Part 4: Ang Bundok Bari Bari

1621 Words
Mr Genius X Mr Blood Sucker 2017 AiTenshi July 21, 2017   Part 4: Ang Bundok Bari Bari   Matapos ang pag tatapat ko kay Oven ay hindi na kami nag aksaya ng mga sandali, kinabukasan ay nag tungo kami sa kaibigan naming scientist sa siyudad upang mang hingi ng payo. Halos hindi na rin kasi ako makatulog ng maayos lalo't pakiwari ko ba ay nasa bingit ng panganib ang aking sarili. Hindi ko maunawaan ngunit tila ba may kakaiba sa akin na hindi ko mawari.   "Ibang klase ang nangyari sa iyo hijo, normal naman ang dugo mo, ang vital parts mo ay maayos rin. Marahil ay dala lamang ito ng epekto ng kemikal na humalo sa iyong katawan at mabilis itong nadissolve kaya't hindi na mahagip ng ordinaryong microscope ang pag kakaiba. Gayon pa man, ang nagaganap sa iyo ay talagang kakaiba at maging ako ay ngayon lang naka encounter ng ganyan." ang wika ni Dr. Elvis habang sinusuri ang aking kalagayan.   "So may posibility ba na maging permanent mutant na siya? Kung sa bagay ay okay lang naman dahil normal ka naman sa labas, walang makaka alam na kalahi mo si wolverine na may super  caliber healing powers!" sabad ni Oven   "Hindi ko alam kung kailan mawawala ang epekto ng kemikal sa katawan mo ngunit sa tingin ko ay kinakailangan mo lang ibalik sa normal ang iyong buhay. Ang ibig kong sabihin ay kumilos ka katulad ng isang ordinaryong tao, kumbaga sa superhero ay maging natural ka lang na gumagalaw sa iyong paligid." payo ng Doktor   "Pero Doktor, mahirap iyon lalo't hindi maalis sa aking isipan na ako ay kakaiba sa lahat. Paano kung biglang sumabog ito sa media? Edi pati buhay ng aking mga magulang ay nadamay pa?" katwiran ko   "Alam mo Enchong hijo, matagal na tayong mag kakilala, bata ka palang ay hinihikayat na kitang mahilig sa siencia. Alam kong malalagpasan mo ang suliraning ito. Malay mo ang pagiging kakaiba mo ay may purpose sa mundong ito. Kung ano man iyon ay walang nakaka alam. At tungkol naman doon sa bulaklak na ipinasuri mo sa akin kanina. Walang naka talang ganoong sa mga aklat dito sa ating kasaysayan. Ngunit ang isang ito ay nakita ko na dati pa." ang wika ni Dr. Elvis   "Nakita? Anong ibig mo sabihin dok? Saan nyo nakita ang ganyang uri ng halaman?" pag tataka ko   "Noong bata ako ay nakita ko na ito sa bundok ng Bari Bari. Galing ako sa camping noon at naligaw ako sa pag lalakad sa gitna ng kakahuyan. Dito ay nakita ko ang mga bulaklak na nag liliwanag na animo ginto at doon naakit akong lapitan ito. Ngunit isang hakbang pa lamang ang aking ginagawa ay bigla na lamang itong nag laho na parang bula. Dito ko napag tanto na ang bundok ng Bari Bari ay talagang mahiwaga katulad ng sinasabi nila. Ang halamang iyan ay minsan ko nang nakita, hindi na masyadong malinaw sa aking ala ala ang eksaktong kaganapan ngunit naka titiyak akong nandoon lamang ito sa gitna ng kabundukan. Galing ka ba doon hijo?" ang tanong ng doktor   "M-minsan na po akong nang galing doon. Hindi ko lang alam kung paano ako nag punta, basta nandoon ako sa gitnang kakahuyan kung saan maraming ganyang uri ng halaman. At hindi ko rin sigurado kung doon nga ang kakahuyang tinutukoy ko. Basta, komplikado kung aking ipaliliwanag." naguguluhan kong tugon. Paano ko ba ipaliliwanag na naka punta ako sa kakahuyan gamit lamang ang aking isip at imahinasyon. Baka naman ang isipin nila ay nababaliw na ako.   "Ano ba iyan, out of place naman ako sa eksenang ito. Bundukan ang labanan. Sige mag monolog lang kayo habang nag bebeauty rest ako." ang maaarteng wika ni Oven sabay higa sa lamesa.   Samantalang ako naman ay kinausap ng masinsinan ni Dr. Elvis, yung tipong nakatigtig siya sa aking mga mata kaya't hindi ko na nagawa pang kumurap. "May kakaiba sa bundok ng Bari bari, bukod sa teorya mong kemikal na nakapag pabago sa iyong kondisyon ay baka may kinalaman rin ang bundok na iyon at ang mahiwagang halamang ito.   Dalawang teorya ang ating iapply sa kondisyon mo, ang UNA ay ang pag tapon at pag halo ng kemikal sa iyong dugo at ang IKALAWA naman ay ang kababalaghang teorya kung saan nanaginip ka na ikaw ay nasa kakahuyan habang naka tanaw sa mga gintong bulaklak at pag mulat ng iyong mata ay nag bago na ang iyong kondisyon.   Tayong mga tao sa likod ng agham ay hindi naniniwala sa kababalaghan dahil ang lahat sa atin ay may siyentipikong paliwanag, kung ating iaapply ito sa halamang ginto na iyan ay baka mayroong higit pang talino ang hindi pa natutuklasan ng tao na maaaring ituro ng kakaibang halamang iyan sa bundok na iyon. At kung papalarin ay baka naroon rin ang kasagutan iyong katanungan." ang wika nito   "T-teka muna dok, paano ka nakaka siguradong may kasagutan doon?" tanong ko   "Hindi ako sigurado hijo ngunit paano mo ipapaliwanag ang kondisyon mo? Ang nangyari sa iyo sa kakahuyan? Katulad ng salaysay mo kanina sa akin diba? Huwag kang mag alala dahil naniniwala ako sa iyo, ako mismo noong kabataan ko ay naka kita ng mga aparisyon sa lugar na iyon kaya't natitiyak kong mahiwaga ito." ang sagot ng doktor   "Kung gayon, ano po ang maaari kong gawin?" tanong ko ulit   Tumingin ang doktor sa aking mata at nag wika "mag tungo ka sa bundok na iyon kung saan nag simula ang lahat. Minsan kung ano ang simula ay iyon din ang wakas. Maaaring masagot mo ang iyong katanungan kung sakali man." ang seryoso niyang tugon   Natahimik ako at napaisip..   "Kung sa bagay, wala namang mawawala kung hahanap ako ng kasagutan sa lugar na iyon." ang salita ko   "Tama iyan hijo, alamin mo ang agham sa likod ng bundok na iyon. Malay mo ikaw ang kauna unahang siyentipikong maka pag paliwanag sa mga bagay na nagaganap doon na hindi magawang bigyan ng kasagutan ng mga tao." pang hihikayat niya sabay tapik sa aking balikat.   "Pero, hindi ko sigurado kung ang bundok na iyon ang nasa aking panaginip." pag aalinlangan ko   "Sigurado ako, dahil ang bulaklak na nakita ko doon at ito ay iisa lamang. Subukan mo, malakas ang pananalig ko sa kakayahan mo hijo." ang naka ngiting wika niya   Hindi ako naka kibo at dito ay napatango nalang ako kasabay ng mapangahas na desisyong sundin siya sa kanyang pang hihikayat.   At iyon nga ang set up, nag desisyon akong mag tungo sa bundok ng Baribari upang mag imbestiga. Nais ko ring malaman kung anong klaseng halaman ang ibinigay sa akin ng lalaki sa aking panaginip.   Flash back   Ibayong kaba ang lumukob sa aking pag katao kaya naman ang tatakbo ako upang hanapin ang daan pauwi. Walang direksyon ang aking pag hakbang basta ang alam ko lang ay panaginip ito at imposibleng maging realidad.   Takbo!!   Takbong walang humpay ang aking ginawa at dito ay napag tanto ko na hindi ako umalis sa aking kinatatayuan. Na pako pa rin ako sa lugar na ito bagamat halos mapatid na ang aking hininga sa matinding pag takbo.   "Nasaan ako?! Bakit ako nandito?!!" ang sigaw ko na hindi maitago ang pinag halong takot at pag kainis.   Wala akong nakuhang sagot maliban sa ingay ng kuliglig at lagaslas ng malamig na hangin sa paligid. At bukod pa roon ay wala rin akong nagawa kundi ang mapaupo na lamang sa tabi ng isang puno at dito ay mag isip kung paano ako makaka alis sa lugar na ito.   Tahimik ulit..   Ini ikot ko lamang ang aking mata habang binabalot ng matinding pag ka tuliro..   Habang nasa ganoong pag iisip ako ay may namataan akong isa nag liliwanag na bagay sa di kalayuan kaya naman agad akong tumayo at agad itong pinuntahan. Ang bagay na ito ay isa maliit na halamang may bulaklak na umiilaw, nag liliwanag na animo ginto sa gitna ng kadiliman.   Marahan akong tumayo upang lapitan ang bulaklak na talagang kakaiba ang anyo. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako naka kita ng ganitong uri ng halaman. Kaya naman marahan akong lumapit dito upang mapag masdang mabuti.   "Ang ganda." bulong ko sa aking sarili at doon ay naakit akong hawakan ito.   "Iyan ang tinatawag na "kinday", isang espesyal na halamang naka gagamot ng lahat ng sakit. Iyan ang hinahanap mo hindi ba?" boses ng isang lalaki sa aking likuran. Isang magandang tinig na nakakapag pabanayad ng damdamin.   "Sino ka? Paano mo na laman ang tungkol doon?" tanong ko naman.   "Sa tingin ko ay hindi na ito mahalaga. Kumukha kana ng halaman iyan ang makatutulog sa iyo sa iyong proyekto" ang wika niya habang unti unting nag lalaho ang kanyang katawan.   Wala naman akong inaksayang panahon, agad akong pumitas ng halaman at dito ay bigla nalang humangin ng malakas, kasabay noong ang pag sulpot ng isang lalaki sa aking harapan. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha ngunit batid kong tumakbo ito patungo sa akin.   Hawak ko pa rin ang halaman sa aking mga kamay at mas lalo pang naging mahigpit ang pag hawak ko dito habang pinag mamasdan ang parang aparisyon ng isang lalaking mabilis na tumatakbo papunta sa aking kinatatayuan..   "Umalis kaaa na ditooo!! Bilisan mo!!!" ang sigaw nito sabay tulak sa akin palayo.   Lumipad ang aking katawan paatras at dito ay nag paikot ikot ako hanggang sa muli kong imulat ang aking mga mata.   "Uughhhhh!" natagpuan ko ang aking sarili na naka higa sa aking kama, pawis na pawis, uhaw na uhaw at walang lakas ang katawan.   End of flash back   Hanggang ngayon ay naka ukit pa rin sa aking isipan ang lugar na iyon, ang kakahuyan, ang bawat detalye nito. Walang katiyakan ang aking gagawing hakbang ngunit wala naman akong pamimilian kundi ang humanap ng sagot sa aking katanungan. At sa bandang huli ay wala rin namang makatutulong sa akin kundi ang aking sarili. Nais kong maging normal at ayokong maging kakaiba sa lahat. Iyon ang mga bagay na nag tutulak sa akin para suungin ang mga bagay na hindi ko alam kung ano at paano.   Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD