Chapter 3: The Request

2145 Words
Cloud's POV. "Pre, bakit late ka?" bungad na tanong sakin ni Bryan na ka teammate ko. By the way, I'm a basketball player. Varsity player ako ng Montenegro University. I'm Cloud Denver Hermosa. "I've met someone" sagot ko at kusa akong napangiti ng maalala ko ang mukha nya. She is an angel. "Someone? Aba chickababe yan no? May lolokohin ka na naman no?" pang aasar sakin ni Lemuel. "Gago! Hindi ako katulad mo" sagot ko. Nagtawanan naman ang mga kasama namin. "Sino naman yang nakilala mo? Maganda ba? Taga saang school?" Ian. "Same school natin sya eh, Business Administration Department lang" napansin ko kasi na yun ang department nya dahil sa uniform nya. "Talaga? Sino nga? Para mapormahan ko na" sabi ni Kean sabay tawa. "Grabe, para akong na starstruck kagabi nung nakita ko sya. Her name is Akira" sagot ko ng nakangiti. Ewan ko ba, gandang ganda ako sa kanya at ang mga ngiti nya ay nakakagaan ng loob kahit unang beses pa lang na pagkikita namin iyon. "Akira? Her name is Akira? Do you mean Akira Sapphire Santos?" nagulat ako dahil kilala sya ni Josh. "You know her dude?" tanong ko. "Oy mukhang magkaribal pa sila?!" pang aasar ni Lemuel kaya nagsitawanan na naman yung mga kasamahan namin. "Hindi! Alam nyo namang loyal ako kay Sanya, mga ugok to! Kilala ko si Akira kasi best friend sya ni Sanya. Medyo close kami." sagot ni Josh. "Talaga?" natuwa naman ako sa sinabi nya. "Ibig sabihin pwede mo kong ilakad sa kanya? Do you know if may boyfriend ba sya? " "Sa pagkakaalam ko wala, kasi wala naman akong nakikita na kasama or pinakilala nya samin. Although to be honest, ang daming umaaligid doon kahit sa iba pang department, maganda kasi talaga tapos mabait at matalino pa." mas nangiti ako hearing this from someone else. "Yun lang pare, hindi nadadaan si Akira sa mga lakad-lakad. Kilala yun na nambabasted on the spot pero kung gusto mo i-get to know mo muna tapos kapag close na kayo, baka pwede mo na syang pormahan." Napaisip naman ako sa sinabi ni Josh.  Papasa kaya ako sa isang Akira?  She is really someone who amazed me. Akira's POV. "Hay jusko po!" nagulat si Yaya Minda nung magbukas ako ng pinto bago pa man sya kumatok. "Nagulat naman ako sa inyo Ma'am Akira, napaka aga nyo namang gumising" "Maaga lang po talaga akong nagising Yaya Minda. Wag na po kayong maghanda ng agahan dahil doon na po ako kila Mommy mag aagahan" sabi ko at tumango naman ito. Bago pa mag 7 am ay nakaayos na ko. Nag uniform na ko dahil may klase din naman ako mamaya at didiretso na ko ng school. Maya-maya lang ay nakapag park na ko sa garahe ng bahay namin. Napansin ko ding naroon na ang kotse ng magaling kong asawa. Hindi ako ginising at hindi man lang ako isinabay, ang bait talaga! Pagkapasok ko pa lang sa sala ay sinalubong agad ako ni Mommy. "Akira! My beautiful daughter! Do you know how badly your mommy missed you?" sabi nya habang yakap ako. Niyakap ko din sya ng mahigpit. Iba talaga ang comfort na nakukuha ko kapag nakikita or nakakasama ko ang magulang ko. Lalo na si mommy, dahil super close kami. "I missed you too mommy! Sorry bihira kaming makapunta dito, alam mo naman pong napaka busy ko sa school at ganun din si Thunder sa business at pagtuturo nya" I explained. "By the way mommy, nasaan si Thunder at si Daddy?" kanina ko pa kasi hinahanap yung dalawa. Although inis na inis ako kay Thunder, hindi naman mawala-wala ang pesteng affection at care ko sa kanya. "Nandun sa tennis court sa likod. Naglalaro na naman ata sila. You know nagpapapawis" sagot ni Mom akmang pupunta na ako doon ng magsalita ulit sya "By the way hija, hindi na naman kayo sabay pumunta ni Thunder dito, hindi pa din ba kayo ayos?" tanong nya. I faked a smile. "Mommy, kelan ba kami naayos ni Thunder? We both know how aloof my husband is" Alam naman ng magulang ko na hindi naman na talaga payag ang asawa ko na maikasal kami. I wanted this marriage. Ako lang. "If it's not working, pwede naman na kayo mag annulment anytime. We can get the best lawyers for you two." Nanigas ang buong katawan ko sa sinabi ni mommy. "Mommy, I still have a year. Hindi ko basta-basta susukuan si Thunder, alam mo naman yun diba? Alam mo namang ako ang nagpilit ng arranged-marriage na to because you know how badly I want him. I just can't let him go like that. Maybe someday, but not now or not soon enough" "I know that pero hindi naman ako manhid anak para hindi malaman at mapansin na nasasaktan ka na. Ayoko lang dumating sa punto na tuluyan kang masira dahil sa pag-ibig na yan. I know that Thunder is a great guy but I don't want him to destroy you. I don't want him to ruin you, to remove my daughter's precious smile" worried na sabi ni mommy. Hinawakan nya ang pisngi ko. "Mommy, wag ka ng mag-alala. Kung masasaktan ako, hindi yun kasalanan ni Thunder, kasalanan ko yun. Ako ang nagpumilit ng lahat ng ito. Nahihirapan din naman sya sa sitwasyon namin. May isang taon pa mommy. Malay mo mag work out" I smiled. "Pabayaan nyo na po kami, kaya na naming i-handle to" "If that is really what you want Akira" hinawakan nya ang buhok ko. "We will always be right here for you. Kahit na puro business ang alam ng daddy mo" nagtawanan kami sa sinabi nya dahil totoong masyadong workaholic ang mga lalaki sa buhay namin. "Sige na mommy, pupuntahan ko na sila daddy doon. Yayayain ko na mag breakfast. May klase pa kami mamaya" tumango si mommy kaya tumayo na ko para pumunta sa backyard. Bago ako pumunta doon ay kumuha muna ako ng two towels para sa kanilang dalawa. Pagdating ko sa backyard ay mukhang kakatapos lang nila maglaro. "You beat me again son" sabi ni Daddy kay Thunder. Akbay-akbay sya ni daddy. My father adores Thunder so much kaya hindi ako nahirapan na pilitin syang ipakasal ako dito. Gustong-gusto nya kasing magkaroon ng anak na lalaki. Hindi ko din alam bakit hindi na lang sila nag anak ni mommy, para rin may kapatid ako. "No dad, nagpatalo ka lang talaga" nakita kong nagtawanan sila. Buti pa sa daddy ko nagagawa nyang ngitian or makipagtawanan. Ano ba kasing mali sakin at ayaw sakin ng asawa ko? Nagtama ang paningin namin ni Thunder. "Akira! My princess, you're here!" pagbati sakin ni daddy. "Good morning daddy" I kissed him on the cheeks at inabot ko sa kanya yung towel. "Good morning too. Thank you for this anak" tiningnan nya kaming dalawa ni Thunder ng nakangiti. "Papasok na ko at magpapalit ng damit para makapag-agahan na tayo, sumunod na lang kayo" sabi ni Daddy bago pumasok sa loob ng bahay. Great just great. Iniwan mo na naman ako sa dragon na ito. Ngumiti ako ng awkward kay Thunder. "Good morning! This is for you" I asked him sabay lahad ng tuwalya sa harap nya. Tumingin muna sya sakin ng maigi tsaka kinuha yun sa kamay ko. Buti naman kinuha nya dahil akala ko pati yun tatanggihan nya. Bakit kaya ang gwapo pa din nya kahit na pawis na pawis? At take note! Mabango pa din! Stop it Akira! Masyado mo ng pinagnanasaan ang sarili mong asawa. Makasalanan kang nilalang! "You're late again" seryoso nyang sabi. "Sorry, medyo mabagal talaga akong kumilos pero you see, I made it so there's no reason to be mad." pag i-explain ko. Pano ba naman ako hindi babagal kumilos kung ang katotohanan ay wala pa talaga akong tulog. Para akong zombie. Simula ata nung ikasal kami wala na kong matiwasay na tulog. "Just make sure na hindi ka mahuhuli sa klase and also make sure that no one will ever know about our marriage especially in school." "And why?" nagulat din ako sa tanong ko. "You don't need to know" tumalikod na sya at dumiretso ng pasok sa bahay. Naiwan naman ako dito, nakatulala na naman. Bakit ba ganyan yang si Thunder? I can never explain him. Masyado syang mysterious or baka dahil sa hindi ko lang talaga sya kilala. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Sanya na hintayin nya na lang ako sa parking lot para sabay na kaming pumasok. Nag stay muna ko saglit sa backyard namin, nakakamiss maging bata! Walang problema at walang heart aches! Pumasok lang ako ng tinawag na ko ng yaya namin para mag agahan na. Umupo ako sa tabi ni sungit. Bakit ba? Ka-careerin ko na to dahil minsan na nga lang kami magsabay kumain. Lulubus-lubusin ko na. "Pumapayat ka ata Akira" pagpuna ni daddy habang nasa gitna kami ng pagkain. "Po? Hindi naman! Baka masyado lang maluwag itong uniform ko dad! Ipapa adjust ko pa kasi to pero lagi ko na lang yun nakakalimutan!" pagdadahilan ko pero ang totoo napapansin ko nga na pumapayat ako since last summer, simula ng di mag uuwi si Thunder sa bahay. Masyado akong affected pag wala sya. He's like my whole system. "Baka naman pinababayaan mo Thunder itong si Akira namin, alam ko naman na hindi ka talaga sang-ayon sa pagpapakasal nyong dalawa pero sana wag mo syang pababayaan at wag na wag ka din sanang mambababae hanggat nasa apelyido mo ang anak ko" "Daddy!" suway ko kay Daddy. Tiningnan ko si Thunder. I can see uneasiness in his face. Naku talaga Dad lagot ka sakin kapag pinag-initan na naman ako nitong si kulog. "Don't worry dad. Inaalagaan ko naman si Akira" he answered at bumaling sakin. "Right Aki?" nagulat ako sa tinawag nya sakin. Maka Aki naman sya akala mo naman super close kami pero ang totoo, halos lamunin nya ko ng buhay kapag nagagalit sya. Tiningnan ako ni Thunder na para bang sinasabing sumang-ayon ako kung hindi, maaga akong mamamatay. "Hahahaha" I faked a laugh. "Ano ka ba naman Daddy. Inaalagaan naman ako ni Thunder. Suuuupppperrrr bait nga nyan sakin kaya don't worry" pasalamat ka Montenegro at mahal kita kaya nililigtas kita sa daddy ko. Iba kasi magalit si Daddy at isa pa ayoko ng mag alala sila ni mommy since pupunta sila ng US dahil kailangan ng magpagamot ni Dad dahil may sakit sya sa puso. "Good! At least pag umalis kami ng mommy nya ay mapapanatag ako na hindi mo pababayaan ang anak namin" "Pasensya ka na Thunder, kilala mo naman itong si Rodrigo, masyado lang naming bini baby itong si Akira, only child kasi kaya ganito kami" pagpa-paumanhin ni mommy. "No worries mom, okay lang po. I understand" Thunder. Sus! Akala mo sinong mabait. "By the way, I know may usapan tayo na by the time Akira reach the agreed age at hindi pa rin nagwo work ang relationship nyo is pwede kayong maghiwalay. I know you don't forget that dapat bago man lang kayo maghiwalay ay mabigyan mo kami ng apo kay Akira, Thunder" *cough* *cough* Nasamid ako sa pinaalala ni daddy. Grabe din kasi sya! Oo ako nagpumilit ng kasal pero yung apo-apo na yan, Idea nya yan. Pakiramdam nya kasi tatanda akong dalaga at isa pa daw maganda ang lahi ni Thunder. He only wants a grandchild na magiging tagapag mana ng lahat ng yaman na meron kami. And he sees no better genes daw than Thunder? Is he a demigod or what? Pero anong tingin nya kay Thunder? Baby maker? "Daddy naman! We are in the middle of breakfast! Why bring it up now?" sabi ko kay daddy pagkatapos kong uminom ng tubig. "Oo nga naman Rodrigo" mommy. "Sana naman tuparin nyo yang hiling ko na yan. Ayaw nyo naman sigurong sumama ang loob ko?" may paghihinampo sa boses nya. Porket may sakit sya sa puso tini take advantage nya yung opportunity. Manipulative business man indeed! Sinimangutan ko sya. "Yes Dad. Don't worry, I'll do my best to give you what you want" literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Thunder. Nababaliw na ba sya? Akala nya ba nagjojoke tong si daddy? Rodrigo Santos is not someone to mess around! "Good! Kami ng bahalang mag settle ng mommy nyo ng lahat in case it doesn't work out pero mas okay sana kung hindi na kayo maghihiwalay at magkakatuluyan na talaga para hindi naman lumaki sa broken family ang apo ko" Wow maka apo! Akala mo naman buntis na ko at mangyayari yun. Hays, nanahimik na lang ako. Ayoko ng sumali sa usapan nila. Nakaka stress! Sana business na lang ang pinag usapan nila. Buti na lang talaga natapos na ang pagkain namin. Kinulit pa kami ni daddy kaya nagsabi na ko na kailangan na naming pumasok. Papunta na kami sa kanya-kanyang kotse namin, ang awkward sobra dahil parehas kaming tahimik. Well, ano bang bago? Bihira lang naman kaming mag usap kaya sanayan na lang. "Wag ka ng kung saan-saan pumunta. Kapag na late ka sa klase ko mamaya. I don't know what I will do to you" Thunder. "Seriously?" "Yes" pagkasabi nya nun ay sumakay na sya sa Lamborghini nya at pinaharurot na yun. Bastos talaga! Mapagtripan sana yang kotse mo! Napakagaling ng asawa ko, hindi ko alam kung tao ba sya o alien at napakahirap nyang palambutin at paamuhin. Pano ko gagawing maayos ang pagsasama namin kung damang-dama ko naman na ayaw nya sakin? Thunder Rein Montenegro. I really don't know what to do with you
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD