Chapter Two

1468 Words
As an event organizer, everybody would think that I enjoy partying. But on the contrary, I don't. Iyon ang dahilan kung bakit umaalis agad ako pagkatapos ng isang event. Pero kakatwa nang gabing 'yon dahil pinili kong mag-stay muna ng kahit isang oras. Doon din kasi sa mismong event centre sa isang private hall ginanap ang after party ng bandang The Feelers. Ang team ko rin ang nag-organized sa mismong party. "Miss Rozel, nandito pa pala kayo? Akala ko, nauna na kayong umuwi?" tanong ni Rocky, the designer of the team. Tipid akong ngumiti rito. "I decided to stay for at least an hour pero maya-maya lang din ay uuwi na ako." "Naku! Kahit abutin kayo ng madaling araw dito, okey lang," sambit nito sabay lapit sa akin, saka bumulong, "Hanapin natin ang forever mo ngayong gabi." Agad akong napangiwi dahil sa sinabi nito saka inilibot ang tingin sa loob ng kwartong 'yon. Diyos ko! Puro kabataan ang nakikita ko! "Anong akala mo sa 'kin, baks, pumapatol sa bata?' asik ko sabay hampas sa balikat ni Rocky. Rocky is not just a colleague for me. Magkaklase kami noong college at ito ang kasa-kasama ko noon kapag umi-extra kami sa isang event na kagaya nito. Kaya nang magtayo ako ng sarili kong team, ito agad ang una kong naisip. Nang dumaan ang isang waiter na may dalang alak, kumuha ako ng isang martini saka marahang sumipsip doon. "Bakit? Anong akala mo sa sarili mo, gurang na?" Ayaw talaga nitong magpatalo. Bahagya itong lumayo sa akin saka tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Sino ba ang mag-aakalang thirty ka na sa itsura mong 'yan? God! Mukhang twenty five ka lang!" Isang irap ang iginawad ko rito. "Tigilan mo ko, Rocky, ha? Gusto mo, love life mo ang pag-usapan natin?" Napasimangot ito dahil sa sinabi ko. Ayaw na ayaw na kasi nitong binabalikan ang kalokohan nito noon sa mga lalake. Dumating din kasi ito sa punto ng buhay nito na inakala nitong tunay ang nahanap nitong pagmamahal sa isang lalake. Ngunit sa huli, pera lang din pala ang habol dito. "Umuwi ka na lang kaya?" pabiro nitong sabi. "Naalala mo si Daryll-" "Rozel!" Putol nito sa sinasabi ko. "Rocky naman!" Angal ko ng hampasin ako nito sa braso. Ang bigat pa naman ng kamay nito. "Hindi ka sana makahanap ng panibagong boyfriend!" "Ikaw din! Sana hindi na dumating ang forever mo!" Impit pa itong tumili pagkatapos magsalita. Maya-maya ay nagkatitigan kaming dalawa saka sabay na tumawa. "Why?" tanong ni Rocky nang humupa ang aming tawanan. Napansin marahil nito ang pagkabalisa ko. Umiling ako. "Wala naman...kaya lang, para kasing may nakatingin sa akin. Pero baka guni-guni ko lang." Humarap ako sa gitna ng events hall kung saan maraming ang nagsasayaw. Everyone was having a good time. Pero mukhang hindi naman lahat dahil napansin kong may isang bulto ang nanatiling nakaupo sa kaliwang bahagi ng kwartong 'yon. Naka-side view ito kaya hindi ko mamukhaan kung sino talaga ito. Ilang saglit pa ay itinaas nito ang hawak na baso na may lamang alak saka mabilis iyong itinungga. Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang alisin ang mga titig ko sa lalakeng 'yon. Nang lumingon ito sa gawi ko, huli na para bawiin na nakatingin ako rito. Nilabanan ko ang mga titig nito ngunit sa huli ay ako lang din ang unang sumuko. Turn Fortalejo. Bakit ba may epekto sa akin ang mga titig mo? Bigla tuloy akong nailang lalo na at ramdam ko pa rin ang mga titig nito sa akin kahit pa hindi na ako nakatingin dito. "Naku! Mukhang type ka ni Drummer boy!" untag ni Rocky. "Kanina pa panay ang tingin sa'yo, eh." "Tigilan mo nga ako, Rocky!" singhal ko rito. Lumakas kasi ang tugtog kaya hindi na sila magkarinigan nang maayos. "Hindi nga ako pumapatol sa bata, okey?" "Bata pa ba 'yan? Tingnan mo nga ang mga muscles niyan? God! All in perfect shapes and condition!" maarteng sambit nito. "Saka, ano bang bata ang sinasabi mo, eh, makakagawa na rin ng bata 'yan!" "Ewan ko sa'yo!" Inilapag ko ang basong hawak ko sa ibabaw ng mesa saka naglakad na palabas. The place was becoming crowded and I'm not liking it anymore. Sumasakit na rin ang ulo ko dahil sa lakas ng tugtog. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Rocky na sumunod na pala sa akin. "Gusto mo tawagan ko na si Mang Philip para maihatid ka pauwi? Or, ako na lang ang maghahatid sa'yo?" "No need. Kaya ko namang magmaneho mag-isa. Ang mabuti pa, bumalik ka na doon sa loob at mag-enjoy!" "Paano ka?" "Rocky!” protesta ko. “ I'm okay. Besides, alam mo namang hindi ko hilig ang ganitong mga party. Pagod na rin ako." Masuyo ako nitong tinitigan. "Are you sure kaya mong umuwing mag-isa?" Pinandilatan ko ito ng mga mata. "Rocky naman! Anong akala mo sa 'kin, bata?" "Hay, naku! Bahala ka na nga! Basta mag-iingat ka, ha?" "Okey! Okey! Bumalik ka na roon sa loob," pagtataboy ko rito. Kumaway pa ito muli sa akin bago tuluyang pumasok sa loob ng Aquarius. Ako naman ay tinungo na ang parking area kung saan ko ipinarada ang aking kotse. Habang naglalakad, napangiti ako ng humampas sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin. The cold breeze somewhat calm me. And it just feels so good. Ilang hakbang na lang ako mula sa kotse ko nang biglang may umakbay sa akin. Ngunit bago pa man ako makasigaw, natakpan na ng estranghero 'yon ang aking bibig. "Shhh, it's just me," sambit nito sabay tanggal ng hood ng suot nitong jacket. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mukha ni Turn Fortalejo. Nakangiti ito at naka-peace sign ang kanang kamay sa may baba nito. Marahas ko itong itinulak dahil sa magkahalong inis at takot na naramdaman ko. "I'm so sorry, Miss. May mga fans lang na humahabol sa 'kin kaya napapunta ako rito. I'm sorry if I had to drag you on this," paliwanag nito. "Kilala mo naman ako, miss 'di ba? I won't do you any harm. Promise." Tiningnan ko naman ang lugar na itinuturo nito ngunit wala naman akong nakitang ibang tao. "Pwede bang makisabay sa'yo? Please...please. Tatanawin kong malaking utang na loob kung tutulungan mo 'ko." My God! Bakit ba nakatagpo ko pa ang lalakeng 'to? sa isip ko. Gusto ko sanang umalis na lang ngunit parang ang sama ko naman kung hindi ko ito tutulungan kaya sa huli, isinabay ko na rin ito. "Saan kita ibababa?" tanong ko nang nasa biyahe na kami. Sa totoo lang, hindi ko maiwasang mairita habang nagmamaneho dahil ramdam ko ang bawat titig nito sa akin. Nang tumapat kami sa isang stop light, saglit akong tumingin sa gawi nito kaya huling-huli ko ang mga tingin nito sa akin. Imbes na mag-iwas ng tingin ay nakuha pa nitong ngumiti sa akin. "Saan nga kita ibababa?" tanong ko ulit. Itinuro nito ang isang sikat na condominium building na tanaw mula sa kinaroroonan namin. "You can drop me in front of Premium Condominium." Pinaandar ko ang sasakyan nang makitang green lights na. Maya-maya pa ay narating na namin ang Premium Towers. "Thanks for the ride," sambit nito. Pagkatapos ay inabot nito sa akin ang isang calling card, then he said, "If you need anything, you can just call me, miss." Umiling ako. "No need." Ngumiti lang ito sa akin pagkatapos ay lumabas na ito ng kotse ko. Buong akala ko, papasok na ito sa loob ng building ngunit umikot ito at nagtungo sa may gawi ko. Kinatok nito ang bintana ng kotse ko. "Yes?" tanong ko. Hindi ko alam kung bakit pinapatulan ko ang kapritso ng batang ito. "I just want to thank you again," he said. A sweet but enigmatic smile formed on his lips. "At umaasa akong magkikita tayong muli. And hopefully, this time, I can get to know you more, Rozel. After all, mukhang mapapadalas naman ang ating pagkikita since iisa lang ang industriyang ating ginagawalan." Nanlaki ang mga mata ko nang banggitin nito ang aking pangalan. Yes, I may have met a lot of people but I don't expect for them to know my name. "It's, Miss Rozel," pagtatama ko sa sinabi niya. Ang bata pa nito para tawagin ako sa pangalan ko lang. “It's better if you call me that way." Mapang-akit ang mga ngiti nito nang dumukwang sa bintana ng aking kotse. "I think I want to know more about you. “ Nang kuhanin nito ang aking kamay na nakapatong sa nakabukas na bintana, hindi na ako nakatanggi. Mas lalo na nang gawaran nito nang masuyong halik ang ibabaw ng kamay ko bago ito tuluyang pumasok sa Premium Condominuim. Wala akong nagawa kundi habulin na lang ito ng tingin habang papalayo. But before he could enter the building, he turned around then smiled at me once again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD