"Sorry!" sabi niya.
Mabalis niyang pinahid ang luha niya sa kanyang mga mata at lumayo kay Aidan.
"It's okay," sagot nito.
Tahimik ang paligid at ang tanging maririnig mo lang ay ang ingay ng mga kuliglig.
"Kalimutan mo na lang ang pinag-usapan natin ngayon at 'wag mong sabihin sa iba lalo na sa Lolo at Kuya Tim."
Tumango si Aidan at ngumiti sa kanya. Nagiging mabait din naman pala ito sa kanya kapag mabait siya rito. Tumalikod siya upang umalis. Hindi na niya kayang magtagal pa kasama si Aidan sa ganitong sitwasyon.
"Good night, mag-ingat sa daan." Dinukot niya ng susi ng kotse niya at binigay niya ito kay Aidan ng nakatalikod siya. "Gamitin mo muna 'to para mabilis kang makauwi at makarating bukas kapag umalis tayo."
Naramdaman niyang kinuha ni Aidan ang susi ng kotse dahil sa pagdikit ng kanyang kamay sa balat niya.
"Ay!" sigaw niya.
Hindi niya inasahan na bigla siya nitong hihilahin palapit sa kanya. Napasubsob siya sa dibdib nito.
What happened to me?
Habang tinitigan siya ni Aidan. Bumibilis naman ang t***k ng puso niya. Hindi rin niya magawang kumilos dahil tila naninigas ang katawan niya.
Move! Move! Sinisigaw ng isip niya.
Hindi siya kumurap habang dahan-dahan na inilalapit ni Aidan ang mukha nito sa kanya. Tumayo ang balahibo niya nang nararamdaman niya hininga nito. Pumikit siya upang hindi niya makita ang paglapat ng labi ni Aidan.
Dumaloy ang kuryente niya sa buong katawan nang maramdaman niya ang labi ng lalaki. Bahagya niyang ibinuka ang kanyang labi kung kaya't nakapasok sa ang dila nito sa loob ng kanyang labi.
Oh, my gosh!
Dahan-dahan ang naging halik ni Aidan hanggang sa maramdaman niya ang dila nila na gumagalugad sa loob ng kanyang bibig, parang may sarili utak naman ang kanyang mga kamay dahil nakakuyapit na siya kay Aidan. Nagsisimula na rin siya tumugon sa halik nito.
"Ay! Kabayo!" sigaw ng isang katulong nila.
Mabilis silang naghiwalay na tumalikod. Namula ng mukha ni Devon habang patuloy ang pagtibok ng puso niya.
"Sorry po, hindi ko nakitang naghahalikan kayong dalawa."
Napangiwi siya sa sinabi ng katulong nila. "Umalis ka na dahil baka kapag nainis ako ay mawawalan ka ng trabaho."
"Yes, Ma'am," pasensya na po.
"G-Goodnight!" Dire-diretso na siyang pumasok sa loob ng bahay nang hindi nilingon muli si Aidan. Sinarado niya ang pinto ng kanyang silid at sumandal siya sa likod ng pintuan.
Kinapa niya ang dibdib niya. "Ano'ng nangyayari sa 'kin?" Hindi kasi niya maipaliwanag ang kalabog ng kanyang dibdib.
Humiga siya sa kama at pumikit ngunit sa tuwing nakapikit siya ang eksena nilang dalawa ang pumapasok sa isip niya.
"Hays! Patulugin mo na ako!"
Mahigit dalawang oras na kasi siyang nakahiga sa kama hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Maaga pa naman silang aalis papuntang probinsya.
Nagdesisyon siyang bumangon at pumunta ng kusina para magtimpla ng gatas. Nang bumaba siya ang tanging naging ilaw na lang niya ay ang flashlight ng kanyang cellphone. Hindi na siya nag-atubili na buksan ang ilaw sa sala. Binuksan niya ang ilaw sa kusina ngunit nagulat siya sa nakita niya.
"Sorry! Nagulat kita."
Nakita kasi niya si Aidan sa kusina wala itong suot na pang-itaas at lumantad sa kanya ang matipo niyang dibdib. Ang abs at lapad ng katawan niya ang dahilan kung bakit siya natataranta. Hindi naman bago sa kanya ang makakita ng ganitong katawan ngunit bakit kay Aidan siya parang natatakot na tingnan ng diretso.
"O-Okay lang," wika niya.
Tinatambol ang puso niya nang lumapit siya rito. Nagtitimpla rin kasi ito ng gatas. Nakadagdag pa sa kaba niya ang hindi sinasadyang pagdampi ng kanilang balat.
"Aalis na ako," sabi niya nang makapagtimpla siya ng gatas.
"Sandali lang!" tawag ni Aidan.
Huwag kang hihinto, self.
Namalayan na lang niyang huminto siya at slow motion na tumingin kay Aida na nakangiti sa kanya. "Hindi ka pa rin ba dalawin ng antok?"
Tumango siya. "Yeah, ang dami ko kasing kinain kaya hirap akong makatulog," alibi niya.
"Pareho pala tayong dalawa. Magkwentuhan muna tayo habang inuubos ang gatas natin."
Tumango siya at lumapit kay Aidan. Nakaupo silang dalawa na magkaharap. Hindi tuloy siya makatingin ng maayos dito.
"Bakit ka pala nandito?" tanong niya.
Pinahiram kasi niya ang susi ng sasakyan dahil ang akala niya ay uuwi na ito.
"Umuwi ako para kumuha lang ng gamit. Bago kasi ako makaalis kanina sinasabi ni Lolo na bumalik agad ako para hindi na ako mahirapan."
Tumango siya. "Close na close na talaga kayo ni Lolo."
"Hindi naman mabait lang siya sa 'kin. Nahihiya tuloy ako kapag nalaman niyang fake boyfriend mo ako."
"Don't worry hindi natin sasabihin sa kanya na fake boyfriend kiya palalabasin natin na naghiwalay na tayo kasi hindi natin mahal ang isa't-isa."
Nagkibit-balikat si Aidan at ininom ang gatas sa baso niya. Gayon din ang ginawa niya. Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa at walang gustong magsalita sa kanila.
"Paano mo nga pala naging kaibigan si Luis?" basag niya sa katahimikan.
Wala na kasi siyang ibang maisip na sabihin kaya 'yon na lang ang tinanong niya.
"Naging kaibigan ko siya mula noong college kami."
Tumango siya. "Kaya pala kasama mo siya sa bar. Kung kaibigan mo siya ibig sabihin babaero ka rin?" May kurot sa puso niya ng tanungin 'yon.
"Hindi naman ibig sabihin na may kaibigan ka ng babaero ay babaero ka na rin, bakit naman ang kaibigan mo na si Pamela hindi naman siya masungit na katulad mo."
Sumimangot siya. "Hindi ko na kayang baguhin kung ano ako ngayon. Ayoko ng ibalik ang dating ako dahil inabuso lang ng ibang tao."
"Alam mo hindi naman lahat ng tao katulad ng nanakit sa 'yo. Magkaiba ang ugali ng tao, kung ikaw susuko ka na agad hindi ka magiging masaya sa buhay. Kailangan natin subukan na masaktan para alam natin kung paano maging matapang, kailangan natin madapa para marunong tayong lumaban."
Hinigop niya ang natitirang gatas niya sa baso. "Mukhang kailangan ko ng matulog dahil maaga pa tayong aalis." Tumayo siya upang umalis.
"Good night!" sabi ni Aidan.
"Good night."
Dire-diretso siyang bumalik sa kanyang silid. Nang nasa loob na siyang kuwarto ay humiga siya at nagtalukbong ng kumot at sinikap na matulog. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na siya.
Nagising siya dahil sa malakas na katok sa pinto ng silid niya. Tiningnan niya ang oras. Alas-tres ng madaling araw.
"Antok pa ako."
Kahit gusto pa niyang matulog at hindi siya puwedeng bumalik sa pagtulog dahil kailangan niyang mag-asikaso dahil ngayon sila aalis. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang katulong nila.
Ngumiti ito sa kanya. "Good morning, Ma'am, pinagigising na po kayo ng Lolo niyo maghanda na raw po kayo kasi aalis daw po kayo ng maaga."
"Pakisabi kay Lolo at baba na ako maliligo lang ako."
Tumango ang katulong nila at pumihit patalikod sa kanya ngunit bago pa ito makaalis ay tinawag niya ito.
"Sandali lang."
Agad naman humarap sa kanya ang katulong niya. "Yes Ma'am?" tanong niya.
"Si Aidan, gising na ba?"
Tumango ito sa kanya. "Kanina pa po nakabilis na rin po siya at nakita ko siyang umiinom ng kape."
"Okay."
Excited siguro siya kaya hindi na natulog.
Nang umalis na ang katulong ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Minadali ko ang paliligo ko wala na akong orasyon na ginawa basta naligo lang ako. Nagsuot ako ng maikling white short at makapal na white jacket. At bumaba na siya ng hagdan. Naabutan niya ang mga ito sa harap ng hapag kainan at abala sa kwentuhan. Nakataob pa ang mga plato marahil ay hinihintay siya bago sila kumain. Tanging ang kape sa harap nila ang malapit ng maubos.
"Good morning!" nakangiting bati niya sa mga ito.
"Mabuti naman at bumaba ka. Kumain na tayo para hindi tayo abutan ng traffic," wika ni Lolo.
Tumango sila at pagkatapos ay nagsimula na silang kumain.
"Ito masarap ito," sabi ni Aidan sa kanya.
Nilagyan siya ng isang pritong itlog at ham ni Aidan.
Ngumiti siya. "Thanks."
Napilitan siyang tanggapin ang binigay itong ulam kahit hindi siya mahilig kumain ng mga iyon. Ang gusto lang kasi niyang kainin sa umaga ay vegetable salad o kaya tuna bread. Dahil binigyan siya ng pagkain ni Aidan, wala siyang nagawa kung hindi ang kainin ito.
Nang matapos silang kumain ay sumakay sila sa van. At dalawang driver ang nasa unahan para magsalitan sa pag-drive sa malayong biyahe.
Pagkaupo pa lang nila ay nakaramdam na siya ng antok kaya agad niyang ipinikit ang kanyang mga mata ko. Ngunit bago pa siya makatulog ay nararamdaman niya ang ulo ni Aida sa balikat. Imbes na itulak ito palayo sa kanya ay hinayaan niya lang ito na isandal ang ulo nito sa balikat niya.
Alam kasi niyang antok na antok din ito dahil sa puyat. Magaan ang loob niyang natulog habang nasa biyahe sila.
"Devon, wake up!"
Inangat niya ang mukha niya at idilat niya ang mga mata niya. Nakita niya si Aidan sa harap niya. Kinusot-kusot niya ang kanya mga mata. "Nasaan na tayo?"
"Nandito na tayo," sagot niya.
"Puyat na puyat kayong dalawa. Natulog lang kayo sa biyahe nagising na kayo nandito na sa Hacienda," sabi ng kanyang Kuya Tim.
Tiningnan niya ang labas at nakita niyang nasa harap na siyang Mansyon. Inalalayan siya ni Aidan sa paglabas ng sasakyan.
"Papa!" Masayang sabi ng Uncle Duke niya.
Nasa harap nila ang pamilya ng kanyang uncle Duke at ang dalawang anak nito na babae.
Lumapit sa kanya si Ang pinsan niyang si Leticia, kaisng edad lang niya si Leticia kaya mas marami silang hindi napagkakasunduan.
"Devon!" tawag nito sa kanya at niyakap siya nito ng mahigpit.
"Kumusta ka na?" sabi niya rito.
"Ayos naman kami." Tumingin siya kay Aidan. "Ipakilala mo naman ako sa guwapo na kasama mo."
Inakbayan niya si Aidan. "Siya ang boyfriend kong si Aidan."
"Ay, taken na pala siya sayang type ko pa naman siya," sabi nito.
Umarko ang kilay ni Devon sa pagiging prangka ng kanyang pinsan.
"Sorry, cousin, taken na siya," pilit siyang ngumiti.
Hindi siya pinansin ng pinsan niya bagkus ay inilahad nito ang kamay at matamis na ngumiti kay Aidan.
"Hi, My name is Leticia."
Na-stock ang mga mata niya nang makipag-shake hands si Aidan. Hindi niya napigalan ang magtaas ng kilay dahil nakita niyang ang tamis ng ngiti nito kay Leticia.
Tuwang-tuwa ang hudas.
"Devon, Aidan, pumasok na tayo sa loob."
Kung hindi pa sila tinawag ay hindi pa maghihiwalay ang mga kamay nila. Nakaramdam siya ng inis kaya nakasimangot siya.
"Bakit ka nakasimangot?" bulong ni Aidan habang papunta sila sa hapagkainan.
"Ang landi n'yo kasing dalawa ng pinsan ko. Huwag kang magpahalata na wala tayong relasyon." Inis niyang sabi.
"Hindi ko naman sinabi."
"Hindi pero tuwang-tuwa ka kanina!" sabay irap niya.
Ngumiti si Aidan. "Nagseselos ka ba?"
Saglit siyang natigilan sa tanong nito
Pinakiramdaman niya ang sarili niya. Nagseselos ba ako?
"Bakit naman ako magseselos? Hindi ka naman mayaman."
"Paano kung naging mayaman ako nagseselos ka ba?"
"Hindi dahil wala kang pag-asa na yumaman. Kung gusto mong makipaglandian sa pinsan ko. Huwag sa harap ko o sa harap nila Lolo." Inirapan niya ito at nauna siyang naglakad.
Magkatabi silang dalawa ni Aidan at sa kabilang side nito ay may bakanteng upuan.
"Dito na lang ako uupo," wika ni Leticia.
Tinitingnan ko ng masama si Aidan para ipaalam sa kanya na mag-behave siya dahil katabi niya si Leticia. Kung hindi nga halata ay nakipagpalit siya kay Aidan para siya ang katabi ni Leticia.
"Let's eat!"
"Aidan, tikman mo 'to masarap magluto ang cook namin dito." Nilagyan si Aidan ng isang malaking sugpo sa plato niya.
"Babe, paabot naman ng rice," wika niya.
Sinadya pa niyang lambingin ang boses niya para ipamukha sa pinsan niyang siya ang girlfriend at huwag ng makisawsaw."
"Babe, ito na."
Matamis siyang ngumiti. "Thank you, Babe."
Napansin niyang sumimangot ang pinsan niya dahil siya na ang pinapansin ni Aidan.
Mas lalo niyang ininis ang pinsan niya dahil sinubuan niya ng pagkain si Aidan kaya maging ang kamag-anak niya ay nakatingin sa kanila. At wala siyang pakialam sa mga ito.
"Aidan, baka gusto mo ang fried chicken masarap ang pagkakaluto nito." Nilagay na ni Leticia ang pagkain kaya hindi na inalis ni Aidan.
"Ang sweet niyong dalawa. Kailan ang kasal n'yo?" tanong ng Uncle Duke niya.
"Sweet talaga ang dalawa na 'yan hinihintay ko nga ang kasal nila," sabi ng Lolo niya.
"Huwag kayong mag-aalala darating kami sa bagay na 'yan," saad ni Aidan.
Namula ang mukha niya sa sinabi nito. Nagsimula na naman bumilis ang t***k ng puso niya. Yumuko siya dahil hindi niya kayang tumingin sa mga ito.
"That's good, mabuti naman kung gano'n. Ano ba ang trabaho mo?" tanong ng Uncle Duke niya.
"Isa akong personal driver, highschool graduate lang ako," sabi ni Aidan.
Nagkatinginan ang Uncle at Auntie niya pagkuway ibinaling ang tingin ka Aidan.
"Alam mo ba na isang tagapagmama ang girlfriend mo?"
Tumango si Aidan. "Yes, alam ko naman na mayaman siya pero kaya ko naman buhayin siya."
"Kapag nagpakasal kayo ni Devon. Mag-aral ka ng college para may katulong si Devon sa pagpapalago ng kayaman niya," sabat ng Lolo niya.
Ngumiti siya dahil pinagtanggol ng kanyang Lolo si Aidan. Likas na sa kanyang Lolo ang tumulong sa mga nangangailangan kaya naman binibigyan ito ng Diyos ng mahabang buhay.
"Maraming salamat," sagot niya kay Lolo.
Marami bang bunga ng mangga ngayon?" pagbabago niya ng usapan.
Nasasaktan si Devon mapanuring tingin ng mga kamag-anak niya para kay Aidan. Kahit hindi sila totoong magkarelasyon hindi pa niya gustong maliitin si Aidan.
"Marami ang mangga ngayon, gusto n'yo ba kumain ng mangga?"sagot ng Uncle niya.
Tumango si Devon. "Yes, pupunta kami sa manggahan para manguha ng mangga." Mula sa ilalim ng lamesa ay hinawakan ni Devon ang kamay ni Aidan. Tumingin sa kanya si Aidan at ngumiti.
Nang matapos silang kumain ay binigyan sila ng mga kuwarto.
"Aidan, dito ka na lang sa tabing kuwarto ko." Nakangiti pa si Leticia kay Aidan.
Nameywang siya at tinaas ang kilay niya. "Babe, sa isang kuwarto na lang tayo."
Tumingin sa kanya si Aidan halatang nagulat sa sinabi niya.
"Magkatabi kayo sa iisang kuwarto?" hindi makapaniwalang tanong ni Leticia.
"Yes, bakit hindi? Nabilang ko na lahat ng nunal niya sa buong katawan. Hindi na kami mga bata."
Natahimik ang pinsan niya si Leticia. Tumalikod naman siya. "Babe, Follow me," humakbang siya palayo kay Leticia, at sumunod naman si Aidan sa kanya.
Nakataas ang kilay niya habang nakatingin siya kay Aidan na tawa nang tawa. Nasa loob na kasi sila ng kuwarto.
"Anong nakakatawa?" pagtataray niya.
"Halata kasing nagseselos ka kay Leticia."
"Excuse me, hindi ako nagseselos sa kanya." Sabay irap niya.
"Kung hindi ka nagseselos bakit dito mo ako pinatulog?" Kumindat pa ito sa kanya.
"Huwag kang assumero kailangan lang natin na paniwalain sila na magkarelasyon tayo."
"Talaga ba? Puwede naman tayong magkahiwalay ng kuwarto mas maganda ngayon para magkaroon ka ng privacy."
"Hindi naman ako natatakot sa 'yo dahil kapag may ginagawa kang masama sa 'kin hindi ka na sisikatan ng araw."
Pang-asar na tumawa si Aidan. "Natatakot naman ako sa sinabi mo. Bakit kasi ayaw mong aminin na may gusto ka sa 'kin?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi ako magkakagusto sa 'yo dahil mahirap ka lang."
Biglang sumeryoso ang mukha ni Aidan. "Magkapareho kayo ng ugali ng Uncle masyadong matapobre."
Natahimik si Devon. Tanggap naman niyang masama ang ugali niya pero bakit nasasaktan siya nang si Aidan na ang nagsabi.
"Pero ngayon mukhang nagiging mabait ka na at masaya dahil do'n," sabay ngiti nito.
Ayusin na natin ang mga gamit natin dito," sabi niya.
Tumango naman si Aidan at kinuha ang maleta niya ay isa-isang inilagay ang mga gamit sa aparador. Nang matapos siyang mag-ayos ng mga gamit niya. Nakita niya si Aidan na nakahiga sa kama at tulog na tulog. Lumapit siya rito at pinagmasdan ito habang natutulog.
"Mukha ka pa lang mabait kapag tulog?" bulong niya.
Makinis ang mukha nito at manipis ang labi dito na parang may lipstick dahil namumula Idagdag pa ang guwapong mukha niya at macho na katawan. Kung hindi mo siya kilala mapagkakamalan mo siyang isang mayaman na tao dahil na rin sa tindig nito. Kinuha niya ang kumot at ibinalot niya kay Aidan habang natutulog ito.
Nawalan na rin siya ng gana na kumuha ng mangga dahil mas gusto niyang matulog dahil na rin sa puyat niya kagabi.
Humiga siya sa tabi ni Aidan. Nakapikit na siya ngunit hindi naman siya agad makatulog dahil kay Aidan. Dahan-dahan niyang inilalapit ang kamay niya kay Aidan para yakapin ito. Gusto kasi niyang yakapin si Aidan ngunit hindi niya kayang gawin ng ganon kabilis. Halos hindi na siya huminga nang nayakapin niya si Aidan. Nararamdaman niya ang t***k ng puso niya ngunit gayunpaman, mas naririnig pa rin niya ang nakakabinging t***k ng puso niya. Nang masanay ang mga kamay niya na nakayakap kay Aidan ay unti-unti na siyang hinihila ng antok.