Pagkauwi ko ng bahay, katahimikan ang bumungad sa akin. Tulog na marahil ang lahat. Nakapatay rin ang mga ilaw at tanging ang malamlam na liwanag na nanggagaling sa poste sa labas ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa loob ng receiving area. Para bang bigla akong nalungkot na hindi ko maintindihan.
Maingat kong isinara ang pinto saka naglakad papunta sa sofa. Basta ko lang hinubad ang suot kong heels saka inunat ang aking paa sa ibabaw ng center table. Kahit paano, may dalang kaginhawahan sa akin ang katahimikan ng gabing 'yon. Kaya siguro hindi ako basta-basta pumapasok sa isang relasyon kasi ako 'yong tipo ng babae where I value and it gives me comfort when I'm alone and in solitude.
Isinandal ko ang aking likod sa sofa saka mariing ipinikit ang aking mga mata. Ngunit ang aking kapayapaan ay agad ginambala ng sunod-sunod na dating ng text sa aking cellphone. Kinapa ko sa loob ng aking bag ang cellphone upang tingnan kung sino ang nagpadala ng mensahe.
Numero lang.
Who could it be? Wala namang nakakaalam ng numero ko kundi ang aking pamilya at mga empleyado. At isa pa, naka-save naman lahat ang numero ng mga 'yon sa cellphone ko. Hindi ko na sana iyon papansinin ngunit may natanggap na naman akong panibagong text.
"Thank you for the ride. I owe you one," from TF.
TF? Pilit kong inalala kung sino ba ang nag-text.
Ride? Oh! Mukhang kilala ko na kung sino ang nag-text.
Umayos ako ng upo saka nag-type ng sagot dito.
"It's already late, kid. Go to sleep, okay?" Then I hit the send button.
Pero imbes na makinig sa sinabi ko, nagawa pa nitong tumawag. Napailing na lang ako saka pinatay ang tawag nito. Pagkatapos ay tuluyan ko ng ini-off ang aking cellphone. So far ay wala namang kaming upcoming event kaya hindi ako nag-aalala na may importanteng tawag akong kailangang asikasuhin. For the meantime, kailangan kong matulog na at mag-relax para ready ako bukas.
The next day, it was already late when I woke up. The rays of the sun are streaming through my windows yet the atmosphere seems to be gloomy. Dahil na rin siguro sa pag-ulan kagabi. O, baka isa na naman 'to sa mga araw kung kailan nalulungkot ako ng walang dahilan. And today, I also don't feel like getting up. Mas gusto kong humilata na lamang at namnamin ang lambot at bango ng kama ko. Pero alam kong kailangan kong bumangon dahil aalis ang buong team ko papuntang Subic. It's my way of giving back to them for having a job well done. Alas dos pa naman ng hapon ang usapan namin kaya may oras pa ako. Naihanda ko na naman ang aking mga dadalhin.
Nagpasya na akong lumabas ng kwarto upang mag-almusal.
"Good morning, darling," bati ni daddy sa akin. Kasalukuyan itong nag-eehersisyo sa treadmill. "Your mom made some pancakes for you."
"Thanks, Dad," tugon ko saka naglakad na papuntang kusina. Gutom na rin kasi ako.
"By the way, darling," pahabol ni Dad. "Someone sent flowers for you."
Napatigil ako sa paglalakad saka lumingon dito. Nagtataka ako. Sino naman ang magpapadala ng bulaklak sa akin dito sa bahay? Kadalasan kasi, kapag may natatanggap akong bulaklak, sa opisina ko dinadala.
"Kanino po galing?"
"Hindi ko alam. I think there's a card." Turo nito sa card na nakaipit sa bulaklak.
Nilapitan ko ang bulaklak saka kinuha ang card na nakaipit dito.
"For a gorgeous woman I met last night," I read aloud. Napakunot ang aking noo. Pilit kong hinahagilap sa aking isipan kung sino-sino ba ang nakilala ko kagabi.
"Looks like someone had already found her prince charming."
I snorted when I heard dad's voice. Pati ba naman ito, papatulan ang ganitong gimik! Ni hindi ko nga matandaan kung sino ang may padala ng bulaklak, eh!
Naglakad ang daddy papunta sa tabi ko. Pati ito ay naki-usyoso sa padalang bulaklak sa akin.
"Oh! It's from TF!" Abot tainga ang ngiti nito, naroon ang panunukso sa boses nito. "Who is he, darling?"
“Just a random kid I met last night,” sagot ko saka naglakad na papunta sa kusina.
“A kid?” Talagang sumunod pa si daddy sa kusina para lang kulitin ako.
Hindi ko ito pinansin bagkus ay nagtimpla ako ng kape bago kumain. Pero sa huli, hindi ako nakatiis at hinarap ko ito.
“It’s not what you think, okay?”
Napatawa ito. “Bakit? Wala naman akong sinasabi, ah!”
I just rolled my eyes at him. “Dad, kahit wala kang sabihin, ang kibot ng labi mo at ‘yang kislap ng mga mata mo, alam ko na ang ibig mong sabihin, okey!”
Napuno ng halakhak nito ang buong kusina. Ke aga-aga, inaasar na naman ako nito.
“You really knew me well, darling,” anito, panay pa rin ang tawa. “Sige, sasamahan ko muna ang mommy mo sa garden habang nag-aalmusal ka. Baka mamaya, tupakin ka na naman, ako pa masisi mo!”
“Daddy!” impit kong hiyaw.
“I love you, darling,” tugon nito habang papalabas ng bahay.
Napailing na lang ako. Ngunit may parte sa puso ko na natatakot at nalulungkot na rin. I’m already thirty but I’m not yet married. Samantalang ang mga kasamahan ko, may mga asawa at anak na. Pero ayoko namang pumasok sa isang relasyon for the sake of having one. Gusto naman na susuyuin at liligawan pa rin ako ng lalake dahil deserve ko naman ang gano’ng treatment bilang babae. Kung walang dumating, okey lang. Mahuli na ako sa biyahe o kaya tumandang dalaga pero hindi ako magsi-settle for less just to have the family that I want.
Pagkatapos kong kumain, agad akong nagbalik sa kwarto ko upang maligo. I just wore an all white outfit. A crochet crank top with a floral design and a high waisted short.
Alas onse pa lang ng tanghali pero naghanda na ako. Sasaglit muna ako sa opisina dahil may kailangan akong kunin na papeles. Doon na lang din ako magpapasundo para hindi na ako magpabalik-balik pa.
Bitbit ang isang beach bag saka ang isa ko pang bag kung saan nakalagay doon ang aking personal belongings, bumababa ako saka hinanap ang mommy at daddy.
Inilagay ko muna sa kotse ko ang bag na bitbit ko saka pinuntahan ang mommy at daddy na nasa likod na naman at abala sa garden ng mga ito.
“Mom! Dad!” tawag ko sa mga ito. As usual, abala na naman ang mommy ko sa pagbubungkal ng lupa habang nasa tabi nito ang daddy na naka-assist palagi.
Tumayo ang mommy ko mula sa ginagawa nito saka nakangiting pinasadahan ang aking kabuuan. “You look gorgeous, darling.”
“I know,” pabiro kong tugon.
Lumapit ako dito saka malambing itong niyakap. “Aalis muna ako, ha? Mag-ingat kayo ng daddy dito. And if anything goes wrong, don’t hesitate to call me, okay?”
“Ano ka ba namang bata ka! Ikaw ang aalis kaya ikaw dapat ang mag-ingat!” sabad naman ng daddy. “At huwag mo na kaming alalahanin ng mommy mo dito. Ang dapat mong gawin ay mag-enjoy!”
“Okey! Okey!” Pigil ko sa sasabihin pa ng mga ito. Mukha kasing hahaba pa ang sermon ng mga ito.
Dahil na rin siguro sa nag-iisang anak nila ako kaya gano’n na lang sila ka-protective sa akin. And I will always be thankful ang grateful for they are always on my side lalong-lalo na noong mga panahong akala ko natagpuan ko na ang the one ko ngunit sa huli ay iniwan lang din ako ng walang paalam.
Saktong alas dos ng hapon ng sunduin ako ni Mang Philip sa opisina pagkatapos ay bumiyahe na kami papuntang Subic. It took us more than three hours before we arrive at our destination. Kahit nakakapagod ang biyahe ay masaya naman ang lahat lalo na ng makita ang resort and ocean adventure kung saan may reservations ang team ko. It was a three days and two nights reservation with free food and lodging. And everyone can enjoy all the amenities the resort can offer.
Kanya-kayang explore at picture taking ang lahat habang hinihintay na mai-serve ang aming dinner. Ako naman ay nagtungo sa VIP cottage kong yari iyon sa kawayan at nipa. It was just a few meters away from the attached room para sa team. Gusto ko lang kasi na may sarili akong space kapag feeling ko naso-suffocate na ako dahil sa ingay at dami ng tao.
Pagkatapos kong mailagay sa cottage ang mga gamit ko, mabilis akong nagtungo sa dalampasigan. Gusto ko rin kasing namnamin ang lamig na dulot ng hanging nanggagaling sa dagat. I stayed there for about half an hour and then I went back to my cottage to take a nap.
Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakatulog ng makarinig ako ng hiyaw na para bang nasasaktan.
Kinabahan ako. And I was about to get out when I heard that woman’s voice again. But this time, her voice doesn’t seem to be in pain anymore.
“Oh, yes! B-babe…” Kasunod noon ay mga ungol at halinghing.
“Jesus Christ!” bulalas ko ng ma-realize ko kung saan nanggagaling ang boses na naririnig ko.
Ngunit mas lalo akong naeskandalo ng pagkalabas ko sa cottage ay siya ring labas ni Turn mula sa katabing cottage na pinanggalingan ng mga ungol at daing kanina.