Pagdating ni Verchez sa bahay ni Paxton ay nilingon niya si Maki sa sasakyan niya na wala paring malay na nakahiga sa backseat ng kotse niya. Napangisi si Ruhk dahil hindi naman niya ginusto ang nangyati dito pero pinagpapaalamat niya dahil sa tingin niya ay nasira ng babaeng bumunggo kay Maki ang plano ni Ody. Piping hiling lang ni Ruhk na sa pag-gising nito ay bumalik na si Maki at hindi si Ody dahil alam niyang magiging problema ito sa kanila ni Paxton. Alam nila na malaki parin ang epekto ni Maki sa tuwing may naririnig ito tungkol sa ama nito na may malaking dahilan kung bakit nabuo ang isang persona ni Maki, hindi man nila alam ang totoong pinagdaanan ni Maki pero sa paliwanag sa kanila ng doctor ay may malalim itong sugat emotionally dahilan kung bakit nag create ang isipan nito ng isang persona na hindi nila inasahan na mas malala kay Maki at may banta pang dala sa kaibigan nila.
Naiiling na lumabas si Ruhk sa kotse niya at binuksan ang pintuan ng backseat niya bago hinigit si Maki at muling binuhat na parang sako na mahina niyang ikinamura dahil sa bigat nito.
Sinara ni Ruhk ang pintuan ng kotse niya gamit ang kanan niyang paa bago naglakad na papasok sa bahay ni Paxton habang buhat-buhat ang walang malay na si Maki. Nang makapasok siya ay agad siyang nakita ni Trace at ng asawa nito na si Bliss na may bahagyang gulat sa mukha nito ng makita nitong buhat-buhat nito si Maki na agad niyang ibinaba sa mahabang sofa.
“Damn it! He’s f*****g heavy.”bahagyang reklamo ni Ruhk na ikina stretch niya sa balikat at leeg niya.
“Anong nangyari kay Maki?”takang tanong ni Bliss habang kay Maki nakatingin.
“Muntik ng may kumawalang demonyo sa gagong ‘yan.”sagot ni Ruhk kay Bliss na kunot noong ikinalingon ni Bliss sa kaniya.
“Did he came out?”walang emosyon na tanong ni Trace kay Ruhk na ikinalingon niya dito.
“Yeah, almost. He really wants to take over Laochecko’s life, he had a f*****g guts when he’s just a f*****g illusion of Laochecko.”sambit ni Ruhk na wala namang maintindihan si Bliss sa pinag-uusapan ng dalawa.
“Let’s not mind him, gigising din ang isang ‘yan miya-miya and we will see if he’s Maki or hinayaan niya na persona na ‘yun ang bumalik. I’ll strangling him in his neck if he’s still that f*****g Ody.”pahayag ni Ruhk na pabagsak niyang ikinaupo sa sofa bago muling nilingon si Trace.
“May balita na kayo sa paghahanap niyo sa nawawalang Ate ng asawa mo?”tanong ni Ruhk kay Trace na bahagyang ikinailing nito.
“Not yet but Ignacio told me that he will ask help to his friend, Yo Ringfer. After our wedding.”malamig na sagot ni Trace na ikinalingon ni Ruhk kay Bliss.
“I’m going to say sorry for not attending your wedding this week, but I will congratulate the both of you and wishing the best in your wedding. Bianco will happy to see you happy, Bliss.”seryosong pahayag ni Ruhk na ngiting ikinatango ni Bliss sa kaniya.
“Naiintinidihan namin, Ruhk. Alam kong mahirap parin na tanggapin na wala na si Vinz, pero sana maging maayos na kayo.”pahayag ni Bliss na bahagyang ikinangiti ni Ruhk sa kaniya.
“I’m now okay with the fact that Bianco is already gone, same with Vidalgo and others. There just some things I need to do that’s why I can’t attend in your wedding with De Leon.”paliwanag ni Ruhk ng sabay silang mapalingon kay Paxton na pababa ng hagdanan na may malawak na ngiti sa labi nito habang sumisipol hanggang sa makarating ito sa pwesto nila.
“Ang gwapo ng anak namin ng asawa ko, nagmana ng kagwapuhan sa gwapo niyang tatay.”pagmamalaking pahayag ni Paxton sa kanila.
“Congrats Ignacio, magiging ulirang ama ka na.”bating pahayag ni Ruhk na akmang magyayabang si Paxton sa kanila ng mapansin nito ang walang malay na si Maki.
“Anong nangyari kay Laochecko? Lasing baa ng gagong ‘yan?”kunot noong tanong ni Paxton habang nakatingin kay Maki.
“Nope, he’s just knock out after a woman bumped him a while ago and it’s good dahil natahimik si Odysseus.”sagot ni Ruhk na ikinalingon agad ni Paxton sa kaniya.
“What the f**k? Paanong nakalabas ang hudas na ‘yun kay Laochecko?”
“Napanuod niya ang balita tungkol sa ama niya na muntik ng makatakas, we know that the hole that Ody can came out is when Laochecko remember his past involving his father.”seryosong sagot ni Ruhk na pansin nilang gumagalaw na si Maki sa pagkakahiga nito na sa tingin nila ay magigising na.
“Wife, will you go up in Irish’s room.”sambit ni Trace sa kaniyang asawa na ikinalapit niya dito na naguguluhan.
“H-huh? Bakit?”
“Just go upstairs, you want to see the baby of Irish, right?”pahayag pa ni Trace kay Bliss.
“My wife is still awake, Bliss. You can see Spade and my wife”sambit ni Paxton na kahit naguguluhan ay ginawa ni Bliss ang sinabi ni Trace kaya wala na siyang tanong-tanong na naglakad na paakayat sa hagdanan.
Nakasunod naman ng tingin si Trace sa asawa niya hanggang sa tuluyan na itong makaakyat.
“He’s already f*****g awake.”pahayag ni Ruhk na ikinalingon at ikinatitig nila kay Maki na dahan-dahang umupo sa pagkakahiga niya sa sofa habang hawak-hawak nito ang likuran ng ulunan nito.
“Bakit parang may bukol ang ulo ko?”ngiwing pahayag ni Maki ng maramdaman niyang bahagyang makirot ang likod ng ulunan niya na ikinalingon niya kina Ruhk na seryosong nakatingin sa kaniya.
Sa pagkakatanda niya ay nasa labas pa sila ni Ruhk at pauwi na sila ng mapanuod niya ang balita tungkol sa kaniyang ama na biglang ikinasakit ng ulo niya hanggang sa wala na siyang matandaan na mahina niyang ikinamura.
“Did he f*****g came out again?”pahayag na tanong ni Maki kay Ruhk na nakatingin lang sa kaniya na ikinakunot ng noo nito.
“Anong tingin ‘yan Verchez? Ah, ako na ‘to kaya pwede ba kung makatitig ka diyan parang gusto mong manugod ah.”sambit ni Maki na ikinalingon naman nito kay Paxton na nunuring nakatingin sa kaniya na ikinatayo niya na pansin niyang parang ikinahanda nina Paxton.
“Kuya Paxton ako na ‘to, mukha bang nagbibiro ako?”pahayag niya sa mga ito dahil sa tingin niya ay hindi pa mga naniniwala ang mga ito.
“We need to be sure Laochecko, baka naisipan ng persona mong magpanggap na ikaw.”sambit sa kaniya ni Paxton na ikinabuntong hininga ni Maki.
“Ako na ‘to kuya Paxton, hindi siya.”seryosong pahayag ni Maki na lihim na ikinakuyom ng kamao niya dahil hinayaan na naman niyang makalabas si Ody sa katawan niya.
“Stupid Laochecko.”sambit na tawag ni Ruhk sa kaniya na ikinasama ng tingin nya dito.
“Kanina ka pa stupid ng stupid Ruhk palaboy ah, nakakarami ka na. Nakaligtas ka na nga sa panlilibre mo dapat kanina kung maka stupid ka diyan. Gusto mong siraan kita kay Liana mo?”inis na singhal ni Maki kay Ruhk na ikinalingon nito kina Paxton.
“He’s Laochecko.”rinig niyang sambit nito kina Paxton na ikinabuntong hininga nalang niya at ikinabagsak ng upo sa sofa.
“Bakit sumasakit ang likod ng ulo ko Verchez? Tsaka paano mo ko napatulog ah? Tangna siguro hinampas mo ang ulunan ko makatulog lang ako para bumalik ang taong ‘yun noh, sabihin mo!”bintang na pahayag ni Maki na bahagyang ikinangisi ni Ruhk sa kaniya.
“I didn’t think that plan honestly, don’t worry I;m not the one who knock you down. There’s a woman who accidentally bumped you when you are in Ody’s state, napasama ang bagsak niya sayo kaya napauntog ang ulunan mo sa semento kaya nawalan ka ng malay. You should thank her.”pahayag na paliwanag ni Ruhk sa kaniya na ikinakunot ng noo ni Maki sa paliwanag ni Ruhk sa kaniya.
“Babae? Napaka timing naman niya kung ganun.”
“Yeah, she said that she dragged you in the precinct and accuse you as a thief and she wants to say sorry but she slipped and shut the f**k up of your f*****g another persona.”sagot ni Ruhk na sa description nito ay alam na ni Maki ang tinutukoy nito.
“Tss, lakas ng loob niyang mag sorry pagkatapos niya akong pagkamalang magnanakaw. Hindi ako magpapasalamat sa kaniya, quits lang kami.”bahagyang inis na pahayag ni Maki dahil naiinis siya pag naalala ang ginawa nito.
“Just be grateful that you still have your f*****g self and body, utang na loob Laochecko besides she said sorry.”sambit ni Ruhk sa kaniya na ikinaungos niya lang.
“Be careful next time Laochecko, pag may nakita o narinig ka kaagad tungkol sa kaniya, lumayo ka kaagad. Don’t let him showed up again and take over your body, sa susunod na magpabaya ka baka hindi ka na makabalik. Naiintindian mo ko?”seryosong bilin ni Paxton na ikinatango ni Maki sa kaniya.
“Tatandaan ko Kuya Paxton.”
“Good. Masaya ako ngayon dahil nahahawakan ko na ang anak namin ni Irish, mga ninong din kayo kaya ayusin niyo mga pakimkim niyo. Lakihan niyo ah!”pahayag ni Paxton sa kanila na ikinasang-ayon nalang nila bago sila pinayagan ni Paxton na punatahan si Irish upang masilip ang anak nito.
KINAGABIHAN ay magkasama si Nastia at ang kaniyang kaibigan sa kwarto niya dahil napapayag niya itong mag sleep over sa kanila na minsan lang nito pagbigyan. Nasa loob sila ng kaniyang kwarto at parehas nakahiga sa kama habang kinukwento ni Nastia ang mga nangyari sa kaniya at sa nakakahiyang pangyayari na nagawa niya.
“Ano? May napagkamalan kang magnanakaw at nadala mo pa sa presinto?”
“Nakakahiya Athena, hindi ko pinakinggan ang mga sinasabi niya na mali ako ng taong dinala sa presinto, ang worst pa, hindi naman ako clumsy na tao pero nung hinanap ko siya para mag-sorry natalisod ako at nadaganan siya. Nawalan siya ng malay dahil sa akin.”nagsisising kwento ni Nastia na ikinatitig ni Athena sa kaniya bago pumalahaw ng tawa na bahagya niyang ikinasimangot.
“Sorry Nastia, hindi ko lang napigilan na tumawa sa mga kinuwento mo.
“Don’t laugh at me Athena Joy! Hindi ko naman sinasadya ‘yun tsaka aksidente lang ‘yung nangyari.”sitang sambit ni Nastia na pigil ang tawa ni Athena sa kinuwento niya.
“Buhay pa naman siguro ‘yung lalaking pinagkamalan mo ng magnanakaw, napatulog mo pa.”pahayag ni Athena na bahagyang ikinanguso ni Nastia sa kaniya.
Hindi niya maiwasang ma guilty sa lalaking napurwisyo niya, gusto talaga niyang humingi ng sorry dito pero sa nakita niya sa lalaki ay masungit ito kaya naiisip niya na baka hindi pa sila magkasundo ng ayos. Sa tingin naman ni Nastia ay hindi na sila magkikita ng lalaking binigyan niya ng problema, hinihiling nalang niya na sana ay okay ito sa nagawa niyang pagkakadagan dito na ikinawalan nito ng malay.
“I want to find him and say sorry, kaya lang suplado. Baka imbis na makapag sorry ako baka makagulo pa kaming dalawa.”pahayag ni Nastia na ikinalingon niya sa kaibigan niya na malalim na napabuntong hininga habang nakahiga sila parehas sa kama niya na ikinakunot ng noo niya.
“May problema ka ba Athena?”takang tanong nito sa kaibigan na napalingon sa kaniya at umiiling na ngumiti sa kaniya.
“Problema? Wala ah, bakit naman ako mamomroblema. Madami akong trabaho pero hindi ko pinoproblema ang nga ‘yun basta kumita ako.”pahayag nito na ikinatitig ni Nastia sa kaibigan na bahagya niyang pinaningkitan ng mga mata niya.
“Sure ka? I know you Athena, matagal-tagal na din tayong magkaibigan kaya alam ko kung may problem aka o wala.”kumentong pahayag ni Nastia na buntong hiningang paupong ikinabangon ni Athena at humarap sa kaniya.
“M-may nawawala kasi sa akin Nastia, ‘yung kwintas na nakita mong suot ko kanina, nawawala kasi.”sambit nito na gulat na ikinabangon din ni Nastia sa pagkakahiga niya.
“What? Paanong nawawala? Did you lost it somewhere else? I can help you find it?”alok ni Nastia na ikinailing ni Athena sa kaniya.
“Sa tingin ko nga nanakaw sa akin eh, may nakabanggan akong bata tapos ayon nung hinanap ko ‘yung kwintas wala na sa akin.”kwento nito na buntong hiningang ikinabagsak nito sa kama habang nakasunod ng tingin si Nastia dito.
“Galit talaga ang kapwa magnanakaw…”mahinang sambit ng kaibigan ni Nastia na ikinakunot ng noo niya dahil hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito.
“What did you say Athena? Are you sad?”tanong niya dito na bahagyang ngiting ikinailing nito.
“W-wala pero hindi naman ako malungkot, nanghihinayang lang.”pahayag nito ng muli itong bumangon sa pagkakahiga nito at kinuha ang cellphone nito na ikinakunot ng noo ni Nastia.
“May tatawagan ka ba?”tanong niya na ikinatango nito.
“May nakilala kasi akong bagong kaibigan Nastia at napakabait niya, gusto ka nga din niyang makilala at nag-aaya siyang kumain tayo sa labas kaya lang ang dami kong tambak na part-time na hindi ko pwedeng pasukan, sayang kasi.”pahayag na sagot nito sa kaniya habang inilagay na sa tenga nito ang cellphone nito.
“If you have a new friend at mabait sayo, magkakasundo kami. I’d love the idea meeting her pero magiging busy ako this past few days dahil sa business namin. Dad and mom will go to main quarters para asikasuhin ang ibang negosyo so, ako muna ang bahala sa company namin dito sa Philippines.”pahayag ni Nastia nang sumenyas si Athena na sumagot na ang bago nitong kaibigan.
“Hello, Artemis? Nako pasensya na kung ako na ang tumawag sayo, tungkol kasi sa pag-aaya mo sa amin ni Nastia na kumain sa labas sa susunod na araw ay mukhang kailangan ko munang tanggihan. Pasensya na talaga, naalala ko kasi na ang dami kong trabaho na dapat pasukan, pramis babawi ako sayo.”pahayag ni Athena na ikinangiti ni Nastia dahil ganito din minsan ang ginagawa nito sa kaniya pag nag-aaya siyang lumabas. Uunahin ang trabaho kaysa mag unwind at magpahinga, at ang pagiging masipag ni Athena ang isa sa hinahangaan niya dito.
“Hello? Artemis? Nagtatampo ka ba? Halaaaa, sorry talaga babawi talaga ako sayo pangako! Puputulin ko ang isa sa mga daliri ko pag hindi ko ginawa ang pangako ko sayo. Artemis…”sambit pa ni Athena sa kausap nito na kita niya ng kinakabahan ang kaibigan niya.
“Nagtatampo ba?”bulong na sambit ni Nastia na ngiwing ikinabit balikat ni Athena sa kaniya.
“Artemis magsalita ka naman diy---“ napakunot ang noo ni Nastia ng hindi natuloy ni Athena ang sasabihin nito sa bago nitong kaibigan na kita niyang ikinatigil nito at napakunot nalang ang noo niya ng bigla nitong ibaba ang cellphone nito.
“What? Nagalit ba sayo?”curious na tanong ni Nastia na ikinalingon ni Athena sa kaniya.
“H-hindi siya ‘yung sumagot eh, boses ng isang lalaki. Hindi kaya nobyo niya? Ah hindi baka ‘yung kambal niya ‘yung nakasagot ng tawag ko.”sagot ni Athena sa kaniya na ikinaturo ni Nastia sa cellphone nito.
“Tawagan mo ulit, kung kambal niya ‘yun baka maisip niya na rude ang ginawa mo dahil pinagpatayan mo siya ng call.”sambit na payo ni Nastia na ikinatango ng kaniyang kaibigan na huminga pa ng malalim bago muling tumawag sa numero ng bago nitong kaibigan.
Hindi napigilan ni Nastia na mapangiti sa kaibigan dahil naku-kyutan siya sa mga minsang reaksyon na pinapakita nito, isa si Athena sa pinahahalagahan niyang kaibigan dahil mabait ito at hindi katulad ng iba na nakikipag-kaibigan sa kaniya dahil sa yaman meron ang pamilya niya.
“Pasensya na kung pinagpatayan kita, nagulat lang talaga ako kasi hindi si Artemis ang sumagot. I-ikaw ba ang kambal niya?”rinig ni Nastia na sambit ni Athena na sa tingin niya ay kausap na nito ang sumagot sa tawag niya.
“Naku huwag na, baka maabala ko pa ang ginagawa niya. Ahhmmm, pakisabi nalang kay Artemis ‘yung mga nasabi ko kanina”sambit pa ng kaibigan niya na kita niyang nagsalubong ang kilay.
“Hindi kita inuutusan, nakikisuyo lang ako na baka naman kung pwede lang ay sabihin mo kay Artemis ‘yung mga sinabi ko? Ayoko kasi siyang magtampo sa akin. Tinatawanan mo ba ako?” rinig niyang may bahagyang pagsusungit ni Athena sa kausap nito na hindi niya maiwasang umusisa kaya bahagya siyang lumapit sa tabi ni Athena.
“Pakisabi nalang kay Artemis ‘yung mga sinabi ko, Pakisuyo pala pero kung abala naman sayo pwede ko namang ulitin tapos I-record mo.”sambit pa ni Athena ng marinig ni Nastia ang kausap nitong sumagot na tinawag pa ang pangalan ni Athena na hindi niya naiwasang ikakilig sa kaibigan.
“O-oo, sige na salamat.”pahayag ni Athena na agad pinatay ang tawag nito na ikinayakap ni Nastia sa kaniyang kaibigan.
“Bakit kaya kinikilig ako habang kausap mo ‘yung kambal ng bago mong kaibigan?”ngiting birong sambit ni Nastia na kita niyang bahagyang ikinapula ng mukha ni Athena.
“A-ano bang sinasabi mo diyan, hindi ko pa nga nakikita ‘yung kambal ni Artemis. Alam mo bang nirereto din niya sa akin ang kambal niya, bagay daw kami.”kwentong pahayag nito sa kaniya.
“Malay mo naman totoo ang sinasabi niya, tsaka iba ‘yung pagsambit ng pangalan niya sayo kanina eh.”ngiting kumento nya na ikinakalas ni Athena sa pagkakayakap niya.
“Huwag ka ngang ganiyan Nastia, sa tingin mo may magkakagusto sa isang katulad ko tsaka prinsipe ‘yun. At wala a—“
“—kang time na sa pag-ibig dahil may mas importante kang dapat pagtuunan ng atensyon at focus kaysa ang mahulog sa isang lalaki.”pagpapatuloy na pahayag ni Nastia sa sasabihin ni Athena na ikinaguso ng kaibigan niya sa kaniya.
“Hindi masamang magmahal Athena, isa pa, malay mo naman ‘yung kambal ng bago mong kaibigan ang nakatad---“
“Blaaahh blaahh! Walang nakatadhana okay, matulog na nga tayo!”putol naman ni Athena sa kaniya na bahagya niyang ikinatawa ng mahiga na ang kaibigan niya sa kama na hindi niya hinayaang matulog.
Nagkulitan pa sila at nagkwentuhan hanggang sa parehas na silang dalawin ng antok. Pag gising niya kinabukasan ay wala na si Athena sa tabi niya na alam niyang maagang umalis dahil sa madami nitong part-time job na gagawin. Minsan lang sila magkita ng kaibigan dahil abala ito sa mga tarabaho nito at naintindihan niya ‘yun. Kahit papaano ay bumabawi naman ito sa kaniya at kahit hindi ito nakakanuod ng mga laban niya ay ramdam niya parin ang suporta nito dahil sa mga text messages na binibigay nito sa kaniya sa tuwing sumasali siya sa mga taekwondo contest.
Bumangon na din si Nastia ay sinimulan ang morning routine niya, ngayon ang alis ng mga magulang nila at alam niyang matatagalan ang balik ng mga ito kaya siya muna ang bahala sa kumpaniya nila dito sa manila at sa kapatid niya habang wala ang mga ito. After ng routine niya ay bumaba na siya sa kwarto niya dahil maaga ang flight ng mga magulang niya, ihahatid niya ang mga ito kasama ang kaniyang kapatid.
Nang makababa na siya ay nagre-ready na ang mga magulang niya sa pag-alis ng mga ito, tinanong ng kapatid niyang si Cathy si Athena na sinabi niyang maagang umalis na bahagya niyang ikinatawa dahil bahagyang nagtatampo ang kaniyang kapatid dahil umalis ito ng walang paalam o nagpapakita dito.
Ilang oras ang lumipas ng umalis na sila sa bahay nila at nakasakay na sila sa kotse na ama niya ang nagmamaneho. Nakasunod lang sa kanila ang bodyguard nilang si Jacob na kasama sa pag-alis ng mga magulang niya. Balak pa nga ng mga ito na mag hired ng isa pang body guard para sa kanila ni Cathy pero sinabi niya na kaya niya ng alagaan ang kapatid niya na alam niyang may tiwala sa kaniya ang kaniyang mga magulang.
Nang makarating na sila sa airport ay nagpaalam na ang mga magulang nito sa kanila at nangakong tatawag ng madalas para kamustahin sila. Nang makapasok na ang mga ito ay si Nastia na ang nagmaneho ng kotse at nagdesisyon sila ng kapatid niya sa labas na kumain ng lunch nilang dalawa.
Ilang oras na biyahe ay ipinarada ni Nastia ang kotse at sabay silang lumabas ng kapatid niya, sa isang karinderya sila kakain na minsan na nilang nakainan ng kapatid niya at nagustuhan nila ang luto dito kaya pag may time ay bumabalik siya dito kasama si Cathy. Magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng matigilan si Nastia dahil sa pagpasok niya ay bumungad sa kaniya ang gwapong lalaking napagkamalan niyang magnanakaw na may dalang tray ng pagkain na napatingin din sa kaniya.
Hindi inaasahan ni Nastia na muli niya itong makikita at talagang sa karinderya pa binabalikan niya ito makikita. Nagakatinginan silang dalawa at pumasok sa isipan ni Nastia na humingi ng sorry dito pero hindi pa niya nabubukas ang labi niya ng irapan siya nito at talikuran na bahagyang ikinaasar ni Nastia.
Nakasunod lang siya ng tingin dito hanggang sa makaupo ito at makita niya ang lalaking bumuhat dito kahapon ng mawalan ito ng malay.
“Do you know him Ate?”tanong ni Cathy sa kaniya na ngiting ikinalingon niya dito.
“Nope, baka nakakita lang ng maganda kaya napatingin sa atin. Halika na, let’s find table for us.”pahayag na sagot ni Nastia na ikinatango ni Cathy.
Inikot niya ang paningin niya sa buong karindirya pero wala na siyang makitang bakanteng mesa maliban sa katabing mesa ng supladong lalaki na nagsisimula ng kumain. Walang nagawa si Nastia kundi maupo sa tabing mesa nito dahil baka mas lalo pa silang mawalan ng pwesto ng kapatid niya. Hindi nalang niya pinansin ang katabi nila hanggang sa makaupo sila ni Cathy.
“Anong gusto mong kainin, Cathy?”ngiting tanong niya sa kaniyang kapatid.
“Aish! Kung minamalas ka nga naman, ang ganda-ganda ng araw tapos biglang masisira. Oi Verchez, bilisan nating kumain nakakawalang gana kasi mamaya biglang may mambintang sa atin na hindi tayo nagbabayad.”rinig niyang pahayag ng katabi nila na bahagya niyang sinamaan ng tingin dahil malinaw sa kaniya na siya ang pinriringgan nito.
“Excuse me, sorry to bother pero ako ba ang pinariringgan mo?”usisang tanong ni Nastia dito na poker face na ikinalingon nito sa kaniya.
“Bakit narinig mo ba ang pangalan mo na binanggit ko Miss?”sarkatiskong sambit nito na hindi alam ni Nastia kung bakit agad siyang nakaramdam ng inis sa lalaking nasa tabing mesa nila.
“No, pero alam nating dalawa na ako ang pinariringgan mo, right? Still holding a grudge dahil napag bintangan kitang magnanakaw? I said sorry naman diba? Ikaw lang naman ang nag-inarte diyan.”inis na sambit ni Nastia na bahagyang inis na ikinatawa nito.
“Anong magagawa ng sorry mo kung nakaladkad mon a ako sa presinto? Sa gwapo kong ‘to Miss talagang pagnanakaw pa ang ibibintang mo sa akin? Wow, mukha ba akong magnanakaw Verchez?”baling na tanong nito sa kasama nito na natigil sa pagkain at nilingon ito.
“Should I answer that?”
“Huwag na, tangna mo baka kung ano pang ilabas ng bibig mo.”pahayag nito na naiiling na ikina-irap nalang ni Nastia dito habang nakatingin lang sa kaniya ang kapatid niya.
“Para sa isang lalaki, masyado kang maarte. I said sorry na but you don’t want to accept that. Parang nawala tuloy yung guilt sa pagkakabunggo ko sayo dahilan para mawalan ka ng malay, so weak.”pang-aasar ni Nastia na inis na ikinalingon nito sa kaniya.
“Anong sabi mo? Did you called me weak?”napipikon na singhal nito sa kaniya na akmang makikipagsabayan siya ng sagutan dito ng may sumipa pabukas ng pintuan ng karindirya na ikinalingon nilang lahat sa mga lalaking sigang pumasok sa loob.
“Lahat ng ulam dito bigyan niyo ko, huwag kayong babagal-baga!” utos na sigaw nito sa may ari ng karindirya na kita ni Nastia na ikinatakot ng mga ito.
Natigil ang namumuong bangayan nila ng katabi niyang supladong lalaki dahil sa mga pumasok na mga lalaki na sa tingin ni Nastia ay hindi gagawa ng mabuti. Nakita niyang naghahanaop ito ng mauupuan ng maglakad ito palapit sa mesa nila habang ang katabi niyang supladong lalaki ay bumalik nalang sa pagkain nito.
“Oy Miss, pwesto ko ‘yan. Umalis ka diyan.”utos sa kaniya ng lalaking may kalakihan ang katawan na sa tingin niya ang lider ng mga hoodlum na pumasok na ikinalingon niya dito.
“Bakit ako aalis? May pangalan mo ba ang lamesa na ‘to?”matapang na sagot ni Nastia na kita niyang hindi nagustuhan ng lalaki ang sinabi niya na walang pasabing hinawakan ang braso niya patayo na walang takot niyang tinitigan.
“Ate!”takot na tawag sa kaniya ng kapatid niya na hinawakan ng kasamahan nito upang hindi makalapit sa kaniya na ikinalingon niya.
“Get your hands off of my sister, inaabala niyo ang lunch naming dalawa.”sambit ni Nastia na muli niyang ikinabalik ng tingin sa lalaking may hawak sa braso niya ng maramdaman niya ang pagdiin ng pagkakahawak nito sa kaniya.
“Matapang ka babae, maganda ka pero ayoko sa lahat ‘yung nagmamatapang sa harapan ko.”pahayag nito na ikinangisi ni Nastia.
“Really? What if may basehan naman ang pagmamatapang ko.”sambit ni Nastia na bakas sa mukha niya na hindi siya natatakot sa lalaking may hawak sa braso niya.