MEG
Matapos ang almusal ay inaya ako ng asawa ko na maligo sa pool. Palibhasa hindi s'ya nakapag-jogging kaya pinagbigyan ko na lang.
Masarap din naman sa katawan ang maligo sa pool sa umaga habang papataas ang sinag ng araw.
Alam ko na parte na ng buhay ng asawa mo ang sport at healthy lifestyle. Nakatutuwa na pati ako ay nahawa na rin sa kan'ya.
Nakaupo ako sa gilid at nilubog sa tubig ang dalawa kong paa. Pinanood ko ang ilang ulit na pagbabalik-balik na langoy ng asawa ko sa bawat dulo ng swimming pool. Hindi nakakapagtaka na napakaganda ng hulma ng katawan nito dahil talaga namang alaga niya ng sobra.
Masyado kasing health conscious ang asawa ko. Sabi nito ayaw niyang magmukhang pangit kapag tumabi sa akin na siya namang nagiging dahilan para kiligin ako.
Sabagay kahit may asawa na ako ay marami paring mga mata ang napapalingon at nakasunod sa akin oras na dumaan ako. Kaya naman itong asawa ko sensitive masyado sa itsura niya.
"Halika na," aya ni Marvin sa akin ng lumitaw ito sa ibabaw ng tubig malapit sa akin.
Ngumiti lang ako habang bahagyang umiling.
"Mamaya na, mabigat pa ang pakiramdam ko. Masyado yatang marami kinain ko eh," sagot ko dahil tinatamad akong bumaba. Ang plano ko kasi samahan lang talaga si Marvin dito.
"Hey, come her," sabi nito ng makalapit.
Napatili ako ng hawakan ako nito sa baywang at mabilis na lumulubog sa tubig kasama nito.
Simpleng bonding lang namin ng asawa ko ay masaya at kuntento na ako. I love him so much at sa kan'ya na umiikot ang mundo ko. Siya na ang sentro ng atensyon at buhay ko.
Nagtatawanan kaming dalawa ng dumating ang isa naming kasambahay na may hawak na wireless phone.
"Sir, may tawag po kayo galing kay ma'am Brenda," sabi ni Alma sabay abot ng telepono sa asawa ko.
Kita ko ang pagtingin ni Marvin sa akin at ng makitang tumago ako ay agad nitong inabot at sinagot.
Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila ng sekretarya n'ya pero dinig ko na may emergency umano at kailangan umalis ng asawa ko at puntahan ang lugar kung saan may problema ang isa sa construction site na hawak ng kumpanya namin ni Marvin.
"Sweetheart, I'm so sorry, pero kailangan ko munang umalis saglit at may emergency tayo. May problema sa site at kailangan kong pumunta doon para ayusin ang problema," paalam nito sa akin.
Hindi ko alam kung bakit biglang may bumundol na malakas na kaba sa dibdib ko. Sanay na dapat ako dahil sa negosyo namin na kahit hating gabi ay nagkaroon kami ng mga ganitong problema.
"It's okay , I understand," nakakaunawa na sagot ko dito.
Hinaplos ng asawa ko ang pisngi ko saka ako hinalikan sa labi.
"Happy anniversary sweetheart. Gusto ko sanang magkasama tayo maghapon ngayon at hindi pumasok pero biglaan naman na may problema tayo. 'Wag kang mag-alala babawi ako. Okay?" bulong nito matapos pakawalan ang mga labi ko.
Kasabay niya akong umahon ng pool at pumasok ng bahay. Mabilis ang naging kilos ni Marvin hanggang sa maka-alis ito ng tuluyan.
Hindi ko alam pero napuno ng kaba ang dibdib ko ng makitang mabilis na lumabas sa gate ng mansion namin ang dala nitong sasakyan.
Hindi na ako nagtanong kung anong klaseng problema meron kami sa site dahil halata sa mukha ng asawa ko ang labis na pagkabalisa kaya hinayaan ko ito habang mabilis na naghanda paalis. Saka ko na lang siya tatanungin kapag nakabalik na siya. Ang importante lang naman sa akin ay maayos na niya 'yon at makabalik agad sa akin.
Lumipas ang maghapon na balisa ako. Hindi ko alam kung bakit dahil sanay naman ako na umaalis si Marvin. Hindi mawala ang pag-aalala na sumibol sa isip ko lalo na at malakas buhos ng ulan.
Tila ba may kung anong kakaiba sa araw na ito na hindi ko matukoy. Siguro ay dahil panay ang isip ko ng tungkol sa asawa ko. Hindi nga ako pumasok sa opisina ko today gaya ng usual routine ko dahil inilaan ko ang araw na ito para sa asawa ko pero heto ako naiwan na nag-aalala sa loob ng bahay ko.
Napabuntong-hininga ako, magkasama sana kami ngayon kung hindi lang dahil sa emergency na kailangan nitong harapin. Ganito talaga kapag namamahala ka ng negosyo. Maraming empleyado ang umaasa sa kompanya kaya hindi pwede na ipagwalang bahala ang ganitong problema dahil sa banta ito sa posibleng pagkalugi.
Nasa gilid ako ng bintana habang tahimik na pinagmamasdan ang malalaking patak ng ulan halos durugin ang mga bulaklak na nasa garden ko. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang malakas na ihip ng hangin na tila ba nagbabadya ng panganib.
Hindi pa ako nagtatagal sa pagkakatayo ng tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko. Palagi ko dala ito just incase na tumawag si Marvin. Nag-aalala na kasi ako dahil simula ng umalis ito ay hindi na tumawag sa akin. Naka-ilang tawag na rin ako sa cellphone nito pero hindi sinasagot nito.
"Hello," mabilis sa sagot ko ng hindi tiningnan kung sino ang caller na nasa kabilang linya.
"H-hello…" nauutal na sabi ni Brenda. Kilala ko na ang boses nito dahil malimit ko itong makausap kapag tinatawagan ko sa opisina si Marvin.
"Hello Brenda, bakit ka tumawag?" tanong ko agad.
Hindi muna ito nagsalita at mahinang humikbi na nagpalakas pa lalo ng kabog ng dibdib ko.
"Bakit ayaw mong magsalita? Bakit ka tumawag? Nasaan si Marvin?" magkasunod na tanong ko. Hindi ko na kasi makontrol ang emosyong bumabalot sa akin.
"Ma'am Meg, si sir po kasi…" humihikbi na sabi nito. Napalunok ako, hindi ko gusto ang takbo ng mga sinasabi nito. Kahit kinakabahan kinalma ko ang sarili ko at lumunok ng ilang ulit bago nagsalita.
"Anong nangyari? Sabihin mo na Brenda at ayaw kong maghula," sabi ko dito.
Dinig ko ang pag-iyak nito sa kabilang linya na tila ba may masamang nangyari kung sa akto nito sa kabilang linya ang pagbabasehan ko.
"Naaksidente po kasi si Sir Marvin. Gumuho po ang itaas na bahagi ng building B at natabunan po siya doon habang nag-inspection," bulalas nito kasabay ng paghikbi.
Napamaang ako sa narinig, hindi ako makapagsalita kaya ilang beses na bumuka at sara ang bibig ko na walang masabi.
"How? Paanong nangyari ang lahat ng 'yon Brenda? Oh my god!"
Mabilis kong pinatay ang tawag ng hindi nagpaalam kay Brenda. Kailangan kong puntahan ang lugar kung saan naganap ang aksidente. Kailangan makita ng mga mata ko ang mismong site para masigurado ko na ligtas ang asawa ko.
Walang pakialam sa sariling mabilis na lumabas ako ng silid na tanging cellphone at susi ng sasakyan ko ang aking dala. Agad akong sumakay ng sasakyan at pinaandar ito ng hindi man lang napansin na nakapang bahay lamang ako at nakasuot ng tsinelas.
Wala akong pakialam sa suot ko ang mahalaga ay mapuntahan ko ang lugar kung nasaan ang asawa ko. Alam kong may magagawa ako para iligtas siya kung pupunta ako agad doon.
Mabilis ang takbo ng sasakyan ko. Humahagibis ang malakas na hangin at patak ng malakas na ulan na hinampas sa sasakyang minamaneho ko.
Inabot ko ang cellphone ko at nag-dial ng Isa sa hotline ng rescue team na naka-save sa cellphone ko. Matagal na itong naka-save sa akin dahil sa uri ng negosyo namin may mga hindi inaasahang aksidente na gaya nito kay bilang security measures ay kailangan na merong naka-save na hotline sa mga cellphone namin.
Matapos makausap ang taong sumagot sa tawag ko ay ibinaba ko ang cellphone na hawak ko. Hindi ko pa tuluyang nailapag ito ng may napansin ako na may makakasalubong ako na sasakyan na tinatahak ang daan kung saan ay binabagtas din ng sasakyan na minamaneho ko.
Agad na kinabig ko ang manibela pa kanan para bigyan ito ng daan matapos mag-overtake ito sa isang truck na tila mabagal ang takbo dulot ng ulan.
Gusto kong bagalan ang takbo ng sasakyan ko pero hindi gumagana ang brake nito. Dahil sa sobrang bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang ang malaking sinag ng ilaw na tumama sa sasakyan ko. Kasabay ng malakas na pwersa na tumama sa sasakyan ko na naging dahilan ng pagkahilo ko bago ako tuluyang nawalan ng ulirat dahil sa biglang sakit na nararamdaman ko sa buong katawan ko.
"God help me po, iligtas n'yo po ako at maging ang asawa ko…"