Simula nang makarating kami sa bahay ay kinukulit na ako ng apat na ayain si Edward. Pinipilit nila ako na isama ko siya sa pagsimba namin mamaya sa first misa de gallo. Nagdesisyon na naman sila na rito sa amin magpalipas ng gabi para sabay kaming magkakaibigan na pumunta ng simbahan. We started this last year. Sama-sama kaming lima sa misa de gallo. Nagulat pa nga ako last year nang mag-aya ang tatlo. Hindi naman kasi namin nakagawian ito ni Neil. Wala pa rin ako sa sarili upang kumilos. Nawalan ako ng lakas ng loob na i-chat si Edward kahit na grabe na ang panghihikayat nila na gawin ko ito. Ewan ko ba kung ako lang ba ang nakapansin kanina sa kinikilos nito. He’s been cold around me after what Neil asked him in the restaurant. Nilalayo na niya ang sarili sa akin, personally. Parang