Chapter 08- Start of Friendship

3405 Words
Chapter 08- Start of Friendship Split Intention to Love Conflicts     “How is that possible?”   Isang araw na ang nakalipas at napapaisip parin si Maki sa nangyari noong araw na muntik ng lumabas ang isa niyang persona pero hindi natuloy dahil lang sa pagtatagpo ng mata nila ng babaeng lumalaban ng inisan sa kaniya. Hindi alam ni Maki kung paanong napigilan nito ang paglabas ni Maki dahil narin sa pagtapik nito at paghawak niya dito na unti-unting ikinakalma ng sarili niya. Palaisapan kay Maki hanggang ngayon ang nangyari ng araw na ‘yun dahil ngayon lang nangyari sa kaniya na hindi natuloy ang paglabas ng isa niyang persona na kahit sina Ruhk ay pigilan man ay hindi nila napipigilan ang paglabas nito kaya alam niyang nahihirapan ang mga itong ibalik siya dahil sa pag-gising niya ay nakikita niya ang pasa kay Ruhk at kay Paxton.   Napabuntong hininga si Maki dahil sa kinauupuan niya habang hindi siya nakikisaya sa nagaganap na celebration ng kakatapos lang na kasal ni Trace at Bliss. Nasa reception siya at kasama siya sa mesa ng mga magulang ni Paxton, hindi talaga umattend si Ruhk sa kasal ni Trace kaya wala siyang makausap kahit hindi matinong usapan. Nasa kabilang lamesa naman si Paxton kung saan kasama niya ang ilan sa Phantoms na kaibigan nito kaya hindi maiwasan ni Maki na isipin ang tungkol sa nangyari isang araw ang nakalipas.   Biglang pumasok sa isipan ni Maki ang isang isipin na pwede niyang mapigilan ang paglabas ni Ody sakaling may marinig siyang muli tungkol sa ama niya sa tulong ni Nastia na agad din naman niyang ikinailing sa kaniyang sarili.   “Malabo, baka nagkataon lang. Tama, malabong nagawa akong mapakalma ng babaeng matapang na ‘yun. Peste! Kung ano-ano ang dumadaam ang isip ko dahil sa pangyayari na ‘yun, nakakagago lang!”sambit ni Maki sa kaniyang sarili.   Matapos ang selebrasyon ng kasal nina Trace ay nakita niya pang kausap ni Paxton si Trace at kaibigan nitong tahimik na sa pagkakatanda niya ay YoRi ang pangalan. Kita niya mula sa pwesto niya na seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito na may idea si Maki sa kung ano ‘yun. Nalaman nila na may kapatid si Bliss na nakakatanda dito na pinapahanap na nina Trace pero nahihirapan sila kumuha ng lead dahil nasabi kay Bliss ng magulang ni Vincenzo na sa Italy sila nagkahiwalay na magkapatid kaya nag-alok ng tulong si Paxton na lapitan ang kaibigan nito na sinabi ni Paxton na gumagawa ng himala pagdating sa hanapan na ikinaoayag na ni Trace para sa kaniyang asawa.   Gusto man niyang makinig sa pinag-uusapan ay wala siya sa mood kaya hinintay niya nalang matapos ang pinag-uusapan ng tatlo ng tumunog ang cellphone niya na kinuha niya sa pants niya at ng makita niyang kumpanya niya ang tumatawag ay sinagot niya na din para may magawa siya.   “Hello, Trina.”   (Boss, atlast you answered my call, do you received my email a week ago?)   “Email?”kunot noong tanong niya ng maalala niyang hindi pala siya nag bubukas ng email niya.   (Boss naman.)     “Hindi ako marunong magbuklat ng email Trina eh, ano bang sinend mong e-mail?”bored na tanong ni Maki sa kaniyang secretary.   Si Maki ay nakapagtayo ng sarili niyang kumpanya na nagde-develop at gumagawa ng mga online games app, malaki ang napatayo niyang kumpanya at kilalang developing company sila kaya maraming pumapasok na investment at sales sa kanila at kahit hindni siya madalas na bumibisita doon dahil mas nagiging abala siya sa trabaho nila sa negosyo nila nina Paxton ay hindi naman bumabagsak ang kumpanya niya dahil mga mapagkakatiwalaang tao ang katulong niya habang wala siya. Pumupunta lang siya sa kumpanya niya pag hinahanap siya ng mga investors o may malaking ganap sa company niya. May isa pang malaking kumpanya na ilang beses na siyang tinatawagan dahil gusto daw siyang makita ng mga stock holder niya na hindi niya sinasagot dahil alam niyang hindi siya ang hinahanap ng mga ito kundi ang isa niyang persona na habang ito ang may kontrolado ng katawan niay ay nakapagpatayo ng sariling kumpanya na mula sa illegal na gawain. Nang silipin niya ‘yun ng isang beses ay nagulat siya sa laki ng naitayo ng isa niyang persona pero hindi niya pinakikielaman ‘yun dahil hindi siya ang nagtayo ng negosyo na ‘yun at mas gusgustuhin niyang bumagsak ‘yun kahit alam niyang malabo.   (Ila-launch po ang bagong game app na nagawa ng ating team, at kailangan po kayo bukas para sa launching. Marami pong pupunta na susubukan na laruin ang bago nating gaming app Boss kaya pumasok po kayo bukas.)   “Anong oras ba ang launching ng new gaming app natin?”   (8am po ng umaga, Boss. Darating po ang ibang investors para makita ang launching nito, kailangan niyo din pong masubukan ang bagong game na nadevelop ng team natin Boss. Alam ko na nabasa niyo na ang report dun at proposal na napirmahan niyo na pero need parin po kayo bukas.)   “Fine, pupunta ako. Ikaw na ang bahala sa program at ayusin niyo na ang auditorium natin para sa launching.”bilin niya sa secretary niya bago siya magpaalam dito.   Tumayo na si Maki sa kinauupuan niya at nagdesisyon na mauna ng umuwi, nagsimula na siyang maglakad palayo sa venue hanggang sa makarating siya ng kotse niya. Nang makapasok na siya sa loob ay natuon ang mga mata niya sa isang music box na keychain na nakasabit sa rear mirror ng kotse niya. Hindi niya naiwasan na maisip ang kaniyang nakatatandanag kapatid na 16 years na niyang hindi nakikita at hanggang ngayon ay hindi niya alam kung saan hahanapin. Hindi niya alam kung kanino ibinenta ng kaniyang ama ang kaniyang ate at ayaw niyang harapin ito para lang magtanong dahil siya ang gagawa ng paraan upang mahanap ang kaniyang kapatid. Agad na inalis ni Maki ang kaniyang isipan sa alaala ng kaniyang ama na agad niyang ikinahinga ng malalim. Paulit-ulit na inhale-exhale ang kaniyang ginagawa dahil ayaw niyang maapektuhan sa mga naisip niya, sa tuwing iisipin niya ang kaniyang ate ay hindi niya naiiwasan na maisip din ang kaniyang ama kaya pansamantala niya munang inalis ang isipin niya sa kaniyang ate na alam niyang mamahanap din naman niya.   Nang maging ok na ang pakiramdam ni Maki ay agad niya ng pinaandar ang kotse niya at umalis na sa venue ng kasal nina Trace. Tinahak niya na ang pauwi ng bahay ni Paxton upang makapagpahinga, may sarili naman siyang condo pero nasanay na siyang kasama sina Paxton kaya madalang na siyang nakakauwi sa condo niya.   Nasa kalagitnaan na ng biyahe si Maki ng makaramdam siya ng gutom kahit marami naman siyang nakain kanina.   “Aish! Ano bang klaseng tiyan ka? Marami ka ng nakain tapos nagugutom ka na naman? Mawawala abs ko pag lagi kang ganiyan.”sambit na pahayag ni Maki sa kaniyang sarili na bahagyang lumiko sa upang dumaan sa isang convenient store na madadaanan niya dahil ayaw naman niyang kumain sa restaurant ng mag-isa.   Bibili nalang siya sa convenient store na madadaanan niya at bibili ng pwede niyang makain at naisipan niyang uwian si Ruhk sakaling makita niya ito sa bahay nina Paxton. Nang makakita siya ng convenient store ay agad siyang pumarada sa tapat nito at bago bumaba ay inalis niya ang suit niya kaya naka polo na puti nalang siya. Lumabas na siya sa kotse niya at naglakad papasok sa loob na kahit pinagtitinginan siya ng mga nasa loob ay wala siyang pakiealam basta makabili lang siya ng pwede niyang kainin.   Inikot muna ni Maki ang mga stante ng matigilan siya ng may lumapit na isang babae sa kaniya na ngiting niyukan niya na akmang lalagpasan niya pero humarang sa daraanan niya.   “May kailangan ka ba sa akin Miss?”tanong niya dito na parang nahihiya pa sa harapan niya.   Marami din ang naghahabol at nagkakagusto sa kaniyang mga babae na minsan inentertain niya. Mabait naman siya makitungo sa mga ito pero ayaw niya sa isang babae na ito ang lalapit at magbibigay ng motibo sa kaniya dahil gusto niyang siya ang gumagawa nun.   “Uhmmm, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”tanong nito na ikinangiti ni Maki dito.   “Alam kong gwapo ako kaya lang hindi ko basta-basta sinasabi ang pangalan ko sa kung sino lalo na at gutom ko.”sambit niya dito na ikinahawak niya sa dalawang balikat nito at iginilid ito.   “Kaya huwag kang humarang sa daraanan ko kasi naghahanap ako ng makakain ko.”sambit niya pa bago ito lagpasan pero sa tingin niya ay makulit ito dahil muli itong humabol sa kaniya at hinarangan ang daraanan niya.   “Edi ‘yung number mo nalang, para pag hindi ka na gutom pwede mo kong tawagan.”ngiting sambit nito na bahagyang ikinatawa ni Maki bago mapanuring tiningnani ito mula ulo hanggang paa na ikinawala ng ngiti nito.   “Pasensya na Miss, hindi ako interesado sayo. Kahit busog ako hindi kita pagaaksayahan ng panahon.”sambit niya bago ito tinalikuran at dumaan sa pinaggalingan niya at kumuha ng isang cup noodles at dinala iyon sa counter upang bayaran.   Nang mabayaran niya ay humingi ng tubig na mainit dahil gusto niyan humigop ng sabaw dahil mas nagutom siya sa babaeng nangulit sa kaniya. Nang malagyan na ng mainit na tubig ang cup noodles niya ay nagtungo siya sa mahabang upuan malapit sa glass wall ng convenient store at doon umupo.   “Ngayon nalang ulit ata ako makaka-kain nito, dadalhan ko si Verchez baka naghihirap na dahil sa kakuriputan nun para kay Liana.”ngising pahayag niya na akmang susubo na siya ng matigilan siya dahil pakiramdam niya may nakatingin sa kaniya na dahan-dahan niyang ikinalingon sa kana niya na bahagya niyang ikinagulat ng makita niya si Nastia na katabi niyang nakaupo at may hindi makapaniwalang reaksyon na nakapaskil sa mukha nito.   Kahit si Maki ay hindi makapaniwala na sa isang araw lang na lumipas ay makikita niya ulit ito.   “Kunwari wala nalang akong nakita.”sambit ni Nastia na inalis ang tingin kay Maki at tinuloy ang pagkain niya ng cup noodles na binili din nito.   “Anong ginagawa mo dito?” hindi napigilang sita ni Maki kay Nastia na muling napalingon sa kaniya.   “Hindi nga kita nakita diba? Bakit kinakausap mo ko?”masungit na pahayag ni Nastia na napipikong ikinalayo nalang niya ng isang upuan palayo kay Nastia bago sinimulang kainin ang cup  noodle niya.   Hindi niya alam kung bakit simula ng una nilang pagkikita ay hindi na maiwasan na magka-asaran sila, hindi niya alam kung bakit siya sinusungitan nito gayong ito ang may atraso sa kaniya dahil pinagkamalan siya nitong magnanakaw.   “Galing ka bang burol?”tanong ni Nastia na ikinalingon ni Maki dito.   “Bakit kinakausap mo ko? Hindi mo ko nakita diba?”balik na sambit ni Maki na ikinaungos ni Nastia ng hindi naiwasan ni Maki na silipin ang paa nitong alam niyang na sprain nung nakaraang araw.   “Kamusta paa mo?”tanong niya kahit siya ay napahigop ng sabaw sa cup noodles niya kung bakit naitanong niya ‘yun na nakita niyang ikinalingon ni Nastia sap aa niya.   “Okay na naman, nakakalakad na ako ng ayos. Hindi na siya masyadong masakit ilakad hindi tulad kahapon.”sagot nito sa kaniya na parehas nilang ikinatingin sa isa’t-isa.   “Pwede naman pala tayong mag-usap ng hindi nagkakapikunan eh.”sambit na kumento ni Maki na bahagyang ikinaungos ni Nastia.   “Sino ba kasi ang nagsusungit sa ating dalawa Mr.?”balik tanong ni Nastia na ikinapatong ni Maki sa siko niya sa mahabang mesa habang nakatingin kay Nastia.   “Hindi ko lang kasi makalimutan na pinagkamalan mo kong magnanakaw, sa gwapo kong ‘to magnanakaw talaga?”   “Ay wow! Ang lakas ng confidence mo grabe, mabuti at hindi ka tinatangay.”kumento ni Nastia na bigla nilang sabay na ikinatawa sa isa’t-isa.   “Maayos ka naman palang kausap.”sambit ni Maki   “Huwag mo lang siguro akong simulan ng pang-iinis mo dahil lalaban talaga ako, inunahan mo kasi kaya nahahawa ako.”sagot ni Nastia habang hinahalo nito ang cup noodles na kinakain niya.   “Talaga bang kailangan mong naka dress para makakain lang ng noodles dito?”tanong na puna ni Maki dahil naka formal dress kasi si Nastia.   “Galing akong trabaho, nagutom ako kaya dito na ako kumain. Pinagbabawal ba ng bansang pilipinas na kumain na naka dress?Eh bakit ikaw? Bakit naka pang burol ka?”baling na tanong ni Nastia kay Maki na ikinalingon ni Maki sa suot.   “Tangna galing akong kasal, umabay ako Miss. Anong burol ang sinasabi mo diyan.”angal na reklamo ni Maki na bahagyang ikinatawa ni Nastia.   “Ganun ba? I thought you just came in a funeral then got hungry and eat here.”sambit ni Nastia na ikinatitig ni Maki dito ng maalala niya kung paano siya nito napakalma noong nakaraang araw.   “Masyado mo ng nilalait ang kagwapuhan ko Miss.”naiiling nalang na sambit ni Maki.   “Sorry talaga kung napagbintangan kitang magnanakaw, sorry kung hindi ako nakinig. Pasensya na kasi nakaladkad pa kita sa presinto tapos nadanggi pa kita kaya nawalan ka ng malay.”pahayag ni Nastia na ikinaalis ng tingin ni Maki sa kaniya at harapan ng glass wall itinuon ang tingin niya.   “Let’s forget that, pero sa pagkakabunggo mo sa akin mukhang dapat pa nga ako magpasalamat.”sambit ni Maki na ikinakunot ng noo ni Nastia dito.   “Why? You know your friend exactly said that to me, he thanked me because I bumped you and got fainted. Ang weird kaya.”kumento ni Nastia na bahagyang ikinatawa ni Maki.   “You won’t understand, tanggapin mo nalang ang thank you ni Verchez at ang thank you ko.”pahayag ni Maki na ikinaayos ng pagkakaharap ni Nastia kay Maki na ikinalingon narin nito sa kaniya.   “Kung ganun magpapasalamat din ako sayo, sa pagtulong mo sa akin. Kung hindi lang ako natalisod nun baka nabugbog ko na ang lalaking ‘yun.”pahayag ni Nastia   “Bakit ang galing mong makipaglaban? Nagulat talaga ako sa may karindirya dahil sa galing mong lumaban, ikaw palang ang babaeng nakikita ko na nagpatumba ng mga kalaban niya ng hindi masyadong nasasaktan.”pahayag na tanong ni Maki dahil aaminin niya na talagang nagulat siya ng makita niya kung paanong nakipaglaban si Nastia.   “Marunong ako ng self-defense, nag ta-taekwondo ako. Sumasali ako sa mga taekwondo competition, siguro dahil doon kaya nahasa ako sa self-defense.”paliwanag na kwento ni Nastia na matigilan sila sa pag-uusap nila ng tumunog ang cellphone ni Nastia na sinagot nito.   Binalik naman ni Maki ang atensyon niya sa pagkain ng tumunog ang radio ng convenient store kung saan balita ang naririnig nila na ikinaitigil ni Maki sa pagkain dahil tungkol iyon sa kaso ng kaniyang ama na pilit nitong pinabubuksan ulit dahil sinasbai nito na wala itong ginagawa na kasalanan. Ipinarinig pa sa radio ang boses ng kaniyang ama ikinakuyom na ng kamao ni Maki na ramdam niya ang galit na unti-unting lumalabas sa kaniya na ikinahawak niya sa ulo niya dahil sa biglang pagsakit na pilit niyang pinipigilan dahil alam niyang lalabas ang isa niyang persona ng may humawak sa balikat niya na dahan-dahang ikinakalma ng katawan ni Maki na ikinakunot ng noo niya dahil tuloy-tuloy ang pagkalma niya kahit naririnig niya pa ang boses ng kaniyang ama ng lingunin niya si Nastia na kunot noong nakatingin sa kaniya at nakahawak sa balikat nito.   “Okay ka lang? Nakakasakit ba ng ulo ang cup noodles?”kunot noong tanong nito na naguguluhan na ikinatitig ni Maki dito.   Nangyari na naman ang palaisipan kay Maki sa biglaang pagkalma niya ngayon na alam niyang pumigil sa muntikan ng mangyari. Naririnig niya parin ang boses ng ama niyang umaapela pero nakatutok siya kay Nastia na biglang nagpakalma sa kaniya hanggang sa mapalitan na ng tugtog ang nilalabas ng radio.   “May dumi ba ako sa mukha? Why staring me like that?”kunot noong tanong ni Nastia kay Maki dahil pansin niya ang matagal na pagtitig nito sa kaniya na ikinatapik niyang muli sa balikat nito.   “Kung may problema ka sa maganda kong mukha sabihin mo na.”sambit nito na ikinaalis na ni Maki ng tingin dito.   “Mukhang gutom ka pa, maiwan na kita Mr. kailangan ko ng umuwi.”paalam ni Nastia na kinuha ang bag nito bago ngiting iniwan si Maki na agad ikinatayo nito at sinundan ang paglabas ni Nastia na palakad na sa kotse nito na agad niyang ikinalakad palapit dito at ikinahawak niya sa braso nito na gulat na ikinalingon nito sa kaniya at ikinakunot ng noo ng makita siya.   “Bakit?”takang tanong nito na bahagyang ikinangiti ni Maki dito at ikinalahad niya ng kamay sa harapan nito.   “Ngayong nagkaliwanagan na tayo at mukhang cease fire na ang inisan natin, Maki Giel Laochecko.”pagpapakilala ni Maki na ikinatitig ni Nastia sa kamay nito bago nilingon si Maki.   “Nakikipag-kilala ka?”   “Hindi ba obvious? Mukhang maliit ang mundo at lagi tayong nagkikita kaya mas mabuti ng kilala na natin ang isa’t-isa. Tsaka ang dating mag-kainisan pwede namang maging mag-kaibigan, right?”pahayag ni Maki na bahagyang ikinasingkit ng mga mata ni Nastia na tinanggap din ang pakikipag kamay niya.   “Nastia Livy Landerson, mukhang hindi na kinulang sa height ang itatawag ko sayo.”sambit ni Nastia na bahagyang ikinawala ng ngiti ni Maki.   “Laiitin mo na pagkatao wag lang height ko, ano ba itsura nang matangkad sayo?”may inis na sambit ni Maki na bahagyang ikinatawa ni Nastia.   “Huwag kang mapikon, ang piko kasi talo.”ngiting sambit ni Nastia bago ito tinapik sa balikat nito bago sumakay sa kotse nito bago pinaandar iyon at nauna ng umalis habang si Maki ay habol tingin sa kotse nito.   Sa tingin ni Maki nagagawa siyang mapakalma ni Nastia ng hindi nito sinasadya, hindi niya alam kung bakit at kung paano nangyari ‘yun pero ngayong naulit muli na napigilan nito ang paglabas ng isa niyang persona, may tinigin si Maki na dahil ‘yun kay Nastia na hindi niya alam ang dahilan kung bakit nagagawa nito ang bagay na ‘yun.   Naguguluhan parin ay mabilis na bumalik si Maki sa loob ng convenient store at bumili ng ilang cup noodles. Pagbayadniya ay lumabas na din siya agad at sumakay sa kotse niya at pinaandar na ‘yun habang dinadial niya ang cellphone number ni Ruhk na nakailang ring bago sagutin nito.   (Dapat maganda ang rason mo Laochecko sa pagtawag mo, I’m f*cking busy!)   “Saan ka naman naging abala? Gagong ‘to hindi na nga umattend ng kasal ni Trace may ganiyan ka pang attitude. Ayusin mo Verchez.”single ni Maki   (What? Make it faster Laochecko, hindi ikaw ang Lia ko para pag-aksayahan ko ng battery ng cellphone ko.)   “Kung ako si Lia hindi ko sasagutin mga tawag mo.”   (F*ck you! Just tell me why you called Laochecko.)   “Alam kong malabo Verchez pero mukhang may nakakapigil sa paglabas ni Ody sa tuwing may naririnig akong balita tungkol sa kaniya. Tangna Ruhk Palaboy, dalawa ng beses na nangyari.”balita ni Maki na bahagyang ikinatahimik ni Ruhk sa kabilang linya.   “Alam kong hindi ka naniniwala, hindi ko din alam kung bakit pero napapakalma niya ako Verchez. Tangna naguguluhan ako kung paano nangyari ‘yun!”   (Are you sure?)   “Mukha ba akong nagbibiro Verchez? Kanina muntik ng lumabas si Ody dahil naririnig ko ang boses niya, ramdam ko ‘yung galit at panlalamig ko, sumakit ang ulo ko pero nanghawakan niya ako bigla akong kumalma. Sh*t! Noong isang araw pa gustong sumabog ng utak ko kakaisip tungkol doon.”pahayag ni Maki habang dumadaan sa isipan niya si Nastia.   (And who is that person who’s able to stop Odysseus to come out?)   “You won’t believe me, Verchez pero inuunahan na kita hindi ko siya gusto.”agad na depensa ni Maki   (Just f*cking tell me will you!)   “Remember the woman na pinagkamalan akong magnanakaw? The woman na magaling makipag laban? It’s her, he stop Ody to come out twice, Verchez. F*cking twice!”sambit niya kay Ruhk na hindi parin niya mapaniwalaan na nagawa ni Nastia na mapigilan ang paglabas ni Ody ng dalawang beses.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD