Mr. Genius X Mr. Blood Sucker
AiTenshi
July 17, 2017
Pinakawalan ni Egidio ang libo libong kawal niya mula sa ilalim ng lupa. Ang lahat ng ito ay uhaw sa dugo, hayok sa laman at walang sariling pag iisip.
Binalot ng lagim ang buong lupain, wala ni isa ang nag akala na ang kanilang Hari ay isa palang alagad ng dilim na siyang sumupil sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa buong sanlibutan. At simula noong mga oras na iyon ay nag tago na ang araw sa kalangitan at napalitan ito ng purong kadiliman.
Matagal na nag hari si Egidio sa buong lupain ng mga uhaw sa dugo, halos umabot ng daang taon ang kanyang pag hahasik ng lagim hanggang sa isang araw ay umusbong ang kaunting liwanag ng pag asa at iyon ay sa katauhan nina Leandro at Idan.
Kinalaban ng dalawa ang hari ng dilim, nag salpukan ang kapangyarihan, lakas ay katatagan. Halos magunaw ang buong lupain sa kanilang madugong tunggalian hanggang sa ibuwis nina Leandro at Idan ang kanilang buhay upang ikulong sa malayong demensyon ang Hari na si Egidio.
Ngunit, isinumpa ng hari na siya ay babangon upang muling aangkinin ang mundo at pag harian ang kanyang lupaing nabaon sa limot.
Part 1: Science Project
Present Day:
"And, the Sun is more complicated than just Hydrogen gas being converted into Helium. The Sun was born 4,600,000,000 years ago. It contains all the elements that were in the Interstellar Medium at the time it was formed. It would be interesting to know in what proportions all the elements in the Periodic Table were in existence at that time. We could tell a lot about the evolution of the Universe and all the other stars if we had this data on the Sun."
"Do you have any support in your hypothesis Mr. Enchong Rayo?" ang tanong ng guro
"Our Sun was an intergalactic gas cloud back then. It started out as gas and dust called the Interstellar Medium. The makeup of the medium is what should be the makeup of the Sun we see today. My answer is, Maybe." sagot ko naman
Tawanan ang buong klase..
"Maupo kana nga frend, wala naman tayong laban sa utak ng prof natin no, saka isa pa yung buong klase na ito ay puro abnormal. Baket ba kasi napunta tayo dito? Este ako lang pala kasi genius ka rin eh. Hindi pang ganito ang ganda ko." bulong ni Oven sabay hatak sa akin paupo sa silya.
"Tama naman ang sagot ko, may posibility na mas maraming periodic table of elements ang mayroon sa araw. Adik pala iyang prof natin eh" bulong ko habang hindi maitago ang pag kainis.
"Eh kasi naman yung ganda ko hindi pang ganito. Iba level na tong klaseng ito." reklamo pa niya
"Okay class, end na ng month so i expect na lahat kayo mag susubmit ng science project. Any experiment will do. Mga geniuses naman kayo kaya wala akong worries. Huwag naman yung mga simpleng experiment na pang elementary like pag culture ng plastic eating microbes, artificial intelligence robotic function and artificial human organ. Ayoko ng mga ganyan, so make sure na ibabatay nyo ang inyong experiment according to your age. Group yourself into two. Dismiss!" ang wika ng prof sabay walkout.
"Kayang kaya mo yan bestie. Syempre tayong dalawa ang mag kasama diba? Through thick or thin, richness and poorness and everything." masayang wika ni Oven.
"Syempre naman, pero ikaw ang financer ah. Ako na nga sa utak eh. Ikaw ang gagastos para sa mga gamit."
"Yan tayo eh" pag mamaktol nito
"Okay wag na, solo nalang ako." pang aasar ko.
"Ikaw naman bestie di kana mabiro. Go na tayo dyan experiment na iyan. Bawian mo si Sir Kaldabog at patunayan mo na mas bongga ka sa kanya."
"Iyon talaga ang gagawin ko at makikita niya!"
Ako si Enchong, 20 years old, kasalukuyang nag aaral sa isang Science University dito sa Siyudad sa kurong BS Chemistry. Noong bata palang ako ay nakahiligan ko na ang mangulekta ng mga items at kung ano anong bagay na may kinalaman sa science. Dahil nga para sa akin ay "Science Rocks!" Marahil iyon ang dahilan kung bakit lumaki akong kaunti ang kaibigan. Ngayong nag binata na ako ay ipinag patuloy ko pa rin ang aking hilig sa pag tuksan ng kung ano anong bagay sa aking paligid kaya naman nag feeling "Genius" na ako at nag enrol sa isang sikat na klase kasama ng mga pinaka matatalinong mag aaral sa aming Unibersidad.
Ako ay may taas 5'9, may maayos na build ng pangangatawan. Hindi ako yung tipong hunk o hearthrob effect na mababasa ninyo sa ibang story. Simple lang ako pero cute naman habang pinag mamasdan Lol. Nag mula ako sa isang mayamang pamilya, solong anak lang ako ng aking mga magulang. Si papa ay guro sa isang university at isa rin siyang doktor. Si mama naman ay may ari ng isang kompanyang humahawak sa mga modelo at commercial sa TV. Minsan nga ay naging commercial model rin ang mama ko ng isang sikat na brand ng sabong panlaba kung saan sumasayaw ito kasama ang mascot ng batya at palo palo. Pero wala naman silang masyadong kinalaman sa kwento kong ito.
Basta hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang aking hilig sa science at paki wari ko ba ay mas naging masigasig pa ako habang patagal ng patagal ay palala naman ng palala na animo sakit na patungong terminal stage.
"So anong plan mo doon sa Science Project natin?" tanong ni Oven
"May idea kaba? Diba sabi ko saiyo ay mag brain storming ka kagabi? Nasaan na ang mga data?" tanong ko
"Nag brain storming ako, kaso masyadong malakas ang storm dito sa ulo ko kaya lalong nag kagulo ang mga ideas PERO ay naisip na ako at mayroon akong suggestions!" ang naka ngiting wika nito habang kinikilig pa.
"Ano nga iyon?" tanong ko
"Diba 2017 na ngayon? So meaning dapat ay high tech narin ang experiment natin. Diba kasi part ng Science ang technology kaya nga Science and Technology diba?"
"Oo, ano ang punch line?"
"Walang punch line My Dear Chong, seryoso ito. Eto ha, mamili ka.
Number 1, Since everyone is using smart phone, bakit hindi tayo mag design ng isang application na magiging libre ang pocket data? Yung tipong kapag iniinstall mo ito ay mag kakaroon ka ng unlimited gigabytes.
Number 2, mag design tayo ng isang application para mag karoon ng auto likes at auto follower ang gumagamit ng mga social media para hindi na nila kailangan pang mag buyangyang ng katawan at cleavage sa twitter o f*******: para mag karoon ng follower?
Number 3, mag design tayo ng ultimate web site for fame w****s. Sama sama na ang mahilig mag pa pansin, kulang sa pansin at walang pumapansin doon sa isang site.
Number 4, oh kaya gumawa tayo ng isang detector para malaman natin kung plastic o ahas ang frend nasa tabi natin. Marami dyan beshie ka pag naka harap pero pag talikod mo ay hindi na. Ano sa tingin mo Chong my dear?" ang tanong ni Oven
"Maganda lahat ng ideas mo bro, kaso ay mas mahusay sa atin pag dating sa technology yung mga kaklase natin. Im sure lahat sila ay iyan ang gagawin. Ang gusto ko sana yung kapaki pakinabang, yung makatutulong sa ating lipunang ginalawan. Makakalutas sa kahirapan at kakulangan ng bansa. Yung mag sasalba sa atin sa tiyak na kapahamakan. Ano sa tingin mo?" ang tanong ko habang naka tanaw sa kalangitan
Tumingin rin si Oven sa kalangitan kung saan ako nakatingin "Wala akong makita e, nakaka silaw lang kaya. Pero bet ko iyang gusto mo. Bakit hindi tayo lumikha ng bato na kapag inulok ay magiging si Darna na ako? Dapat ay babaihan ha, ayoko ng ganoon kay Elsa Droga."
"Tao lang ako at hindi ako alien para gawin iyan. Ang naisip ko ay isang tableta o gamot na nakakagaling ng lahat ng klase ng sakit."
"Nakoo, malabo iyan. Paano mo naman gagawin iyan aber?"
"Maaaring may mga herbal o halamang gamot na hindi pa nadidiskobre ng science na maaaring maka gamot sa malulubhang sakit. Lalo ngayong 2017 ang mga tao sa buong mundo ay wala inatupag kundi pindutin ang gadget nila, mag travel, kumain sa labas at picturan ang buhay nila saka iupload sa social media. Wala silang paki alam sa mga natural source of living katulad ng pag gamit ng alternatives bilang medicine. At im sure, mayroong isa sa isang daang tiyansa na makahanap ng kakaibang halamang gamot na maaari nating magamit sa ating science project." tugon ko
"Paano ka naman naka sure na mayroon nga aber?" ang tanong nito
"Syempre naman ilan ang bundok na naka paligid sa lugar na ito?" ang tanong ko dahilan para mapaisip ito "Apat, Bundok ng Tralala, bundok ng Bari bari, bundok ng susong dalaga, at Bundok ng Bukol ng binata. Oh anong mayroon?" ang tanong rin niya.
"Depende sa laki ng mga bundok, noong nakita ko ang Bundok ng Susong dalaga, ang kalkulasyon ko ay mayroon itong 2,926 metres above sea level. Elevation na 2,992m. Ang bundok Baribari naman ay mayroong elevation na 2,954 m at ang ibang karatig bundok ay mayroon 1,090 m. So meaning may malaki ang bundok ay mas maraming halaman na makikita sa loob nito.
Mas malaking probability na makatagpo tayo ng kakaibang species ng living organism doon na makakatulong sa ating experiment. Kung susuyurin natin ang dalawang bundok na pinaka malaki which is Bundok ng Susong Dalaga at Bundok ng Bari Bari ay mag maaari tayong magkaroon ng 100% = 1 o 50% =1/2 or 0.5 probability na makahanap ng kakaibang medicinal plants doon." sagot ko naman
"Oo nga frend. Ang galing mo talaga." ang wika ni Oven habang tumutulo ang dugo sa ilong
"s**t, anong nangyari sa ilong mo? Eto ang tissue." ang gulat kong salita sabay tapal ng papel sa kanyang mukha.
"Okay lang ako frend, parating nangyayari to sa tuwing nag eexplain ka. Once lang tayo napunta sa mga bundok na iyon paano mong nasukat?"
"Estimation lang. Pero accurate iyon." ang sagot ko.
"Eh yung probability na 000.00075 at 50% paano nakuha?" tanong rin niya
"Estimation rin. Pero malaki ang chance" tugon ko ulit.
"Bongga ka talaga frend, ikaw na ikaw na talaga." tugon niya sabay akbay sa akin bagamat dumudugo pa rin ang kanya ilong kaya pinasakan nalang niya ito ng bulak.
Kinagabihan, alas 10 ng gabi noong ako ay mahiga sa aking silid. Damang dama ko pa rin ang stress at pressure dahil sa pag nanais kong makatugon sa aming science project. Hindi naman kasi ordinaryong requirement lang iyon dahil tiyak na ang lahat ay hahataw at nag nanais akong may patunayan sa kanila lalo na sa aking guro na parati akong pinag iinitan sa pamamagitan ng mga tanong na out of this world. Kanina ay tinanong niya ako ng mga periodic element na maaaring nag eexist sa araw, kahapon naman ay tinanong niya ako tungkol sa ancient civilization ng Maya at pilit pinapa dugtungan sa akin ang kalendaryo nila na nag tapos na noong year 2012. Noong nakaraang linggo ay tungkol naman sa orbit at construction ng planetang pluto na malayo malayo na sa kaalaman ko.
Napabuntong hininga nalang ako habang naka tanaw sa kisame..
Tahimik..
Nasa ganoong posisyon ako ng biglang bumukas ang aking bintan at mula dito ay bumuga ang malakas na ihip ng hangin. Nilipad ang puting kurtina sa aking silid at gayon din ang mga papel sa aking study table. Kaya naman agad akong bumalikwas upang isara ang bintana kung saan umiihip ang malamig na hangin na animo mayroong yelong kasama.
Tahimik akong nag tungo sa bintana at dito ay dumungaw ako upang lumanghap ng malamig na hangin. Pikit mata ang aking ginawang pang langhap, dinadama ko ang masarap na pakiramdam habang humahalik at yumayakap ang hangin sa aking balat.
Tahimik ulit..
Marahan kong iminulat ang aking mata at dito ay laking gulat ko nang biglang nag laho ang aming bakuran at mapalitan ito ng mga sukal at mga punong kahoy. Nag mistulang kagubatan ang paligid kaya naman agad kong binuksan ang aking silid at dito ay tinawag ko sina mama.
"Maaaa!! Paaa!! Bakit naiba ang paligid? Bakit parang nasa gubat tayo?! Ano bang nangyayari?" ang sigaw ngunit wala ni isa ang sumagot sa akin.
Mabilis akong bumaba ng hagdan at habang nasa ganoong pag aapura ako ay unti unting nabubura ang aking paligid. Ang mga pader ng aming bahay ay nagiging madilim na para bang nag babago ng anyo ang lahat. Hanggang sa makalipas ang ilang sandali ay wala na ang bakas ng aming tirahan. Natagpuan ko nalang ang aking sariling nakatayo sa isang kakahuyang napapaligiran ng maraming puno.
Malamig ang hangin na umiihip sa paligid, ang buwan ay bilog na bilog kaya't ito lamang ang nag sisilbing liwanag sa aking kinatatayuan.
"Maaaa!!! Paaaaa!" ang sigaw ko ngunit walang taong sumagot sa akin maliban sa echo na nag mumula kung saan.
Ibayong kaba ang lumukob sa aking pag katao kaya naman ang tatakbo ako upang hanapin ang daan pauwi. Walang direksyon ang aking pag hakbang basta ang alam ko lang ay panaginip ito at imposibleng maging realidad.
Takbo!!
Takbong walang humpay ang aking ginawa at dito ay napag tanto ko na hindi ako umalis sa aking kinatatayuan. Na pako pa rin ako sa lugar na ito bagamat halos mapatid na ang aking hininga sa matinding pag takbo.
"Nasaan ako?! Bakit ako nandito?!!" ang sigaw ko na hindi maitago ang pinag halong takot at pag kainis.
Wala akong nakuhang sagot maliban sa ingay ng kuliglig at lagaslas ng malamig na hangin sa paligid. At bukod pa roon ay wala rin akong nagawa kundi ang mapaupo na lamang sa tabi ng isang puno at dito ay mag isip kung paano ako makaka alis sa lugar na ito.
Tahimik ulit..
Ini ikot ko lamang ang aking mata habang binabalot ng matinding pag ka tuliro..
Habang nasa ganoong pag iisip ako ay may namataan akong isa nag liliwanag na bagay sa di kalayuan kaya naman agad akong tumayo at agad itong pinuntahan. Ang bagay na ito ay isa maliit na halamang may bulaklak na umiilaw, nag liliwanag na animo ginto sa gitna ng kadiliman.
Marahan akong tumayo upang lapitan ang bulaklak na talagang kakaiba ang anyo. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako naka kita ng ganitong uri ng halaman. Kaya naman marahan akong lumapit dito upang mapag masdang mabuti.
"Ang ganda." bulong ko sa aking sarili at doon ay naakit akong hawakan ito.
"Iyan ang tinatawag na "kinday", isang espesyal na halamang naka gagamot ng lahat ng sakit. Iyan ang hinahanap mo hindi ba?" boses ng isang lalaki sa aking likuran. Isang magandang tinig na nakakapag pabanayad ng damdamin.
"Sino ka? Paano mo na laman ang tungkol doon?" tanong ko naman.
"Sa tingin ko ay hindi na ito mahalaga. Kumukha kana ng halaman iyan ang makatutulog sa iyo sa iyong proyekto" ang wika niya habang unti unting nag lalaho ang kanyang katawan.
Wala naman akong inaksayang panahon, agad akong pumitas ng halaman at dito ay bigla nalang humangin ng malakas, kasabay noong ang pag sulpot ng isang lalaki sa aking harapan. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha ngunit batid kong tumakbo ito patungo sa akin.
Hawak ko pa rin ang halaman sa aking mga kamay at mas lalo pang naging mahigpit ang pag hawak ko dito habang pinag mamasdan ang parang aparisyon ng isang lalaking mabilis na tumatakbo papunta sa aking kinatatayuan..
"Umalis kaaa na ditooo!! Bilisan mo!!!" ang sigaw nito sabay tulak sa akin palayo.
Lumipad ang aking katawan paatras at dito ay nag paikot ikot ako hanggang sa muli kong imulat ang aking mga mata.
"Uughhhhh!" natagpuan ko ang aking sarili na naka higa sa aking kama, pawis na pawis, uhaw na uhaw at walang lakas ang katawan.
Hindi ko alam kung anong nangyari noong mga oras na iyon, batid panaginip lang ang lahat dahil noong tumingin ako sa bintana ay sarado naman ito at wala ni isang hangin ang pumapasok maliban sa lamig ng wallfan. At isa pa ay hindi naman ako naniwala sa engkanto o maligno dahil ang lahat ay kaya ipaliwanag na science. Marahil ay isa lang akong lucid dreamer o kaya ay stress lang ang aking katawan kaya't nag ffunction ang aking utak ng mas malalim.
Kinabukasan, pag baba ko sa sala ay agad akong sinalubong ni mama. Kaya naman nag taka ako kung bakit ganoon nalang ang pag aabang niya sa akin pababa sa hagdan. "Anak, hindi ba't sinabi ko sa iyo na huwag kang lumalabas ng gabi? Saan kaba nang galing ha? Bakit sira ang sapatos mo? At tapos may magandang bulaklak doon sa pintuan. Halika tingnan mo" pag yaya ni mama.
Pag dating namin sa pinto ay nakita ko nga ang isang magandang bulaklak na kulay ginto ang petals, maliit lang ito ngunit nakaka akit pag masdan. "Bulaklak ba talaga iyan? Parang ngayon lang ako naka kita ng ganyang kakintab na halaman?" pag tataka ni mama samantalang umakyat naman ang matinding kilabot sa aking ulo.
"Paano ito napunta rito? Panaginip lang yung kagabi diba? Nag sleep walking ba ako?" ang tanong ko sa aking sarili habang naka titig sa bulaklak.
"Anak, ayos ka lang ba? May problema ba?" tanong ni mama
"Ah e, wala ma. Project ko ito sa science." palusot ko nalang
"Project? Eh bakit kinakalat mo lang dito sa labas? Saka sa uli uli ay ayokong lalabas ka ng gabi ha. Kung saan kang lupalop nag suot." sermon pa ni mama.
"Maa, hindi naman ako umaalis kagabi, maniwala ka."
"Naku, huwag mo na nga ideny no, hayan na nga ang ebidensya sapatos mo itong oh. Ikaw talagang bata ka. Basta kung project mo nga iya ay isinop para hindi nawawala. Kumain kana muna bago ka pumasok sa eskwela." hirit pa ni mama
Wala maman akong nagawa kundi ang mapa kamot ng ulo habang pilit na inaalala ang kakaibang pang yayari kagabi. Siguradong may explanation ang tungkol dito kaya't kung ano man iyon ay hahanapan ko ito ng kasagutan.
Gayon pa man ay tila may kung anong kaba ang gumuguhit sa aking pag katao dahil batid kong mula ngayon ay mag babago na ang lahat..
Itutuloy.