Chapter One: The Rebellious Daughter
Misha's POV
Marami ng tao sa mansion namin dahil sa birthday party ng magaling ko stepsister na si Claudia.
She is a b***h behind her innocent face.
Her party is so boring.
Para naman magkaroon naman ng kulay ang party nya ay nakaisip ako ng isang palabas, pang entertain sa mga guess nya para masaya.
Ah, I forgot.
Hindi ko pa pala naipapakilala ang sarili ko.
I'm Misha Rose Montero.
Anak ni Alexander Montero, the business tycoon.
Ulila na ko sa ina.
Snobbish, Rebel, Stubborn, and Mischievous Princess.
Ilan lang yan sa mga trademark na nakadikit na ata sa balat ko.
Nag-asawa ulit ang papa ko.
Ang nakakainis lang nag-asawa siya yung may sabit pa at walang breeding ang mga lintek.
Akala mo mga hindi makabasag pinggan pero kapag wala si papa dun lumalabas ang mga ugali.
Well may galit naman talaga ako sa stepsister at stepmother ko, wow like a Cinderella story right there's a bad stepmother and stepsisters, but I'm not Cinderella na nagpapaapi sa kanila no, ano sila sinuswerte.
Back to the party.
Nagset na ko ng surprise para sa magaling ko stepsister.
Kaya nagpunta na ko sa stage kahit na siya pa ang star of the night wala akong pakielam. Kinuha ko sa kanya ang microphone.
Malaya kong nagagawa ang gusto ko ngayon dahil nasa ibang bansa si papa may biglaan daw kasing meeting.
"Good evening everyone! Alam ko namang kilala nyo na ko kaya hindi na ko magpapakilala, gusto ko lang batiin ng happy birthday ang aking stepsister na si Claudia. And I have a surprise to her. Pero mamaya ko na ibibigay ang surprise na yun dahil magkakaroon tayo ng isang munting laro." nakangiti ako ng nakakaloko sa kanilang lahat saka ako ngumiti ng nakakatakot kay Cladia alam nyang may gagawin akong hindi nya magugustuhan pero hindi siya makatutol sa akin dahil takot siya sa akin.
She's a b***h but I'm a super b***h.
"Naeexcite na ba kayo kasi ako excited na." masaya kong sabi pero ang mga mukha nila ay nahaluan ng takot dahil kilala nila ako.
I'm the troublemaker.
Walang sumagot sa sinabi ko kaya nagpatuloy ako.
"Okay, uumpisahan ko na ang munti nating laro. Tumingin kayo sa may pinakagitna ng stage na to." itinuro ko sa kanila ang isang medyo may kalakihang kahon.
"Nakikita nyo ba ang kahon na to! This is a button of a bomb na nakalagay sa pinakagitna ng garden na to!" nakakaloko kong sabi.
Nagkagulo ang lahat dahil sa sinabi ko.
"Oooppppsss, walang pwedeng umalis hangga't hindi ko sinasabi. Dahil kapag may tumakas sa inyo ay siguradong BOOMM. Were Dead." natutuwa pang sabi ko.
Natigil naman ang lahat dahil sa sinabi ko.
"So umpisahan na natin kailangan nyong hulaan ang password nito para mapatigil ang bomb sa loob ng isang oras, kung hindi nyo mahuhulaan alam nyo na ang mangyayari, Sigurado akong patay kayong lahat! natatakot na ba kayo! Please don't binibigyan ko lang ng kulay ang boring na party na to! Let's start." mahadera kong sabi bago ako may pinindot na button para mag-umpisa na ang count down ng bomb.
Pagkatapos kong magsalita sa stage ay tumingin ako kay Claudia yeah well masama ang tingin nya sa akin.
Nagkibit balikat lang ako at bumaba ng stage.
Dumiretso ako sa likod bahay namin, may daan kasi doon papunta sa isang bahagi ng gubat.
Halos malapit na ko sa falls na paborito kong puntahan ng makarinig ako ng isang ungol na parang nanggagaling sa mabangis na hayop.
Tumigil ako sa paglalakad at nakiramdam.
Alam kong mapanganib sa gubat kapag gabi na pero hindi ko naisip na may mga sobrang mapanganib pala.
Nagging mas alisto ako ng tumahimik ang buong paligid ibig sabihin ano mang oras ay aatake na ang yun.
Hindi nga ako nagkamali makalipas lang ilang segundo ay may lumabas na nga hindi na ko nagulat na isang wolf iyon dahil saan pa ba manggagaling ang mga ungol na narinig ko kundi sa kanila lang naman no.
Tumingin ako sa mga mata nya alam kong ano mang oras ay susugurin na nya ako.
Pero nagkamali pala ako dahil hindi lang pala siya nag-iisa marami pala sila.
Ang unang lumabas na wolf ay sa unahan ko, ng makarinig ako ng parang nabaling sanga ay napatingin naman ako sa kaliwa ko at nakita kong may isa pang lumabas mula doon.
Unti-unti silang lumalapit sa akin habang ako ay marahang umaatras.
Iginala ko ang aking mga mata kung meron akong pwedeng takbuhan pero naistress lang ako ng makakita pa ako ng ilang wolf na bigla na lang lumabas sa kung saan.
GREAT, YOU'RE IN A DEEP s**t MISHA.
Kung kanina ay na dalawa lang sila ngayon ay nasa piton a silang lahat.
Sa pag-atake ng isang wolf ay ang umpisa naman ng firewolf display na ginawa ko para sa birthday ni Claudia remember the bomb I said earlier? Its fireworks display.
Aatakihin na sana ako ng isa sa mga wolf na nasa harap ko ng bigla na lang may isang black wolf ang sumagpang dun sa unang wolf.
Dun na nagsisuguran ang ibang wolf.
Sinasagpang naman ng black wolf ang ibang wolf na sinusubukang lumapit sa akin.
Halos itinulos lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa ang black wolf na lang ang natirang nakatayo.
Nagsalubong ang mga mata namin.
Nagtagal ng ilang sandali ang lumipas bago ako nakakilos at natauhan.
Bigla akong nagtatakbo palayo sa lugar na yon at makalayo sa panganib na nasa harap ko.