MEG Nagliliyab sa galit ang mga mata na pinanood ko kung paano gumapang si Marvin habang nahihilo. Panay ang hiyaw ng nanay niya na pinagpapalo ko ang katawan kaya wala itong ibang nagawa kun'di ang sumigaw at nagmamakaawa na tigilan ko ang ginagawa ko. "Masamang ispirito, lumayas ka sa bahay na ito!" malakas na sigaw ng albularyo sabay hampas ng tatlong pirasong tingting sa hangin. Panay din ang ikot ng kasama nito sa pabilog na guhit hawak ang umuusok na kung ano pero may naamoy akong hindi kaaya-aya mula dito. "Lahat kaya mong labanan Meg pero lumayo ka kapag may holy water na at kahit anong didikit sa'yo. Ito ang kahinaan mo kaya pakatandaan ko," sabi ni Liwanag sa tabi ko. Marahil nakita nito kung saan dumako ang mga mata ko kaya nabasa niya ang iniisip ko. Maraming orasyon na g