MEG "Aray!" impit na daing ko matapos iturok sa akin ang isang malaking karayom para kumuha ng blood sample ko. Halos madurog ang pang-ibabang labi ko dahil sa mariing kagat ko para pigilan ang takot na nararamdaman ko. Takot ako sa dugo, nagkaroon ako ng kakaibang pakiramdam sa likido lalo na at naging dahilan ito kung bakit muntik na akong magunaw dito sa mundo at nanghina. Paranoid na daw ako sabi ni Gray dahil maging ang tubig ay halos ayaw kong hawakan at tingnan. Nagtataka siya kung bakit ganito na lamang ang reaksyon ko nang i-abot sa akin minsan ang mineral water para uminom dahil kumain ako matapos hindi makatiis at na gutom. Pakiramdam ko ay tao na talaga ako. Kaya ko na ulit humawak ng mga bagay at normal na rin ang aking pakiramdam. Nagagawa ko ng kumilos ayon sa gusto k