MEG Agad na sinuyod ng mga mata ko ang kabuuan ng silid ng makapasok ako. Napakaliit nito kumpara sa sa gamit ko sa mansyon. Katumbas lamang ito ng wardrobe ko at mas malaki pa nga ang shower room at banyo na gamit ko sa master bedroom. "Pwede ka ng magpalit ng damit. Kumuha na ako ng paboritong damit pantulog mo," sabi ni Gray na inabot sa akin ang hawak nito. Napanguwi ako, anong klaseng damit naman ito? Daig pa ang kapanahunan ng mga sinaunang tao sa desenyo nito. "Gusto mo bang tulungan kitang magbihis?" malambing na tanong ni Gray. "H-hindi na, kaya ko na," nauutal na sagot ko. Nakangiti na hinaplos ni Gray ang pisngi ko bago mabilis na bumaba ang labi nito sa nakatikom na labi ko at pinatakan ng magaan na halik. "Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Finally, naka