Misha's POV DAMMIT. Masamang masama ang pakiramdam ko habang naglalakad sa hallway ng Wildford's Academy. Nakahawak ang isang kamay ko sa ulo ko at nahihilo pa ko. Bakit nga ba masama ang pakiramdam ko ngayon? ****** Inis na inis ako. Pagkaalis ko ng La Prima Restaurant ay sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa Grande Resort. Isa sa mga resort na pag-aari namin. Sa Grande Resort din ako nagpupunta kapag ayokong umuwi ng bahay at kapag wala ako sa mood makipag-away kay papa o sa dalawang sampid sa bahay namin. Pagbaba ko ng taxi ay sumalubong agad sa akin ang sariwang hangin. Napapikit ako at huminga ng malalim. Makalipas ang ilang minute ay dumilat akong muli. Naglakad ako ng mabagal nung una papunta sa dalampasigan pero dahil sa galit na nararamdaman ko ay unti-unting bumilis h