Chapter 5

2085 Words

MEG Matapos umalis ni Marvin sa bahay ni Brenda ay umuwi ito sa mansyon ko. Akala mo ay pinagsakluban ng langit at lupa ang manloloko na asawa ko dahil mukha siyang kaawa-awa sa harap ng mga taong kausap nito. "Ikinalulungkot ko po Nana Bering, wala na po si Meg. Naaksidente po siya kanina ng sundan niya ako sa site dahil sa malakas ang ulan," umiiyak na sabi nito sa mga kaharap. Malakas na singhapan ang sumunod na narinig ko mula sa mga kasambahay ko. Si Yaya Bering ang pinakamalapit sa akin dahil siya ang halos kasama ko noong mga panahon na wala ang mga magulang ko. Nag-iisang taong alam kong minahal ako ng totoo, higit pa sa kung paano ako itinuring ng mga magulang ko. "Diyos ko po! Meg," malakas na sabi ni Yaya Bering sabay takip ng bibig habang umaalog ang balikat matapos marin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD