Chapter 06- Tandem in battle

3587 Words
Napupuno ng pangamba ang mga tao sa loob ng karinderya para kay Nastia na hawak hawak ng lider ng mga nangugulo sa loob, natatakot sila para dito dahil babae ito at wala pa itong takot na sumasagot sa lalaking sa tingin nila ay hindi ito sasantuhin.   Patuloy naman si Maki at Ruhk sa pagkain nila na ikinalingon ni Maki sa kapatid ni Nastia na may takot sa mata nito habang nakatingin sa ate niya na napapa trouble dahil sa tapang nitong pag-sagot ni Nastia na ikinalingon niya sa dalaga.   “Matapang ka babae, maganda ka pero ayoko sa lahat ‘yung nagmamatapang sa harapan ko.”pahayag nito na ikinangisi ni Nastia.   “Really? What if may basehan naman ang pagmamatapang ko.”sambit ni Nastia na bakas sa mukha niya na hindi siya natatakot sa lalaking may hawak sa braso niya.   “Aba, pumapatol ako sa babae alam mo ba ‘yun?”banta ng lalaking may hawak kay Nastia na matapang na ikinatitig lang ni Nastia dito.   “Actually Mr. pumapatol din ako sa isang lalaki na kagaya mo, bastos at walan respeto. Nagsisiga-siga para takutin ang mahina sa kaniya.”pahayag ni Nastia na kita niyang ikinapikon ng lalaking may hawak sa kaniya ng akmang susuntukin siya nito na mabilis ang kilos na nagpaikot si Nastia dito at ang kamay nitong hawak ang braso niya ay nahawakan niya na at malakas ang pwersang binuhat niya ito pabalibag sa mesa nina Maki na agad na nailayo ang kinakain nila na hindi makapaniwalang ikinatitig ni Maki kay Nastia ng magsimulang sumugod ang ibang tauhan ng lalaki na agad ding nilabanan ni Nastia.   Mabilis siyang nakakailag sa mga pagsugod ng mga lalaki, agad niyang iniwasan ang pasuntok na isang lalaki sa kaniya bahagyang lumapas sa harapan niya bago niya malakas na sinipa ang sikmura nito na ikinangiwi nito sa sakit bago siya kumuha ng isang babasaging pinggan na mabilis niyang naabot at pinukpok sa ulo nito na ikinabagsak nito sa sahig. Susugod naman sa kanan niya ang isang lalaki na sinalubong niya ng sipa sa dibdib nito bago mabilis na paikot na sinipa naman ang lalaki sa kaliwa niya.   Hindi makapaniwala si Maki sa nakikita niya kay Nastia na magaling sa pakikipaglaban na walang hirap na pinapatumba ang mga kalaban nito ng mapansin ni Maki ang kapatid ni Nastia na akmang hahawakan ng isa pang lalakin na agad ikinatayo ni Maki at sinaboy sa mukha nito ang hawak niyang pagkain na ikinaatras nito palayo na mas ikinagulo at ikinatakbo ng mga kumakain sa karindirya. Agad kinuha ni Maki ang kapatid ni Nastia na abala sa pagpapatumba ng mga kalaban niya na pinagtutulungan ito pero nagagawa paring makalaban ng hindi natatamaan. Nang makita niyang pasugod sa kaniya ang lalaking tinapunan niya ng pagkain ay agad niyang ibinigay kay Ruhk ang kapatid ni Nastia na at sinalubong ang lalaki ng malakas na suntok sa mukha at sipa sa dibdib nito na ikinatalsik nito.   At dahil sumali siya sa gulo ay sinugod na rin siya ng ibang mga tauhan ng lalaking bumabawi na sa ginawa ni Nastia sa kaniya. Nakikipag-bugbugan narin si Maki habang si Ruhk ay nakaupo sa upuan nito na hindi nito inalisan habang nasa tabi niya ang kapatid ni Nastia na nakatingin sa kaniya.     “You’re not going to help, Mr?”tanong ni Cathy dito na naiiling na ikinalingon ni Ruhk dito.   “I’m eating besides, your sister can take down his enemies.”kumento ni Ruhk na nilingon si Nastia na ilan ng kalaban nito ang napapatumba nito.   Nahawaka nito ang braso ng lalaking susugod sa kaniya bago niligon ang lalaki sa magkabilang gilid niya na susugod sa kaniya ang dalawang lalaki na ikinapaharap niya sa hawak niyang lalaki sa isang pasugod na lalaki bago patalikod na sipa ang binigay niya sa kalaban niya sa likuran niya bago siya pababang umikot sa likuran ng hawak niyang kalaban na napasigaw sa sakit dahil sa pagpilit ni Nastia sa kamay niya na malakas ang suntok sa mukha ang binigay niya sa isa pang lalaki na pasugod sa kaniya na ikinahawak nito sa mukha nito na ikinahila ni Nastia sa hawak niyang lalaking nakahawak sa braso niyang nabalian gawa ni Nastia na pinaharap sa kasama nito na ikinatanggap nito ng malakas na sipa sa mukha kasunod sa dibdib nito na sabay ikinatumba ng dalawa sa sahig na ikinaporma ni Nastia kung paano siya matapos makipaglaban sa mga laban niya sa taekwondo na ikinapalakpak ng kapatid niya sa tabi ni Ruhk na bahagyang napahanga sa panunuod kay Nastia.   “She knows how to take down a man without getting hurt.”kumento ni Ruhk habang natutuwa ang kapatid ni Nastia.   “That’s my Ate!”cheer ni Cathy na ikinatigil nito ng mapalingon siya sa lalaking humawak sa ate niya kanina na unang pinabagsak ni Nastia.   May galit itong naglakad palapit kay Nastia na nakatalikod na mabilis nitong niyakap ng mahigpit mula sa likuran at iniipit ang dalawang braso nito.   “Bwisit kang babae ka! Akala mo ba mapapalagpas ko ang ginawa mo sa akin!”galit na sambit nito na pilit kumakawala si Nastia sa mahigpit na yakap nito sa kaniya na mas ramdam niyang dinidiin nito ng marinig niya ang boses ng kapatid niya.   Sa mata ng kapatid niya ay cool siya, sa mata ng kapatid niya ay hindi siya nagpapatalo kaya malakas at pwersang pilit pinaghihiwalay ni Nastia ang mahigpit na yakap sa kaniya ng lalaki sa likuran niya na lumalaban din sa ginagawa niya. Hinawakan ni Nastia ang dalawang braso na umiipit sa mga braso niya ng malakas niyang apakan ang kaliwang paa nito na ikinahiyaw ng kalaban niya na lumuwag ang pagkaka-akap sa kaniya na ginawa niyang pagkakataon mabilis na umikot paharap dito na ngiwing napalingon sa kaniya nang malakas niya itong suntukin sa babae nito na bahagya nitong ikinalayo sa kaniya na siya namang bahagyang ikinalayo ni Nastia at sisipain sana ito sa may leeg nito ng mahawakan nito ang binti niya.   Napabagsak naman ni Maki ang dalawang lalaking sumugod sa kaniya na mga walang malay na nakahiga na sa sahig. Paharap siyang babalik sana sa pwesto nila ni Ruhk ng bumagsak siya sa sahig habang si Nastia ay mahinang napamura habang nakadag-an sa kaniya na ikinakunot ng noo ni Maki.   “Nanadya ka ba?”singhal ni Maki na ikinalingon ni Nastia sa kaniya na hindi niya alam kung bakit bigla siyang natigilan ng magkasalubong ang mga mata nila.   “Sa tingin mo sinasadya kong matumba sayo? Hinigas ako nung kalaban ko at dahil paharang-harang ka nadamay ka kaya huwag ka sa akin magrek---ahhh!” hindi natuloy ni Nastia ang sasabihin niya ng patayo siyang itinayo ng kalaban niya sa likuran ng damit niya na mabilis niyang ikinaikot at binigyan ng sipa ang kalaban niya na dahil sa malaki ang katawan nito ay bahagya siyang napatras ng mapasandal siya sa isang katawan na agad niyang ikinalingon ng makita niya si Maki na nakatayo na din na agad niyang ikinalayo dito.   “Baka sabihin mo na naman sinadya ko?”masungit na sambit ni Nastia na ikinapoker face na ikinalingon ni Maki sa kaniya.   “May sinabi ba ako?”sambit ni Maki ng sabay silang mapalingon sa lalaking sumugod sa kanila na mabilis nilang naiwasan.   At dahil si Nastia ang target nito ay agad itong sumugod kay Nastia na umiiwas sa mga pagsugod nito habang nasa likuran nito si Maki na umaatras habang nasa unahan nito si Nastia na umiiwas sa pagsugod ng kalaban nito ng mabilis na yumuko si Nastia na ikinalaki ng mata ni Maki ng muntik ng siya ang makatangap ng suntok ng lalaki na agad niyang nasalo na ikinalingon ng lalaki kay Nastia nan aka squat ng umupo na agad itinukod ang dalawang kamay sa semento at malakas na isinipa ang kaliwa niyang paa sa dibdib ng kalaban niya na ngiwing ikinaatras nito palayo sa kanila ni Maki na tumabi sa gilid niya na may asar na mukha.   “Sinadya mo ‘yun para ako ‘yung masuntok ano?!”reklamo ni Maki na ikinasama ng tingin ni Nastia sa kaniya.   “Hoy anong sinadya ko? Bakit ka kasi nasa likuran ko?”angal ni Nastia ng makita nilang pasugod muli ang kalaban nila na sabay nilang ikinahiwalay na dalawa na bahagyang ikinagulat ni Maki nang siya na ang sugurin ng kalaban ni Nastia na ikinamura nito.   “Tangna! Bakit ako ang sinusugod nito?!”angal ni Maki habang iniilagaan ang bawat suntok ng kalaban niya na malakas na sinipa ni Nastia ang nakahigang pinatumba ni Maki kanina sa dibdib nito at sinuntok sa mukha na ikinawalan na nito ng malay.   “Ate!”tawag ni Cathy sa kaniya na ikinalingon niya dito at makitang safe ito sa tabi ng lalaking kasama ni Maki.   “Just stay were you are Cathy okay.”bilin ni Nastia na ikinatango nito bago nito binalik ang tingin kay Maki at sa kalaban nito na sinusugod narin ni Maki. Susugod na sana si Nastia upang tulungan si Maki ng mahagip ng mata niya ang sinturon ng pinatulog niyang lalaki na agad niyang kinuha at inikot sa magkabila niyang kamay bago mabilis na lumapit sa kalaban ni Maki at mabilis na bumaba sa likuran nito bago niya pinaikot ang hawak niyang sinturon sa leeg nito na ikinahawak ng lalaki sa may leeg niya at pilit siyang inaalis sa pagkakapatong niya sa likuran nito na ikinalingon niya kay Maki.   “Punch him already bakit nakatunganga ka pa diyan!”sigaw na singhal ni Nastia kay Maki na agad nitong ikinakilos at sunod-sunod na sinuntok ang sikmura nito at mas hinigpitan ni Nastia ang pagkakasakal niya sa hawak niyang sinturon sa leeg nito na bagsak na ikinaluhod nito na mabilis na ikinababa ni Nastia sa likuran nito at ikinabitaw niya sa pagkakahawak niya sa hawak niyang sinturon nang malakas na sinipa ni Maki ang mukha nito na napaharap kay Nastia na ikinaporma ni Nastia at malakas itong binigyan ng malakas na paikot na sipa ni Nastia sa may leeg nito na pabagsak nitong ikinawalan ng malay sa sahig.   Lahat ng nakalaban nina Nastia ay nakahandusay na sa sahig, ang iba ay walang malay ang iba ay mga namimilipit sa sakit na nakuha nila kay Maki at Nastia. Inayos naman ni Nastia ang kaniyang sarili habang nakatingin si Maki sa kaniya dahil hindi din ito makapaniwala sa pinamalas ni Nastia sa pagtutumba nito sa mga kalaban nila. Napatingin si Nastia kay Maki na nakatingin sa kaniya na ikinasalubong ng kilay niya.   “Anong tinitingin-tingin mo diyan?”pagsusungit ni Nastia na ikinasimangot narin ni Maki sa kaniya.   “Wow ha, ang lakas mong magsungit tinulungan ka na ngang pabagsakin ang mga kinalaban mo.”pahayag ni Maki na pang-asar na ikinatawa ni Nastia dito.   “So ano? Magpapasalamat ako sayo? Humingi ba ako ng tulong sayo ha?”sagot ni Nastia na naasar na ikinalingon ni Maki kay Ruhk na natapos na ang kinakain nito.   “Wala siyang utang na loob Verchez, siya na nga tinulungan siya pa may ganang magalit.”angal na reklamo ni Maki na ikinibit balikat Ruhk sa kaniya na ikinbaling niya muli ng tingin kay Nastia na nakapamewang sa kaniya.   Ang mga kaninang costumer ay unti-unting nagpapasukan sa loob ng karindirya upang sillipin na ang nangyayari, madami na din na mga lamesa at gamit ng karindirya ang nasira dahil sa nangyaring gulo. Nang mapalingon sila sa mga pulis na nagsidatingan na bahagyang ikinalaki ng mga mata ni Nastia at agad lumapit kay Maki na ikinakunot ng noo nito.   “What the f*ck are you doing?”singhal ni Maki na ikinasama ng tingin ni Nastia sa kaniya.     “Don’t f*ck me you masungit na kulang sa height! Just act okay.”singhal ni Nastia sa kaniya na hindi niya naiwasang ikaasar sa sinabi ni Nastia sa kaniya.’   “A-anong sabi mo? K-kulang sa height? Mukha ba akong pandak sa harap---“   “Excuse sir, ano pong nangyari dito?”   Hindi natuloy ni Maki ang sasabihin niya dahil sa paglapit ng isang pulis sa kanila na bahagyang gulat na ikinalingon niya kay Nastia ng humawak ito sa braso niya.   “Mga nangulo kasi officer ‘yang mga lalaki na ‘yan dito sa loob ng karindrya, buti nalang may PUSONG MAMON na tumulong para patahimikin sila. Actually sir binabastos kasi nila ako kaya itong si Mr. HUMBLE AND KIND eh tinulungan ako.”pahayag na rason ni Nastia na bahagyang ikinasimangot ni Maki dahil alam niyang sarkastik ang mga sinasabi ni Nastia.   “Totoo ba ‘yun sir?”baling na tanong ng pulis kay Maki na akmang sasagot ng maunahan ito ni Nastia.   “Totoo ‘yun sir kahit tanungin niyo po ang may-ari ng karindirya, sila po talaga ang unang nanggulo.”sambit ni Nastia na lihim na kinurot ang braso ni Maki na pigil na ikasigaw nito.   “She’s saying the truth officer, sila ang nauna.”pahayag ni Maki na ikinatango ng pulis at nilingon ang mga kasama nito.   “Sige damputin na ang mga ‘yan.”utos nito na agad ikinadampot ng mga pulis sa mga nakahandusay na nakalaban nina Maki at isa-isang nilabas sa karindirya na agad ikinabitaw ni Nastia sa pagkakahawak niya sa braso ni Maki.   “Hindi mo na kailangang mag thank you Mr. Atleast lumabas kang superhero, your welcome.”ngiting pahayag ni Nastia na inirapa si Maki bago naglakad palapit sa pwesto ng kaniyang kapatid na may insi sa mukhang ikinasunod ni Maki sa kaniya.   “Ikaw ang nagpabagsak sa lahat ng mga gago na ‘yun tapos feeling mahinhin ka sa harapan ng pulis na ‘yun? Gusto mo pasalamatan pa kita eh ikaw nga may atraso sa akin.”singhal ni Maki na ikinalingon ni Nastia sa kaniya.   “Excuse me ha, nag sorry na ako sayo. Unang-una hindi ko naman sinasadya na mapagbintangan ka na magnanakaw, at kung hinihintay mong mag sorry ako sayo dahil nadanggi kita at nawalan ng malay…”pahayag ni Nastia na tinigil muna ang sasabihin niya bago ginaya ang porma ni isang artista na napanuod niya.   “…sorry po.”labas sa ilong na pahayag ni Nastia bago sinimangutan si Maki.   “Ok na ba? Ang arte mo para sa isang lalaki ah.”sambit ni Nastia na hinawakan si Cathy sa kamay nito at nginitian si Ruhk.   “Thank you for watching my sister.”pasasalamat ni Nastia na hindi makapaniwalang ikinatitig ni Maki dito dahil sa magalang na pagkausap nito kay Ruhk,   “That’s nothing, you’re good in fighting.”puri ni Ruhk na ikinayuko ni Nastia sa kaniya.   “Salamat. Let’s go Cathy, sa bahay nalang tayo kumain at ipagluluto kita. Sa bahay sure na walang masungit na kulang naman sa height.”pahayag ni Nastia bago hinila si Cathy na tumigil muna sa harapan ng may-ari ng karindirya at naglapag siya sa counter ng ilang lilibuhin at ngiting yumuko dito.   “Pasensya na po sa gulo, bayad ko po ‘yan sa mga nasira dahil sa mga bastos na mga lalaking ‘yun. Sagot ko narin po ‘yung kinain ng costumer niyong nag-iinarte, pasensya na po ulit.”pahayag ni Nastia bago tinapunan ng tingin si Maki na hindi makapaniwala sa kinatatayuan nito bago niya inirapan at hinila si Cathy palabas ng karindirya.   “Ang lakas ng loob ng babaeng ‘yun, siya na nga ang tinulungan nagmamalaki pa.”asar na singhal ni Maki na ikinatapik ni Ruhk sa balikat niya.   “She’s a keeper Laochecko, you find a good wife to keep.”ngising asar ni Ruhk na ikinatabig ni Maki sa pagtapik niya.   “Gago Verchez, sinong lalaki ang magkakagusto sa babaeng daig pa ang amazona. Habulin pa yata ng gulo, mas macho pa sa akin.”pahayag ni Maki na ikinapamulsa ni Ruhk sa pants niya na sabay nilang ikinalakad palabas ng karindirya at tulad ni Nastia ay nag-iwan din si Maki ng pera sa may-ari nito.   “Babayaran ko ‘yung kinain namin, keep the change.”pahayag ni Maki bago sila tuluyang lumabas ni Ruhk sa karindirya.   “She’s good in fighting, mapagtatanggol ka niya in case.”ngising asar parin ni Ruhk kay Maki na sinamaan pa siya ng tingin.   “Pwede ba Ruhk palaboy, baka nga ako pa ang magprotekta sa babaeng ‘yun eh.”sambit ni Maki na mas ikinangisi ni Ruhk sa sinabi nito.   “Oh, so may balak kang protektahan siya. You should get her name and her number if you want to do that.”pahayag ni Ruhk na bahagyang ikinatulak ni Maki sa kaniya.   “Gago! Hindi ko type ang babaeng ‘yun, wala sa bokabularyo ko ang mainlove lalo na kung mas matapang pa sa akin ‘yung babae. Peste! Hindi na nga nakakain ng maayos nadamay pa sa gulo at tinawag niya pa akong kinulang sa height! Tangna, ano bang problema niyo sa height ko?”singhal na inis ni Maki na ikinatapik ni Ruhk sa kaniya.   “Truth will set you free, Laochecko.”   “F*ck you, Verchez!”mura ni Maki ng deretso na silang sumakay sad ala nilang kotse at umalis na sa lugar na ‘yun upang gawin na ang trabaho nila.     PAGKA-UWI naman nina Nastia sa mansion nila ay bakas parin kay Cathy ang tuwa nito dahil sa napanood nitong laban ng ate niya na kahit sa biyahe ay hindi ito tumitigil sa pagpuri sa kaniya.   “You’re so awesome Ate, you make tumba all the bad guys. You’re the best ate ko.”natutuwang puri ni Cathy na ngiting ikinagulo ni Nastia sa buhok ng kaniyang kapatid.   “Don’t tell to mom and Dad what happened kanina pag tumawag sila okay, mag-aalala kasi sila.”bilin ni Nastia na ngiting ikinatango ni Cathy.   “Okay Ate, but why you’re so sungit kay kuya pogi?”tanong nito na ikinakunot ng noo ni Nastia.   “Kuya Pogi?”tanong niya na ikinatango ni Cathy.   “The Pogi 1 who helped you make tumba all the bad guys.”   “Sinusungitan din kasi si Ate kaya nasungitan ko.”sagot ni Nastia na inalalayan niyang makaupo si Cathy sa stool na upuan sa kusina.   “What do you want to eat?”   “Hotdog and egg and ham!”sagot ni Cathy na ngiting kinuha na ang mga gagamitin niya sa pagluluto.   “But you should thank him ate.”sambit ni Cathy na ikinalingon ni Nastia sa kaniya at ikinasalubong ang kilay.   “Why naman? Did you see? Sinusungitan niya si Ate kanina.”   “But he help me kanina when one bad guy try to touch me, tinapon niya sa face nung bad guy ‘yung food niya and he kick and punch na the other bad guy na sumugod sa kaniya.”pahayag na paliwanag ni Cathy na bahagyang ikinatigil ni Nastia sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa kaniyang kapatid.   “He did that?”tanong niya na ikinatango nito.   Ibinalik nalang ni Nastia ang atensyon niya sa lulutuin hiya habang iniisip ang sinabi ni Cathy sa kaniya na bahagya niyang ikina-ungos.   “Bakit kasi ang sungit niya, dinaig pa niya ang babae kung magsungit. Tsaka bakit ako magte-thank you don eh mukha naman na hindi nun kailangan.”mahinang sambit ni Nastia sa kaniyanga sarili na agad siyang tinamaan ng guilty dahil sinungitan niya din ito.   “Fine, pag nagkita ulit kami mag thank you ako sa kaniya bahala siya kung ayaw niyang tanggapin basta nag thank you ako dahil niligtas niya si Cathy para wala ng guilt feelings!”pahayag pa ni Nastia sa kaniyang sarili bago tinuloy ang pagluluto niya.   Isinantabi nalang muna ni Nastia ang mga nangyari kanina pero hindi siya matahimik dahil sa pagkakaligtas ni Maki sa kapatid niya, alam niyang utang na loob niya ‘yun kay Maki dahil kung hindi nito niligtas ang kapatid ay baka nadamay ang kapatid niya sa gulo na hindi naman niya ginusto na mangyari. Buong maghapon na binubulabog ng konsensya si Nastia na hanggang pagtulog niya ay nahihirapan siyang makatulog. Kaya habang mahimbing na natututulog ang kapatid niya sa kama niya ay dahan-dahan siyang bumangon at binuksan ang laptop niya.   Agad siyang nagtungo sa browser niya at hinanap niya sa internet kung saan niya pwedeng makontak o makita si Maki upang magpasalamat dito. Mabuti nalang at hindi makakalimutin si Nastia dahil natandaan niya ang pangalan na tinawag ng pulis dito ng dalhin niya ito sa presinto.   “Maki Laochecko…”sambit ni Nastia sa natatandaan niyang pangalan nito at ng pindutin niya ang enter ay agad naglabasan ang impormasyon tungkol sa hinahanap niya na bahagya niyang ikinaungos ng makakita siya ng litrato nito.   “Gwapo nga masungit naman, tss!”sambit ni Nastia bago naghanap kung paano ito makokontak.   Search lang siya ng search hanggang sa makita niya ang address at telephone number ng kumpanya nito na agad niyang kinuha. Sinulat ni Nastia ang telephone number ng company ni Maki at nagdesisyon na tumawag dito bukas dahil kahit labag sa loob niya ay magpapasalamat siya dito para kay Cathy. Nang masulat na ni Nastia ang numero ay agad na nitong pinatay ang laptop niya at muling tumabi sa kaniyang kapatid na inayos ang pagkaka-kumot nito. Umayos na rin ng higa si Nastia bago nagdesisyong matulog na dahil maaga din siya sa pagpasok sa kumpanya nila at habang palalim ng palalim ang pagtulog niya ay siya namang pagpasok ng isang panaginip na sa paggising niya bukas ay masasabi niyang bangungot at hindi magandang panaginip.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD