MEG "Clara, come here," tawag ko sa kasambahay ni Gray ng makaalis ito habang nakaupo ako sa gitna ng hospital bed ko. "Okay po, ano po 'yon ma'am?" agad na sabi nito na mabilis na lumapit sa akin. "May gusto po ba kayong kainin o kaya ay ipagawa sa akin?" tanong nito. Mukhang nagtataka siya dahil ito ang unang pagkakataon na tinawag ko si Clara. Malimit kasi na ito ang unang lumalapit sa akin dahil laging wala akong kibo o kaya naman ay tamik na nakikiramdam sa bawat kilos at sinasabi niya dahil nag-aalangan ako lalo na at napansin na ni Gray ang mga changes sa asawa nito. "Pwede ko bang mahiram ang cellphone mo? May internet ka ba?" tanong ko. Android kasi ang cellphone nito at nakikita ko siyang nanonood ng palabas kaya naisip ko na posibleng may net connection ito na magagamit k