MEG Naghuhumiyaw ang katotohanan sa harap ko na tila sinasampal sa pagmumukha ko nang paulit-ulit ng dalawang taong lubos na pinagkatiwalaan ko. Simula pa lang pala ay niloko na nila akong dalawa. Hindi magpinsan si Marvin at Brenda gaya ng inaakala ko kun'di magkarelasyon sila. Kita ko kung paano sabay na lumabas ang dalawa ng paulit-ulit na hampasin ko ang windshield ng sasakyang pag-aari ko pa. "Nakita mo ba?" nagtataka na tanong ni Brenda kay Marvin na luminga sa paligid para hanapin kung sino ang salarin kaya natigil ang masakit sa mata na halikan nila. "No, wala akong nakita. Baka mga bata lang na makulit at palaboy dito," kibit-balikat na sagot ng taksil na asawa ko. Kung kanina ay puno ako ng paghihinagpis dahil sa sinapit ko ay iba ngayon. Galit na galit ako na kulang na la