Makukulay na ilaw ang sumalubong sa amin pagkalabas ng simbahan. Puno ng iba’t-ibang klase ng kulay ang mga puno sa park na nasa kabilang banda ng kalsada, kaharap ng simbahan. Kumikislap ito kasabay ng pagtunog ng kampana. Hudyat na tapos na ang misa. Napapagitnaan ako ng apat kong mga kaibigan habang tumawid kasabay ng maraming tao. Galing din ang mga ito sa pag-attend sa huling araw ng misa de gallo. “Congrats sa atin, mga gago! Nakumpleto ulit natin ang nine days ng misa de gallo!,”masiglang anunsyo ni Junel. Hindi man kapani-paniwala ay si Junel ang malakas na mag-aya sa amin. Siya ang pumipilit sa amin na gumising ng maaga kahit na antok na antok pa kami at kulang pa sa tulog. “Oo nga. Kahit minsan ay halos tadyakan mo na kami upang magising lang kami,” natatawang pag-