Chapter 2: Cloud Hermosa

2140 Words
Akira's POV. Sa wakas natapos din! Bwisit na Thunder yan. Kaka umpisa pa lang ng klase, pinahirapan agad ako. Tumingin ako sa relo ko, 8pm na pala. Sa totoo lang hanggang 5pm lang ang pasok ko today pero dahil pinaglinis nya pa ko ng buong library inabot na ko ng ganitong oras. "Akira, ito na ang ID mo" She said as she handed me over my ID. "Sa susunod iwasan mo ng pag initan ka ni Thunder, kilala yun dito bilang terror prof. I know you're a good student. First time mong mapunta sa library not to read pero dahil sa detention. You should be careful" dagdag ni Mrs. Bitancor. Sya ang librarian ng school namin. Medyo close kami kasi naging tambayan ko na tong library. You see, I like reading. "Yes ma'am. Mag iingat na po ko sa susunod. Maraming salamat po" ngumiti ako at sinuot ang ID ko. Naku kung alam nya lang, in-born lang talagang masama ang ugali ng Thunder na yun at gusto nya lang na pag initan ako. Kinuha ko ang bag sa locker ko. I checked my phone. Nakita kong maraming missed call si Sanya sakin. I dialled her number. Ilang ring lang ay sinagot nya din naman. "Oh bat ngayon ka lang tumawag?" tanong nya sakin. "Ngayon pa lang ako natapos maglinis" sagot ko. "What? Grabe naman di ka man lang pinauwi ng maaga nyang asawa mong bakla" "Yep. Matindi talaga sya. Nakakabwisit sobra! Alam mo, naniniwala na ata ako sayong bakla si Thunder, sobrang rude!" asar na asar talaga ako sa kanya. Kung hindi ko lang sya mahal at di lang sya gwapo, naku talaga! "Who are you calling gay and rude?" Nagulat na lang ako dahil biglang sumulpot sa gilid ko si Thunder. Tumingin-tingin ako sa paligid. Buti na lang wala ng estudyante dito dahil mga hindi naman sila mahihilig magsipag-basa ng mga libro at yung iba naman nagsipag-uwian na. "Patay ka girl, narinig ka!" pananakot na sabi sakin ni Sanya. "Sige na, sige na. Ibababa ko na. Mamaya na lang tayo mag usap. Dumating ang dragon. Ciao!" sagot ko sabay baba ng tawag. Tumingin ako ng diretso kay Thunder na ngayon ay naka crossed-arms sa harapan ko. "Why are you eavesdropping someone else's call? At bakit nandito ka pa? Tapos na klase mo" mataray kong sagot. Bwisit kasi talaga ako sa kanya. "Why? Is it right to gossip about me? Wala kang pake kung bakit nandito pa ko, pag aari ko tong school na to" he smirked. Bwisit na kulog to. "FYI, pag-aari ko na din tong school na to since it's a conjugal property at isa pa sigurado ka bang ikaw ang pinag uusapan namin ha?!" "I clearly heard my name, Akira. Don't make a fool out of me, hindi ka ganoon kagaling magsinungaling" "Ikaw lang ba ang Thunder sa mundo ha?!" sabi ko trying to see if that will work pero nakatingin lang sya ng diretso sakin. "Bwisit" I murmured. "Totoo naman na napaka rude mo, kakasimula pa lang ng klase pinag iinitan mo agad ako" huminga ako ng malalim dahil nakakainis ang titig nya "Bahala ka nga dyan.Sige na uuwi na ko dahil nagugutom na din ako. Goodbye Prof. Montenegro, I should get going." Tumalikod na ko at nagsimula ng maglakad. Totoong nagugutom na talaga ako. "You stay there" sabi nya sa nakakakabang boses kaya awtomatikong napahinto ako. Kapag seryoso na talaga sya, totoong nakakatakot si Thunder. Dahan-dahan akong lumingon. "What now sir?" tanong ko. "Tomorrow dun tayo magbi-breakfast sa parents mo. They called me since hindi ka raw nila makontak, I figured na busy line ka dahil ang hilig mong makipag chismisan dyan sa bestfriend mo" "Talaga?! Pupunta tayo kila mommy?" I exclaimed. "Grabe namimiss ko na sila! Ilang linggo na din kaming di nagkikita" excited kong dagdag. "Stop being childish kung ayaw mong napapag-initan kita, when will you freakin' grow up? Kaya pwede ba umayos ka at umakto sa edad mo Akira" "Whatever Thunder" sinabi ko iyon para tumigil na sya. "Sabay ba tayong pupunta?" tanong ko. Gusto ko talagang sumakay sa kotse nya, pakiramdam ko ay mag-asawang tunay kami. "In your dreams. You have a car, you can drive, you go your own." "Sabi ko nga." hindi ko napigilan ang lungkot sa tono ko, umasa ka na naman kasi Akira, para ka naman kasing nakikipag usap sa bato. "Hindi ka ba uuwi sa bahay ngayon? You didn't go home last night" "Hindi. May importante akong dapat puntahan" mabilis nya kong binalingan ng weirdong tingin at nakakapanuya iyon. "Wait, are you acting like a real wife now?" tanong nya sakin. "No" plain kong sagot. "That's right! Let me remind you that this is just an arranged marriage. Once you reached the agreed age pwede na tayong maghiwalay" ramdam ko ang sama ng loob nya sa pagkakasabi nya noon. He never wanted to marry me. "I will never treat you like a real wife so please do me a favor and don't get your hopes up" Pakiramdam ko babagsak na ang luha ko pero I did my best to stop it from falling. Pag umiyak ako malalaman nyang affected ako. Ako na naman ang talo sa aming dalawa. "Don't worry Thunder, alam ko kung ano ako sayo lalong lalo na ang mga limitation ko" huminga ako ng malalim. "May sasabihin ka pa ba?" umiling sya kung kaya tumalikod na ko at naglakad. Pigil na pigil ang pag iyak ko dahil may mga iilan pang estudyante akong madadaanan bago mag parking lot. Pinauwi ko na ang family driver namin dahil marunong naman talaga akong mag maneho. Nagpasalamat akong ginawa ko iyon dahil ayokong panoorin nya kong mag-iiyak sa kotse at baka makarating sa parents ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa sasakyan ko ay yumuko agad ako sa manibela. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Masyado kasi akong umaasa, asang-asa ako na magiging maayos kami, na balang araw magkaka chance ang marriage namin pero sa mga sinasabi nya at pakikitungo nya sakin, pinaparamdam nyang napaka imposibleng mangyari nun. Nasa kasunduan iyon na if I reach the age na napagkaunduan namin pero hindi pa din namin natututunan na mahalin ang isa't-isa, pwede na kaming mag annulment. I am a year away from that age, konting panahon na lang ay maghihiwalay na kami. Hindi ko maintindihan kung saan ako nagkulang. Nung unang taon naman namin bilang mag asawa, ginawa ko ang lahat para maging isang perfect wife pero ang ginawa nya lang ay itaboy ako. He built these high walls around him kaya bandang huli, nagsawa na din ako. Ikaw kaya ang ma reject ng countless of time? Nakakapagod na din at nakakadurog ng self-esteem. Sana pati feelings napapagod. Pinunasan ko ang luha ko at nagmaneho na paalis. May kalayuan ang eskwelahan namin at ang bahay namin ni Thunder kaya kailangan talagang may kotse ka. Kalahating oras na ko sa biyahe ng ma flat ang gulong. Kamalasan naman talaga! Kinuha ko ang phone ko para tawagan na sana ang family driver namin kaso hindi yata ako sinuswerte ngayon dahil dead batt naman ako. Asar! Ayoko namang iwan tong sasakyan ko dito. Not to brag pero may kamahalan ang kotse ko at bago pa. Umupo na lang ako sa side walk dahil sobrang naiinis ako. Bwisit talaga! Next time talaga pag aaralan ko na ang pagpapalit ng gulong. Halos ilang minuto na ko sa kinakaupuan ko pero di pa din ako makapag desisyon ng gagawin. Nagulat ako ng may humintong sasakyan sa harapan ko. I was amazed ng makita kong ferrari ito, spider-man customed. I love luxury cars kaya pamilyar na pamilyar ito sakin. Doon ko lang napansin ang isang lalaki na nakasakay doon. "Miss, you need help?" tumingin ako sa kanya at tinuro ang sarili ko. "Are you talking to me?" I asked him. "Hindi, yung sasakyan ang kausap ko" pilosopo nyang sagot kaya tinarayan ko sya. Feeling close! Close ba kami? Bumaba sya ng sasakyan at nagulat ako ng makita ko ang logo ng university namin sa uniform nya. From the looks of it mukha syang Entrepreneurship Student. To be honest, gwapo at matangkad sya pero hindi ko binawi ang masama kong tingin sa kanya, hindi ko alam kung anong modus nya. "It looks like your tire is flat, let me help you" sabi nya. Tumayo ako at narealize kong hanggang ilalim lang ako ng baba nya. "No need, I can manage" mayabang kong sagot. Hindi ko sya kilala at hindi ko alam bakit sya nag o-offer ng tulong all of a sudden. "Really? I think almost half an hour ago nung hinatid ko yung barkada ko ay nadaanan na kita. Kung kaya mo talaga, sana kanina mo pa nagawa." mas kumunit ang noo ko nung marealize kong matagal na pala akong nakatunganga. "Look miss, gabi na at hindi ako masamang tao, I just really wanna help you dahil baka pag mas lalo ka pang tumagal dito ay mapahamak ka. I'll just help you then I'll go" ngumiti sya sakin. Tiningnan ko syang maigi. Mukha naman syang sincere at mabait. "We are from the same school. Doon din ako nag aaral, sa tingin mo ba may magmumula sa school natin na gagawa ng krimen?" tanong nya. "You never know!" sabi ko at humalukipkip. "Sige na nga since wala akong option pero tandaan mo na pag gumawa ka ng masama, malakas akong sumigaw at kahit saan ka pa magtago ipapahanap kita, okay?" Nahahawa na ata ako kay Thunder. Nahahawa ba ang kasungitan? "Yes ma'am" sagot nya at ngumiti. Hindi ko na lang sya pinansin. Agad-agad nya naman sinimulang ayusin ang sasakyan ko. Ilang minuto lang ay natapos sya ng palitan ang gulong ng sasakyan ko. "Done" he said at tila natameme akong nagpapalit-palit ang tingin sa kanya at sa kotse ko. Lumunok ako na para bang malulunok ko ang lahat ng arte at pride ko kanina. "Thank you" I sincerely told him. "Pasensya ka na pinag isipan pa kita ng masama" nakakahiya naman kasi talaga ako, napaka OA ko na ata. "No problem" sabi nya at ngumiti. "I understand your case, by the way I'm Cloud" he added "Cloud Denver Hermosa" nilagad nya ang kamay, na tinanggap ko naman. "Akira" I said "Akira Sapphire Santos" then we shook hands. "It was nice meeting you Akira" "You too Cloud" I smiled. "Salamat talaga sa tulong but I really should get going now" pagpapaalam ko. I waved at him. "Bye!" "Yeah. Ingat! See you in school" "Sure." I smiled at sumakay na sa sasakyan ko. May mabubuti pa palang tao na ubod ng gwapo no? Masaya siguro kung ganun din si Thunder, yung gwapo na mabait pa ang kaso napakalabo noon dahil pinaglihi ata yun sa sama ng loob. Pagkauwing-pagkauwi ko ay sumalubong agad sakin si Yaya Minda with her worried face. "Akira, bakit ngayon ka lang umuwi? Saan ka nanggaling hija?" nag aalalang tanong nya sakin. "Sorry yaya, may ginawa pa ko sa school at nasiraan po ako sa daan. Hindi naman ako nakatawag dahil nalowbat ako" paliwanag ko. "Naku hija kanina pa tawag ng tawag si Thunder, tinatanong nya kung nakauwi  ka na at nasabi ko na-" "Akira!" naputol ang sinabi ni Yaya Minda dahil sa malakas na pagtawag sakin ni Thunder. Nagulat naman ako dahil ang sabi nya ay hindi sya uuwi. Umalis na si Yaya Minda at iniwan kami sa sala. "I thought hindi ka uuwi?" tanong ko. "Where have you been?! You are supposed to be home an hour ago. Tinatawagan ka naming lahat pero cannot be reach ka?! Saan ka galing?!" galit nyang tanong. Grabe nakakatakot talaga sya para nya kong kakainin ng buhay. "Wait, chill naman Thunder. Can you lower your voice, nakikipag sigawan ba ko sayo?" "Stop fooling around and just answer me! San ka na naman ba lumandi?!" lumaki ang mata ko sa sinabi nya. Parang sinuntok ang dibdib ko at nanliit ako. "What? Ako? Lumandi? Coming from someone who isn't home most of the time?! For your information hindi ako lumandi, nasiraan ako sa gitna ng kalsada at dahil hindi mo nagagawa ang responsibilidad mo bilang asawa ko to look after me, I was stranded not until someone helped me out kaya thank you ha, thank you for being so responsible!" I said that with full of sarcasm. "Wag mo kong pagsasalitaan na para bang napakabuti mong tao, bakit kinukwestiyon mo ko? Bakit may karapatan na din ba kong tanungin ka kung saan ka nagpupunta o natutulog tuwing wala ka dito sa bahay?!" Sumobra na ang galit ko. Ang galing nya din kasi magsabi ng masasakit na salita. Akala ba nya hindi ako naaapektuhan ng bawat salitang nagmumula sa kanya? "Shut up! You made Yaya Minda worried kaya nagagalit ako! Next time mag iisip ka nga sa pinag gagawa mo at ito lang ang tatandaan mo wag kang gagawa ng ikakasira ng pangalan ko. I'm so ashamed to be married to you!" pagkasabi nya nun tumalikod na sya at lumabas. Lumabas na naman sya. Ano pa bang bago doon? Sa tuwing matatalo kami ay lalayasan nya ko. Walk out king goes to Thunder! Umakyat na ko sa kwarto ko at sumubsob sa kama. Nag iiyak na naman ako dahil sa pinagsasabi ng Thunder na yun. Habang tumatagal, mas nakikilala at nararamdaman ko kung gaano sya ka cold-hearted. Wala na lang syang ibang ginawa kundi ang saktan at maliitin ako. Ewan ko ba hindi ako madala-dala. Nagmamahal lang naman ako diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD