Part 6: Kaillun

1929 Words
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017 AiTenshi July 23, 2017   Nag handa kami at naging mahigpit ang aking hawak sa patalim..   Nasa ganoong posisyon ng sabay sabay na umatake ng halimaw sa aming kinalalagyan..   Part 6: Kaillun   Pikit mata kong iniumang ang aking patalim sa kanilang kinalalagyan. Samantalang si Oven naman ay apura ang balibag ng mga bato sa mga kalaban na noon ay nasa aming harapan. "Lumayo kayo!! Mga panget!!!" ang sigaw nito habang apura ang pag dakot ng lupa sa kanyang kinalalagyan.   Samantalang ako naman ay nasa kanyang tabi at hanagupit ng patalim ang bawat mag tangkang lumundag papunta sa amin.   Nasa ganoong posisyon ng biglang may tumalon sa aking likuran at walang ano ano ay sinunggaban ako sa balikat dahilan para mapasigaw ako sa pinag halong sakit, takot at pag kabigla. Malakas ang pag kaka sakmal ng halimaw sa aking katawan, ramdam na ramdam ko ang kanyang matalim na pangil na siyang naka baon sa aking laman.   Halos mapatid ang aking pag hinga hangang sa kusang gumalaw ang aking kamay na may hawak na patalim at mabilis itong isinaksak ng paulit ulit sa ulo ng kaaway na naka kagat sa akin.   Maya maya nakita kong nag tatakbo si Oven sa aking kinalalagyan, hawak nito ang isang kahoy na matulis ang dulo at mabilis na itinarak sa likod ng halimaw na naka sunggab sa aking balikat.   Patuloy pa rin ako sa pag saksak hanggang sa kusa itong bumitaw sa kanyang pag kaka kagat. Halos mawasak ang aking katawan sa lalim ng sugat na aking tinamo. Umuusok ito at mukhang nahihirapang mag hilom ng mabilis.   Napa luhod nalang ako habang nakaramdam ng pang hihina ng tuhod. "Ayos ka lang ba?" ang tanong ko kay Oven   "Oo naman, ikaw ang hindi okay eh, ang laki ng pinsala sa balikat mo." ang tugon niya   "Ayos lang ako, mag hihilom rin iyan mamaya." ang tugon ko naman habang pinipilit na tumayo.   Tahimik..   Habang nasa ganoong posisyon kami ay muling nag takbuhan ang mga halimaw patungo sa amin kaya naman ang pumilit akong tumayo at alalayan ang aking sariling tuhod. Muli kong pinulot ang patalim at gayon rin si Oven na hawak ang kahoy sa kanyang kamay.   "Ayan nanaman sila!" ang sigaw ni Oven na halos maihi na sa takot.   Kawalan ng pag asa ang aking naramdaman habang pinag mamasdan ang mga nito naka nga nga at mukhang gutom na gutom pa. Sa aking kalagayan ay imposibleng maka layo pa ako kaya't milagro nalang kung abutin ako ng ilang minuto sa kakahuyang ito. Kung alam ko lang ay hindi na ako tumuloy at wala rin akong malay malay na ganito palang kapanganib sa bundok na ito.   Pinilit kong kumilos at dumistansya sa mga halimaw at nasa ganoong pag kilos ako ng muling lumundag ang mga ito sa aming kinalalagyan. Itinaas ko ang aking patalim at itinutok sa isang kalabang pabagsak sa akin!   "Huwaaggg!!" ang sigaw ko at noong nakatayo na ito sa aking harap upang sunggaban ako at siya namang pag liwanag aking lupang kinalalagyan at maya maya ay tumilapon ang ng malakas ang halimaw sa sanay kakagat sa akin.   At kasabay noon ang isa pang malakas na pag sabog sa aming harapan dahilan para mag layuan ang mga halimaw. "Takbo!!!" ang narinig kong sigaw kaya naman agad kami tumayo para umalis sa lugar na iyon.   Halos mag kandarapa kami ni Oven sa pag takbo, pilit namin sinusundan ang markang ginagawa ko sa puno ngunit dahil sa dilim ng buong lugar ay tila nawala na ito. Paulit ulit lang ang aming tinatakbuhan na tila pareho kaming naengkanto. "Nag liwanag yung katawan mo kanina at tumilapon yung mga halimaw. Included ba iyan sa package ng powers mo? Ang bongga mo frend. Im a fan." ang wika ni Oven habang kapwa kami naka sandal sa puno   "H-hindi ko alam, magulong magulo ang isip ko. Sorry kung nadamay ka sa kalokohan ko. Muntik pa tayong mapahamak ng dahil sa akin" ang tugon ko habang hinahabol ang pag hinga   "Kanina pa umuusok iyang balikat mo. Ayos ka lang ba talaga?"   "Oo naman. Kumikirot lang ang balikat ko pero ayos lang ako. Marahil ay masyadong malalim ang kagat ng halimaw kaya't nahihirapan itong pag hilumin ang sugat ko. Patuloy pa rin ito nag durugo pero hindi na ganoon kalakas katulad dati."   "Dapat ay gumamit ka ng toxic powers katulad noong ginagawa mo kapag nalalanta ang mga halaman. Sana ay ginamit mo ito kanina para nalanta rin yung halimaw."   "Ginawa ko iyon ngunit wala namang epekto. Lalo lang silang naging agresibo."   "Eh paano tayo nito? Mukhang hindi na mag uumaga dito. Imagine, alas 5 palang ng hapon ay parang hating gabi na. Naengkanto nga yata tayo. Hindi bale sana kung kasing gwapo ni Ibarra o ni Seth ang mga nilalang dito sa kakahuyan ay pwede ba akong tumira dito. Kaso ay hindi naman, okay sana yung mga sundalo kanina kaso ay halimaw naman pala. Ang akala ko pa naman ay talagang bet nila ang beauty ko." pag mamaktol ni Oven   "Bet nga nila, bet ka nilang gawing hapunan." pang aasar ko   "Imbyerna naman eh"   Tahimik ulit..   Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang naka sandal sa puno. Ganoon rin si Oven na nag hihilik pa habang naka talungko na parang fetus sa   aking tabi.   "Gising.." ang bulong ko kay Oven.   "Ummm, maaga pa. Mamaya na.." sagot nito.   "Ano kaba, pag hindi ka bumangon dyan ay tiyak na hindi kana magigising dahil mamatay kana dito. Maraming halimaw sa paligid at tiyak na tayo ang magiging hapunan nila." ang wika ko habang isinusukbit ang aking knapsack   Dito ay nakita ko ang mga lalaking nag lalakad sa paligid, para bang ngayon palang sila nag sisimulang gumising at mag palit anyo. Kasabay nito ang mga kakatwang tunog na para bang mga lamang lupang umiiyak sa ilalim ng kabundukan. Nakaka kilabot at talagang nakapang hihina ng tuhod.   Agad kaming tumayo ni Oven at mabilis na nag tatakbo. Maingat ang aming ginawang pag kilos at talagang iniwasan naming gumawa ng kahit na anong kaluskos. Dahil tiyak na isang pag kakamali ay mapapahamak kami.   Ngunit sa pag aakalang sapat na ang aming ginagawang pag iingat, hindi namin inaasahan na makikita pa rin kami ng mga kalaban kaya naman lahat sila ay mabilis na nag tatakbo patungo sa aming direksyon.   Takbong walang humpay ang aming ginawa. Habang ang mga kaaway naman ay nakabuntot na malapit sa amin. Isang lundagan na lamang ay tiyak na maabutan na ang aming pag takbo. "Bilis tol, may tunnel doon! Pumasok tayo!!" ang mungkahi ko kaya naman kapwa kami tumakbo patungo sa ibang direksyon kung saan naroroon ang bunganga ng tunnel.   Habang nag aapura kami sa pag takbo ay siya namang pag lundag ng isang halimaw sa likod ni Oven dahilan para madapa ito. "Aayyy jusko!!! Wag po kuyaaaa wag po!!!" ang takot na sigaw nito habang nakapatong sa kanyang katawan na parang nirereyp   "Waagg kuyaaaaa!! Virgin pa ako!!!" ang sigaw pa nito kaya naman agad din akong lumundag para saksakin sa likod ito.   Bumaon ang patalim sa batok ng kalaban..   "Ipower mo frend!! Ipower mo!!!" sigaw ni Oven   "Anong power ba yung sinasabi mo?" ang sigaw ko habang nag wawala akong halimaw at ako naman ay nakapasan sa kanyang likod hawak ang patalim.   "Yung power mo kanina! Yung sumasabog! Yung bongga!" ang wika nito habang hinahataw ng hampas ang kalaban.   "Hindi ko alam iyon! Nachambahan ko lang iyon! Ganito, bibilang ako ng tatlo. Pag katapos ay tatakbo tayo ng mabilis sa tunnel na iyon. Batid kong iyon ang daan palabas!" ang sigaw ko   "Noted frend!!" sigaw rin ni Oven   "Okay!!!! TATLO!!!" ang sigaw ko sabay takbo.   Naki takbo na rin siya bagamat nahuli ito ng bahagya. "Bakit tatlo agad? Wala man lang one at two!" reklamo niya   "Wag kana mag reklamo! Takbo naaaa!!"   Takbong walang patid ang aming ginawa habang ang mga halimaw sa aming likuran ay hinahabol kami na animo mga zombie sa pelikula ng train to busan. "Hindi ko na kayang tumakbo! Mamatay na yata ako!!!" ang sigaw ni Oven   "Itigil mo na ang pag sasalita dahil lalo kang mapapagod! Wala tayong choice kundi ang tumakbo dahil tiyak na patay din tayo kapag huminto tayo dito!! Nakikita ko na ang labasan! Maliwanag doon!!" ang sagot ko habang nakapako ang tingin sa bilog na hangganan ng tunnel.   Matapos ang ilang minutong pag takbo. Sa wakas ay napalapit na kami sa lagusan. "Kaunti nalang!! Ayun ang daan palabas! Makakauwi na tayo!!! Ligtas na tayo!" sigaw ko habang nag kakandarapa sa pag takbo.   "Salamat naman frend!! Gusto ko na maka uwi at makapag beauty rest! Muntik na akong mareyp ng halimaw kanina nakita mo ba kung paano niya ako patungan?"   "Tado, feeling mo naman ay talagang rereypin ka e balak ka nga niya kainin ng buhay!"   "Imbyerna ka naman eh! Iyon na yun! Basag trip ha!"   Excited na akong makalabas sa lugar na ito. Sa ibang paraan nalang siguro ako hahanap ng kasugutan sa pagiging abnormal ng kalagayan at kondisyon ko. Ang mahalaga ay maka uwi kami ng buo.   "Kaunti nalang!! Naabot ko na ang liwanag!!" ang aking sigaw habang unti unting lumulukob sa akin ang puting ilaw na nag mumula sa hangganan ng tunnel.   Tahimik.. Nawala ang mga halimaw na naka buntot sa amin. Tila ba may hangganan rin ang kanilang teritoryo.   Narating namin ang labas ng lagusan ng ligtas. Ngunit sa pag aakalang ito ang totoong daan pauwi ay bigo kami..   Iniikot ko ang aking paningin sa paligid. Tumambad sa akin ang isang kakaibang lugar. Para itong sinaunang sibilisasyon na napupuno ng malalaking bakod. Para akong nasa sinaunang tsina na hindi ko mawari ang kapaligiran. Basta binalot ng kilabot ang aking katawan.   "KAILUN" ito ang salitang naka ukit sa isang malaki at lumang bato..   Napaupo na lamang ako sa aking kinatatayuan..   Kasabay nito ang pag hagupit ng kakaibang kondisyon ng kalangitan. Humahangin ng malakas, kumukulog at kumikidlat sa paligid..   "Diyos ko po!! Anong lugar ba ito? Gusto ko nang umuwi!! Ayoko naaaaa!" ang sigaw ko na umeecho sa buong paligid   Habang nasa ganoong posisyon ako at ibayong kaba, lungkot, galit at iba't ibang emosyon pa ang namayani sa aking sarili.   Bukod sa nakaka likabot na lugar, damang dama ko rin ang kakaibang ihip ng hangin na wari'y mga umiiyak na lamang lupa.   Halos mapa kapit nalang ako sa lupa habang pilit na binabalikan kung paano naganap ang lahat. Dapat ko bang sisihin ang aking sarili sa isang malaking pag kakamaling suungin nag isang bagay na wala akong kaalam alam? At dapat ko rin kamuhian ang aking sarili dahil idinamay ko pa ang aking kaibigan sa aking kapalpakan.   “Im sorry” ang tanging nasabi k okay Oven habang namumuo ang luha sa aking mga mata.   “Wala iyon, mag kaibigan tayo. Batid kong mas lalo pang lalalim ang ating samahan kapag nakalagpas tayo dito.” ang wika ni Oven habang nag hahanap ng masisilungan..   Nag simulang pumatak ang tubig mula sa kalangitan..   Napatingala nalang ako upang mahugasan ang aking madungis na mukha..   Tahimik..   Maya maya ay may nakita akong isang lumilipad na bagay na patungo sa aming kinatatayuan. Hindi ko mawari kung paniki ba ito o dragon o isang higanteng ibon basta malaki ang kanyang bagwis at talagang napaka bilis.   "Daappaaa Oven!!!" ang siaw ko sabay takbo sa pinaka kubling batuhan.   Nag tatakbo rin si Oven patungo sa akin ngunit huli na ang lahat dahil dinagit na ito ng halimaw na lumipad..   "Hindeee!!! Sandalii!!" ang sigaw ko habang hinahabol ang naturang nilalang.   Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Oven habang palayo sila sa aking paningin. Wala akong nagawa kundi ang mapaluhod at mapaiyak na lamang sa aking kinalalagyan.   Malakas pa rin ang pag buhos ng ulan sa kalangitan. Ang sugat sa aking balikat ay tila hindi na ang hilom pa bagamat umuusok pa ito habang nababasa.   "Ovenn!!! Ibalik nyo siyaaaaaa! Ibalik nyooo!!!" ang sigaw ko na nag echo sa buong paligid..   Ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Batid kong naka kulong kami sa isang mundong punong puno ng karimlan. Hindi ko alam kung ako pang nag hihintay sa akin sa dako pa roon..   Itutuloy..        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD