MEG "Taraaaan!" nakadipa at malakas na sabi ni Clara habang hawak ang papel sa kanang kamay na bungad nito sa akin ng pumasok ito sa silid ko. "Akina na 'yan, bilis!" malakas na sabi ko sabay kaway dito. Mahirap na, baka may pumasok bigla dito at tanungin si Clara kung bakit masaya ito. May pagka-mahadera pa naman ang isang ito kaya hindi malabong dumaldal na naman ang walang kontrol na bibig nito. "Itago mong mabuti ito, Clara. Make sure na walang makakakita nito," sabi ko na ibinalik sa kamay ni Clara ang resibo na tiningnan ko. Gusto ko kasing makasiguro na successful nga ang fund transfer na ginawa ko at walang issue kaya humingi ako ng resibo for reference. "Alam mo Ma'am Celina, feeling ko magaling ka na. Parang magic lang talaga, noong isang linggo, akala namin mawawala ka n