Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017
AiTenshi
July 19, 2017
Wala maman akong nagawa kundi ang mapa kamot ng ulo habang pilit na inaalala ang kakaibang pang yayari kagabi. Siguradong may explanation ang tungkol dito kaya't kung ano man iyon ay hahanapan ko ito ng kasagutan.
Gayon pa man ay tila may kung anong kaba ang gumuguhit sa aking pag katao dahil batid kong mula ngayon ay mag babago na ang lahat..
Part 2: Experiment X
"May multo talaga frend, at yung nangyari sa iyo ay hindi isang bangungot. Naeengkanto ka at binibigyan ka ng kung ano anong bulaklak. Ganyang ganyan yung kwento ni Ibarra na nabasa ko sa w*****d. Yung sinulat ni AiTenshi." ang wika ni Oven habang papasok sila
"At naniwala ka naman? Baliw iyon, kung ano anong sinusulat tungkol sa mga Alien at kung ano ano pang lupalop ng mundo." Pag kontra ko naman.
"Aba oo naman naniniwala ako, si AiTenshi iyon, favorite ko iyon. Papatay ako para sa kanya!" ang pag tatanggol nito
"Oh siya bahala kana. Basta mamaya simulan natin ang experiment. Mang huli ka tuloy ng dagang may lagnat para malaman natin kung gagaling siya. Trial lang ito ha."
"Dagang may lagnat talaga? Paano ko naman malalaman kung may sakit nga yung dagang huhulihin ko?" pag tataka niya
"Narito ang thermometer. Malaki kana, alam mo na kung paano gamitin iyan. Sige na doon na ko sa library para mag basa ng books." paalam ko naman
"Bakit hindi ka nalang sa cellphone mag browse? Library talaga? Ang retro mo ha."
"Ganoon talaga, huwag kana kumontra at mang huli ka nalang ng daga!" utos ko sabay alis.
Pag pasok sa library ay kumuha agad ako ng mga reference book tungkol sa mga halaman at sinubukan kong hanapin ang bulaklak na nakita ko kagabi sa aking panaginip o kung ano man iyong naganap sa aking katawan ay hindi ko na maisip pa. Masakit na rin kasi ang bungo ko kakaisip ng scientific explaination kung paano nangyaring napunta ako sa kakahuyan, alangan naman gumamit ako ng time travel o ng wrap zone ng hindi ko namamalayan at sino naman ako para umabot para umabot sa ganoong level.
"Chong, pre.. Kamusta ang science experiment?" ang tanong ni Elmo na aking kaibigan ibang department. Kumukuha siya ng kursong HRM at namumuhay ng normal hindi katulad namin sa lupon ng mga science department na mga freak at genius.
Matangkad si Elmo, basketball player siya sa kanilang department. At kasalukuyang nakaupong president doon. Bukod pa roon ay kakapanalo lang niya ng Mr. HRM noong nakaraang gabi kaya't kainitan pa ng kanyang pagiging popular.
"Ayos nalang, nag reresearch lang tungkol sa mga halaman." sagot ko.
"Wow. Botanist ka na rin? Astig ahh. Alam mo tol, nakaka miss ka rin eh. Bakit ba kasi doon ka pa pumasok sa lupon ng mga matatalino? Alam kong may pagka genius ka at ang isip mo ay malayo sa aming mga normal na tao pero yang kagwapuhan mo ay parang hindi bagay doon. Alam mo kung nag shift ka ng course ay baka member ka pa ng varsity ngayon at popular. Daming nag kakagusto sa iyo eh. Sayang ang kagwapuhan mo kung susubsob ka lang dyan sa science project mo." ang wika nito sabay akbay sa akin.
"Ayos lang naman. Sa panahon kasi ngayon ay binibigyan na ang atensyon ang katalinuhan ng tao. Saka kagustuhan ko naman ito kaya't masasabi kong masaya ako. Wala nang mas liligaya pa sa isang taong nagagawa ng malaya ang kanyang nais basta wala siyang tinatapakang iba." ang sagot ko
"Kaya sayo ako eh. Kay Crush kita pare, ang galing mo. Nga pala since nandito ka na rin, sagutan nga natin itong assignment ko. Chemistry eh, Alam mo namang bobo ako dyan." ang natatawang wika nito sabay labas ng kanya notebook.
Natawa ako at tiningnan ang kanyang lecture "Mole fraction” lang naman pala iyan. Madali lang iyan. Ganito lang iyan.
Mole fraction is another way of expressing the concentration of a solution or mixture. It is equal to the moles of one component divided by the total moles in the solution or mixture.
Example : 0.100 mole of NaCl is dissolved into 100.0 grams of pure H2O. What is the mole fraction of NaCl?
Solution:
100.0 g / 18.0 g mol1 = 5.56 mol of H2O
Add that to the 0.100 mol of NaCl = 5.56 + 0.100 = 5.66 mol total
Mole fraction of NaCl = 0.100 mol / 5.66 mol = 0.018
What is the mole fraction of the H2O?
5.56 mol / 5.66 mol = 0.982
"Oh ayan okay na.." ang wika ko habang naka ngiti..
"Wow, ang galing mo tol. Ang bilis mong nasagot." ang wika niya habang ng pupunas ng panyo sa ilong.
"Bakit dumudugo yung ilong mo?" tanong ko sabay dukot ng tissue sa aking bag.
"Ahaha, wala ito. Masyado lang akong nabigla sa paliwanag mo." sagot niya sabay tawa ng malakas.
"Ssshhhh!! Quite!!!!" ang wika ng librarian.
Natawa kami ng pigil, nanatiling naka akbay sa akin si Elmo samantalang ako naman ay abala pa rin sa pag lipat ng pahina tungkol sa aking sinasaliksik.
Makalipas ang halos 40 mins ay natapos ako sa pag reresearch ay wala akong napala o nakita man lang na impormasyon, si Elmo naman ay naka tulog na sa aking tabi kaya't ginising ko nalang ito upang sabihin na mag sasara na ang library. Tawa naman ang kanyang isinagot syempre ay nag pasalamat ako sa kanyang pag sama sa akin, medyo boring pero batid kong nag enjoy naman siya sa pag tulog. Lamig kaya sa loob, full airconditioned.
"Nag research o nakipag landian kay Elmo sa library?" ang tanong ni Oven
"Nag research syempre, saka wala namang malisya yung pag sama sa akin ni Elmo, frends kami at walang masama doon." depensa
Tumaas ang kanyang kilay sabay kuha ng kulungang may naka lagay na dagang matamlay. "Ayan ha, may lagnat ang daga na iyan. Biruin mo frend namuti na sa sobrang taas ng lagnat!"
"Tado, dagang costa iyan kaya talagang puti. Na ithermometer mo ba ito?" seryoso kong tanong
"Ofcourse, 39.6 degree celcius! May lagnat talaga iyan. Actually naka confined iyan sa ospital ng mga daga, kinidnap ko lang. Feeling ko tuloy kriminal na ako." nag aalalang wika nito.
"Good naman, hayaan mo na at for sure ay mapapagaling natin siya. Tayo na simulan ang ating experiment X" ang excited kong tugon.
Agad kami dumiretso sa aming bahay. Mayroon akong maliit silid doon sa likod at iyon ang ginagamit kong laboratoryo. Dito ako nag coconduct ng experiment at nag sasaliksik tungkol sa kung ano anong bagay na aking matripan. Dito rin naka imbak ang aking mga imbensyon simula pa noong bata ako mula sa simpleng laruan na pinalakad at ginawang robot, mga eroplanong sariling design na talagang lumilipad gamit ang solar energy at kung ano ano pa.
Hindi naman ito ang unang pag kakataon na napunta rito si Oven kaya't hindi na rin bago sa kanya ang aking pribadong silid. Malinis naman ito dahil ang lahat ng specimen at mga kagamitan ay naka secure sa cabinet na may iba't ibang kategorya.
"Oh ayan ang scientific method, basahin mo na." ang utos ko habang inihahanda ang mga chemicals at sample ng mga halamang gamot.
"Kailangan ba talaga tuwing mag sstart tayo ng experiment ay babasahin ang scientific method na ito? Step by step proccess of solving problems ba talaga ang kailangan?" reklamo ni Oven
"Protocol iyan para sa aming mga scientist. Simulan mo na habang inihahanda ko ang mga materials." sagot ko naman at doon ay nag basa ito ng malakas
Make an Observation
Scientists are naturally curious about the world. While many people may pass by a curious phenomenon without sparing much thought for it, a scientific mind will take note of it as something worth further thought and investigation.
Form a Question
After making an interesting observation, a scientific mind itches to find out more about it. This is in fact a natural phenomenon.
Form a Hypothesis
A hypothesis is an informed guess as to the possible answer of the question..
Conduct an Experiment
Once a hypothesis has been formed, it must be tested. This is done by conducting a carefully designed and controlled experiment. Analyse the Data and Draw a
Conclusion
As the experiment is conducted, it is important to note down the results. In any experiment, it is necessary to conduct several trials to ensure that the results are constant.
“Ayan ha, nabasa ko na ang orasyon!” ang salita ni Oven
"At dont forget ang proteksyon sa mata, mahirap na baka maya maya ay mag karoon ng chemical reaction ito." ang wika ko habang nag susuot ng goggles.
Sinimulan namin ang experiment, pinag sama sama ko ang mga herbal na dinikdik at ginawang liquid saka maharang inihalo ito sa solution na naka lagay sa breaker.
Marahan kong hinalo halo ito gamit ang stirring rod, may kakaibang amoy ito ngunit hindi naman ganoong kasakit sa ilong. "Pahiram ako ng acid solution, dali" ang wika ko kay Oven na noon ay nag sisilbing assistant ko.
"Apurado naman, alin ba rito? Yung pula o yung asul?" ang tanong nito
"Yung asul, dali na" ang pag aapura ko
"Oh ayan, becareful ha baka masobrahan" ang paalala nito
Agad kong pinatakan ang solution na aking ginagawa. Isa hanggang apat na patak at ang kulay dilaw na tubig sa beaker ay unti unting naging berde. "Ayy ang bongga niyan frend!!" ang masayang wika ni Oven
Patuloy sa pag kulo ang solution sa loob ng lalagyan samantalang kami naman ni Oven ay pinag mamasdan lang ito. "Bakit ganon? Dapat ay magiging kulay orange ito. Bakit ayaw?" pag tataka ko
"Eh alam ko na, baka kailangan ng pulang acid. Akin na nga ako ang mag peperform." ang wika nito sabay eksena sa aking kinalalagyan.
Pinatakan niya ang solution, dalawang patak at unti unti itong naging orange. Napalundag si Oven sa sobrang galak. "Nakita mo na? Winner ang ginawa ko diba? Achieve na achieve ang kulay orange na solution katulad ng nasa plano." wika nito at maya maya ay bigla nalang umusok ang beaker kasabay nito ang malakas na pag kulo.
"Ay! Anyare?! Teka baka sumabog iyan!!" ang natatarantang wika ni Oven
Maya maya ay bigla nga ito sumabog sa aming kinalalagyan!!
"BOOOMMM!!!!"
Nabasag ang breaker at lumikha ito ng malakas na pag sabog na animo 5 star. Tumilapon si Oven sa gawin pintuan, ako naman ay gumulong sa ilalim ng lamesa. Kapwa kami nag tamo ng galos at pinsala sa mukha dulot ng malakas na pag sibat ng salamin mula sa nabasag na breaker.
"Ano ba iyan?! Anak bakit hindi kayo nag iingat?" ang wika ni mama na natataranta habang tumatakbo sa likod bahay patungo sa aking lab
"Ano ba iyan? Bakit nag dadala kayo ng paputok dyan sa loob? Ang lakas noon ah!" ang wika naman ni Papa na noon ay hinahawi ang usok sa loob ng laboratoryo.
At iyon ang resulta ng Experiment X..
Failed..
Itutuloy..