Jacob's POV Dinala ko si Misha sa rooftop kung saan walang nagkakalakas loob na umakyat. Binitiwan ko lang siya ng nasa green garden na kami. Pagtingin ko sa kanya ay masama ang tingin na ibinigay nya sa akin. Alam kong galit siya pero galit din ako. Pumulupot sa bewang nya ang isang braso ko habang ang isang kamay ko ay nasa likod ng batok nya. Hinila ko siya palapit sa akin ay sinalubong ng labi ko ang mga labi nya. MINE. Yan lang ang umiikot sa isip ko habang hinahalikan ko siya. Naramdaman kong itinutulak ni Misha ang dibdib ko pero mas malakas ako sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang tumigil sa pagtulak sa akin at hinayaan sa kung anong gusto kong gawin at tinanggap na lang ang mga halik ko. Halos habol naming pareho ang mga hininga ng maghiwalay ang mga labi namin. S