Chapter 1

1537 Words
MEG "Good morning sweetheart," malambing na bulong ng asawa na katabi ko kasabay ng pagpulupot ng braso sa baywang ko. "Good morning," bati ko rin dito. "Hmm, it seems na hindi mo yata naalala na special sa atin ang araw na ito," tila nagtatampo na bulong ng asawa ko sabay marahang pagkagat sa balikat ko. Napangiti ako, typical na ugali ng malambing na asawa ko. "Syempre naalala ko. Makakalimutan ko ba naman ang pinaka-espesyal na araw sa buhay nating dalawa? Happy two years anniversary hubby," malambing na sabi ko. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin. Palagi siyang ganito na akala mo ay isa akong batang ayaw mawaglit sa paningin n'ya. Kung pwede lang na laging nakadikit sa akin ay ginawa na nito. Lihim akong nalungkot, kung sana ay natupad ang nag-iisang pangarap ko ngayon ay ito sana ang isa sa pinakamahalagang regalong natanggap ko sa buong buhay ko pwera sa napakabait at mapagmahal na asawa ko na si Marvin. Kung bakit ba naman kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin kami binibiyayaan ng anak. Nakakalungkot na matagal ko ng gusto ito at alam ko na hindi man sabihin ng asawa ko ay gusto na rin nitong magkaanak na kami. Kita at ramdam ko ang inggit ng asawa ko sa mga kaibigan namin na may mga anak na. Hindi nakaligtas sa pandinig ko na gusto nitong bumuo ng isang malaking pamilya at maraming mga anak. Lihim akong nasasaktan sa tuwing naririnig ko siyang sinasabi ang mga katagang 'yon sa kan'yang mga kaibigan. Hindi man sabihin sa akin ng asawa ko ay alam ko rin na ito ang isa din sa pangarap nito. Nakakalungkot lang na hanggang ngayon hindi pa rin kami nabiyayaan ng supling. Sobrang gusto ko na at umaasa akong isang araw ay mabibiyayaan din kami ng anak. Pero tila heto sinubok ako ng tadhana dahil kahit anong dasal at pag-iingat ko ay wala pa rin. Sobra akong disappointed kada lumilipas ang buwan at dumarating ang buwanang dalaw ko. Indikasyon kasi ito na isa na namang buwan ang lumipas na bigo ako. "Hey, mukhang labas sa ilong ang happy anniversary na 'yan ah. Bakit masyado ka naman yata na malungkot ngayon?" nakangiting tanong ng asawa ko. "Wala ayos lang ako," maikling sagot ko. Ayaw ko kasi na ungkatin dito ang tungkol sa iniisip ko dahil gaya ko, alam ko na malulungkot din ito. "It's okay sweetheart, it's our special day. Mag-celebrate tayo gaya ng dati, okay?" Tumango lang ako habang naka kagat labi. Ewan ko ba naman kung bakit sobra akong malungkot ngayon. Siguro dala talaga ito ng disappointment na nararamdaman ko simula pa kahapon ng dumating ang buwanang dalaw ko. Malungkot man ay tumayo ako. Tanghali na rin kasi at kailangan ko ng mag-handa para sa almusal namin. Oo nga at may mga kasambahay kami pero mas gusto ko na ako ang personal na nag-aasikaso sa mga kailangan ng asawa ko. Ayaw kong gayahin ang mga magulang ko na walang pagmamahal at pagpapahalaga sa bawat isa kaya kahit magkasama kami sa iisang bubong ay halos hindi kami magtagpo dahil sa sobrang pagkaabala ng mga ito sa kanilang negosyo at trabaho. Negosyo na ngayon ay ako na ang namamahala bilang CEO ng Saturno empires. Malaki at mabigat ang nakaatang sa balikat ko pero dahil katuwang ko ang asawa ko ay sabay naming pinalago pa ang kumpanya na minana ko sa mga ito ng sabay silang nasangkot sa aksidente na parehong kumitil sa kanilang mga buhay. Tanging ang asawa ko ang naging karamay ko sa lahat. Kung wala siya ay hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon. Halos mabaliw ako sa sobrang lungkot ng sabay na mawala ang mga magulang ko at iwanan sa akin ng mga ito ang napakalaking responsibility na hindi ko pinangarap na mapunta sa akin. Luckily, my husband is a very capable man. He managed everything hanggang sa maka-recover ako sa stress at lungkot. Siguro ay isa din 'yon sa mga dahilan kaya hindi ako agad nabuntis dahil affected ako sa lahat ng nangyari physically and mentally. "Sweetheart, tulungan na kitang ihanda ang almusal," bungad na sabi ni Marvin ng makalabas ako ng banyo matapos ang usual na morning routine ko. "Sure ka? Baka may gagawin ka?" tanong ko dito dahil kada umaga umaalis ito ng maaga para tumakbo at mag-ehersisyo. Ewan ko ba naman sa asawa ko malaki naman ang gym namin dito sa bahay at malaki rin ang buong paligid ng mansyon pero mas gusto niya na sa labas mag-jogging para daw makasagap ng fresh air. Since nakasanayan ko na ang ganitong set up ay hinayaan ko ito dahil alam ko na parte ito ng daily routine nito. Mahalaga sa asawa ko ang kalusugan kaya alaga talaga niya ang sarili hindi lang sa exercise kun'di sa diet sa pagkain kaya ako ang personal na naghahanda ng pagkain nito araw-araw. Masaya ako na kahit gaano kami ka busy na dalawa ay may oras kaming ganito sa bawat isa. "Since special day natin today mag-skip muna ako ng isang araw. Siguro naman walang mawawala sa akin kung hindi ako mag-exercise ngayon sweetheart," sabi nito sabay kindat. "Oo na, let's go. Sabay na tayong lumabas at bumaba," nakangiting sabi ko. Lumapit ito sa akin at umakbay sa balikat ko. Nakakatuwa na kahit dalawang taon na kaming kasal ay para lang din kaming magkasintahan kung kumilos. "What do you want for breakfast?" baling na tanong ko dito habang naglalakad. "Bolognese pasta salad would be good," sagot nito sa tanong ko. Isa 'yon sa favorite ng asawa ko, mahilig siya sa pasta at salad. Lalo na ang Italian pasta. Picky siya sa pagkain na dati ay hindi ko gustong ugali n'ya. Pero ng maikasal kami at nagkasama sa loob ng bahay ay natutunan ko na rin na mag-adjust lalo na ng personal na hawakan ko ang kusina at pag-aralan na lutuin ang mga pagkaing gusto n'ya. Bilang asawa ito kasi ang isa sa mga tungkulin ko na ayaw kong ipasa sa iba kahit pa palagi lang silang nasa tabi ko. Achievement para sa akin na kahit dito man lang ay makabawi ako sa pag-aalaga at pagmamahal ng asawa ko sa akin. Nakakatuwa na sabay kaming naghanda ng mga kailangan namin mula simula hanggang sa matapos kaya naman mabilis kaming nakapaghanda ng almusal. Bakas sa mukha ko ang saya ng makita ko kung gaano ka ganang kumain ang asawa ko. I'm thankful and happy na siya ang ibinigay ng diyos sa akin. Hindi ako nagkamali ng ipaglaban ko siya sa mga magulang ko dahil ayaw ng mga ito sa asawa ko noong una. Para sa mga magulang ko, hindi pasado sa kanilang panlasa ang status sa buhay ni Marvin. Mula siya sa simpleng pamilya, panganay sa magkakapatid at tanging nag-iisang nakapagtapos ng pag-aaral. Dahil na rin sa tulong ko ay nagawa na makapagtapos ng pag-aaral ng asawa ko matapos ko siyang tulungan financially habang nag-aaral kami. Mahal na mahal ko kasi si Marvin, kaya kahit salat ito sa pamumuhay ay tinulungan ko itong makapag-aral kahit pa tinanggihan nito noong una. Gusto ko kasing haharap siya sa mga magulang ko na may prinsipyo at kakayahang alagaan ako kahit hindi siya kasing yaman ng family ko. Nakilala ko si Marvin ng minsang may nagtangkang kumidnap sa akin. Isinugal nito ang sariling buhay mailigtas lamang ako sa kamay ng mga taong gustong makuha ako. Bilang pagtanaw sa kabutihang loob nito ay sinagot ko ang hospital bill nito kahit pa panay ang tanggi niya. Dahil doon ay humanga ako ng husto kay Marvin at doon din nagsimula ang paghanga na nauwi sa pagmamahal. Natuwa ako ng malaman ko na tulad ko ay nag-aaral din ito. Isa siyang scholar ng bayan at hindi maikakaila na matalino ito. Kaya mula noon siya na ang naging personal tutor ko hanggang sa makapag-tapos ako. Ginawa ko 'yon para nagkaroon siya ng malaking sweldo mula sa akin dahil ayaw niyang tanggapin ang mga tulong ko. Lihim sa mga magulang ko ang ginagawa kong pagpunta sa bahay nila Marvin dahil alam ko na hindi papayag ang mga ito. Naging maluwag din sa akin ang mga magulang ko ng makita na sa wakas ay naging maayos ang mga grades ko hanggang sa makatapos ako. Katulad ko, kasabay ng pagtatapos ko ng college ang pagtatapos din ni Marvin. Sobrang proud ako ng makuha nito ang pinakamataas na parangal ng makuha nito ang diploma bilang isang c*m Laude. Dahil likas na matalino si Marvin, napalago nito ang maliit na negosyong sinimulan namin. Tatlong taon lang ang lumipas at ang dating subcontractor na company ay naging kilala na bilang isa sa may pangalan na construction firm sa lungsod namin. Sulit ang puhunan na binigay ko kay Marvin. Dito mas lalo niya akong napahanga dahil magsumikap ito na may marating sa buhay kasabay ng sipag at tiyaga. Kaya naman ng ligawan ako nito ay agad na sinagot ko at nagplano na magpakasal. Ayaw man ng mga magulang ko ay wala silang nagawa. Kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya natuloy ang kasal na pinangaral namin ni Marvin. Malungkot ako sa araw na 'yon dahil halos itakwil ako ng mga magulang ko, pero dahil nag-iisa lang akong anak ay tinanggap nila ang kagustuhan ko kahit labag ito sa loob nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD