MEG Mahinang tunog ng aparato ang sumunod na narinig ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natutulog dahil wala akong natandaan na ginawa ko ito simula ng mag-pagala-gala ang kaluluwa ko. Ramdam ko ang mainit na kung na nakapatong sa kanang kamay ko. Hindi ko mawari kung ano ito lalo na at nawalan na ako ng ganitong pakiramdam sa loob ng dalawang linggo kong pagiging kaluluwa. Gusto kong idilat ang aking mga mata pero hindi ko magawa dahil tila kay bigat ng pakiramdam ko. Ramdam ko kung paano pinisil ng kasama ko sa silid na ito na nasa tabi ko ang palad ko ng paulit-ulit pero wala akong magawa kun'di ang makiramdam. "I'm glad, you survive. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin kung sakaling nawala ka na ng tuluyan. I love you baby." Saglit na hindi nag-function ang isipan k