KABANATA 8

3089 Words
Nagising niya nang maramdaman niyang tila may mabigat na nakadagan sa kanyang katawan. Dahan-dahan niyang tininingnan kung ano ang bagay na 'yon at nakita niya ang kamay ni Aidan na nakayakap sa kanya. Tulog na tulog pa rin 'to ngunit. Halos hindi siya huminga nang dahan-dahan niyang inaalis ang kamay nito sa katawan niya. Ayaw niyang magising ito dahil baka makailangan silang dalawa. Nang mapagtagumpayan niyang alisin ang kamay nito ay bumangon siya upang maligo. Nakatulog pala siyang hindi nagpapalit ng damit. Inilagay niya sa warm water dahil malamig ang pakiramdam niya. Ilang minuto rin ang tinagal siya sa paliligo at ng mapagdesiyunan niyang lumabas ng banyo. "Ay!"sigaw niya. Hindi niya alam kung paano niya tatakpan ang katawan niya dahil biglang nagising di Aidan. Mabilis naman itong tumalikod. "I'm sorry." "Mahigpit ang pagkakatakip niya sa katawan niya kahit na nakabalot ng towel ang katawan niya. Kasalanan na naman niya dahil naging kampante siya na hindi magigising si Aidan. Kung alam lang niyang magigising na 'to ay sa loob na siya ng banyo nagbihis. "K-Kukunin ko lang ako ng damit." Tumango si Aidan na nakatalikod pa rin sa kanya. Nagmadali siyang kumuha ng damit at pumasok siya sa banyo para doon siya magbihis ng damit. Ilang beses siyang huminga ng malalim. Kanina pa siya nakabihis ngunit hindi siya lumalabas dahil nahihiya siya kay Aidan. Nilamukos niya ang kanyang mukha. "Gosh! Bakit ba ako nahihiya sa kanya? Ako ang amo niya." "Devon, hindi ka pa ba tapos magbihis kailangan ko ng gumamit ng banyo," sigaw ni Aidan sa labas ng pinto. "Lalabas na!" sagot niya. Nanginginig ang kamay niyang binuksan ang seradura ng pinto ng banyo niya ay parang slow motion niyang binuksan ito. Nakita niya si Aidan na nakapamewang sa kanya. Yumuko siya."Sorry kung natagalan ako," wika niya. Hindi siya nito sinagot bagkus ay nagmamadali itong pumasok sa banyo. "Ang sakit na ng tiyan ko," anito. Pagpasok ni Aidan sa banyo ay humarap siya sa salamin. Habang nagsusuklay siya ay bigla siyang natawa sa naging reaksyon niya. Hindi niya malaman kung paano siya lalabas ng banyo dahil sa hiya kay Aidan ang hindi niya alam ay masakit na pala ang tiyan nito at pigil na pigil dahil naghihintay sa kanya. "Devon!" Huminto siya sa pagsusuklay at hinintay niyang muli siyang tawagin nito. "Bakit?" "Pakikuha naman ng towel ko." Tumango siya at kinuha ng towel nito. Ito na ang towel mo!" Binuksan naman ni Aidan ang pinto at kinuha ang towel. "Thank you." Pang-asara siyang ngumiti. "Nakaraos ka na ba?" Namula ng mukha ni Aidan. "Kasalanan mo ang tagal mong lumabas ng banyo magbibihis ka lang naman." Sabay simangot nito at sinarado ang pinto. Hinintay niyang matapos maligo si Aidan. At nang lumabas ito ay natulala siya dahil sa magandang katawan nito. Nakadagdag pa ang pumapatak na tubig sa kanyang katawan. "Tumutulo na ang laway mo," biro nito. Mabilis siyang umiwas ng tingin. "Ang kapal mo," sagot niya. Namumula ng mukha niya na parang masusunog dahil sa perpektong katawan ni Aidan. "Let's go!" sabi niya. Paglabas nila ng kuwarto at nakaharang ang pinsan niyang si Leticia. Agad nitong pinansin si Aidan. "Good afternoon, Aidan," matamis itong ngumiti kay Aidan. Hindi man lang siya napansin ng pinsan niyang nasa harap siya nito. "Good afternoon, Cousin," sabi niya. Napadako ang tingin niya nang hawakan ni Leticia ang braso ni Aidan. Naikuyom niya ang kamay niya sa inis. "Let's go! Nagluto sila ng ginataang bilo-bilo," sabi nito. Hinila ni Leticia si Aidan samantalang si Aidan ay nakatingin sa kanya. Napilitan siyang tumango kahit naiinis na siya. Hindi na maipinta ang mukha niya habang nakasunod sa mga ito. Nasa malaking hapagkainan silang lahat kasama ang kamag-anak nila. Hindi siya pumayag na makakatabi ni Leticia si Aidan kaya naman inupuan niya ang bakanteng upuan sa tabi ni Leticia. Napansin niyang sumimangot ito. "Dito sana sa tabi ko si Aidan?" Sabay simangot nito. Ngumisi ako. "Ayaw mo ba akong katabi cousin? Hindi mo ba ako nami-miss?" Tumingin ito sa kanya at sabay irap. "Mas gusto kong katabi si Aidan ang guwapo kasi niya." Gigil na gigil siya sa pinsan niya ngunit wala siyang magawa kung hindi ang magtimpi ng galit. Hanggat maari ayaw niyang patulan si Leticia. "Anong plano n'yong gawin?" Tanong ng uncle niya habang kumakain sila. "Gusto kong mamasyal kasama ang kabayo ko," sagot ng kuya niya. "Sasama kami ni Aidan Kuya sa 'yo, kahit hindi ako marunong mangabayo ay sasama ako mailayo ko lang si Aidan kay Leticia. Umiinit kasi ang ulo ko kapag nakikita ko si Leticia na nagpapansin kay Aidan. "Marunong ba na sumakay sa kabayo ang boyfriend mo?" pang-iinsulto ng Uncle niya. Ngumiti si Aidan. "Marunong naman pero hindi magaling." Eh, 'di pahiya ka. Tinaasan niya ng kilay ang Uncle niya. Hindi na niya nagustuhan ang ugali nito. Malapit na niya itong patulan kung hindi pa ito titigil sa pang-iinsulto sa kay Aidan. "Marunong o nagpapanggap lang na marunong sa pagkakaalam ko wala naman sa Manila ang may Hacienda," wika ng uncle niya. "Huwag kayong mag-alala Uncle kapag naging asawa ko na si Aidan, dito na kami titira sa Hacienda para maturuan siyang sumakay sa kabayo? Hindi ba't pwede ko naman itong kunin ito anumang oras? Nakipagtitigan siya sa mga ito. Namutla naman ang Uncle niya at umiwas ng tingin. "O-Oo naman, huwag kang magalit sa 'kin gusto ko lang kilatisin ang boyfriend mo." "Kilatisin mo lang huwag n'yong laitin. Hindi ko siya dinala rito para laitin mo kung anong status ng buhay niya." Prangkang sagot niya. "Tama na 'yan huwag na kayong magtalo na dalawa," sabi ng Lolo niya. Naramdaman niya ang pagpisil sa palad niya ni Aidan kaya kumalma siya. Ayaw niyang magalit pero sinagad siya ng mga nito. Hindi na niya kayang sikmurain ang pang-iinsulto nila kay Aidan. Naging tahimik ang pagkain nila ng meryenda pagkatapos ay sumama na silang dalawa sa Kuya Tim niya. Habang naglalakad sila papunta sa rancho. Napansin niyang nakangiti si Aidan sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay. "Anong nginingiti mo diyan? Inis kong tanong. "Natutuwa ako dahil pinagtanggol mo ako sa Uncle mo." Umiwas siya ng tingin. "Hindi ko lang kayang tanggapin na may ibang nang-insulto sa 'yo bukod sa 'kin. Ang gusto ko, ako lang ang nanlalait sa 'yo ayoko na may ibang nanlalait sa 'yo. Hinila ni Aidan ang kamay niya at hinawakan ang bewang niya. Nagkatitigan silang dalawa. Muli namang bumilis ang t***k ng puso niya habang nakatingin siya rito. Nang magdikit yumuko si Aidan at pumikit siya at nilasap ang matamis nitong halik. Nakayupit siya sa leeg nito habang si Aidan ay yakap siya nito. "Ehem!" Bigla silang huminto nang mapagtanto nilang kasama nila ang kanyang natatandang kapatid. Magkahawak silang dalawa at ngumiti. Unti-unti na siyang nasasanay sa mga halik nito. "Ito si Black Jack at Stallion," sabi ng Kuya niya habang hinihimas ang kabayo na si Black Jack. "Ito ang kabayo kong si Black Jack, matagal na kaming magkasama nito. " Hinalikan pa ito ng Kuya niya. Hinimas naman ni Aidan si Stallion. "Si Stallion ay kabayo ng Daddy ko simula ng mawala si Daddy hindi na siya sinasakyan dahil naging mailap na siya. Hinuhulog niya ang nagtatangkang sumakay sa kanya kaya madalas siyang nandito lang. Kung hindi siguro siya kabayo ng Daddy ko marahil ay matagal na itong naibenta. Kahit kasi ang mga trainor ay hindi siya mapasunod." Lumapit si Aidan at hinimas ni Aidan si Stallion habang nakakatitig siya rito. "Wala na ang Boss mo puwede ba ako na lang?" Kausap ni Aidan. Kung ibang tao siguro ang makakita sa kanila at siguradong pag-iisipan siya ng masama dahil kinakausap niya ang kabayo. Sumigaw si Stallion at pinagalaw niya ang buntot niya. Nagulat sila nang yumuko si Stallion hudyat na gusto niyang magpasakay sa likod niya. Hinimas ni Aidan si Stallion. "Good boy." Gulat na gulat sila nang sumunod si Stallion kay Aidan. Kabayo kasi ito ng Daddy nila at nang mamatay ang Daddy nila ay wala ng nakakasakay dito dahil palagi nitong hinuhulog. Nakangiti silang dalawa habang pinapanood nila si Aidan na umiikot sa kasama ni Stallion. "Ang boyfriend mo mukhang sanay na sanay sa kabayo." Nakatingin siya kay Aidan. Unti-unti niyang nakilala si Aidan sa maikling panahon. Huminto sa harapan niya si Aidan. "Sumakay ka." Umiling siya. " Ayoko, baka ihulog ako ni Stallion hindi kami bati niya. "Trust me, hindi ka niya ihuhulog." Tumango siya at napipilitan siyang sumakay sa kay Stallion. Nasa likod niya si Aidan at si Aidan ang nag-uutos kay Stallion. Tumakbo si Stallion ng mabilis. Sa umpisa nakaramdam siya ng takot ngunit nang maradamam niya ang yakap ni Aidan ay nakapante na siya. Ang takot na naramdaman niya kanina niya ay napalitan ng tuwa dahil ngayon lang siya nakasakay kay Stallion ulit. Ang huling sakay niya sa kay Stallion na kasama ang Daddy niya ay noong labing apat na taon gulang siya, simula noon ay hindi na siya sumakay. Huminto sila may mangga kung saan kayang abutin ang hinog na mangga. Umupo sila sa damuhan habang kumakain ng mangga si Stallion ay kumakain ng damo. "Ang sarap dito sa lugar sa probinsya kaya pala gusto ng Lolo mo na dito tumira." "Maraming kasing alaala ang lugar na ito sa kanila lalo na ang mga alaala ni Daddy." Tumingin ito sa kanya. "Bakit ang Uncle mo ang nakatira sa Hacienda na ito kung kayo naman ang may-ari?" "Ang lugar na kasi na ito ang naging dahilan para mawala ang mga magulang namin." "Huwag mong sabihin ang kung hindi mo kayang ikwento." "Bumuntong-hininga siya. "Nang patawarin nila ako ay bumalik ako sa Hacienda at naging masaya ulit ang pamilya namin hanggang sa nangyari ang trahedya. Kaarawan ni Lolo noon at lahat ng kamag-anak namin ay naroon sa birthday ni Lolo. Imbitado lahat ng mga nasasakupan nila ngunit sa araw na rin iyon ay walang awang binaril ang Mommy at Daddy ko at sa harap naming lahat ng mga lalaking naka-bonet. Nahuli sila at sa kinalaunan ay namatay sa kulungan ngunit hindi na nila maibabalik ang buhay na kinuha nila." Tumulo ang luha niya kaya niyakap siya ng mahigpit ni Aidan. "Sobrang sakit ng mawala ang magulang namin kaya sa sobrang lungkot namin ay umalis kami sa hacienda at nagpasyang manirahan sa Manila." "Huwag kang mag-alala nandito lang ako para sa 'yo." Ngumiti siya. "Thank you." Tumayo siya at hinila ang kamay ni Aidan. "Maligo tayo sa batis." Tumango ito sa kanya at muli silang sumakay kay Stallion. Tinuro niya ang daan papunta sa batis. Si Stallion ay naman ay umiinom ng tubig. Lumapit si Aidan sa kanya at bigla siyang binuhat nito papunta sa may batis. "Sumigaw siya sa gulat ngunit humawak siya ng mahigpit kay Aidan. Ang lamig ng tubig mula sa batis ngunit hindi sapat iyon para mapawi ang init na nararamdaman nilang dalawa. Nagkatinginan silang dalawa pagkuway muli naman naglapat ang labi nilang dalawa. Tuluyan na siyang natangay sa mga halik ni Aidan lalo na't naramdaman niyang hinahaplos na nito ang kanyang matambok na dibdib. Hinalikan ni Aidan ang kanyang leeg at tinaas nito ang damit niya upang lumantad ang matambok niyang dibdib at sinipsip niya ang u***g niya kaya tuluyan na siyang nawala sa ulirat. Bigla silang huminto ng marinig nilang sumigaw si Stallion. Agad naman silang huminto para puntahan si Stallion. Nakita niya si Stallion na may sugat ang paa. "Anong nangyari sa kanya?" "Nahulugan ng malaking bato mabuti na lang at hindi siya naipit." Tatawagan ko si Kuya at magdala ng gamot para gamutin si Stallion. "Kinuha niya ang cellphone niya at tinawag ang Kuya Tim niya. "Bakit ka tumawag?" "Kuya puntahan mo kami rito sa batis may sugat si Stallion." "Ha? Bakit nasugat?" "Nahulugan ng malaking bato." "Sige, pupunta na ako diyan." "Salamat " Binaling niya ang tingin kay Aidan na hinihimas ang ulo ni Stallion parang bata naman si Stallion na nagpapalambing sa kanya. Ngayon niya mas nauunawaan na may feelings din ang mga kabayo. "Hindi naman aksidente na nahulugan siya ng bato sinadyang ihulog sa kanya 'yon." Nagsalubong ang kilay niya. "Sino naman ang gagawa no'n sa kanya? At ano naman ang laban ng kabayo sa tao?" Seryosong tumingin si Aidan sa kanya. "Mukhang hindi nila gusto na nandito ka?" Naguluhan siya sa nangyayari. "Bakit ako?" "Kanino ba nakapamana ang hacienda na 'to?" "Sa 'min dalawa ito nakapangalan ang hacienda na ito at kapag may masamang nangyari sa 'min dalawa ni Kuya ay mapupunta ang mga ito sa charity namin. Ginawa ang testamento na iyon para walang magtangka ng masama sa'min dito dalawa ni Kuya." "Pero may gustong magpaalis sa 'yo rito." "Devon!" Sabay silang lumingon nang makita nila si Tim na may dalang medicine kasama niya ang nag-aalaga kay Stallion. "Kuya Tim!" lumapit sila sa Kuya niya. "Anong nangyari?" Pinuntahan nila si Stallion at ginamot ang sugat nito. Hindi na sila sumakay kay Stallion bagkus ay sumakay sila sa sasakyan kung saan pwedeng sumakay si Stallion. Hindi na kasi siya pinaglakad para hindi na ito mahirap. "Basang-basa sila ni Aidan ng bumalik sa mansyon." "Sana kayo galing?" nakataas ang kilay ni Letician sa kanya. Huminto sila. "Namasyal kami at pumunta ng batis." Tumingin si Leticia kay Aidan. "Anong ginawa n'yo?" Ngumisi siyan "Bakit kailangan namin sabihin sa 'yo kung anong ginawa namin sa batis? May magagawa ka ba kung nagtalik kami doon?" inis niyang sabi. Tumalikod sa kanila si Leticia ata umalis. Lantaran na ang pagpapakita ni Leticia kay Aidan. Mabuti na lang ay walang gusto sa kanya si Aidan. "Let's go!" Hinila niya si Aidan papunta sa kanilang silid. "Mauna ka ng maligo mamaya na lang ako," sabi ni Aidan. "Sigurado ka?" tanong niya. "Tumango ito sa kanya at ngumiti. "Yes, Babe." "Okay, sige mauna akong maligo. Kinuha niya ang towel ay pumasok siya sa banyo. Hindi siya naligo ng matagal dahil ayaw niyang maghintay ng matagal si Aidan, sigurado kasing nilalamig na ito dahil basa ang katawan niya. Pagkalipas ng kinse minutos ay lumabas ma siya. "Ikaw naman ang maligo." Tumango si Aidan at pumasok sa banyo, siya naman ay nagbihis at nang matapos siyang magsuklay ay naisipan niyang magdala ng pagkain sa kuwarto nila. Lumabas siya para kumuha ng pagkain. Ngunit bago pa siya makarating sa kusina ay nakita ni si Leticia na nakasandal sa dingding ng hallway at nakatingin sa kanya habang nakahalukipkip ang kamay. Nilampasan niya ito ngunit narinig niyang tinawag kaya huminto siya. "Devon!" Umarko ang kilay niya. "Bakit?" Lumapit sa kanya si Leticia. "Siguro naman alam mong may gusto ako sa boyfriend mo." "Oo, alam ko, ang kapal nga ng mukha mo, alam mo ng boyfriend ko siya nilalandi mo pa." Tumawa si Leticia. "Wala ka naman karapatan sa kanya dahil hindi naman kayo kasal puwede ko pa siyang maagaw sa 'yo." Kuyom ang kamao ko sa galit sa kanya. "Yan ba ang plano mo kaya ka nagpapansin sa boyfriend ko?" Nameywang siya. "Wala ka naman napangahahawakan sa kanya hindi mo naman siya asa— ouch!" Napahawak ito sa kanyang mukha. Hindi siya nakatiis sinampal niya ito. "Hindi lang 'yan ang matitikman ko kapag nilandi mo ang boyfriend ko." Tumalikod siya at naglakad papunta sa kusina. "Natatakot ka lang na baka iwan ka lang ulit at ipagpalit sa iba tulad ng ginawa sa 'yo ng ex-boyfriend mo!" Pigil na pigil siya upang huwag patulan si Leticia. Ilang beses siyang huminga ng malalim para mawala ang mabawasan ang inis niya kay Leticia. "Senyorita, okay lang po ba kayo?" tanog ng katulong. Napansin kasi nito na nanginginig ang kamay niya sa labis na inis. Hindi niya matanggap na maging magkasintahan si Aidan at Leticia. Hindi imposibleng mangyari 'yon dahil siyam na araw lang niyang boyfriend si Aidan at tatlong araw na lang ay matatapos na ang kontrata nila bilang magkasintahan. Tumango siya. "Okay lang naman ako. " Kinuha niya ang pagkain na pinahanda niya sa katulong pagkatapos ay bumalik siya sa kuwarto. Nakabihis na si Aidan ng bumalis siya at bukas ang Smart TV. "Tamang-tama pala na nagdala ako ng pagkain dahil nanonood ka ng movie." "Tamang-tama dahil gutom na ako," sagot niya. Inilagay niya sa table ang mga pagkain at sinimulan nilang kainin. Pinagmamasdan niya si Aidan habang nonood sila ng movie. Napansin Na naman 'yon ni Aidan. "Masyado ba akong guwapo kapag bagong ligo?" biro niya. Umiwas siya ng tingin dito. "Ang kapal ng mukha mo." "Alam mo napapansin ko nagiging mabait ka na sa 'kin." Humarap siya rito sabay taas ng kilay. "Mabait naman ako sa 'yo?" Tumango ito. "Nagiging suplada ka na sa mga kamag-anak mo." Bigla niyang naalala si Leticia. "Aidan, may itatanong ako sa 'yo." "Hmm.. ano 'yon?" "Kung matatapos na ang kontrata natin may balak ka ba na ligawan si Leticia?" Tumawa sita. "Bakit naman nadamay si Leticia?" "Gusto ko lang malaman kung may balak kang ligawan siya." "Well, kung gusto mong ligawan ko siya gagawin ko." "Ayokong ligawan mo niya." Mabilis kong tinakpan ang labi ko. Huli na para baguhin ko ang sinabi ko. "Nagseselos ka ba sa kanya?" Ilang beses siyang umiling. "Hindi noh, asa ka!" Sabay iwas niya ng tingin. "Seriously, wala akong gusto sa kanya. Hindi kasi siya ang tipo kong babae. Ang gusto kong babae ay suplada, mataray with a good heart like you." Parang sasabog ang puso niya nang marinig niya ang sinabi ni Aidan. Kulang na lang ay yakapin niya ito dahil sa tuwa. Ngayon alam na niya ang ibig sabihin ng kabog ng dibdib niya. Mahal na niya si Aidan at yon ang sigurado. "Ang ganda ng movie na 'to," ani Aidan. Tumingin siya sa pinapanood nito at nakita niyang action movie ang palabas. Kinuha niya ng ice cream ay kinain niya iton ngunit biglang nakain sa kanya si Aidan. Sumimangot siya. "Bakit mo binawasan?" "Ang damot mo naman tinikman ko lang kung masarap ang flavor." "Meron ka naman ng sa 'yo." "Mas masarap ang flavor ng sa 'yo." "Kulang pa sa 'kin 'to." Sabay irap niya. "Hmpt! Ang damot mo naman," ani Aidan. "Tinaasan niya ito ng kilay. Ako pa talaga ang madamot. Kumuha na nga ako ng para sa 'yo." "Huwag ka ng magalit tikman mo na lang 'yung sa 'kin. " Parang bata sila na nag-aaway dahil sa ice cream. Sumadok siya ng isang scoop para tikman. Cheez flavor kasi ang sa 'kin samantalang kay Aidan ay mango flavor. "Masarap naman siya bakit ayaw?" "Hindi ko naman sinabing ayaw gusto ko lang ng ice cream mo." "Okay, share na lang tayo sa ice cream natin." Ngumiti si Aidan. "Maganda yan naisip mo." Habang nanonood sila ng movie ay naghahati sila sa pagkain ng dalawang flavor ng ice cream.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD