Dalawang oras ng nakahiga sa kama si Devon ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Paulit-ulit kasing sumasagi sa isip niya ang halik ni Aidan sa kanya. Kahit makailang ulit na siyang nag-toothbrush at mouthwash, nararamdaman pa rin niya ang labi nito.
Bumangon siya at sinabunutan ang sarili. "Bakit ba ayaw mo akong patulugin?" Inis niyang sabi.
Bumangon siya at kinuha ang roba upang maging takip niya sa kanyang nighties. Binuksan niya ang ilaw ng kanyang silid at hinanap niya ang yosi na binili niya kahapon. Sinindihan niya ito at binuksan ang bintana at humihit ng sigarilyo. Nakatanaw siya sa labas habang unti-unti niyang hinithit ang sigarilyo.
"Anong ginagawa sa 'kin ng lalaki na 'yon, bakit hindi ako patulugin?" Sabay buga niya ng usok. "Hindi bale walong araw na lang naman siyang magpapanggap na boyfriend ko."
Nang maubos niya ang dalawang stick ng yosi niya ay bumalik na siya sa kama para ituloy ang tulog niya.
Nagising siya nang may maamoy siyang mabago sa kuwarto niya. Napilitan siyang bumangon para alamin kung anong amoy 'yon para magising siya.
"Good morning!" Nakangiting bati sa kanya ni Aidan. Ang tamis ng ngiti nito sa kanya.
Hinila niya ang kumot at binalot sa katawan niya. "Anong ginagawa mo rito?" sigaw niya kay Aidan.
Hindi niya kayang titigan ng matagal si Aidan dahil nagagambala siya ng katawan nito na may six-packs abs kahit nakasuot siya ng damit pang-itaas ay bakat pa rin ang abs nito.
"Hindi mo ba nakikita ang mga bulaklak sa harapan mo?"
Saka lang niya pinagmasdan ang red roses sa loob ng kuwarto niya at sa sobrang dami nito ay para siyang magtatayo ng flower shop. "Ikaw ang bumili ng lahat ng 'yan?"
"Ako ang bumili pero charge ko sa 'yo ang bayad ng lahat ng 'yan."
"Ano? Bakit sa 'kin mo kukunin ang bayad, sinabi ko na bilhan mo ako?" Pagtataray niya.
"Tanungin mo si Lolo, siya ang nagsabi na paborito mo raw ang red roses, at dahil ako ang boyfriend mo, gusto kong makita ng Lolo mo kung paano kita pakiligin sa binili kong flowers "
Hindi naman maipinta ang mukha niya dahil kay Aidan. "Nailagay mo na lahat ang mga bulaklak sa kuwarto at puwede ka ng umalis."
Nilahad nito ang palad niya. "Nasaan ang bayad mo sa 'kin twenty thousand pesos ang lahat ng 'yan, hindi ko na nga sinama ang bayad sa effor ko libre na 'yon."
Grr! Nakakainis!
Tumayo siya at pumunta sa cabinet kung saan naroon ang mga cash niya. May pera siyang cash palagi dahil minsan sa bar na pinuntahan niya at kailangan cash ang ibabayad.
Nakasimangot siya nang humarap kay Aidan. "Ayan, twenty five thousand pesos bumili ka na rin ng zipper para isarado mo 'yang bibig mo, nakakairita!" Sabay irap niya.
"Ang bait ng Babe ko ang galante." Pang-asar nitong hinalikan ang perang binigay niya. "Next time magsuot ka ng bra kapag may ibang tao sa kuwarto." Tumalikod ito sa kanya at umalis.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito Tiningan niya ang sarili. "s**t!" Namula ang mukha niya na parang kamatis nang napagtanto niyang manipis lang ang suot niyang damit. Hindi lang bakat ang dibdib niya makikita rito dahil sobrang nipis ng damit niya.
"Hays! Ano bang ginagawa mo?" Kausap niya sa sarili.
Hindi niya akalain na magiging pabaya siya sa kanyang sarili dahil kay Aidan. Dahil sa inis nakalimutan niyang nakasuot lang siyang ng nighties. Iniisip siguro ng gunggong na 'yon inaakit ko siya.
Sinadya niyang magtagal sa loob ng kuwarto nang sa gano'n ay mainip si Aidan sa paghihintay sa kanya. Ngunit nang nasa sala na siya ng bahay ay hindi niya nakita si Aidan.
"Where's Aidan?" tanong niya sa katulong niya.
"Kasama po ng Lolo n'yo na umalis."
"Gano'n ba? Saan daw sila pumunta?"
"Hindi ko po alam Ma'am, hindi po nila sinabi kung saan sila pupunta."
Tumalikod siya sa katulong niya at umupo sa malambot na sofa. Agad niyang tinawagan ang kanyang Lolo. Kung may pinuntahan silang malayong lugar ibig sabihin ay magtatagal silang umuwi. Magkakaroon siya ng pagkakataon na gumala ng walang istorbo.
"Lolo, where are you?"
"Papunta kami ni Aidan sa isang farm. Gusto kong bumili ng manok na panabong kaya sinamahan niya ako rito."
"Bakit kayo sumama sa kanya na hindi n'yo ako sinama?"
Nagdududa siya kay Aidan baka kung anong gawin nito na pananakot sa Lolo niya para makakuha ng pera. Kayang-kaya nitong gawin ang bagay na 'yon lalo't matanda na ito.
"Ang tagal mong lumabas ng kuwarto kaya nainip ako kahihintay sa 'yo."
Kasalanan ko pa pala ang nangyari. Grrr!
"Pasensiya na Lolo nakatulog kasi ako ulit, saan ba ang lugar na 'yan, at pupuntahan ko kayo."
"Huwag ka ng sumunod dahil mamaya lang ay uuwi na rin kami."
Bigla na lang pinutol ng Lolo niya ang tawag nito. Muling tinawagan ni Devon ang Lolo niya ngunit hindi nito sinagot. Sinubukan niyang tawagan si Aidan ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya.
"f**k!" Napamura siya sa inis.
Ang daming masamang pangyayari ang pumapasok sa isip niya. Wala kasi siyang tiwala kay Aidan kaya labis ang pag-aala niya sa Lolo niya.
Pinuntahan niya ang kanyang Kuya Tim sa silid nito na kagigising lang.
"Good Morning." Kinusot nito ang mga mata nang lumapit siya.
"Kuya, tawagan mo si Lolo hindi ko ma-contact."
Kumunot ang noo nito. "Bakit saan ba siya pumunta?"
"Bibili raw siya ng Manok panabong, tawagan mo siya nag-aalala ako para sa kanya."
"Mag-isa lang ba siyang umalis?"
"Kasama niya si Aidan."
"May kasama naman pala siya bakit ka mag-aalala para sa kanya?"
Natameme siya. Hindi niya puwedeng sabihin dito na wala siyang tiwala kay Aidan dahil magagalit ito dahil sa pagsisinungaling niya.
"Huwag kang mag-alala kay Lolo dahil kasama naman pala ang boyfriend mo. Huwag kang mag-alala hindi naman uubusin ni Lolo ang oras ng boyfriend mamaya lang ay uuwi na rin 'yon."
Tumango siya. "Okay."
Bagsak ang balikat niyang lumabas ng kuwarto ng Kuya niya. Gusto man niyang sabihin ang totoo ay hindi niya magawa dahil siya ang mapapahamak.
Ilang beses niyang tinawagan si Aidan ngunit kahit isang text ay wala siyang natanggap.
Kapag may masamang nangyari kay Lolo, kahit saan ka magtago hahanapin kita.
Nagpasya siyang puntahan ang kaibigan habang wala ang kanyang Lolo para mawala ang nararamdaman niyang inis at pag-aalala.
"Pam, saan mo ba napulot si Aidan?" Tanong niya rito. Sampung minutos lang ang gugugulin sa biyahe para makarating sa condo ni Pamela.
Nakahiga sila sa kama at habang nanood ng mga pelikula. Nakalagay naman sa maliit na lamesa ang mga pagkain na in-order nila kanina.
Tumawa si Pamela. "Grabe ka naman sa napulot mukha ba siyang aso o kaya pusa para pulutin lang."
Sumimangot siya. "Baka masamang tao siya at pagnakawan niya ang Lolo ko. Nag-aalala ako para kay Lolo."
"Alam mo, bawasan mo ang ugali mo na ganyan. Hindi ibig sabihin na mahirap na tao ay masamang tao na."
"Basta, wala akong tiwala sa kanya."
Kumuha ng pizza si Pamela at kinain 'yon bago nagsalita. "Hindi naman masamang tao si Aidan kaya wala kang dapat ipag-alala."
Tinitigan niya ito ng masama. "Paano mo nalaman na hindi siya masamang tao? Nakasama mo na ba siya sa iisang bubong?"
"Hindi pero sa itsura niya mukhang hindi naman gagawa ng masama."
"Basta wala akong tiwala sa kanya." Sabay irap niya.
"Kung hindi ka marunong magtiwala sa ibang tao mawawalan ka ng peace of mind."
"Hindi ko lang kayang pagkatiwalaan ang ganong itsura."
Ngumisi si Pam. "Bakit? Dahil ba guwapo siya?"
Inirapan niya ito. "Hindi siya guwapo sa paningin ko."
"Sino ang guwapo sa 'yo si Mang Kanor?" Sabay tawa ni Pamela.
Napangiwi siya. High school pa lang siya ay naririnig na niya ang pangalan ni Mang Kanor na mahilig sa bata.
"Kadiri, tigilan mo ako kaninang umaga pa hindi maganda ang mood ko dahil diyan kay Aidan." Hindi niya mapigilan ang hindi sumimangot nang maalala niya ang ginawa ng lalaki na 'yon.
"Bakit, ano ba ang ginawa niya?"
"Nagdala siya ng maraming roses sa kuwarto at ako ang pinagbayad. Take note, twenty thousand ang lahat ng iyon. Nakakainis! "
Tumawa si Pamela. "Hindi ba't maganda naman ang idea niya? Mas lalo n'yong mapapaniwala ang Lolo at Kuya mo sa ginawa niya. Isa pa, walang pera ang tao, ikaw talaga ang dapat magbayad ng bulaklak na 'yon kasi idea mo naman 'yan."
"Idea ko nga pero hindi ko sinabi sa kanya na magtayo ng flower shop dahil sa mga binili niyang bulaklak."
"Sus! Siguro nagagalit ka dahil ikaw ang nagbayad pero kung pera niya ang ginastos baka kinikilig ka na."
Tinitigan niya ito ng masama. "Nandito ako para magtapon ang inis 'wag mong dagdagan."
Nagkibit-balikat si Pamela. "Okay, ikaw ang bahala."
Tinapos nila ang dalawang movie pagkatapos ay bumalik na ulit siya sa bahay. Gusto kasi niyang siya ang unang sasalubong sa Lolo niya kapag dumating. Tatlong oras ang lumipas mula nang umalis siya ay narining niya ang busina ng sasakyan. Tumakbo siya papunta sa garahe para tingnan kung ang Lolo niya ang dumating. Nakita niya si Aidan na papalapit sa kanya.
"Na-miss mo ba ako?" Tanong nito nang magkaharap silang dalawa.
"Duh? Asa ka!" Inis niyang sagot. Tinaasan pa niya ang kanang kilay.
Tinaas nito ang cellphone na hawak at ngumiti. "Hindi mo ako miss pero may thirty missed calls."
Umiwas siya ng tingin dito. "Hindi 'yan dadami kung sa umpisa pa lang ay sinagot mo na ang tawag ko."
"So, miss mo nga ako?" He winks.
"Ang kapal ng muk—
Hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin dahil siniil na siya ng halik. Gusto niya itong sipain at sampalin pero hindi niya magawa dahil nakita niya ang Lolo niyang bumaba sa sasakyan.
"Devon, hiniram ko lang ang boyfriend mo sandali." Nakangiting sabi ni Lolo.
Huminto si Aidan at hinawakan niya ang kamay ko nang humarap kay Lolo. "Sabi ko naman sa inyo na miss na ako ng girlfriend ko kaya siya tawag nang tawag."
Ang kapal ng mukha mo.
Nakangiting tumingin ang Lolo niya sa kanya. "Wala namang babae sa pinuntahan namin kaya 'wag kang mag-alala hindi siya nambabae."
Ngiting aso siya nang tumingin sa Lolo niya. Kung alam lang nito na nag-aalala siya rito at hindi kay Aidan.
"N-Nakabili ba kayo ng manok panabong?" tanong niya.
Tumango ang Lolo niya. "Yes, nakabili na kami ng manok at halos lahat ng binili ko ay magaganda."
Tumango siya. "Nagluto ng meryenda si Yaya, kumain muna tayo." Tumalikod siya at naunang pumasok sa loob.
Habang sa pagkainan ay manok pa rin ang pinag-uusapan ng tatlo. Pakiramdam tuloy ni Devon ay siya ang hindi kasama sa pamilya. Nakapalayagan na kasi ng loob ng Lolo niya si Aidan. Hindi maikakailang magaling makisama si Aidan sa mga ito.
"Devon, isama mo ang boyfriend mo sa probinsya natin," wika ng Lolo niya.
Tumango siya. "Kapag may oras na."
"Sa sabado ay magbabakasyon tayo roon kaya isama mo siya."
Tumingala siya para tumingin sa Lolo niya.
"Uuwi tayo sa probinsya sa sabado? Pag-uulit niya.
Tumango ito. "Gusto kong magbakasyon habang nandito ako sa Pilipinas."
"Lolo, bakit kailangan n'yong pumunta pa ng probinsya. Ilang araw lang naman kayo rito sa Pilipinas at babalik na kayo sa Amerika."
Nagsalubong ang kilay ng Lolo niya. "Sinong nagsabi sa 'yo na babalik ako agad sa Amerika?"
Matalim siyang tumingin sa Kuya Tim niya. "Si Kuya, sinabi niya sa 'kin na sandali lang kayo rito."
"Niloloko ka lang ng Kuya mo. Hindi kami uuwi ng Pilipinas kung isang buwan lang kami rito. Balak kong magbakasyon hanggang dalawang buwan o hanggang sa kasal niyo ni Aidan." Tumingin siya kay Aidan na ang lapad ng ngiti.
Napadiin ang hawak niya sa tinidor. Hindi niya inaasahan na maririnig niya ang bagay na 'yon. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Kung mahigit dalawang buwan sila sa Pilipinas ay siguradong matatagalan ang pagpapanggap nilang dalawa ni Aidan. Ilang araw pa lang ang lumipas ay nangungunsumi na siya rito. Hindi na niya kakayanin ang dalawang buwan na tumagal ang pagpapanggap nila.
"Baka madurog ang karne na 'yan. Nagbibiro lang naman ako," wika ng Lolo niya.
"Saan kayo nagbibiro?" tanong niya.
Gusto kasi niyang siguraduhin kung saan banda ito nagbibiro.
"Siyam na araw lang kaming makakasama mo pero hindi kami pa kami babalik agad sa Amerika. Magbabakasyon ako sa mga kapatid ko," wika ni Lolo.
Nakahinga ng maluwag si Devon. Siyam na araw lang niyang makakasama si Aidan at pagkatapos ng siyam na araw ay malaya na ulit siya.
"Dadalawin ko na lang kayo sa mga kamag-anak natin."
"Isama mo ang boyfriend mo kapag dumalaw ka. Gustuhin ko man na tumagal dito sa Manila ay hindi ko kaya, mas gusto kong manirahan sa probinsya."
Nilingon ni Devon ang Kuya Tim niya. "Ikaw kuya?"
"Babalik ako sa bahay ko pagkatapos ng siyam na araw," sagot nito.
"Kaya sulitin natin ang siyam na magkakasama tayong tatlo dahil maghihiwalay naman tayo pagdating ng siyam na araw, " sabi ng Lolo niya.
Tumango siya. At least ngayon ay malinaw na sa kanya ang plano ng dalawa. Pagkatapos ng pagpapanggap nilang dalawa ay babalik na ulit siya sa dating gawain.
Pagkatapos kumain nila ng meryenda ay natulog na ang Lolo niya. Nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap si Devon at Aidan.
Nasa terrace silang dalawa at nakaupo. Matatanaw mo ang malaking pool na bihira lang niyang gamitin.
"Anong ginawa n'yo ni Lolo?" tanong niya.
Nagsimula na siyang mag-imbestiga kay Aidan. Gusto kasi niyang malaman kung ano ang mga ginawa ng mga ito.
Nakadikwatro si Aidan na umupo. "Hindi ba't kanina pa sa 'yo sinasabi na bumili ng manok, ano ba ang gusto mong malaman?"
Tinitigan niya ito ng masama. "Gusto kong malaman kung magkano ang ninakaw mong pera sa Lolo ko."
Kuyom ang kamao nito at nagtatagis ang bagang habang nakatingin sa kanya.
"Ang akala mo ninakawan ko ang Lolo mo?"
Umarko ang kilay niya. "Bakit, hindi? Sa katulad mong dukha gagawin ang lahat para magkapera."
Gulat na gulat si Devon nang biglang tumayo si Aidan at hinawakan ang braso niya. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya na parang madudurog ang mga buto niya.
"Bitawan mo ako nasasaktan ako!" Utos niya rito.
"Sumosobra na ang ugali mo!"
"Bitawan mo ako! Ipapakulong kita!"
"Hindi ko akalain na may babae na katulad mong masama ang ugali."
"Nagagalit ka dahil nabisto ko na ang plano mo. Gusto mong mapalapit kay Lolo para makuha mo ang tiwala niya para pagnakawan siya. Ganyan kayong mga dukha."
Halos patayin na siya nang mga tingin ni Aidan. "Son of a b***h!" Bigla siya nitong siniil ng halik.
Nanlaban siya ngunit dahil sa matinding galit ni Aidan ay wala siyang nagawa. Nanggigil si Aidan na hinalikan siya sa labi na halos masugat ang labi niya dahil kinagat nito. Mahigpit din ang pagkakahawak nito sa kanya. Hinila ni Aidan ang suot niyang damit kaya napunit ito. Pagkatapos ay hinila ang suot na bra. Sinibasib nito ang matambok niyang dibdib. Hindi siya umiyak sa ginagawa sa kanya ni Aidan bagkus ay para siyang tuod na hinahayaan sa gusto nito. Biglang huminto si Aidan at hinabol ang hininga. Tumayo ito at tumalikod sa kanya.
"Kaya walang lalaking nagkakagusto sa 'yo dahil hindi ka marunong bumaba sa pedestal na kinalalagyan mo. Kung anuman ang ginawa ko sa 'yo hindi ko 'yan pinagsisihan. Tama lang sa 'yo ang masaktan dahil ang sama ng ugali mo." Humakbang ito palayo sa kanya.
Nang makaalis si Aidan ay tuluyan na niyang inilabas ang luha na kanina pa gustong pumatak. Kuyom ang kamao niya at sobra ang galit. Kayang-kaya siyang pagsamantalahan ni Aidan ng walang kahirap-hirap. Tumayo siya at dumiretso sa kuwaryo niya. Pinagmasdan niya ang sarili niya sa salamin. Bumakat ang kamay ni Aidan sa kanyang braso at nangitim ito. Napansin din niya ang kissmark sa kanyang dibdib at sugat sa gilid ng kanyang labi.
"Hayup ka! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa 'kin sa oras na matapos ang siyam na araw!"
Kung gugustuhin niya ay puwede niyang ipadamot sa pulis si Aidan sa ginawa sa kanya ngunit hindi niya ginawa. Dahil sa huli ay siya ang magmumukhang masama. Hihintayin na lang niya ang araw na matapos ang siyam na araw para makapaghiganti siya.
Alas-nuebe nang gabi ng makarating siya sa sikat na bar ng mga mayayamang tao. Mas gusto niyang tumambay dito kaysa magmumuk sa kanyang silid.
Nasa harap siya ng bartender at pinapanood itong nagtitimpla ng alak sa pamamagitan ng exhibition.
"Ma'am, here's your drink," wika ng Bartender nang pinagtimpla siya.
Dumukot siya ng isang libo para ibigay na tip sa bartender.
"Here." Binigay niya ang isang libo.
"Thank you, Ma'am."
Hindi siya kumibo bagkus ay nagpatuloy siya sa iniinom niyang alak. Kung kasama niya si Pamela panigurado ay nasa isang table sila at siguradong marami na rin silang alak na nainom ngayon. Dumating kasi ang boyfriend nito kaya kailangan nilang sulitin ang araw na magkasama sila.
"I want more!" Utos ko sa bartender.
Tumango naman ito at nag-mixed na ulit ito. Dahil sa kalasingan na nararamdaman niya hindi niya namalayam na sumisigaw na siya habang pumapalakpak sa bartender. Nakatawag tuloy ng pansin ang boses niya sa ibang customer doon.
May lumapit sa kanyang isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket."
"Hi, Miss." Sabay ngiti nito.
Tiningala niya ito at nakita niyang matangkad at moreno ang lalaki, mapanga ito, at may tumubong bigote at balbas.
Ngumisi siya. "Get out!" Pagtataray niya. Sinaid niya ang natirang alak.
"I want to be friends with you."
"I'm not friendly. Get out of my sight." Pagtataray niya.
Napilitang umalis ang lalaki at hindi na ito muling bumalik. Nagpatuloy naman siya sa iniinom niya hanggang sa maramdaman niyang tila tinatablan na siya ng ininom niyang alak. Tumayo siya para pumunta ng comfort room. Kailangan niyang maghilamos para mawala ang nararamdaman niya hilo. Pasuray-suray siya sa paglalakad. Hindi niya inaasahan na sobrang nakakalasing ang alak na pinatipla niya.
"Hi, Miss!" sabi ng lalaki na kaninang lumapit sa kanya.
Nakatayo ito sa daan papunta sa comfort room. Hindi niya ito pinansin bagkus ay dumiretso siya sa female comfort room. Umupo siya sa bowl, dahil kalasingan ay nakatulog siya sa loob ng cubicle. Nagising siya nang makarinig siya ng ingay sa labas.
"May tao ba diyan?"
"I'm sorry, nakatulog ako," sabi niya.
Sinuka niya ang ininom at kinain niya pagkatapos ay naghilamos at nag-toothbrush siya bago umalis. Nawala ng kaunti ang hilo niya ngunit ramdam na niya ang sakit ng ulo. Nagdesisyon siyang umuwi na para makapagpahinga. Nang bubuksan niya ang pinto ng kotse niya ay may biglang humila sa kamay niya. Nakita niya ang lalaki.
"Ang tagal mo naman, Babe kanina pa ako nilalamok kahihintay sa 'yo." Hinila siya nito palapit dito.
"Bitawan mo ako!" Tinulak niya ito ngunit mas malakas ito sa kanya.
Hinawakan ng lalaki ang kanyang pisngi at pinisil ito. "Huwag ka ng pumalag wala naman tutulong sa 'yo rito, hmm…"
Nakaramdam siya ng takot para sa kaligtasan niya wala gaanong nagagawi rito dahil nasa loob ang mga ito gayunpaman hindi siya nawalan ng pag-asa. Kinagat niya ang kamay nito at sinipa.
"Aray!" sigaw nito.
Tatakbo sana siya papasok loob ng bar ngunit nahila nito ang kanyang buhok..
"Hindi ka makakatakas huwag ka ng pumalag ng hindi ka nasasaktan." Sinuntok nito ang sikmura niya kaya namilipit siya sakit
"T-Tulong! Tulong!"
Hindi niya alam kung may nakakarinig sa kanya. "Gusto mo talaga na nasasaktan ka."
Kakargahin sana siya nito ngunit may humila sa lalaki kaya nabitawan siya nito. Nang tingalain niya ang lalaking tumulong sa kanya nagulat siya nang makilala niya ito.
"Aidan?"
May kasama si Aidan na tatlong lalaki ang isa rito ay dating ex-boyfriend ni Pamela. Sinuntok ni Aidan ang lalaki ng paulit-ulit hanggang sa hindi na ito makabangon. May dumating na police at dinampot ang lalaki.
Halos hindi siya kumurap habang papalapit sa kanya si Aidan. Wala itong reaksyon nang makipagtitigan ito sa kanya.
"Are you okay?" Tanong nito.
Tumango siya ngunit ramdamn niyang babagsak na ang luha niya sa pisngi.
"Where's your key?"
Binigay niya ang susi ng kotse niya at binuhat siya nito sa kanyang kotse. Si Aidan ang nagmamaneho papunta sa police station. Kailangan kasi ng statement niya para sampahan ng kaso ang lalaki. Nang matapos siyang magbigay ng statement ay muli siyang kinarga ni Aidan papasok ng kotse niya. Nakatitig siya rito habang karga-karga siya. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso niya, at hindi niya alam kung para saan ito. Hindi niya akalain na ang taong kinaiinisan niya ang tao na tutulong sa kanya. Ang dami niyang sinabi na mamalasakit dito ngunit nagawa pa rin siyang tulungan nito.
"Thank you for saving my life," wika niya.
"Marunong ka pa lang magpasalamat?" sarkastiko niyang sagot.
"Alam kong galit ka sa 'kin huwag ka ng mag-alala. Babayaran ko ang tulong na ginawa mo sabihin mo lang kung magkano.
Halos bumulagta siya sa matalim na tingin nito sa kanya. "Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa tao na tumulong sa 'yo? Gusto kong itanim mo diyan sa makitid mong utak na hindi lahat kayang bilhin ng pera lalo na ang ugali ng isang tao."
"Okay, tanggap ko na masamang tao na ako, happy ka na?"
In-start ni Aidan ang kotse niya at pinaharurot palayo sa bar na 'yon. Hindi na sila nag-usap hanggang sa makarating sila sa bahay niya. Kahit galit sa kanya si Aidan ay kinarga pa rin siya papunta sa kuwarto nito.
"Thank you," sabi niya.
Tinitigan lang siya ng masama na ito saka tuluyan umalis.
"Hays!"
Para siyang nabunutan ng tinik nang makaalis si Aidan. Tumayo siya para maligo bago matulog. Habang patuloy ang paglagaslas ng tubig sa katawan niya ay naalala naman niya ang pagsagip ni Aidan sa kanya. Hindi pumapasok sa isip niya na makikita niya ito sa bar ng mga mamayaman tao.
Siguro nagpapalibre siya kay Luis. Tsk! Pulubi talaga.
Alam kasi niyang mayaman ang dating kaibigan ni Pamela kaya siguro nakatungtong ito lugar na 'yon.
Kailangan ko mabayaran ang tulong niya sa'kin, ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya.