Chapter 07- Back off!

3948 Words
Chapter 07- Back off! Split Intentions to Love Conflicts     “Huling pipirmahan ko na ba ‘to, Willie?” tanong ni Nastia habang pinipirmahan ang huling mga papel na binigay sa kaniya ng secretary ng kaniyang ama na secretary niya muna ngayon habang wala ang kaniyang mga magulang.   Madaming trabaho ang ginawa ni Nastia at tambak pa ang gawain niya, kakatapos niya lang kaninang umaga na mag-ikot sa buong kumpanya upang ipakilala na siya muna ang boss nila. Nag tawag naman siya agad ng meeting to meet stock holders and higher positions sa company nila, sunod ay tumatanggap siya ng mga visitors na may mga dalang proposal sa kaniya. And now, pinipirmahan niya lahat ng mga naiwang pirmahan ng kaniyang ama kasama ang budget nila sa next project nila na binasa niya muna ng maigi bago pirmahan.   Wala pa namang naka line up na next fight niya sa taekwondo, kaya tinututukan niya muna ang kumpanya nila ng mabuti. Iniwan niya muna si Cathy kanila kasama ang home teacher nito na pumayag na samahan muna ang kapatid niya hanggang sa makabalik siya.   “Yes, Ms. Livy. Yan na po lahat ng pipirmahan niyo. After pop ala niyan ay nagpa schedule po si Mr. Tan ng lunch date sa inyo. Ikakansel ko po ba?”pagbibigay alam at tanong nito sa kaniya na ikinalingon niya dito.   Kilala niya ang sinasabi nito na nagpa schedule ng lunch date sa kaniya, It’s Cain Tan, isa sa mga anak ng investors nila na minsan na ding nangulit sa kaniya. She already turn down the only son of Mr. Tan pero kinukulit parin siya nito hanggang ngayon.   “No, confirm him the lunch date. Pakisabi sa kaniya na sa La Cussine Russiano kami kakaina and tell him not to pick me up, may kotse ako.”ngiting pahayag ni Nastia na ikinatango nito bago nito kinuha ang mga napirmahan niya ng papeles.   “There will having a training program from the trainee, Ms. Livy 15 minutes from now. Your presence is needed in that program.”bilin na paalala nito na ikinatango ni Nastia.   “Okay.”sagot niya bago ito nagpaalam at lumabas na ng opisina ng ama niya.   Agad namang kinuha ni Nastia ang cellphone niya upang tawagan ang kapatid niya na ilang ring palang ay sinagot na nito.   “Hi Cathy, how’s your day with teacher Maegan?”   (We’re good Ate, Teacher Maegan taught me how to bake. I already bake a cookies but it’s burnt.)   “Don’t worry, I’ll eat it pag uwi ko.”ngiting sambit niya sa kaniyang kapatid na ikinatuwa nito.   Kinausap niya pa ang teacher nito at humingi ng sorry dahil baka malate siya ng uwi na nagpapasalamat siya dahil naunawaan siya nito. Matapos niyang magpaalam sa kaniyang kapatid ay ibinaba niya ang cellphone niya ng mapadako ang mata niya sa isang pilas na papel na dala niya kaninag umaga kung saan nakasulat ang numero ng kumpanya ng lalaking kanina pa niya naiisip kung tatawagan niya.   Biglang nagdalawang isip siya na tawagan ito dahil sa napanaginipan niya na para sa kaniya ay bangungot, umiiyak siya habang hawak ang kamay nito at nagmamakaawa na huwag siyang iwan na ikinayakap ni Nastia sa kaniyang sarili ng maalala na naman ang napanaginipan niya.   “Ano ba naman kasing klaseng panaginip ‘yun? Bakit naman kasi ako iiyak sa masungiti na ‘yun? Kinikilabutan ako.”sambit niya na ikinapangalumbaba niya ha ang nakatingin sa numero sa harapan niya.   “Siguro kailangan ko talagang magpasalamat sa lalaking ‘yung dahil sa ginawa niya sa kapatid ko, siguro pag ginawa ko ‘yun hindi na maulit ang bangungot na ‘yun.”sambit ni Nastia sa kaniyang sarili bago kinuha ang landline sa tabi niya at sinimulan ng tawagan ang numero na nakailang ring bago siya masagot.     (Good day, this is the secretary of the president of Ainsoft Developing company, may I help you?)   “Hi! Uhmmm, I’m Nastia Livy Landerson from L. Petroleum Company, may I speak with your boss?”request na sambit niya sa kausap niya.   (I’m sorry Ms. Landerson, but my boss can’t answer a phone call right now.)   “Then, can I schedule a meet up with him. I really need to speak with him.”pahayag ni Nastia na kahit ayaw nyang makita ang mukha nito ay pagtitiisan niya nalang.     (I’m sorry again Ms. Landerson but my boss can’t accept a personal visit right now. Actually he’s not coming in the company for almost a month, we‘re justing sending him an email if we need his signs. He showed up when the stock holders called a meeting.)   “Is that so, okay thank you.”sambit ni Nastia bago niya binaba ang telepono at hindi napigilang mainis.   “Grabe? Anong klaseng boss ang lalaking ‘yun? Ilang buwan ng hindi dinadalaw ang kumapanya niya? Swerte siya at hindi pa bumabagsak ang negosyo niya dahil sa kapabayaan niya. Aish!”sambit ni Nastia ng tawagin na siya ng secretary ng kaniyang ama para sa program na kailangan niyang puntahan.   Ginasungot ni Nastia ang pilas na papel at tinapon sa trashcan bago kinuha ang cellphone niya at lumabas na ng opisina niya.   Nilaan ni Nastia ang oras at pokus niya sa program ng mga trainee ng kumpanya nila at nagbigay pa siya ng encouragement speech sa mga ito, matapos ang program ay bumalik na siya sa opisina niya para kunin ang purse niya dahil sa lunch date na schedule niya kay Cain Tan na muli niyang liliwanagin na tumigil na ito sa pag pursue sa kaniya dahil hindi niya ito magugustuhan. Pagka kuha niya sa purse niya ay bumaba narin siya sa opisina niya na ikinakabati ng mga empleyado nila na matamis niyang nginingitian. Hindi na siya nagpasama sa secretary ng kaniyang ama dahil may dala naman siyang kotse. Pagka-sakay niya sa kotse niya ay agad niyang pinaharurot ang kotse niya papunta sa La Cussine Russiano, ilang oras din ang naging biyahe niya ng makarating siya doon.     Agad niyang pinarada ang kotsen niya sa parking area at bumaba na ng matigilan siya dahil sa katapat na parking area ay kababa lang din ng lalaking nasa panaginip niya lang kagabi na tinatawagan niya pa kanina at ngayon ay nasa harapan niya na.   “Aish! Hindi naman ako pinanganak na malas pero bakit ang malas ko yata simula ng mapagkamalan akong magnanakaw.”parinig nito sa kaniya na nagsimulang ikinainis ni Nastia dito at pang-asar na tumawa.   “Ang ganda ng araw kanina pero ngayon masyado yatang kumulimlim, may masamang panahon ata na dadaan. Oh well, mukhang weak naman.”bawing parinig ni Nastia na nakalimutan niya ng kailangan niyang magpasalamat dito.   “Ako ba pinariringgan mo?”asar na tanong ni Maki sa kaniya na ikinalingon niya dito na umakting pa siya na nagulat.   “Oh? Ikaw pala, kanina ka pa diyan?”   “Ako ba ‘yung weak na sinasabihan mo ah?”ulit na tanong ni Maki na ikinacross arm ni Nastia at pang-asar na nginitian ito.   “Bakit Mr. Kinulang sa height? Natamaan ka ba?”sambit ni Nastia na ikinalapit ni Maki sa kaniya na ikinapormaa ng dalawa niyang kamay dito.   “Ano bang problema mo sa height ko ah? Paano mo nasabing kinulang ako sa height? 5’11 tangna paano naging maliit sayo ang tangnang height ko?!”asar na singhal ni Maki na ikinatikhim ni Nastia at matapang na humarap dito.   “Paano ko nasabi? Matangkad ‘yung kasama mo sayo, akala ko nga bata ka na kasama niya eh.”pang-aasar pa ni Nastia na mas ikinapikon na ni Maki.   “Alam mo kung hindi ka lang babae papatulan na kita eh!”sambit ni Maki na ikinataas ng kilay ni Nastia.   “Anong problema mo kung babae ako? Bakit sa tingin mo uurungan kita?”singhal ni Nastia ng matigilan sila ng may dalawang matandang babae ang dumaan sa kanila habang nag-uusap na ikinatigil ni Maki ng marinig niya ang mga pinag-uusapan ng mga ito.   “Nabalitaan mo ba ‘yung nangyaring pagkatakas ng dating Governor? Muntik nang tumakas sa kulangan, buti nalang nahuli ng mga pulis.”sambit ng matandang babae na ikinakuyom ng kamao ni Maki.   “Hindi dapat pakawalan ang taong ‘yun, namatay ang asawa dahil sa sama ng loob, binenta ang sariling anak na babae at may anak na lalaki pa ‘yun na itinatago at minamaltrato.”sambit pa ng isang matandang babe na bahagyang ikinangiwi ni Nastia habang sinusundan ang dalawang matandang papalayo na sa kanila.   “Aish! Wala talagang pinipili ang mga tsismosa ngayon.”naiiling na sambit ni Nastia na ikinabalik niya kay Maki ng makita niyang namamawis ito at nakakuyom ang dalawang kamay at nanginginig sa kinatatayuan nito.   “Oy okay ka lang?”tawag na tanong niya dito nang mapapikit si Maki na pansin ni Nastia na may kakaibang nangyayari dito na ikinalapit niya agad dito at ikinatapik.   “Hoy Mr. kinulang sa height!” bulyaw ni Nastia na agad ikinamulat ni Maki at parang naghahabol ng hiningang napatingin sa kaniya na mas ikinakunot ng noo ni Nastia.   “Okay ka lang? Alam mo kung pikunin ka, huwag ka ng makipag-asaran.”kumento ni Nastia na akmang aalis siya ng matigilan siya ng hawakan ni Maki ang kanang braso niya na gulat na ikinalingon ni Nastia sa kaniya.   “O-oy! Bakit mo ko hinahawakan?”   “D-dito ka lang saglit, k-kung sa tingin mo parang nagbago ako ng ugali p-pwede bang suntukin mo ko? Yung malakas, lakasan mo ‘yung mawawalan ako ng malay.”hinihingal na request ni Maki na ikinasalubong ng kilay ni Nastia dahil hindi niya maunawan ang sinasabi ni Maki.   “Nababaliw ka na ba?”sambit ni Nastia na ikinalapit ng mukha niya sa mukha ni Maki na ikinatitig nito sa kaniya at ramdam ni Maki ang dahan-dahang paghupa ng hingal niya at gumagaan na ang pakiramdam niya.   “Ano bang ugali ang magbabago sayo? Bakit ay mas malala pa ba sa pagiging masungit mo?”sambit ni Nastia na ikinalayo niya na dito at ikinaalis niya sa pagkakahawak ni Maki sa braso niya.   “Alam mo weird ka din, diyan ka na nga.”pahayag ni Nastia bago siya iwan nito at dere-deretsong ikinalakad nio papasok sa restaurant na ikinasunod ng tingin ni Maki dito.   Ramdam ni Maki kanina matapos marinig ang tungkol sa kaniyang ama sa dalawang matandang babaeng dumaan sa harapan nila na lalabas ang isa niyang persona, naririnig niya na ang boses nito sa ulo niya pero ng tapikin siya ni Nastia at marinig ang boses nito ay para siyang napigilan sa paglubog niya sa tubig sa isipan niya. At ng hinawakan niya ito ay parang nakakalaban pa siya hanggang sa tuluyang kumalma ang sarili niya at ramdam niyang nawawala na ang tinig ng isa niyang persona ng makita niya ng malapitan ang mukha ni Nastia na hindi niya alam kung bakit bigla siyang kumalma.   Naguguluhan man pero nakahinga ng maluwag si Maki na nagawa niyang hindi bumigay sa mga nakapag trigger ng sakit niya, nakahinga siya ng maluwag dahil hindi tuluyang nakalabas si Ody sa katawan niya dahil alam niyang hindi ‘yun magandang mangyari lalo na at hindi niya kasama si Ruhk.   Siya ang inutusan ni Paxton para ibigay sa La Cuisine Russiano ang mga ihahanda sa kasal ni Trace at Bliss, ang restaurant kasi ng kaibigan ni Paxton na si YoRi ang nauto nito para sagutin ang catering sa kasal ni Trace kaya narito siya ngayon para kausapin ang staff na hahawak sa catering.   Huminga ng malalim si Maki bago nagsimula ng maglakad papunta sa loob ng restaurant na naunang pinasukan ni Nastia, nang makapasok siya ay agad niyang nakita sa may gilid malapit sa glass wall si Nastia na may kausap na lalaki na hindi napigilan ni Maki na titigan ang dalawa ng maputol ‘yun ng may lumapit na staff sa kaniya.       Pilit naman ang ngiting ipinapakita ni Nastia sa kaniyang kaharap na may malawak na ngiting binibigay sa kaniya ng dumating na siya at umupo sa harapan nito. Gwapo naman ang binatang kaharap niya pero wala dito ang nakikita niyang traits ng lalaking magugustuhan niya. Hindi niya alam kung bakit may lakas pa ng loob ito na ayain siya sa isang date samantalang ni reject niya na ito. Ayaw niyang maging bastos dito kaya pinakikisamahan niya nalang pero ayaw niya itong bigyan ng fallse hope kaya hahanap siya ng tiyempo upang i-reject ulit ‘to.   “Masaya ako at pinaunlakan mo ang lunch date na itinawag ko sa secretary ni Tito Maverick, anong gusto mong kainin? My treat?”sambit nito na ikinangiti ni Nastia sa kaniya.   “I’m on diet kasi Mr. Tan so, I’m good in salad and water.”sambit na sagot ni Nastia na ikinatitig nito sa kaniya na hindi niya maiwasang maasiwa.   “On diet? Pero you’re already sexy, Livy. Hindi mo na kailangang mag diet.”pahayag nito na pilit na ngiti ang ibinigay ni Nastia dito.   “Pero I need to diet, you know, hindi pwedeng bumigat ang timbang ko for the competition ko in taekwondo.”sagot niya na ikinatango nito.   “Okay, but in case mag o-order parin ako ng pagkain para sayo.”pahayag nito na lihim na ikinairap ni Nastia ng magtawag na ito ng waiter at ibigay ang order nila na dinamihan ang order.   “You know Livy, we’re not getting younger, I’m 30 and you’re 28. Besides, sa tingin ko magiging masaya ang mga elders kung magkakaroon na sila ng apo.”pahayag nito na pekeng ikinangiti ni Nastia sa kaniya.   “Well, tama ka naman na we’re not getting younger pero wala pa kasi sa plano ko ang magpakasal lalo na at hindi ko pa nakikita ang groom ko.”s   “Oh, well I’m here Livy. Ako naman siguro ang groom na hinahanap mo. I know you already reject me, pero hindi ako madaling sumuko lalo na at alam kong may pag-asa ako at nagpapakipot ka lang. Handa naman kitang liwagan, walang problema sa akin, we can go abroad and get to know each other. Nag-iisa nalang ako sa mundo na perfect, Livy kaya bakit hindi mo nalang ako tanggapin para maayos ko na ang kasal natin.”ngiting pahayag nito na ikinabuntong hininga ni Nastia at tinitigang mabuti ang lalaking kasuka-suka na sa paningin niya.   “Alam mo Mr. Tan, gusto mob a malaman ang isang dahilan kung bakit ni reject kita?  Well, unang-una ayoko sa mayabang na lalaki, ayoko sa masyadong confident na hindi na nakakatuwa. Isa pa, hindi ko nakikita sayo ang lalaking gusto kong pakasalan. You know, I agree in this lunch date to be friends with you and I’m thinking of rejecting you in a nice way kaya lang mukhang hindi mo kailangan.”pahayag ni Nastia na ikinawala ng ngiti nito sa kaniya at ikinasandal nito sa kinauupuan niya.   “Alam mo ba kung sino ang tinatanggihan mo, Livy? Isa ang pamilya ko sa malaki ang investment sa company niyo. Pwede kong ipa pull out sa dad ko lahat, at alam moa ng mangyayari sa kumpanya niyo? Babagsak, Livy kaya huwag ka ng mag-inarte.”sambit nito na bahagyang ikinatawa ni Nastia dito.   “You think masisindak ako sa banta mo in pulling out your investment? Kung ‘yan ang gusto mo then do it. Hindi ako magmama-kaawa sayo dahil I’m sure my dad will never let me married a man who so much full of his self.”pahayag ni Nastia na kita niyang hindi nagustuhan nito ang sinabi niya na balewala naman sa kaniya.   “Gusto ko pa sanang makipag-kwentuhan sayo kaya lang Mr. Tan, sayang sa oras. Madami pa akong meetings na pupuntahan na mas may sense pakinggan.”Pahayag ni Nastia na tumayo na sa kinauupuan niya at bago iwan ang kausap niya ay naglapag siya ng dalawang libo sa lamesa na ikinatingin nito.   “Ambag ko, baka sabihin mo naman sayang ang mga inorder mong pagkain. Enjoy yourself Mr. Tan.”pahayag pa ni Nastia bago naglakad palabas ng restaurant.   Nang makalabas na siya ay nakaka-ilang hakbang palang siya palayo sa restaurant ng may malakas na pwersa ang humawak sa braso niya at pinaharap siya kung saan tumambad sa paningin niya si Mr. Tan na may masamang tingin sa kaniya.   “You think I’ll let you embarrassed me like this, Livy? Masyado kang nagmamaganda, ikaw na ang nilalapitan ikaw pa ang nagmamalaki.”galit na pahayag nito na ikinangisi ni Nastia dito.   “If I were you bibitaw na ako Mr. Tan, ginagalang pa kita dahil anak ka ng isa sa investors ni Daddy pero kung babastusin mo ko ng ganito baka hindi kita matantsa.”banta ni Nastia na ikinangisi din sa kaniya nito at ikinahigpit nito sa pagkakahawak sa braso niya.   “Bakit? What you will do to me, Ms. Landerson?”pahayag nito na akmang susuntukin ni Nastia ng makaiwas ito at pinatalikod siya nito at sinakal ang leeg niya gamit ang braso nito na ikinahawak niya sa brasong nakasakal sa kaniya.   “I know that you are a taekwondo champion, but I know Aikido, Livy.”mayabang na pahayag nito.   “Really? Let see.”sambit ni Nastia na malakas niyang inumpog ang ulo niya s amukha nito na murang ikinabitaw nito sa kaniya.   Agad na humarap si Nastia dito at pumorma na sakaling muli itong sumugod sa kaniya, nang makabawi ito ay sumugod nga ito sa kaniya at pilit niyang sinasangga ang bawat sugod nito na masasabi niyang Pulido at malakas ang bawat natatanggap niya dito na dapat niyang ika-ingat. Gulat naman na napapatingin ang mga pumasok at lumalabas ng La Cuisine Russiano dahil sa kanilang dalawa.   Patuloy lang si Nastia sap ag-iwas at pag tyempo ay siya naman ang sumusugod,suntok at sipa ang binibigay niya dito ng mahawakan nito ang binti na impit niyang ikinasigaw ng hilahin siya nito palapit na kinuha niyang tyempo upang salubungin ng suntok ang mukha nito na ikinahawak nito sa ilong at masamang tumingin sa kaniya.   Muli siya nitong sinugod at hindi na nakaiwas si Nastia sa ilang pagsugod nito na hindi niya napaghandaan na ikinaatras at ikinahawak niya sa sikmura niya ng masipa siya nito na ikinangisi nito sa kaniya.   “Pagba napagbagsak kita, tatanggapin mo na ang alok ko?”ngising pahayag nito na ikinabuga ng hangin ni Nastia at umayos muli ng tindig niya sa harapan ng kalaban niya.   “Huwag kang mayabang, hindi mo pa nga ako napapabagsak. At kung mangyari man ‘yun kahit mabalian pa ako, hindi ko tatanggapin ang alok mo na basura.”sagot ni Nastia na ikinasama na naman ng tingin nito sa kaniya at muling sumugod sa kaniya.   Naging maingat si Nastia sa bawat sugod na binibigay ng kalaban niya, hindi lang siya makakilos ng ayos dahil sa suot niya pero nadadala naman niya. Nakaksuntok at sipa naman siya dito pero hindi ito tumitigil. Paatras si Nastia na iiwas dito ng hindi niya nakita ang isang bato sa likuran niya na naapakan niya dahilan upang mapabagsak siya sa semento at nakita niyang sisipain siya ng kalaban niya na ikinapikit niya dahil hindi siya makakaiwas dahil pakiramdam niya ay na sprain ang paa niya.     Hinihintay niya na may tumama sa kaniya na sipa pero napamulat nalang siya ng walang sipa ang tumatama sa kaniya ng mapalingon siya sa harapan niya kung saan may nakatayo sa harapan niya habang hawak-hawak nito ang paa ng kalaban niya na murang nagtatanong kung sino ang nasa harapan nito.   “Kita mo ng natalisod susugurin mo pa.”rinig ni Nastia na sambit ng nakatayo sa unahan niya ng makita niyang sipain nito ang dibdib ni Mr. Tan na ngiwing ikinaatras nito at ikinahawak sa dibdib nito.   “If I were dude, I’ll back off. Ayaw ng may-ari ng restaurant na ‘to may nang gugulo sa tapat ng business niya. MAlas kasi ‘yun.”pahayag ni Maki na sinamaan ng tingin si Mr. Tan na sa tingin niya ay nagbabalaka pang sumugod.   “Back off man, before I do something bad on you. You might know Aikido but I know a lot.”bantang pahayag ni Maki na mapamura ito at nilingon si Nastia.   “Hindi pa tayo tapos, Livy.”sambit nito bago umalis sa harapan nila na ikinalingon ni Maki sa kaniya.   Hindi inasahan ni Nastia na tutulungan siya nito, hindi niya akalain na narito pa ito.   Squat na umupo si Maki upang mapantayan siya at nakatingin sap aa niyang ramdam niya ang kirot dahil sa pagkatalisod niya.   “Magaling ka ngang lumaban pero hindi mo naman tinitingnan ang paligid mo, muntik ka na alam mo ba ‘yun.”pahayag ni Maki na pumaikot patalikod sa kaniya.   “Sige na, good citizen ako kahit binubwisit mo ko sa tuwing nagkikita tayo. Hop in my back, ihahatid kita sa kotse mo.”pahayag ni Maki sa kaniya.   “Kaya kong maglakad, natalisod lang ako pero hindi ako baldado.”tanggi ni Nastia na pinilit niyang tumayo pero hindi niya magawa dahil sab inti niyang nananakit na poker face na ikinapapanuod ni Maki sa kaniya.   “Hindi rin nakakabuti ang pride, Ms. Kung ayaw mong magmukhang pulubi diyan, grab the opportunity na makasakay ka sa likuran ko.”pahayag ni Maki bago tumallikod muli sa kaniya.   “Sige na, huwag ng maarte.”   “Hindi ako maarte ah!”sagot niya na ikinatango ni Maki.   “Oo na sige na, sigang maarte nalang. Sakay na o gusto mo ‘yung pa brid---“ hindi na natuloy ni Maki ang sasabihin niya ng bumaba na si Nastia sa likuran niya na bahagya niyang ikinaungos.   “Tss! Sasakay din naman pala dami pang sinabi.”sambit ni Maki bago tumayo habang baba-baba si Nastia patungong parking lot.   “Gusto mo lang ako magkaroon ng utang na loob sayo eh.”sambit na singhal ni Nastia   “Lawak naman ng imagination mo, nag mabuting loob na nga umaangal ka pa. Thank you lang Ms.”singhal ni Maki na hindi ikina-imik ni Nastia ng maalala niya na kailangan niyang mag thank you dito.   “Salamat.”   “Wow! Bakit parang ang sama pa sa loob mong magpasalamat.”   “Ang arte mo naman, nagpasalamat na nga eh.”angal na reklamo ni Nastia na ikinatango ni Maki.   “Tangna oo na, sige you welcome.”sambit nalang ni Maki na ikinabuntong hininga ni Nastia.   “Salamat pala sa pag ligtas sa kapatid ko kahapon, kung may nangyaring masama sa kapatid ko hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Salamat.”mahinahon at sincere na pasasalamat ni Nastia na hindi niya narinig na ikina-imik ni Maki na hindi niya naiwasang ikainis.   “Maganda na ‘yung pasasalamat ko ah, baka umangal ka pa!”   “Wala naman akong sinabi ah, anong sinisinghal mo diyan.”reklamo ni Maki ng makarating sila sa tabi ng kotse nito at dahan-dahan siyang ibaba sa tabi nito at lumingon sa kaniya.   “Thank you din.”sambit ni Maki na ikinakunot ng noo niya.   “Thank you saan? Sarcastic ba ‘yan?”   “Sino bang mas masungit sa ating dalawa ha? Langya naman nagpapasalamat na nga pinaghihinalaan mo pa.”singhal ni Maki na ikinatalikod na nito sa kaniya at pumunta na sa sasakyan nito.   Nakatingin lang si Nastia dito ng huminto ito ng mabuksan nito ang pintuan ng kotse niya at lumingon muli sa kaniya.   “Seriously Ms. Thank you.”sambit ni Maki na ikinailang kurap ni Nastia bago ito nakasakay sa kotse nito at nauna ng umalis na naguguluhan na ikinahabol tingin ni Nastia sa kotse nito.   “Bakit ba nagpapasalamat ‘yun?”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD