Part 3: Mutant X

2263 Words
Mr Genius X Mr Blood Sucker 2017 AiTenshi July 21, 2017   Part 3: Mutant X   "Hindi kasi kayo nag iingat, muntik na kayong madisgrasya sa pinag gagagawa ninyo." ang sermon ni mama habang ginagamot ang mukha ni Oven na puro gasgas at tama ng salamin.   Umiiyak si Oven "Tita, keri pa ba? Winner pa ba yung pez ko?" ang tanong niya   "Minor injuries lang naman ito. Gasgas lang at tiyak na mawawala rin ito makalipas ang dalawa o tatlong araw. Saka maganda ang ointment na ito, gamit ito ng tito Hermes mo sa ospital kaya't tiyak na effective." naka ngiting wika ni mama samantalang ako naman ay naka tingin lang sa kanilang ginagawang gamutan.   "Eh bakit po si Chong walang galos samantalang mas closer siya sa solution. Kitang kita ko na tumapon pa ito sa mukha niya. Saka bago ko himatayin ay nabilang ko pa yung tumusok na salamin sa mukha niya. 5 iyon eh, isa sa baba, sa ilong, sa noo at sa mag kabilang pisngi." ang wika ni Oven   "Talagang nabilang mo pa? Ganyan ka kagaling?" tanong ko   "Oo naman at sure ako na mas marami kang tama sa akin. Mas bongga yung pag wisik sayo ng asido eh bakit parang wala nangyari sa pez mo? Walang gasgas, walang sugat o kahit kudlit man lang? Beauty ka pa rin. Unlike sa akin? Bakeet??" ang iyak ni Oven   "Baka naman namalik mata ka lang hijo?" ang tanong ni mama   "Hindi tita, basta alam ko na marami talaga. Bakit ganoon? Nakapag tataka naman." sagot ni Oven   Nakatawa lang ako ngunit pati ako nag tataka rin. Ang totoo noon ay tumapon sa katawan at mukha ko iyong asido sa breaker at fatal ang pag tama ng mga basag na salamin sa aking mukha. Ramdam ko ang sakit nito bago ako mawalan ng malay. Ngunit noong pag gising ko ay bigla nalang nawala ang aking mga sugat na parang walang nangyari, pati ang kirot sa aking braso dulot ng pag sabog ay wala na rin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari ngunit pakiwari ko ba ay nasa ilalim pa rin ako ng isang panaginip na mahirap paniwalaan.   Pati si mama ay nag tataka rin ngunit sinabi ko nalang na nag lagay ako ng proteksyon sa mukha upang hindi mag kasugat at yung nakita ni Oven ay dala lamang ng kanyang malikot na pag iisip. Sino ba naman ang mag aakalang nasugatan ako kung gayon wala naman silang makita ni isang gasgas. At sa tingin ko ay wala silang magagawa doon.   Alas 9 ng gabi, muli akong bumalik sa aking laboratory upang mag linis. Magulong magulo ang buong lugar ngunit ang mga cabinet na may mga specimens ay hindi naman nahagip ng pag sabog. Maliban nalang doon sa dagang costa ni Oven na naka kulong sa di kalayuan. Matigas na ito at isang malamig na bangkay.   Tahimik sa loob ng lab, dito ay naisip kong kumuha ng sample ng aking dugo at silipin ito sa microscope.   Wala naman akong nakitang kakaiba, normal pa rin ito katulad ng iba. Pero paano kayang nag hilom ang aking mga sugat. Baka naman dala ito ng mga chemical reaction na tumama sa aking mukha kaya't naabsorb ito ng aking balat at naging auto immunization. Instant mutant lang kung tutuusin kaya't sa tingin ko ay mali ang terminology kong "immunization" dahil baka literal na mutation ang nagaganap sa katawan ko. Gusto ko na ngang maniwala na may engkanto, paano ko ba maipapaliwanag sa aking sarili yung halaman na kulay ginto? Yung lalaking pumapayag na kumuha ako ng halaman at yung lalaking tumatakbo na nag tulak na akin palayo sa lugar na iyon. Ano ba iyon? Aparisyon o dala lamang ng stress at pagod dahil masyado akong subsob sa pag aaral?   Nasa ganoong pag iisip ako ng maisipan kong ipatak sa isang halaman ang aking dugo. Baka sakaling mayroon itong reaction sa ibang bagay na hindi ko napapansin sa aking sarili.   Maliit na amount lamang ng dugo ang pinatak ko sa dahon ng halaman at maigi ko itong pinag masdan.   Tahimik ulit..   Maya maya ay laking gulat ko noong unti unting maging brown ang mga berdeng dahon nito at maya maya ay malanta na animo na tuyot na puno sa disyerto.   Noong mga sandaling iyon ay tila ba nilukuban ako ng ibayong kaba at pag kamangha. Muli ko ipinatak ang aking dugo sa natuyong halaman sa paso. Pumatak ito sa ugat at inabsorb ng lupa. Maya maya ay muli akong namangha sa aking nakita dahil unti unting naging berde ang mga sanga nito, tumubo ang mga dahon at maya maya ay umusbong ang magandang bulaklak na rosas sa mga sanga nito.   Namangha ako ngunit mas lalo lamang akong naguluhan at kinabahan..   Muli kong sinubukan ipatak sa bibig ng patay na dagang costa ang aking dugo. Maya maya nangisay ito at nag simulang pumintig ang tiyan. Marahang bumangon at bumalik ang dating sigla.   Kasabay nito ay ang pang hihina ng aking tuhod. Hindi ko na alam kung anong kababalaghan ang nangyayari sa akin. Wala akong nagawa kundi ang mapadukduk nalang sa lamesa at dito ay ipinahinga ko ang aking ulo na nag sisimulang kumirot.   Tahimik ulit..   Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaidlip hanggang sa maya maya ay bigla na lamang akong nakarinig ang malakas na pag sabog sa labas ng aking laboratoryo, yumanig at lumindol ng malakas. Kaya naman napasigaw nalang ako at napakapit sa haligi ng lamesa habang gumagapang sa ilalim ito.   "Maaaaa, paaaaa!! Tulong!!! Tulooonggg!!" ang sigaw ko habang nag susumiksik sa ilalim ng mesa.   Tumagal ng ilang sandali ang pag yanig bago tuluyang tumigil ito. Noong bumalik ang lakas ng aking tuhod ay mabilis akong lumabas ng laboratory at doon ay laking gulat ko ng makitang putol ang mga puno sa paligid. Ang bukid ay mayroong isang malaking hukay na animo binagsakan ng bomba. Wasak ang lupa at gayon rin ang paligid.   "Anak, ayos ka lang ba?" ang tanong nina mama.   "Oo ma, ano bang nangyari?" ang tanong ko at dito ay nag simula na ring lumabas ang mga tao sa paligid upang tingnan yung nangyari sa bukid.   "Wasak yung bukid, parang may laglag na bomba kanina. Ang laki ng pinsala. Mabuti nalang at walang nasaktan sa akin." ang wika ng mga nakikiusisa.   "Tamang tama, binalita sa tv ngayon na may nalaglag raw na maliit na missile dyan sa bukid kaya't sumabog ito. Mabuti nalang at hindi sa bahay natin nalaglag." ang wika ni papa habang pinag mamasdan ang malaking pinsala sa paligid.   "Naku dapat ay ireklamo natin ang mga baguhang sundalong nag ttraining dyan sa bundok ng Bari bari! Mapapahamak tayo eh!" ang reklamo ng ibang residente samantalang ako naman ay halatang hilo pa rin at wala sa katinuan dahil sa matinding takot.   "Hindi lang ireklamo, dapat ay paalisin na sila doon sa bundok! Delikado ang mga sandata nila! Baka maya maya ay anak na natin ang matamaan dito!!" galit na protesta nila samantalang ako naman ay niyaya na nila mama sa loob at pilit na pinakalma. Hindi ko alam kung saan ako dapat matakot, sa nagaganap bang kakaiba sa aking katawan o sa mga bombang ibinabagsak ng mga sundalong nag ttraining doon sa bundok na umaabot hanggang dito ang pinsala.   Kinabukasan, dahil walang pasok ay nag pasya nalang akong imeet si Oven sa lumang parke na aming madalas tambayan. May dala itong isang supot ng mangga at katulad dati ay amin itong pinag saluhan.   "Bumabalik na sa dati yung mukha mo. Effective yung ointment ni papa hano?" naka ngiti kong tanong habang abala sa pag babalat.   "Tse, langyang project iyan buwis buhay talaga? Saka bakit kaya hindi ka na injury e mas malapit ka doon sa pag sabog. Anong sekreto mo ha?" ang tanong nito   Tumingin ako sa kanya ng seryoso at dito ay naisip kong sabihin sa kanyan ang naganap sa akin kagabi. Hindi ko ito maipaliwanag ngunit sa tingin ko ay wala namang ibang makaka unawa at makakaramay sa akin kundi siya lang din. "May sikreto ako pero huwag mong ipag sasabi ha, sana ay ibulsa mo yung pag uusapan natin at huwag mong itutukis sa iba." seryoso kong salita habang naka titig sa kanyang mata.   "Maka titig ka naman, ano naman iyon? Seryoso ito ha. Walang halong kaeklatan?" ang tanong niya   "Oo nga, seryoso ito." ang sagot ko sabay hinga ng malalim at dito ay sinambit ko ang nais sabihin ng aking bibig. "Nag karoon ako ng healing powers." ang wika ko   Tumingin sa akin ng seryoso si Oven at maya maya ay tumawa ito ng malakas "Wahahaha, sino ka si wolverine? Tigilan mo nga ako. Anong sikreto mo?" ang tanong niya ulit   "Tang ina naman, para ka palang binibiro eh. May nangyari sa akin pag katapos kong sabugan noong solution na ginawa natin. Maniwala ka." ang seryoso kong tugon   Tumawa nanaman ito "ikaw frend ha, alam kong matalino ka pero huwag mo naman ako echosin ng ganyan. Baka naman bumigay kana? Marami dyan sa sobrang talino ay bumibigay ang isip. Okay ka lang ba? Alam na ba ito ng mama at papa mo?" tanong nito   "Gago, hindi ako nababaliw. You want proof? Sige huwag kang kukurap ha." ang wika ko sabay agaw sa kanya ng kutsilyo.   Hinawa ko ang aking palad na parang nag laslas. "Aayyy jusko! Nababaliw kana ba? Bakit may ganyan?! Gago ka bakit ka nag laslas sa palad? Dapat sa pulso diba? Hindi naman nilalaslas ang palad eh, pulso ang nilalaslas! Saka hindi ka naman katipunero!" ang sigaw ni Oven na hindi mapakali at takot na takot "Nabubuwang kana ba? Baket?"   "Tado, huminahon ka at manood." pag pigil ko dito ag ipinatak ko ang aking dugo sa isang halaman sa tabi na aming kinalalagyan.   Noong una ay walang nangyari kaya't tumaas ang kilay ni Oven. "Hmmfff, Ano kaya iyon? Push mo yan teh." pang aasar nito   "Teka muna, huwag kang maingay." tugon ko at maya maya ay laking gulat niya ng siya mismo ang maka kita na unti unting namamatay at nag lalagas ang dahon ng halaman.   Napasigaw nalang ito at napatingin sa akin. Naduling at hinimatay..   "Eeyyy, gumising ka!" ang wika ko habang tinatapik ang pisngi nito. Pero wala pa rin kaya naman hinayaan ko muna siyang naka bulagta sa upuan at ipinag patuloy ang pag kain ng mangga. Parang wala na lang sa akin kung nabigla siya, expected ko naman kasi na ganoon nga ang magiging reaksyon nito. Kahit sino naman ay tiyak na mabibigla kapag nakakita ng kakaibang bagay.   Makalipas ang ilang minuto ay bigla nagising si Oven. Napatingin ito sa akin at bahagyang lumayo. "Who are you and what are you?" ang tanong niya na may takot sa mga mata.   "Ako nga to, bestfriend mo. Wala naman akong pinag bago oh. Nag karoon lang ng kaunting mutation dulot ng pag sabog ng mga chemical sa aking katawan. Iyon ang teorya ko." ang wika ko naman.   "Kung ikaw nga si Enchong na bestie ko at hindi ka Alien ay prove it! Baka maya maya ay alien ka ha o kaya ay maligno na nag papanggap na siya" paninigurado nito   "Okay, bumigay ka noong ikaw ay 8 years old. Unang beses kang nag suot ng bra noong 10 years old ka at iyon ang bagong bra ng nanay mo. First kiss mo ay yung pinsan mo at siya rin ang first s*x mo. First boyfriend mo ay member ng math club na one week lang ang tinagal nyo dahil naka tagpo siya ng iba. Nag suot ka ng wig ni Sailormoon at nahuli ka ng tatay mo kaya binugbog ka nito. Mayroon ka malaking balat sa kanang pisngi ng pwet at..." natigil ako dahil tinakpan niya ang aking bibig   "Tama naa, okay na. Ikaw nga iyan! Jusko frend. Anong nangyari sayo?" ang tanong niya na hindi maitago ang pag alala.   "Hindi ko nga alam e. Natatakot na ako, paano kung malaman ito ng media? Baka pag experimentuhan nila ang aking katawan. O kaya ay idisect na palang isang palaka." pag aalala ko.   "Kaya kailangan ay isecret natin ito. Nasan na yung sugat mo sa palad? Halika at gamutin na natin." wika ni Oven   "No need, wala na siya oh." pag mamalaki ko sabay pakita ng aking palad na walang galos. Maya maya ay hiniwa ko ito ulit at ipinatak ang aking dugo sa halamang namatay kaya muli nanamang umusbong ang berdeng dahon nito at mas yumabong pa. May bonus pang bulaklak.   Napa nga nga si Oven "iyan ang resulta ng experiment natin? Para kang naging mutant niyan frend. Eh teka, bakit ako ay hindi? Bakit wala akong ganyan e pareho lang naman tayong nasabugan hano." ang reklamo nito na parang may halong inggit.   "Aba, parang nainggit ka pa? Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa akin hano. Paano ko ba maibabalik sa normal ang buhay ko? Ang iniisip ko ay baka may side effecf ito at bigla nalang akong singilin." pag aalala ko   "Or else baka ikamatay mo pa iyan frend" ang sagot niya dahilan para batukan ko ito "Patay agad? Grabe sya!" pag mamaktol ko, ahh basta! Walang makaka alam nito dahil kung hindi ay IKAW ang lalantahin ko. Nakikita mo ba iyang halaman na iyan? Ganyan ang mangyayari sa iyo." pananakot ko   "Grabe ka naman, takutin ba ako. Sige promise walang makaka alam nito pagiging mutant X mo. Basta hanapan natin ito ng solusyon bago pa mang yari ang kinatatakutan natin." ang sagot niya habang pinag papawisan.   "Good! Basta tahimik ka lang hanggang hindi pa tayo nakakahanap ng solusyon kung paano ako makakabalik sa normal."   "Yes naman. Alam ko na, pwede natin pag kakitaan iyan. Pila pila sa pang gagamot mo. Yayaman tayo frend"   "Tado, kakasabi ko lang na isekreto diba?"   "Hindi ka naman mabiro. Bukas na bukas ay puntahan natin si Dr. Elvis. Baka may maitulong siya sa atin."   Hindi ko naman tinanggihan ang plano ni Oven, pati ako ay nangangamba narin dahil batid kong mas masarap mabuhay ng normal. Ayokong maging kakaiba sa paningin ng lahat ay gayon din sa paningin ng aking mga pinaka mamahal.   Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD