KABANATA 6

2888 Words
Abala si Aidan sa pagluluto ng almusal niya nang marinig niya ang doorbell sa kanyang pintio. Hininaan niya ang kanyang niluto at binuksan ang pinto ng makita niyang si Luis ang nasa labas. "Dude!" sabay tapik sa balikat niya. "Come in, tatapusin ko lang ang niluluto ko." Tumalon si Luis sa bago niyang malambot na sofa. Wow! Tamang-tama pala ang punta ko rito dahil nagluluto ka ng pagkain." "Nagsasawa na ko sa delivery food kaya nagluto na ako ng pagkain ko." "Okay, hihintayin ko ang niluluto mo" Ilang beses na pinagmasdan ni Luis ang kabuuan ng kanyang bagong condo na binili niya. "Bakit kailangan mong bumili ng condo ng ganito kalaki?" tanong ni Luis sa kanya. "Ayokong ng masyadong masikip kaya pinili ko 'to." Binuksan ni Luis ang beer can at ininom niya ito. "Well, baka maidala mo rito si Devon mas maganda na nga na malaki para hindi niya ito laitin." "Pumunta na siya rito." "Really?" Hindi makapaniwala na tanong niya. "Anong sabi niya?" "Wala naman siyang naging komento sa condo unit na ito dahil ang alam niya ay hindi ko ito pag-aari." "Speaking of Devon. Ano na ang balita sa pagpapanggap mo?" Nagdilim ang paningin ni Aidan nang bangggiti ni Luis ang pangalan nito. "Ayokong pag-usap ang tungkol sa kanya. Gusto ko ng peace of mind." Tumawa si Luis ng sabihin niya rito ang sinabi ni Devon sa kanya noong tinulungan niya 'to. Imbes kasi magpasalamat ito ay ininsulto pa siya ng babae. "Sinabi ko naman sa 'yo na mahirap kunin ang tiwala ni Devon kaya kailangan mo ng mahabang pasensya." "Malapit na akong maubusan ng pasensya sa kanya kaya hindi magtatagal ay ipapamukha ko sa kanya ang mga pang-iinsulto na ginawa niya sa 'kin." Ngumiti si Luis at tinaas nito ang hawak na beer can. "Uminom na lang tayo para mawala ang init ng ulo mo." Tinaas ni Aidan ang alak at nagpatuloy sila sa pag-inom ng alak. Napansin niya ang kaibigan niyang si Luis na may kissmark sa leeg. Tumawa siya. "Bakit ka nagpalagay ng kissmark dyan sa leeg mo?" Tumatayo si Luis upang tingnan ang kissmark na sinasabi niya. "s**t! Walang hiya na babae na 'yon, sinabi ko sa kanya na huwag akong lagyan ng chikinini. Hindi ko mapupuntahan ang girlfriend ko." Umiling-iling siya. Likas kasi na babaero ang kaibigan niya kaya walang girlfriend na tumatagal sa kanya. Happy go lucky rin ito kaya madalas itong nasa disco-bar. "Siraulo ka kasi bakit ka nagpalagay diyan? Gumawa ka pa ng ebidensya." Bumalik si Luis sa kinauupuan niya at in-straight inumin ang ang hawak niyang can beer. Hindi maipinta ang mukha ni Luis. "Paano ako pupunta ngayon sa bahay ng girlfriend ko? Birthday pa naman ngayon ng Mommy niya at kailangan kong pumunta." "Magdahilan ka na lang para hindi malaman ng girlfriend mo na babaero ka." Nakatingin sa kanya su Luis. "Tama ka dyan!" Napapitik pa ito sa hangin. "Tutulungan mo ako para maniwala siya." Nagsalubong ang kilay niya? "What?" "Mas maniniwala ang girlfriend ko kung ikaw ang magsasabi na may sakit ako." "Sakit? No way! Luisito, huwag mo akong idamay sa mga kalokohan mo." Sumimangot si Luis sa kanya. Ayaw kasi niyang tinatawag siyang Luisito dahil hindi naman niya 'yon pangalan. Sadyang tinatawag lang ni Aidan ito sa kaibigan niya para alam nitong hindi siya natutuwa sa plano nito. "I'm serious, help me," pakisap nito sa kanya. "No way!" Huminto ang kanyang kotse sa harap ng malaking gate ng girlfriend ni Luis. Wala na siyang choice kung hindi ang pumayag sa pakiusap ni Luis na magdala ng cake at flowers para sa Mommy ng girlfriend nito. Bumusina siya upang marinig ng katulog sa loob. Ilang saglit pa ay bumukas ang gate at lumapit sa kotse niya ang isang matandang katulong. "Sino po sila?" "Ako si Aidan ang kaibigan ng boyfriend ni Ava." "Sandali lang po at tatawagin ko si Ma'am Ava." Tumalikod ang katulong at muling sinara ang gate. Naghintay pa siya ng limang minuto bago lumabas si Ava na kasama ang katulong kanina. "Aidan, bakit ka na nandito?" nakangiting tanong sa kanya ni Ava. Lumabas siya ng sa kotse at nilabas ang flowers at cake at binigay sa dalaga. "Hindi makakapunta si Luis dahil may sakit siya kaya ako ang nagdala ng mga binili niya." "Anong sakit niya? Kumusta na siya?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Sakit ng pagiging babaero. "May trangkaso siya pero huwag ka ng mag-alala para sa kanya dahil nasa maayos naman siyang kalagayan." "Maraming salamat dito. Naabala ka pa tuloy." Ngumiti siya. "No problem, happy birthday sa Mommy mo." Tumalikod siya at sumakay sa kotse. Pinaharurot niya palayo ang kotse. Nasa kalagitnaan an siya ng biyahe nang tumawag si Luis sa kanya. "Binigay mo na ba?" tanong ni Luis sa kanya. "Oo, binigay ko na sa girlfriend mo, tigilan mo na ang pagiging babaero kawawa naman ang girlfriend mo." "Magsisimula na akong magbago mula ngayon." "Psh.. goodluck." "Thank you sa tulong mo," sabi nito bago pinutol ang tawag niya. Tapos na ang misyon niya sa kaibigan niya kaya kailangan niyang gampanan naman ngayong ang pagiging boyfriend niya kay Devon. Kailangan niyang iwan ang kotse sa car park ng building na kinatatayuan ng kanyang kotse. Nakita niya ang kotse ni Nikkie na naka-park sa car park ng condo. Nagkunwari siyang hindi napansin ang kotse ni Nikkie. Naglakad siya palayo ngunit may humarang sa kanyang dalawang matangkad na lalaki na nakasuot ng tuxedo. Tumingala siya at nakilala niya ang mga ito. "Bakit nandito kayo?" tanong niya. Ang dalawang ito ay dating bodyguard niya na ngayon ay body na ni Daddy. "Sinusundo ka namin." Nakasandal si Nikkie sa poste at nakahalukipkip ang kamay niya nang tumingin siya rito. "Bakit kayo nandito?" Inis niyang tanong. Hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa inis nang makita niya si Nikkie. Ayaw na niyang makita ang babae. "Pinatatawag ka ng Daddy mo ngayon, hindi ba sa 'yo sinabi?" pang-aasar niya. "I'm not interested." Nagkibit-balikat si Nikkie. "Kung ayaw mong pumunta kami na lang ang magpaplano para sa kasal natin." Sabay talikod niya at sumakay siya sa kotse. Sumunod naman ang dalawang bodyguard at umalis sila. Kuyom ang kamao ko habang tinatanaw sila na papalayo. Hindi siya nakikinig sa sinabi nito bagkus ay bumalik siya sa condo niya para magpalit ng damit. Palabas na siya condo nang tumawag sa kanya ang Daddy niya. Agad niya itong sinagot. "Hello, Dad," wika niya. "Aidan, pumunta ka rito ngayon may importante tayong pag-uusapan." “If it’s about Nikkie and me, I won’t come." "Hindi na sila tumuloy dito wala ka." Bumuntong-hininga siya. "Okay, pupunta ako diyan." "That"s good, hihintayin kita." Pinutol ng Daddy ang tawag. Muli naman siyang sumakay sa kotse para umuwi sa mansyon nila. "Magandang umaga, Senyorito Aidan," bungad na bati sa kanya ng kanilang mayordoma nang salubungin siya nito. "Where's my Dad?" "Senyorito nasa loob po siya si Don. Magnus, kumakain ng tanghalian." Nilampamsan niya ang kanyang mayordoma at dumiretso siya kanilang malawak sa kusina upang puntahan ang kanyang ama. Napaatras siya nang makita niya ang magulang ni Nikkie ang dating niyang nobya. He lied to me. "Nandyan na pala si Aidan," wika ni Mrs. Tan ang ina ng kanyang dating kasintahan. Matalim ang tingin niya sa mga ito lalo na't nakita niya si Nikkie na nakangiti sa kanya. "Dad, ito ba ang dahilan kung bakit mo ako pinatawag?"tanong niya. Ilang beses na tumango ang kanyang ama pagkuway binaling nito ang tingin kay Nikkie. "I'm sorry if I lied to you, but we are here to discuss your wedding plans." He laughed and stared sharply at Nikkie. "Pagkatapos niya akong lokohin do you think I'd like to marry her?" Halos patayin na si Aidan ng mga tingin ni Nikkie ngunit hindi niya ito pinansin. "Nagsisinungaling siya Mom,Dad, gumagawa lang siya ng dahilan para makipaghiwalay sa 'kin,"umiyak pa ito. "Psh! Kahit anong gawin n'yo hindi ako papayag magpakasal sa babae na hindi marunong makontento. Sinayang mo ang tiwala ko sa 'yo kaya kahit maghabol kaya ay hindi mo ako mapipilit pakasalan ka." "Don. Margus, kausapin n'yo naman ang iyong anak, babae ang sa 'min at malaking kahihiyan kung malalaman ng iba na walang kasalanan na magaganap sa pagitan nilang dalawa," wika ni Mr. Tan. Seryoso ang mukha ng Daddy niya ng tumingin ito sa kanya. "Aidan, mag-uusap tayo mamaya." Tumalikod siya ay naglakad palabas. Babalik na lang siya sa condo niya kaysa kausapin ang mga ito. Hindi pa siya tuluyang nakakalabas ay hinarang na siya ng bodyguard ng Daddy niya sa halip na makipagbuno sa mga ito ay pumihit siya patalikod at umakyat ng hagdan papunta sa kanyang silid at humiga siya sa kama. Sigurado niyang naka-double lock ang pinto ng kuwarto niya bago siya humiga. Malaya kasing nakakapasok ng mansyon si Nikkie noon. Nagising siya nang marinig niya ang tunog ng kanyang cellphone. Kinuha kiya iyon at nakita niya ang pangalan ni Devon. "Bakit?" tanong niya. "Hinahanap ka ni Lolo bakit hindi ka raw pumunta dito," sagot ni Devon. "Hindi mo ako katulong para sundin ang gusto n'yo." "Hoy, binayaran ka ng triple kaya dapat lang na sundin mo ako!" sigaw ni Devon. "Hindi ko nakakalimutan na binayaran mo ako ng triple para magpanggap na boyfriend mo at sa pagkakaalam ko ang boyfriend hindi naman araw-araw pumupunta sa girlfriend niya at lalong hindi niya kailangan ubusin ang oras sa girlfriend niya sa buong maghapon sa loob ng pitong araw. Hindi mo siguro alam 'yon dahil hindi ka pa nagkaroon ng boyfriend." "Damn you!" Sigaw nito sa kabilang linya. Pinutol niya ang tawag nito at bumangon siya para maghilamos alas-dos nang hapon kaya siguradong wala na ang pamilya ni Nikkie. Nang lumabas siya ay tunog pa rin nang tunog ang cellphone niya ay si Devon pa rin ang tumatawag sa kanya. Hinayaan niyang nakabukas ang cellphone niya para mas lalong mainis si Devon. Gusto niyang mas lalong galitin ito. Iniwan niya ang kanyang cellphone nang lumabas siya ng kanyang silid. "Sir, mabuti naman po at lumabas na kayo. Tatawagin ko po sana kayo." "Bakit?" "Pinapatawag po kayo ni Don Margus." "Okay, Thank you." Dumiretso siya sa silid ng kanyang Daddy. Nakita niya itong may kausap sa phone kaya hinintay niya itong matapos. Humiga siya sa malambot na sofa habang hinihintay na matapos makipag-usap ang Daddy niya. "Bakit hindi mo kinausap ang magiging biyenan mo?" tanong ng Daddy niya. Umupo siya at humarap sa kanyang Daddy. "Biyenan ko? Sigurado ba kayo na magpapakasal ako sa kanya?" Mahigpit ang pagkakahawak ni Don Margus sa kanyang tungkod at matalim na nakatitig sa kanya. "Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakakilala ko. Kinukunsinti ko ang pagiging matigas na ulo mo!" sigaw niya. "Kahit anong sabihin n'yo hindi ako papayag sa gusto n'yo." "Anong nangyari sa 'yo? Hindi ba't ikaw pa ang may gustong magpakasal kayo ni Nikkie, bakit bigla na lang nagbago ang isip mo?" Tumahimik siya hanggat maari ayaw niyang sabihin ang totoong dahilan. "Hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal," sabi sa kanya ng Daddy niya. Nakipagtitigan siya sa Daddy niya. "Hindi rin ako papayag na magpakasal sa babae na nakipagtalik sa ibang lalaki." Natigilan ang kanyang Daddy sa sinabi niya. "Totoo ba ang sinabi mo?" "Nahuli ko silang dalawa ng lalaki niya at sa condo na binili ko para sa kanya sila nagtalik. Kaya hindi na matutuloy ang kasal namin." Tumalikod siya upang umalis. "Aidan! Bumalik ka rito, hindi pa tayo tapos mag-usap!" sigaw ng kanyang Daddy ngunit hindi niya ito pinakinggan. Dumiretso siya sa kuwarto upang kunin ang cellphone niya. Hindi pa rin kasi humihinto si Devon sa pagpa-ring sa kayang cellphone. Sige, magalit ka nang magalit. Alas-siyete nang gabi nang pumunta siya sa bahay nila Devon. Sinalubong siya ng katulong nito. Nasa sala silang tatlo at nanonood ang movie. "Ayan na pala ang boyfriend mo?" sabi ng Lolo nito. Lumapit si Aidan sa matanda upang mag-mano. "Kumusta kayo?" "Okay, naman ako, Devon kausapin mo na ang boyfriend mo nandito na, kanina inis na inis ka dahil wala siya. Kinindatan niya si Devon nang magkatitigan silang dalawa. "Bakit ka pumunta rito?" Pagtataray ni Devon. Lumapit siya kay Devon at niyakap ito. Hindi namam makakilos si Devon dahil sa mga oras ito ay nagsisimula ang pagpapanggap nilang dalawa. "Do you miss me?" Hinaplos pa niya ang mukha ni Devin na galit na galit. "f**k you," gigil na sabi ni Devon. Ngumisi siya. "Likewise." "Kumain muna tayong dinner tamang-tama kumpleto na tayo," wika ng Lolo niya. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Galit na galit na tanong ni Devon. Nauna kasing pumunta ng Lolo at Kuya niya sa kusina para kamain. Nakaupo pa rin silang dalawa sa malambot na sofa. "Hindi mo na narinig ang sagot ko sa 'yo nang tumawag ka?" "Binayaran ko ng triple ang bayad kaya dapat trip din ang trabahong binigay mo." "Hindi ko kasalanan kung nagbabayad ka sa 'kin ng malaking halaga at lalong hindi ibig sabihin na triple na trabaho ang gagawin ko para sa 'yo." "Bullshit!" sigaw niya. Tumayo si Aidan at sinukuk ang mga kamay niya sa bulsa ng shorts niya at naunang pumunta sa kusina para kumain. Kahit galit na galit si Devon sa kanya ay nagawa pa rin nilang makapaniwala na swet silang dalawa ni Aidan. "Bukas na pala tayo pupunta probinsya," sabi ng Lolo ni Devon. Halos magkasabay silang tumingin dito "Bakit bigla naman yatang nagbago ang isip mo?" tanong ni Devon. "Gusto kong sulitin natin ang araw sa probinsya na magkakasama," sagot ng Lolo nito. "Mas magandang Idea 'yon," sagot ni Tim. Nakasimangot si Devon habang kumakain. Wala kasi siyang karapat na tumutol sa gusto ng kanyang Lolo. "Gusto ko na rin ilipat sa pangalan n'yo ang naiwan ng inyong magulang n'yo sana lang ay gamitin niyo sa tama. Pinaghirapan nilang yaman n'yo sana kayo rin nang sa gano'n ay magkaroon ng magandang buhay ang susunod n'yong henerasyon." "Okay, Lolo." "Aidan, ikaw na ang bahala sa apo ko. Ituro mo sa kanya ang dapat gawin." Tumango siya rito. "Opo," sagot niya. Tahimik si Devon habang kumakain sila. Nang matapos silang lahat kumain ay nauna itong umalis. Hindi siya nakatiis at sinundan niya ito. Nakita niya si Devon na nakatayo sa may terrace ng bahay. Nakatanaw ito sa langit. Hindi siya lumapit bagkus ay pinanood niya lang ito. "Why, she's crying? Napansin kong nagpupunas ng luha si Devon. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Devon na umiiyak. Palagi kasi niya itong nakikitang nakasimangot at galit. Hindi siya nakatiis. Lumapit siya rito ay ibibigay ang panyo niya. "Wipe your tears." Kinuha naman ni Devon ang panyo at pinunas sa mukha niya. "Infairness sa panyo mi mamahalin." "Psh! May balak ka bang insultuhin ang panyo ko kung cheap?" Sa halip na sagutin siya nito ay muli itong tumingin sa langit at bumuntong-hininga. "Siguro pagtawanan mo na ako ngayon dahil nakita mo ako umiiyak?" "Bakit naman? Natural sa tao ang umiiyak, minsan kailangan mong ilabas ang bigat sa dibdib mo." "Bakit ang bait mo pa rin sa 'kin kahit naging masama ako sa 'yo?" Tumingin si David. " Wala akong choice kung hindi ang maging mabait sa 'yo." Ngumiti siya. "Ang sama mo naman." "Marunong ka pa lang tumawa?" Muli naman naging seryoso si Devon. "Tama ka nakalimutan ko ng ngumiti dahil sa sakit na idinulot sa 'kin ng lintek na pag-ibig na 'yan." Tumingin si David. "Bakit?" "Mayroon akong boyfriend noong college ako at mahal namin ang isa't-isa. Hindi siya mayaman na tulad ko kaya ayaw ng parents ko sa kanya kaya inilipat ako ng ibang school para makalayo sa kanya ngunit hindi 'yon naging hadlang para sa 'min dalawa. Pinupuntahan ko siya sa bahay nila. Binibigyan ko ng pagkain at pera ang pamilya niya. Binili ko ng kotse ay bahay sila dahil ang usapan namin kapag nakatapos ako ng college magsasama na kaming dalawa. Hindi alam 'yon ng magulang ko na halos ako na ang bumuhay sa pamilya ng boyfriend ko. Naibigay ko ang lahat ng gusto niya dahil mahal ko siya." Tumulo na naman ang luha niya kaya pinunasan niya ito. "Nang malaman ni Mommy at Daddy. Galit na galit sila sa 'kin ang tanga-tanga ko raw. Inalisan nila ng pera sa banko wala silang itinira mabuti na nga lang ay may join acct kami ng boyfriend ko. Lumayas ako sa at pumunta sa bahay ng boyfriend ko. Alam mo ba kung anong dinatnan ko sa bahay nila? Ang asawa niyang bagong panganak. Sobrang sakit ang naramdaman ko. Ang akala ko mahal niya ako hindi pala. Ginamit lang niya ako at ng pamilya niya para masunod ang luho nila at gumanda ang buhay nila. Hindi ako bumalik sa bahay namin nakitira ako sa mga kaibigan ko dahil ayokong mas lalong magalit sila sa 'kin. Naging working student ako para lang magpatuloy ako sa pag-aaral. Hindi ako humingi ng tulong sa magulang ko kahit hirap na hirap na ako. Kasalanan ko ang lahat kung bakit ko naranasan iyon kaya karapat dapat lang sa'kin 'yon." Natahimik si Aidan. Ngayon mas lalo na niyang naiintindihan si Devon kung bakit gano'n na lang ang galit niya sa mga mahihirap. Nagkaroon siya ng masakit na pangyayari sa mga ito. Hinila niya ito at niyakap ng mahigpit. At marahan hinimas ang likod upang sa ganoon ay maibsan ang bigat na nararamdaman niya. Umiyak naman ito nang umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD