Part 5: Lupain ng Hiwaga

2350 Words
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017 AiTenshi July 22, 2017                         Part 5: Lupain ng Hiwaga   Kinabukasan, maaga palang ay nag ayos na kami ni Oven ng gamit patungo sa bundok ng Baribari.  Ang paalam ko sa aking mga magulang ay mag reresearch lang para sa science project kaya hindi naman sila tumutol kung umakyat man ako ng bundok upang manguha ng halamang gamot.   Naka lagay sa loob ng knapsack ang aking mga gamit, cellphone, compass, chalk na pananda sa daan, tubig, de latang pag kain at tent kung sakali man na abutin kami ng dilim. "Sure kaba dito sa gagawin natin frend?" ang tanong ni Oven na may halong pag aalinlangan.   "Heto na nga tayo, kaunting sandali na lang at nandoon na tayo sa bundok. Huwag kang mag alala sa injury mo o kung sakali mang matigok ay bubuhayin kita kaagad." ang biro ko   "Eh malakas ang loob mo dahil mutant ka, paano naman akong isang simpleng nilalang lamang na nangangarap maging beauty title holder?" ang tanong nito   "Title holder lang, walang beauty. Nandito na tayo! Labas na!!" ang wika ko sabay tulak dito palabas ng taxi   "Arekup bayolente naman ito. Heto na nga po lalabas na me." ang sagot ni Oven na may halong reklamo.   Makalipas ang ilang minutong byahe ay narating namin ang bundok ng Bari Bari, parang isang ordinaryong bundok lamang ito at maaliwalas pa dahil tanghaling tapat at tirik na tirik pa ang araw sa kalangitan.   Ilang sandali rin kaming nakatanaw dito hanggang sa mapag desisyunan naming lumakad pasulong. Hawak ko ng chalk na siyang gagamitin ko sa pag mamarka ng mga puno upang mag silbi itong tanda sa  aming daraanan. Samantalang si Oven naman ay may hawak na tinapay at pinipiraso ito para ilaglag sa lupa. "Ano naman iyan?" ang tanong ko   "Edi pananda para hindi tayo maligaw. Effective ito, ganito ang ginawa ni Hansel at Gretel noong mag tungo sila sa kakahuyan." ang wika ni Oven   "Oo iyan ang ginamit nila kaya nga naligaw sila at napunta sa evil witch." ang tugon ko naman   "Napunta sila sa evil witch at pinatay nila ito. Nung nag dalaga at nag binata sila ay naging witch hunter sila diba?"   "So anong connect dito?" tanong ko   "Wala, basta epektib ito. Huwag kana komontra okay?" ang sagot niya habang patuloy sa pag laglag ng tinapay sa lupa.   Patuloy kami sa pag lalakad at pag lalakad ng tanda sa aming dinaraanan. Sa bawat hakbang na aking ginagawa ay pilit kong binabalikbalikan sa aking isipan ang bawat detalye ng eksaktong anyo ng kakahuyan kung saan ako dinala ang aking kakatwang panaginip. Ang malalaking puno na animo higante, ang mga tuyong dahon na nag kakalaglag sa paligid at ang nag yeyelong hangin na para kang nasa loob ng isang dambuhalang cooler. At ang isang hardin ang bulaklak na kulay ginto at kumikinang sa gitna ng madilim na kakahuyan. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang mga eksenang iyon.   "Paano ka naman nakaka sigurado na tama ang ating direksyon?" ang pang uusisa ni Oven   "Hindi ko alam, basta hinahayaan ko lang ang aking paa na lumakad, sobrang pamilyar sa akin ang bundok na ito. Para bang naikot ko na ito dati. Ang bawat pasikot sikot ay nag papa alala sa akin na tila ba nag punta na ako dito." seryoso kong sagot.   "Ayon naman pala, so alam mong hindi tayo naliligaw ha? Saka infairness sa lugar na ito, ang lamig ha. Tapos habang papasok tayo sa loob ay nawawala ang sikat ng araw, feeling ko tuloy ay alas 5 na ng gabi eh ala 1 palang noh. Ibang klase." ang wika ni Oven habang abala sa pag lalakad.   Patuloy kami sa pag hakbang, at nakapag tataka ay para bang alam ng mga paa ko kung saan mag tutungo at habang papasok kami sa pinaka pusod nito ay siya namang pag lamig ng hangin na tila nag yeyelo. At habang nasa ganoong pag lalakad kami ay isang malakas na pag sabog at pag yanig ang sumalubong sa amin sa di kalayuan.   Naputol ang mga puno at ang lupa ay parang binagsakan ng malaking bomba..   Umuuga pa rin ang lupa at kasabay nito ang naka sisilaw na liwanag patungo sa aming kinalalagyan. Gumagapang ito na animo pader ng nakabibighaning ilaw na siyang nagiging dahilan ng pag liliwanag rin ng mga puno sa paligid.   "Ano naman iyan? Bakit nag liliwanag ang paligid?" ang takot na salita ni Oven habang kapwa kami napaupo sa lakas ng pag uga ng lupa.   "Hindi ko alam, kumapit ka sa puno upang hindi ka mabuwal." ang sigaw ko naman habang kapwa kami binabalot ng kakaibang liwanag na lumukob sa buong paligid.   Hindi ko maipaliwanag kung ano ang liwanag na iyon, basta para itong aurora sa kalangitan na gumapang sa bundok at nilukuban kami. Ang nakapag tataka lang ay napaka lamig ng liwanag na iyon bagamat talagang nakaka silaw.   Ilang sandali ring lumukob ang naturang liwanag sa buong paligid at sa aming katawan bago ito nawala..   Tahimik..   Bumalik na sa normal ang buong paligid..   Nanatili kaming naka salampak ni Oven hanggang sa muli naming maidilat ng maayos ang aming mga mata. "Umalis na tayo dito bestie, yung pag yanig kanina ay tiyak na gawa ng mga hudas na sundalong nag ttraining dito sa bundok at hindi nila alam na may sibilyan dito sa paligid. Nakita mo ba iyong ilaw na gumapang dito? Iyon panigurado ang side effect ng nuclear weapon nila. Umalis na tayo dito bago pa tayo maging abo! Halika na!! Quit na me sa misyong itey!" ang wika ni Oven habang tumatayo.   "Teka muna naman, huwag kang mag desisyon ng pabigla bigla. Ngayon pa ba tayo aalis eh malapit na tayo sa mga bulaklak na kumikinang. Ayun na oh! Malapit sa ilog!" ang wika ko habang pinag mamasdan ang kumpol na gintong bulaklak na nag liliwanag sa madilim na bahagi ng bundok.   "Eh ano bang maitutulong niyan sa kondisyon mo?" ang tanong niya   "Dalawang dahilan kung bakit tayo nandito. Una ay upang kumuha ng mga halamang gamot na iyan at Ikalawa ay para makausap ko yung lalaking aparisyon na nag babantay dito. Kung may kinalaman ba siya sa kondisyon ko at kung paano ako babalik sa normal. Kaya halika na!" ang wika ko sabay hatak sa kanya   "Makahatak naman ito, rush na rush ba?" ang reklamo nito pero patuloy pa rin ako sa pag hila sa kanya patungo sa tabing ilog kung saan may mga bulaklak.   "Mukhang tama nga si Dr. Elvis mahiwaga ang bundok na ito. Bulaklak na ginto Oven, ginto ang mga ito. Nakaka mangha." ang wika ko habang palapit sa mga kumpol ng halamang nakatubo sa di kalayuan.   Noong makalapit ako dito ay maigi kong nilinga ang aking paningin sa paligid, hinahanap ng aking mata yung lalaking kumausap sa akin sa panaginip. Sinabi niya sa akin na pumitas ako ng halaman dahil kailangan ko ito. Pero nasaan ba siya?   "Nasaan ka?!" ang sigaw ko   "Sino? Anong drama ba iyan frend? Kailangan ba talaga ay hanapin mo ang wala?" ang wika ni Oven habang abala sa pag kuha ng halaman.   "Nasaan ka? Marami akong nais na malaman! Mag pakita ka sa amin! Paki usap!" ang pag tawag ko ulit   "Hala, OA na iyan ha. Saka frend kaunting tone down naman ng voice mo dahil baka may mga ahas at tigre dito ay hindi na tayo makauwi ng buhay. Silent ka lang muna ha, ako na bahala sa pag pitas nitong mga precious flowers na itey" ang wika ni Oven   Ilang beses pa akong tumawag pero wala akong  nakuhang sagot kaya naman tumahimik nalang ako at tinulungan si Oven sa pamimitas ng halaman.   Tahimik at mahangin sa paligid..   Padilim ng padilim ang aming paligid habang lumilipas ang bawat minuto..   "Oy frend, tingnan mo may mga sundalo sa ilog. Abala sa pag huhugas ng mga mukha." ang wika ni Oven habang kinakalabit ako.   "Mainam iyan para alam nila na may sibilyan dito sa paligid at upang itigil nila ang pag testing ng mga kanyon nilang palasak" tugon ko   "Teka frend, ang naka tingin sila dito. Sheet ang ggwapo mukhang mga artista at ang mga katawan ay ang gaganda. Heaven ito! Ayyiiii! I like it aha aha" ang parang matataeng pigil na kilig ni Oven habang hinahampas ako sa balikat.   "Hayaan mo sila, itigil mo na nga iyang pag kakilig mo baka mapag kamalan ka nilang asong ulo ay barilin ka nalang nila." tugon ko naman at doon ay napatingin na rin ako sa mga sundalo.   6 ang mga ito at lahat ay gwapo, matangkad at magaganda ang katawan. Mapuputi at makikinis ang balat..   "Kay ggwapo, parang modelo sila! Grabe handa na akong pag baril sa kanila. Kahit isang putok lang!" ang kinikilig na bulong ni Oven at maya maya ay kumaway sa aming gawi ang isang lalaki.   Naka ngiti ito at parang sumaludo pa sa aming kinalalagyan dahilan para lalong mamatay sa kilig si Oven..   Maya maya ay hindi lang isang sundalo ang naka tingin sa amin kundi halos lahat na sila. Naka ngiti ang mga ito habang kumakaway na para bang niyaya kami sa kanilang kinalalagyan.   "Ay! shet frend, ang gusto nilang mangyari ay pumunta tayo doon. Siguro ay matagal nang tigang ang mga yan kaya kahit lalaki ay papatulan pa para makaraos! I like it aha aha!" ang maarteng tugon nito   Habang nasa ganoong pag mamasid kami sa mga sundalong kumakaway sa amin ay tila nakaramdam naman ako ng kakaibang kaba lalo na noong mapansin na kakaiba ang mata ng mga ito, hindi normal dahil masyadong maitim at ang kanilang katawan ay para bang tinutubuan na ng mga balahibo. "Oven, umalis na tayo dito!" ang bulong ko habang napapa atras   "Aba eh bakit naman? Ayaw mo ba ng view?" ang tanong niya   "Ayoko! Halika na!!" ang sigaw ko sabay hatak sa kanya patayo   “Ayy, wag muna.. gang bang na ito eh!! Pang rated X na itong naiisip ko! Bakit ba tayo aalis?” ang tanong nito   “Dahil ang kalaswaan ng utak mo ay tiyak na magiging horror kapag hindi pa tayo umalis dito! Delikado!” ang wika ko naman   At nasa ganoong posisyon kami ng unti unting gumalaw ang mga sundalo at tumakbo ng mabilis patungo sa amin. Kasabay noon ang pag babago ng kanilang mga anyo, ang mga bibig ay lumuwang, ang mga ngipin ay humaba at ang mga katawan ay lumaki at tinubuan ng mga buhok.   Maliksi ang kanilang kilos na parang mga  mababangis na hayop sa gubat kaya naman mas halos balutin kami ni Oven ng matinding kaba. "Takbooo! Halimaw ang mga iyan!! Hindi sila tao!!" ang sigaw ko habang nag kakaradapa sa kakahuyan.   "Ano ba iyan! Gwapo na naging halimaw paaaa! Paasa!! Paasa silaaaa!!" ang sagot ni Oven na hindi maitago ang pag kadismaya. “Anong klaseng bundok ba ito? Bakit may ganyan ganyan? Dapat ay mag report tayo sa pulis!!”   “Mamaya kana mag salita! Bilisan mo ang pag takbo bago pa tayo gawing hapunan ng mga iyan!” sigaw ko naman habang nag kakandarapa.   Patuloy kaming hinabol ng mga gutom na halimaw na animo bampira na may malalaking bibig at mabalahibong katawan. Samantalang kami naman ni Oven ay nawalan na ang direksyon kung saan kami mag tutungo, basta sa sobrang takot ay wala na kaming paki alam kung nasusubsob kami sa lupa, nadarapa o gumugulong pabulusok kung saan man. Ang mahalaga ay makatakas at makaligtas sa masamang panaginip na ito.   "Humanda talaga sa akin iyang si Dr. Elvis kapag naka uwi na tayo!! Idedemanda ko siyaaaaa!!" ang sigaw ni Oven habang napapatid ang hininga dahil sa pag takbo   "Ireserve mo nalang iyang galit mo kapag naka labas na tayo dito!" ang sagot ko naman   "Aayyyy!!!" ang tili ni Oven noong madapa ito.   "Bakit naman nadapa kapa? Nandyan na yung mga halimaw! Tumayo kaaaa!!" ang sigaw ko habang inaalalayan ito.   "Iwan mo na ako rito frend, iligtas mo na ang sarili mo. Hayaan mo nang maging pain ako upang mabuhay ka, tuparin mo ang pangarap nating maging isang mahusay na scientist at lumikha ka ng isang application upang mabawasan ang mga famewhore at feelingerong sikat sa social media. Promise me na mawawalan sila ng followers at malalaos!" ang wika nito   "Sige, hindi ko tatanggihan iyang offer mo. Isa kang bayani at hindi ko malilimutan iyon, dyan kana." ang sagot ko sabay bitaw sa kanya   "Hala, joke lang iyon!! Joke lang iyon!! Ano ka ba, nag bibiro lang ako e gusto mo na talaga akong mayatap eh!" ang sigaw nito.   "Ang arte mo kasi! Takbo naaaa!" sigaw ko pa at habang nasa ganoong posisyon ay naabutan kami ng mga halimaw at mabilis itong pumalibot sa aming kinalalagyan.   Naiyak na si Oven at naka nga nga nalang ito habang naka salampak sa lupa..   "Bakit naka nganga ka nalang? Gusto mo bang mamatay tayo dito ng naka nganga? Itikom mo ang bibig mo at gumawa tayo ng paraan para makaligtas!" ang wika ko habang natatarantang isinasara ang bibig nito   Hindi sumagot si Oven, nanatili lang itong naka nga nga ay ngumangawa na parang bata. Kaya naman ako na lang ang gumawa ng paraan, mabilis kong ibinaba ang aking knapsack sa lupa at kinuha ang patalim sa loob nito.   Palapit ng palapit ang mga nag lalaway na halimaw habang ako naman ay naka harang kay Oven, hawak ko ang patalim at nakaturok sa kanilang harapan. Halos mamatay na ako sa takot habang tumatagaktak ang aking pawis at nanginginig aking katawan sa matinding kaba.   Nanunubok ang mga halimaw, paikot ikot sila sa aking paligid kaya naman paikot ikot rin ako upang makatiyak na kahit saan silang direksyon umatake ay makakalaban ako. "Sige!! Lumapit kayo!!!  Papatayin ko kayooo!!!" ang sigaw ko habang nauutal sa takot   Maya maya ay tumayo si Oven sa aking tabi "Oo nga, papatayin namin kayo! Kahit mga gwapo kayo kanina!!" ang sigaw nito na noon ay may hawak na bato.   "Mabuti naman at natauhan kana, ang pangit mo kanina habang naka nganga." ang wika ko   "Oo nga e, sabihin mo kay direk na icut nalang scene na iyon o kaya at huwag nalang niya iclose up." sagot niya habang kapwa kami umiikot at mag katalikod sa isa't isa upang makatiyak na hindi kami aatakihin sa bawat direksyon.  Nag lalaway ang mga halimaw na tila ba gutom na gutom, ang mga kuko ay matutulis at kumakayod sa punong kahoy na siyang aming kinatatakot.   Ilang minuto rin kaming paikot ikot at nag hahanda bago tumakbo ng mabilis ang mga halimaw sa aming direksyon, lumundag ang mga ito habang naka sunggab ang mga malalaking bibig.   Nag handa kami at naging mahigpit ang aking hawak sa patalim..   Nasa ganoong posisyon ng sabay sabay na umatake ng halimaw sa aming kinalalagyan..   Itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD