MEG Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog pero sigurado akong madaling araw na. Bukod sa hindi ako komportable sa kama na katabi si Gray ay ang init ng pakiramdam ko sa silid na ito. Ang hirap matulog ng walang aircon at tanging electric fan lamang ang nakatapat sa direksyon ko. Pakiramdam ko ay hinihingal at kinakapos ng hininga sumabay pa na nauuhaw ako. Isang mahinang ungol ang kumalawa kay Gray ng alisin ko ang pagkakapulupot ng braso nito sa bewang ko. Minabuti kong lumabas ng silid at magpahangin matapos uminom ng tubig. "Bakit ginawa mo ito Meg?" Napapitlag ako dahil sa tinig na narinig ko. Hindi ko siya nakikita kahit sinikap kong hanapin siya sa paligid ko pero wala kahit anino niya. "Hindi mo dapat ginawa ang bagay na ito. Isang kahangalan at malaking pagkakamali