Chapter 3

1777 Words
MEG Maraming tao ang nagkukumpulan ilang metro mula sa akin ang nakita ko ng bumangon ako sa madamo at basang parte ng lugar na kinagisnan ko. Nagtataka man kung bakit ako maroon ay ipinagsa walang bahala ko at nagpalinga-linga sa paligid. Basa at maputik ang lupa pero wala akong nararamdaman na kumakapit ito sa balat ko. Bumalik sa isipan ko ang tagpo bago ako napunta rito. Mabilis na nag-flash back sa isipan ko ang lahat kaya naman mabilis akong tumakbo para hanapin ang sasakyan ko. Kailangan na mapuntahan ko ang asawa ko, kailangan n'ya ako at alam ko na sa mga oras na ito posibleng nanganganib ang buhay nito. Agad na kinapa at hinanap ko ang cellphone sa bulsa ng damit ko para lang matigilan ng maalala na inilagay ko pala ito ng may nakakasilaw na ilaw na tumama sa mga mata ko bago ako nawalan ng malay. Maaaring may nagligtas sa akin kaya napunta ako lugar na kinagisnan ko. Panay ang takbo ko hanggang sa magawi ang mga paa ko sa lugar kung saan maraming tao. May mga ambulansya din at mga medic na nakaputi ang nasa paligid. Awang ang labing pinanood ko ang paghugot ng katawan ng dalawang lalaki mula sa isang truck na bumangga sa puno dahilan ng matinding pinsala ng sakay nito. Isa pang sasakyan ang nakita ko ilang dipa malapit sa kung nasaan ang truck. Malakas ang kabog ng dibdib ko at panay ang pagpigil ko ng hininga ng lapitan ko ang pamilyar na sasakyan. Napatakip ako ng bibig ng makita ko ang babaeng walang malay at duguang pilit na kinukuha sa nayupi at halos madurog na sasakyan. "Anong ibig sabihin nito?" nang hilakbot na tanong ko sa sarili ko. Ang tanong na sumagi sa isip ko ay agad na nasagot ng mailabas ang katawan na hindi ako maaaring magkamali na akin. Sinundan ko ito kung paano mabilis na inihiga sa naka-handang stretcher at agad na ipinasok sa naghihintay na ambulansya. Mabilis ang naging kilos at responde ng mga medical team na nasa loob ng sasakyan. Wala ako sa sariling katinuan at hindi pa tuluyang na-absorb ng isip ko ang mga nakikita ko. Panay ang pump ng kung ano sa dibdib ko ng isang lalaki habang ang isa naman ay inaayos ang oxygen mask sa mukha ko. Maraming katanungan sa isip ko, maging ang dahilan kung bakit nakikita ko sila pero hindi nila ako nakikita at dinadaanan ang katawan ko ng hindi nila namalayang tumatagos sila sa akin. Lumuluha na pinanood ko ang lahat hanggang sa makarating kami ng hospital. Gusto kong pumasok sa katawan ko ng humiga ako rito ngunit parang tinangay ako ng hangin na lumutang ako sa ibabaw nito. "Anong nangyayari?" naguguluhan na nag palinga-linga ako sa paligid. Napatayo ako ng makita ko na humahangos na dumating si Marvin. Lalapitan ko sana ito dahil sobrang masaya ako na malaman na ligtas ito at maayos ang kalagayan nito ngunit tumagos lamang ito mula sa kinatatayuan ko. "Marvin, I'm here!" sigaw ko. Parang walang nangyari at narinig itong tumakbo sa harap ng pinto ng hospital room kung saan ako dinala. "I'm sorry Mr. Saturno, ginawa na namin ang lahat but it's too late. She's dead on arrival at wala na kaming nagawa." sabi ng doktor na kaharap ni Marvin sabay marahang pagtapik sa balikat nito. "No….!" sigaw ko. Hindi ako pwedeng mamatay ng ganon na lang. Hindi ko pwedeng iwan ang asawa ko. Marami kaming plano at pangarap. Hindi ko siya kayang iwan ng ganito. Ganito kaaga at ganitong paraan. Katahimikan ang siyang bumalot sa paligid matapos iwan ng doktor si Marvin. Pinanood ko kung gaano ito katatag na nakaupo sa upuang laan sa mga batay ng pasyente na naghihintay sa labas ng emergency room. Pinanood ko kung paano ito nanlumo sa balitang natanggap at marahang umupo. Balot ng paghihinagpis ang puso ko sa nakikita ko at nalaman kaya iniwan ko si Marvin sa labas at mabilis na pumasok sa loob kung saan may mga doctor at nurses kasalukuyan tinatanggal ang mga aparatong nakakabit sa katawan ko. Puno ng takot at paghihinagpis na ilang ulit ko na sinubukan na pasukin ang katawan ko ngunit naulit lang ang nangyari kanina na lumutang ulit ako. "No, hindi pwede!" matatag na sigaw ko. Hindi ang pangyayaring ito ang kikitil sa buhay ko. I can't believe na mangyari ang aksidente na kinaharap ko ng ganun kabilis. "Gagawin ko ang lahat para muling mabuhay. Hindi ako susuko at hindi ang kamatayan ang magpapahiwalay sa amin ni Marvin. Babalik ako sa anumang paraan," puno ng determinasyon na sabi ko habang nagpupunas ng luha habang nakatayo sa gilid ng kamang kinahihigaan ng katawan ko. Ilang ulit akong naglakad pabalik-balik ng silid ng lumabas ang mga nasa loob na hospital staff. Ilang saglit pa ay may dumating na dalawang lalaki at inalis ako sa hospital bed na kinahihigaan ko at mabilis na inilipat sa stainless na higaan at saka mabilis na itinulak palabas. Mabilis ang lakad ko kasunod ng mga ito. Kailangan na bantayan ko ang sarili ko at baka kung ano ang gawin nila sa akin. Hindi ko nakita si Marvin sa paligid hanggang ipasok ako ng mga ito sa morgue. Labis akong nanghina ng tuluyang lumantad sa mga mata ko ang tunay na kalagayan ng katawan ko. Gusto kong sumigaw ng paulit-ulit ng makita ang nakakahindik na sinapit ko. Puno ng sugat ang buong katawan ko habang nabali ang kamay at braso ko. Maliwanag din kung gaano kalala ang sinapit ng mga binti ko ng tuluyang natanggal ng mga taong nasa harap ko ang damit na suot ko. "Sayang ang babaeng ito, ang ganda pa naman pare," sabi ng isang lalaki habang nakatingin sa mukha ko. Sa inis ko gusto ko itong sampalin lalo na nakatingin ito sa katawan ko na walang buhay na nasa harap ng mga ito. "Oo nga pare, halatang mayaman. Pero tingnan mo naman kahit mapera ka hindi n'ya naiiswaan ang kamatayan." Gusto kong sampalin ang dalawang tsismosong mga lalaking kaharap ko. Nilapitan ko ang isa at sinampal ng simulang hawakan nito ang katawan ko ngunit tumagos na parang hangin lang ang palad ko at ni hindi man lamang naramdaman ang ginawa ko. Frustrated akong napasigaw ng simulan i-proseso ang katawan ko. Naghuhumiyaw ang katotohanang wala na nga ako at ito na ang katapusan ko. Ilang ulit ko pang sinubukang pasukin ang katawan ko ngunit hindi ako nagtagumpay. Minabuti kong iwan ang katawang ngayon ay tinakpan na ng puting kumot. Hinanap ko si Marvin ngunit wala na ito ng balikan ko sa lugar kung saan ko ito iniwan. Wala akong nagawa kun'di ang umiyak ng umiyak sa sulok hanggang sa may naramdaman akong tumabi sa akin. Nag-angat ako ng luhaang mukha at nakita ko ang isang babaeng seryoso ang mukhang nakatingin sa akin. Nagtataka ako kung bakit nakikita ako nito samantalang ang iba para lang akong hangin na dinaanan. "Nagtataka ka ba kung bakit nakikita kita?" tanong nito. Maang akong tumango dahil hindi ko pa rin makontrol ang emosyon na kanina ko pa nararamdaman. "Pareho lang tayo ng sitwasyon," malungkot na sabi nito. Kung ganon katulad ko isa na rin siyang kaluluwa. "Hindi pa ako sumasama sa liwanag dahil hindi ko pa rin maiwan ang mga mahal ko sa buhay," patuloy na sabi nito. "May pag-asa pa bang makabalik tayo?" derecho na tanong ko. Nakita kong umiling ito. "Sinubukan ko, pero hindi ako nagtagumpay. Marami ng sumubok pero marami na rin ang nabigo. Wala tayong ibang magagawa kun'di ang sumama sa liwanag. 'Yon na kahahantungan natin." Umiling ako natapos marinig ang sinabi nito. Hindi maaari, hindi ko matanggap ang lahat ng ito. "Hindi ako papayag, babalik ako. Babalikan ko ang asawa ko," matatag na sagot ko. "Paano mo gagawin 'yon?" tanong nito. "Ikaw, bakit hanggang ngayon makakaya mong hindi sumama sa liwanag na sinasabi mo?" tanong ko pabalik dito. "Dahil ginusto ko. Pwede nating iwasan ang liwanag at manatili tayo dito. Pero may kapalit 'yon, kapag tuluyan ng naubos ang oras natin dito sa mundo, tuluyan na tayong hindi makakaalis dito at patuloy na gagala ang mga kaluluwa natin. Patuloy din tayong makakaranas ng sakit at pagdurusa kaya hanggang maaari mamili ka na." Hindi ako nakasagot sa sinabi nito, parang patalim na tumarak sa dibdib ko ang katotohanan sa bawat sinabi nito. Totoo nga ang lahat at wala na ako. Tuluyang binawi sa akin ang buhay na tinatamasa ko sa napakaikling panahon. "Why God? Bakit ganito? Bakit kinuha mo ako ng ganito kaaga kung saan hindi ko pa kayang iwan ang taong mahal na mahal ko?" puno ng paghihinagpis na umiiyak ako at walang pakialam sa katabi ko. Sa biglang pag-angat ng paningin ko nanlaki ang mga mata ko ng may maaliwalas na liwanag na tumama sa buong katawan ko. "Ang liwanag! Kukunin ka na niya!" malakas na sigaw ng katabi ko. Kung ganon ito ang liwanag na kukuha sa akin. Napatayo ako ng ma-realize ang kahulugan nito. Nakita kong tumakbo ang kaluluwa ng babaeng kausap ko kaya mabilis akong tumakbo kasunod nito na hindi alintana ang mga katawang nilagpasan at tumagos sa akin. Kailangan kong matakasan ang liwanag. Hindi n'ya ako pwedeng kunin at lalong hindi ako sasama. Sa hindi malamang dahilan dinala ako ng mga paa ko sa parking lot at dito natagpuan ko si Marvin na nasa loob ng sasakyan nito habang kahalikan ni Brenda. "Anong ibig sabihin nito?" Nanlalaki ang mga matang nakatingin ako sa mga ito. "Paano at bakit sila naghahalikan ng ganito?" maang na tanong ko sa sarili ko. Maraming katanungan ang pumasok sa isip ko lalo na at alam kong magpinsan sina Brenda at Marvin. Alam ko na mahal na mahal ako ng asawa ko at marahil dahil sa lungkot ay napagkamalan nitong ako si Brenda. Pero kahit anong pagkumbinsi ko sa sarili ko nasa harap ko ang katotohanan lalo na ng maghiwalay ang mga ito matapos maghalikan. "Finally, akin ka na ng tuluyan Marvin," nakangiting sabi ni Brenda habang hinahaplos ang mukha ni Marvin. "I'm all yours sweetheart, only your's." Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig. All along, niloko lamang pala ako ng mga ito. Wala ang kahit anong pagluluksa ang nababakas sa mukha ni Marvin na tila masaya pa na wala na ako. "Bakit Marvin? Bakit niloko mo ako!?" galit na sigaw ko sabay hampas ng kamao ko sa bintana ng sasakyan nito na ikinagulat ng mga ito. So nararamdaman pala ako ni Marvin. Napa-ngisi ako sa na realize ko. "Things won't remain the same Marvin, get ready for my revenge. Babalikan ko kayong dalawa at sisingilin ko kayo sa kataksilan ninyo. 'Wag ko lang malaman na may kinalaman kayong pareho sa aksedinte ko dahil hindi ko kayo patatahimikin. Isinusumpa ko…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD