati!" nakangiting sabi sakin ni Akira.
Tila saglit akong na stuck while staring at her face, grabe ang ganda-ganda nya na nga, mas maganda pa sya pag ngumingiti.
Napakamot ako ng batok dahil pakiramdam ko para akong kamatis nawawalan ako ng sasabihin.
"Wala yun, I was just glad I was there to help you, pero ayos lang ba kung makikipag-kaibigan ako sayo?" grabe buti nasabi ko din sa wakas.
"Ano ka ba naman? Tinatanong pa ba yan?Sure, no problem pero sa ngayon kasi kahjt gusto kong makipagkilalahan pa sayo, I am really, really hungry kaya sumama ka na samin, kumain na tayo!" pagyaya nya.
"Ako?" tanong ko.
"Oo naman! Let's go! Gusto ko na talagang kumain, feeling ko may dragon ako sa tiyan" nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at hatakin papuntang cafeteria.
Sana mag freeze muna ang oras saglit. Napakasaya ko habang hawak ang malambot na kamay ni Akira.
Akira, you really make my heart beats fast.
She is like an angel.
Akira's POV.
Grabe nabusog ako doon sa kinain ko, hindi kasi ako nakapag breakfast dahil late na naman akong nagising. Puyat na naman kasi ako lagi. Hindi na naman kasi umuuwi ang magaling kong asawa. Akala ko after nung nag black-out serye namin ay magiging okay na kami pero mali pala ako.
Thunder is still cold as ice to me. Wala pa rin syang pake sa existence ko. Na-guilty lang sya, yun lang yun!
Ang dami naming napagkuwentuhang apat, grabe ang saya palang kasama ni Cloud. Napaka komportable ko sa kanya kahit kakakilala pa lang namin. He is genuine and very transparent.
Kapag nagtatawanan kami ay pakiramdam ko lahat ng atensyon ng mga tao ay nakapukol na samin.
Nasa kalagitnaan kami ng tawanan ng mapahinto ako dahil sa taong pumasok sa cafeteria.
Nakatingin ng diretso sakin si Thunder and I don't know if it's my illussion pero parang naiirita syang makita ako. Ngingitian ko sana sya pero mabilis syang umiwas ng tingin.
Porket pogi, akala mo sinong famous!
"Aki, tara na! Magbi-bell na, pasok na tayo bago pa tayo ma-late" pagyaya sakin ni Sanya na mabilis ko namang tinanguan ko naman. Tumayo na ako at akmang kukunin ang bag ko ng magulat ako ng bitbitin ito ni Cloud.
"I'll carry this for you" nakangiti nyang sabi sakin.
"Hindi na Cloud, nakakahiya naman, ako na lang. Kaya ko naman" sabi ko habang pinipilit bawiin ang bag ko.
Itinaas nya lamang ito sa taas ng ulo nya at since basketball player sya ay alam nyo ng matangkad sya diba kaya ako ito tumitingkayad habang inaabot ng pilit ang bag ko.
Konti na lang maaabot ko na yung bag kaso naramdaman kong tumama ang tungki ng ilong ni Cloud sa noo ko, kaya naman napatingin ako sa kanya pero nakangiti lang si Cloud habang nakatingin sakin. Tinigil ko na ang pagtingkayad ko at pagtatry na kunin ang bag ko.
I sighed. I'm defeated.
"Fine, sige na nga dahil male-late na din ako kaya tara na" sabi ko na lang dahil medyo na-awkward ako sa scene kanina.
"Good, let's go Aki!" sabi nya bago ako hinatak sa braso. Bago kami lumabas ng cafeteria ay lumingon ako at nakitang nakatingin samin si Thunder.
OMG! Don't tell me nakita nya yun? Baka anong isipin nya, tiyak na malalagot na naman ako nito.
Ano ba tong iniisip ko? Bakit naman ako malalagot? Wala nga naman palang pake sakin yun atsaka as if naman na magseselos sya.
Hindi na ko nagpahatid pa kay Cloud sa building namin dahil male-late na din sila sa klase nila.
As usual pag pasok namin sa classroom, naghiwalay na kami ni Sanya dahil nga sa seating arrangement. Busy pa ang mga ka course namin at yung mga mean girls as usual nagpapaganda na naman.
Nag headset na lang ako para makinig ng music dahil late si Thunder at first time to.
Maya-maya lang ay dumating na si sungit, we greeted him good morning pero parang wala lang sa kanya, halatang-halatang bad mood sya.
Pakiramdam ko nga ini-ignore nya ko na as if hindi nya ko nakikita sa klase. Ewan ko, dati naman di nya din ako pinapansin pero iba kasi ngayon parang ramdam na ramdam kong asar na asar sya sakin.
Nagsimula na ang klase nya at nagturo na sya ng philosophy.
Totoong magaling magturo si Thunder dahil passion nya talaga ito. Bata pa lang kami alam ko ng gusto nya talaga ang pagtuturo.
Dahil short lesson lang ang tinuro nya mabilis naman nyang natapos ito.
"Did you get our lesson for today?" tanong ni Thunder.
"Yes prof!" sabay sabay naming sabi.
"Do you have any other questions?" tanong nya ulit.
Nagtaas ng kamay si Venus.
"Yes Ms. Candellara? What's your question?"
"Sir, are you in a relationship right now? May girlfriend ka po ba?" Venus asked.
Lahat kami nagulat sa tanong nya. Even Thunder was taken back.
Anong connect sa lesson ng tanong nya?
Nagagawa talaga pag puro ganda ka lang at di ginagamit ang utak.
"Seriously?" plain na sagot ni Thunder.
Yep super plain walang emotion. I was expecting that he would say that he has a wife kahit na di nya na sabihing ako yun.
"Well sir kung hindi nyo pa po alam ay pantasya kayo ng halos lahat ng babae dito sa campus" sabat naman ni Athena.
"At included kami dun sir! We really do like you" sabi ni Gail sabay beautiful eyes.
Jusko ang lalandi naman ng mga to. Kumukulo ang dugo ko.
"What can you say Akira? Diba gwapo si sir, bilang isa sa mga magagandang students dito sa campus for sure may opinion ka?" nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Sanya. Nagtaas baba pa ng kilay nya.
Bestfriend ko ba talaga to? Inaasar ata ako ng demonyita tong. Nakita ko namang napataas ng kilay yung mga mean girls.
Tsk ganun talaga hindi nila matanggap na mas maganda ako sa kanila.
I cleared my throat
"Well, gwapo naman talaga si Sir Thunder pero why don't you all stop hitting on him, mamaya may girlfriend o asawa pala yung tao" nagulat din ako sa sagot ko.
Grabe halata bang binabakuran ko siya?
"What? You b***h!" nagulat ako sa bulong ni Athena dahil sya ang pinakamalapit sakin.
"Sino ka para sabihan kami to stop? Ikaw ba ang tinatanong namin?!" akmang lalapit sya sakin para siguro sugurin ako pero hindi natuloy yun dahil
"Stop all of you and go back to your proper places!" biglang sumigaw si Thunder.
Ang nakakatakot nyang boses ang nagpatigil sa aming lahat. Napakaseryoso ng mukha nya pero napaka gwapo pa din.
"I won't answer nonsense question that isn't connected to our lesson. Please know that I won't tolerate fighting in class" bumaling sya sakin. "I wish to speak with you Ms. Santos" pagkasabi nya nun ay lumabas na sya.
"Buti nga sayo, detention ka na naman, stop being so ma-epal kasi" sabi ni Gail sakin before she flipped her hair na akala mo sinong kagandahan.
Lumapit sakin si Sanya.
"Sorry Aki, I don't mean it" mukhang takot talaga sya sakin.
"Napaka pasaway mo kasi Sans! Nakakaloka ka naman! Made detention na naman ako"
Bago mag uwian ay nagkalakas na ko ng loob na pumunta sa office ni kulog.
I knocked and he ordered me to come in.
Pumasok ako at sinarado ang pintuan.
"What was that back there?" diretsa nyang tanong sakin.
"What?" maang-maangan ko.
"Your answer I mean"
"Ano namang problema sa sagot ko?" sabi ko sabay taas ng kilay. Wow ang lakas ng loob kong sumagot ngayon.
Appear tayo self choz
"You sound like a jealous girlfriend" sabi nya. Naka poker face pa din sya. Yun na ata ang natural nyang itsura.
"What? Me? Jealous? Nag e-explain lang ako at isa pa, may katotohanan ang sinabi ko. You are a married man! Baka nakakalimutan mong kasal ka sakin" maski ako ay nagulat sa sagot ko sa kanya.
Ano ka ba naman Aki! Mag isip ka nga muna bago ka magsasalita baka kainin ka ng buhay nyan.
Tumayo sya at lumapit sakin.
Parang may naghahabulang daga sa loob ng puso ko.
Jusmiyo bat naman napakabango nya. Nagulat ako ng ilapit nya sakin ang mukha nya at mas dumoble ang kaba ko ng hawakan nya ko sa baba.
He stared at me directly. Ito na ba yung hinihintay kong kiss namin! Pero bat naman sa lahat ng kiss na magaganap. I don't feel romantic, maybe its because of the way he look at me. Masyadong cold.
"Akira, baka nakakalimutan mo din na napilitan ako sa kasal na ito, na hindi ko ginusto o pinangarap na mapangasawa ang isang tulad mo" pagkasabi nya nun ay binitawan nya ang baba ko at lumayo.
At ako? Para akong estatwa, hindi ako makapagsalita at hindi makagalaw. Pakiramdam ko anumang oras ay babagsak na ang luha ko pero I am giving the best that I can para pigilan yun.
Ang sakit. Ang sakit-sakit pala na marinig sa kanya na ayaw nya talaga sakin. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko.
"You know what I don't get you, I saw you this morning, flirting or rather kissing another guy in the cafeteria pero kung maka arte ka ay akala mo faithful wife ka" he said na ikinagulat ko.
Akala nya ba naghahalikan kami ni Cloud?
"Mali ang iniisip mo Thunder, hindi kami naghahalikan gaya ng sinasabi mo. Cloud and I are just friends!"
"Save it, I don't need your explanation. Next time please lang, don't act like you own me, cause you don't. Remember that I don't love you nor see the way you see me" cold nyang sabi.
Pakiramdam ko hindi ko na kakayanin pa kaya tumalikod na ko para lumabas. Dire-diretso, walang paa-paalam. Hindi ko na kaya.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, grabeng sakit ang binibigay nya sakin pero hindi ko pa din sya maiwan-iwan. Hindi ko yata kaya dahil kahit bali-baliktarin ko man ang mundo,
Iisang tao lang ang mahal ko.
At walang iba kundi ang asawa kong alam kong imposibleng mahalin ako.