Tarvy Alistair Zuchary Shelton

3574 Words
"DAD," tawag ni Cypher sa ama. Napapikit na lang ako ng mariin. Parang nanghihina ang mga tuhod ko sa sobrang kabang nararamdaman ko para sa taong iyon. I feel like jelly in front of him. Na para bang konting mali ko lang ay feeling ko lalapain na niya ako. Yes, he's a monster. A devil hiding in a handsome human form. At hindi ko ipinagkakaila iyon. Pero hindi porke't pinuri ko siya ay may gusto na ako sa kanya okay? It's just that I'm stating what is obvious. You see, he's the epitome of a god. 'Yung mga taong tinatawag nilang greek god? Basta gano'n! From his pointed aqua-blue eyes, na para kang nalulunod sa ilalim ng dagat lalo na kapag tinitigan mo. That soft arch of eyebrows na daig pa ang babaeng laging nagkikilay sa perfect ng pagkakahulma. 'Yung pointed nose na parang ang sarap pisilin sa sobrang tangos na bagay naman sa kanya. That firm and perfect jawline na talaga namang nagpalakas lalo ng datingan niya. And those thin, red lips he has—na parang napaka-kissable sa paningin. Tapos 'yung aura niya pang parang sinasabi sa 'yo na 'Hey, I'm a god. You should obey me!' Gano'n! What the hell?! Kailan pa ako naging mapanuri pagdating sa features ni boss?! Well, as far as I can remember, it happened once. Noong unang beses siyang pinakilala sa akin ni Blythe. —Flashback— "Ayan, puwede ka ng lumabas. But before that, I would like you to meet this certain person. Maybe he can wake up some of your memories." Napahinto naman ako at nagtatakang napatingin kay Blythe ng sabihin niya iyon. Kasalukuyan kaming nasa loob ng private room ko dito sa hospital at after ng halos tatlong buwan ko nang pananatili dito mula noong nagkamalay ako mula sa mahigit isang taon kong pagkaka-coma ay ngayon lang siya may gustong ipakilala sa akin. "Who is that?" walang emosyong tanong ko naman sa kanya. Mula rin ng malaman ko na may amnesia ako ay hindi na ako nagpakita pa ng kahit anong emosyon sa iba. Kay Blythe, sa mga doctors and nurses, even to those people who were just trying to approach me. Having no memories at all is like breathing but being dead inside. And that's what I'm feeling right now. I feel like I'm alive but still dead inside because I have nothing in my mind that can tell me who I really am. I'm not even sure if all that information they've fed me is true or if they're just making up stories for me to believe. And I can feel it; there is something that Blythe is hiding from me. And because of that, I built high walls inside me. If they don't want me to know it, I'll make my own move to learn it on my own. So I wear a cold and blank facade every time. Para na rin hindi ako mas'yadong magtiwala sa kanila. Napahinto ako sa pag-iisip ng dahan-dahang bumukas ang pintuan ng kuwarto. Naghintay ako na may pumasok doon at hindi naman ako naghintay nang matagal. A brusque man entered the room with a cold, stiff, and blank aura, which made me stare at him for a bit. At sa ilang segundong 'yun ay agad kong inilarawan sa isip ko ang pambihirang ganda ng mukha at katawan niya. Start with his posture. That abs on his abdomen na bakat na bakat dahil na manipis at fitted na white long sleeve na tanging suot ng lalaki. His biceps look so firm, lalo na at nakatupi lagpas siko niya ang sleeve. And from those deep sets of aqua blue eyes, the same as the color of the dark blue ocean, came the perfect set of eyebrows: na parang iginuhit lang sa taas ng mga mata niya. Those pointy noses, na bumagay sa hulma ng mukha niya. Then the perfect jawline completed his manly look and aura, and lastly, those red lips were tempting me to kiss them. Okay, was I kind of this perverted before? "Eerah? Does his face ring a bell?" tanong ni Blythe na nagpabalik sa ulirat ko. Agad akong napatingin sa kanya bago ako dahan-dahang umiling. Though his face looks familiar because I think I have seen this type of face in women's magazines before, it is not familiar enough to awaken my memory, just like Blythe said a while ago. "Nope," blankong sagot ko pa. Napansin ko naman ang pagkuyom ng mga kamao ng lalaki at ang pagtalim ng mga mata nitong nakatingin sa akin bago walang emosyong nilingon si Blythe. "This is nonsense, Blood. Just tell her what we really are and what she needs to do for me," blankong utos naman ng lalaki kay Blythe kaya napatingin agad ako kay Blythe. Is that the thing I felt him hiding from me? "What is it, Blythe? Tell me what it is it?" naluluhang tanong ko kay Blythe sabay hawak pa at yugyog sa magkabilang balikat niya. Ewan ko but knowing that I can now know what that missing piece is in my head, ay hindi ko mapigilan ang maging emosyonal. Nagulat na lang ako ng bigla ay hinila ako nang lalaki papalayo kay Blythe tsaka mahigpit akong hinawakan sa magkabila kong balikat. Napangiwi pa ako sa marahas niyang pagkakahila sa akin. Now it seems like the table is turning. Nagtatakang napatingin ako sa lalaki habang siya naman ay walang kahit anong emosyon ang mukhang nakatingin sa akin. Pero batay sa nakikita kong kislap sa mga mata niya ay may kung anong mga naghahalo-halong emosyon akong nababasa roon. "Look, miss, you are Lexine Eerah Galvez, the Head of the Reapers, under Shelton Mafia named Heippies. You are the Legendary Heippies, who's good at k*lling people without mercy. You're not just an ordinary person, but you had a great responsibility to the mafia, and I know you can feel that," seryosong sabi ng lalaki sa akin na nagpalaki ng mga mata ko. I'm what? A reaper? And what the hell is that? And what about the mafia? Ako?! Member ng isang mafia? Seriously?! And Legendary Heippies? K*lling people without mercy? Really? I can do that! "And me? I am none other than your boss. I'm Tarvy Alistair Zuchary Shelton, the Mafia boss of Shelton Mafia, famously called Death. And I am the only person you should follow and believe, do you understand?" puno ng otoridad na tanong niya sa akin and I just found myself nodding at him. —End of Flashback— F*ck! Now that I remember, parang simula pa lang pala ay may authority na akong nadama sa kanya. Biruin mo 'yun, sinabi niya lang naniwala naman agad ako? Samantalang nang kay Blythe ay dudang-duda pa ako. Aist. Kung anu-ano na naman ang pinag-iisip ko. 'Pag talaga nasa tabi-tabi lang ang lalaking 'yan ay natotorete ang utak ko. Kung anu-anong pinag-iisip ko na puro walang kabuluhan. Tss. I swiftly turned as I bowed gracefully to greet him. Nagulat naman ako ng makita na talagang ilang dipa lang ang layo niya mula sa akin at talagang tapat na tapat pa siya sa likod ko. Mabuti na lang talaga at nakayuko agad ako. Eh kasi naman. Bakit ba naman kasi sa lahat ng pupwestuhan niya ay ang napili pa niya ay sa likod ko? Okay lang sana kung may isang metro pa ang layo niya, eh ang kaso lang—Ilang dipa lang ang layo niya sa likuran ko! Paulit-ulit 'di ba? Kakasabi ko pa nga lang na nag-jejelly ang mga tuhod ko sa presensya niya pa lang, mano pang malaman ko na ilang dipa lang pala talaga ang layo niya mula sa likod ko? "Good evening, Your Highness," sabay pa naming bati ni Blythe. Seryosong nag-angat ako ng ulo pero anong gulat ko ng makita ang matatalim na tingin niya sa akin. Remember, nasa harap ko lang siya kaya naman nagulat talaga ako sa way ng tingin niya sa akin. Sa gulat ko ay napaatras pa ako ng isang hakbang. Bakit ba kasi nakakatakot ang aura ng lalaking ito? Ultimo ako, na kinatatakutang reaper ng Shelton Mafia, ang Legendary Heippies ay agad na tumitiklop sa nakakatakot na aura niya. Sino ba namang hindi kung lagi kang titingnan ng mga mata niyang laging malamig kung tumingin sa 'yo. Maninigas ka na lang sa sobrang kaba dahil parang konting mali mo lang ay kagagalitan ka na niya. Buti sana kung galit in a verbal way lang. Paano kung sa galit niya ay mapapatay ka na niya sa tingin pa lang. Buti na lang at hindi kailan man nakamamatay ang tingin. Kung 'di, halos maubos na sana ang Shelton Mafia sa talim ng mga tingin niya sa amin, lalo na sa akin. Nagtataka talaga ako kung bakit base naman sa mga kwento ni Cypher sa akin, ang ama raw niya ang pinakamabait na mafia boss. That his father is the best father and, at the same time, the best mafia boss. Sa totoo lang baby, I can't find any goodness in your daddy's aura. Or baka sa harap ko lang siya gan'yan? Kasi naman base sa mga naririnig ko sa ibang mga reapers din ay mabait naman daw siya. Well, 'asan ang mabait diyan ha? Letse! Kulang na lang ay lamunin na talaga ako nang buhay! Ang unfair lang! Ngali-ngali ko namang pinigilan ang planong tarayan na lang ang mafia boss na ito. I love myself, kaya naman todo pigil na lang ako sa sarili. Since I am the famous Heippies, I composed myself and recovered. Well, doon naman ako nakilala eh. A very composed reaper in front of her enemy. And yes, I treat this boss of mine as my enemy. Enemy in regards to getting Cypher's love and attention, kidding. "Let's go Elevic," pag-aya ni boss sa bata matapos ang ilang segundong pagtitig niya sa akin na agad namang sinunod ni Cypher. "Blood, do your job now. And you," sabay lingon niya ulit sa akin. I just remained stiff and blank as I stared back at him. "Come with us. And don't forget to bring Elevic's things with you. Let's go." utos niya sabay talikod at lakad papasok sa mansyon kasunod si Cypher na katulad ng ama ay wala ring kaekspre-ekspresyon sa mukha. I prevent myself from making a face behind him. Nakakainis talaga ang lalaking 'yun! "Oh, come on, Eerah, don't do that face. It's disgusting." Natatawang asar sa akin ni Blythe na hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin. "Oh, shut up, Blood! Kung ayaw mong sa 'yo ko maibuntong ang galit ko. Kingina talaga ng lalaking 'yun! Argh!" nanggigigil na pabulong kong reklamo. "Hahaha...Fvck! Nakakatawa ka talaga Eerah kapag natiklop sa harap ni Ali," natatawa pa ring pang-iinis pa ni Blythe lalo. "I said shut up, Ravin Blythe Shelton Fontanella! Oh, just shut up and give me the fvcking bag!" nanggigigil na sigaw ko kay Blythe, na nagpanguso lang naman sa kanya na parang bata. And yes. The boss and Blythe were cousins. Well, Blythe's mother and the former mafia boss, who is the current mafia boss' father, were siblings. So yeah, magpinsan talaga sila. Agad naman naisara ni Blythe ang bibig habang nakataas pa sa ere ang magkabilang kamay. "Easy Heippies. 'Di ka naman mabiro," nakangusong sabi niya pa sabay bukas ng pinto ng kotse niya at bato sa akin ng bag na agad ko namang nasalo. "Aray naman! Kaya ayaw kong ako ang sumusundo sa inyo eh. Ako lagi ang napagbubuntungan mo ng galit. Psh. Wawa ka naman Ravin Blythe, wala talagang nagmamahal sa 'yo," rinig ko pang pagkausap ni Blythe sa sarili. Napailing na lang ako sa kabaliwan niya. Mu'ntimang talaga. Aish! Bahala ka diyang magdrama mag-isa. Abnormal. "MOM—" Kaagad kong tinakpan ang bibig ni Cypher nang balak niya sana akong tawaging mommy. D*mn, baby, if you want mommy to live, don't try calling me mommy inside this house. Lalong lalo na at nasa kuwarto tayo ninyo ng daddy mo. And yeah, ginawa na naman po akong babysitter ng magaling na ama ng bata. 'Yung feeling na babysitter na nga ako sa labas ng mansion, babysitter pa rin ako pagdating sa loob ng mansion. Buti sana kung iyon talaga ang propesyon ko, eh ang layo naman ng pagiging babysitter sa pagiging reaper ko. Buti na lang at kapag nalabas silang mag-ama ay hindi na ako sinasama. Kung hindi, maging doon ay babysitter na rin ako ni Cypher. Ako na ang dakilang babysitter ng taon! Haist, 'yung totoo, boss? Reaper po ako, not a nanny nor a babysitter. Psh. "Don't, baby, okay? Gusto mo bang mamatay ang mommy?" mahinang bulong ko sa kanya habang pinagpatuloy ko naman ang pagdadamit sa kanya. And opo, nasa kuwarto po kami ng mahal na hari at ang kanyang prinsipe at kasalukuyan kong binibihisan ang prinsipe—alangan naman ang hari 'di ba? Aish. Eerah, kailan ka pa naging pervy? Anyway, so 'yun na nga, binibihisan ko ang baby ko habang nagdadamit naman ang hari sa closet nila. Kaya naman todo bulong na lang ako kay Cypher at baka marinig pa nga ni boss. Ayoko namang masistensyahan ng wala sa oras. Alam ko marami na kayong katanungan at marami na kayong hindi maintindihan. Pero susubukan kong sagutin 'yan ng paunti-unti lang. Una, bakit ako ang nag-aalaga kay Cypher? First. Well, kasi nga 'di ba ako ang pinakamagaling na reaper nila kaya sa akin ipinagkatiwala ng mahal na hari ang buhay ng anak niya. At s'yempre no choice si ako kung 'di ang um-oo. Ewan ko nga ba pero may mga knight naman siyang mas mapagkakatiwalaan niya pero ako pang walang maalala tungkol sa sarili ang naisipan niyang pagbantayin sa anak. Pasalamat siya at mukhang nasa lahi na 'ata naming mga Galvez, kung saan man ako nagmula, ang pagiging magaling pagdating sa pakikipagbakbakan. At pag-aalaga ng bata. Pangalawa, nasan ang ina ni Cypher? Tinanong ko na rin 'yan dati kay Blythe, kay Cypher, at sa mahal na hari pero ang sabi lang nila ay nakidnap daw, based on Blythe's story. Nawawala naman daw sabi ni Cypher. At patay naman ang sabi ng mahal na hari. Oh, 'di ba, ang sync lang naman ng mga sagot nila? Halatang pinag-usapan. Hindi ko tuloy alam kung kanino ang paniniwalaan ko. Well, kahit ako ay walang alam tungkol sa bagay na 'yan since galing nga ako sa isang taong pagkaka-coma dahil sa isang misyon na ibinigay sa akin noon ng ang dating mafia boss pa ang namumuno. 'Yun daw ang naabutan ko eh. Nang naging reaper daw ako ng mafia ay under na ako sa pangangalaga ng ama ni boss. Base rin sa kwento sa akin ni Blythe na siyang bestfriend ko raw ay magkasama kami noon sa isang misyon at ako ang naiwan sa kotseng sinasakyan namin ng sumabog iyon. Buti na lang at naagapan agad ako ng mga magagaling na doctor ng mafia at nagamot ang nasunog kong katawan. Nga lang, na-coma naman ako ng halos isang taon. Nawala naman lahat nang sugat na nakuha ko mula sa katawan maliban na lang sa pahabang sugat ko sa tiyan. Hindi nila alam kung saan galing 'yun at maging ako ay walang maalala. Up until now, na halos ilang taon na ang lumipas mula ng magising ako ay wala pa rin akong maalala. Pero naniniwala ako sa sinabi nila dahil nananatili sa akin ang lakas daw na mayroon ako noong hindi pa ako nagka-amnesia. Tsaka kung nagsisinungaling sila ay dapat, patay na ako ngayon. Sa dami ba naman ng nakalaban ko noon lalo na ng mapunta sa pangangalaga ko si Cypher ay maraming beses na ring nailagay sa panganib ang buhay ko. Anyway, enough of my story. Back to the mahal na hari na tayo and his family. Pangatlo, ay napunta ako sa sitwasyong ito dahil noong nag-isang taong gulang si Cypher, ay kinausap ako mismo ng mahal na hari na ako na raw muna ang mag-aalaga sa bata dahil nang mga panahong iyon, magulo pa ang mundo ng mafia. Sa pagkakaalala ko nga noon ay nasa kalagitnaan kami noon ng selebrasyon sa unang kaarawan ni Cypher noong bigla na lang kaming pinasok ng mga lalaking pulos mga nakaitim at may kanya-kanyang mga hawak na baril. Tapos bigla na lang akong hinila ni Blythe papunta sa isang kuwarto at nagulat ako ng makita doon si boss na nakatayo karga-karga ang isang taong gulang na si Cypher. Ang tanging naalala ko na lang noon ay ang pag-oo ko dahil sa gulat at kabang naramdaman ko ng mga oras na 'yun. Hindi ko nga alam ba't ako kinakabahan no'n eh! Pinakarga pa ni boss sa akin ang bata. Hindi ko nga rin alam pero naluluha pa ako nang mahawakan ko si Cypher, pero pinigilan ko lang dahil nasa harap ko si boss. Kaya mula noon ay itinuring ko nang parang tunay kong anak si Cypher. I treat him like I will treat my future child. Siguro, parang practice ko na rin in case mahanap ko man ang mapapangasawa ko in the future tapos magka-anak kami. Pero seryoso, kahit pa siguro magka-anak ako at magkaroon ng sariling pamilya, I will never let Cypher na mawala sa isipan ko. I will still treat him as my firstborn child. Naaawa kasi ako sa bata. Lumaki siya na iba ang nag-aalaga sa kanya. Sabihin na nating lahat binibigay ni boss sa bata, and I am there to be Cypher's temporary mother, but it was still different to have a complete family, his real family. And yet, he still accepted and understood everything. He doesn't know who or where his mother is. He's not even sure if his mother's still alive or not. Tapos gusto pang punuin ni boss ng mga kasinungalingan noong bata pa si Cypher. Na I shouldn't tell him about the mafia and such. But I never told him lies, 'gaya ng utos ng mahal na hari. Kaya naman lumaki si Cypher na alam ang lahat. At 'yun ang gusto ko, ayokong pakainin ng mga kasinungalingan ang bata. Ayokong lumaki siyang puro kasinungalingan lang ang alam. I don't want him to be like me—a person who lives with lies. "Dad, why are you wearing a shirt and pants like that? Are you going somewhere?" tanong ni Cypher sa ama na nagpabalik sa akin sa wisyo. Nakagat ko na lang ang labi ko bago tumayo sa pagkakaluhod sa harap ni Cypher. Sa sobrang dami kong kwento nakalimutan kong tapos ko na pa lang damitan si Cypher. Napaatras na naman ako sa sobrang gulat nang makitang nasa likod ko na naman siya nakapuwesto. Seriously? Anong mayro'n ba sa likuran ko? Bakit ba gustong-gusto niyang sa likod ko pumupuwesto?! Napayuko na lang ako bilang paggalang ulit. At para hindi niya makita ang pag-irap ko. "Tapos na po, Your Highness. And sorry for forgetting to tell the Young Master that you two were going somewhere." Naka-yuko pa ring turan ko. Pagkatapos ay nag-angat na ako ng tingin. This time, I prepared myself for the worst dahil ayoko ng magulat ulit. Kaya naman hindi na ako nagulat nang makita ang nakakunot niyang noo. Now, what? Feeling ko talaga may hidden resentment or what sa akin ang lalaking ito eh. At tsaka hindi talaga ako naniniwala sa sinasabi ni Cypher na mabait 'daw' ang daddy niya. Saang parte naman kasi? Nako talaga, kung may galit siya sa akin sabihin na lang niya ng makalipat na ako sa kabilang mafia. Wala naman akong ginagawa sa kanya pero 'pag ako ang kaharap niya, ramdam na ramdam ko ang black aura niya. Idagdag mo pa ang walang sawa niyang pag-kunot ng noo, death glare, at ang walang kamatayan niyang pagsusungit sa akin. Now tell me, where is the 'good' in that? "Change your clothes too. We'll wait for you in the car." malamig na utos ni boss sa akin habang nalapit kay Cypher. Napatanga naman ako at nakaturo pa sa sariling tinanong ko siya. "A-ako your highness? But why—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng muli ay hinarap niya ako. At dahil nga sa nasa tabi ko na siya ay nagulat ako ng makita ang lapit namin sa isa't isa. Wah! Bakit ba kasi bigla na lang siyang humarap sa akin! Nako naman! Halos isang dipa na lang ang layo ng mukha niya sa akin at amoy na amoy ko na ang fresh mint sa hininga niya. Kung kanina ay umaalingasaw ang amoy ng shower gel na gamit niya pagkalabas niya ng banyo ay ngayon nama'y amoy na amoy ko na maging ang mint flavor ng toothpaste niya. Nakayukong napaatras na lang ako palayo sa kanya. I can feel my cheeks reddening. Ang init din ng mukha ko. Kinikilig ba ako? Kingina. Oh, please not for him! Kahit kay Blythe na lang basta 'wag lang sa letseng ito! "Just fvcking go and change your clothes and meet us at the car. Stop asking anymore," masungit na asik naman ni boss. Napanguso na lang tuloy ako. Ano na namang ginawa ko. Napaka talaga ng lalaking 'to! Grr! "Y-yes, Your Highness," muling yukod ko bago nilingon si Cypher para magpaalam. Hindi ko naman napigilang mapataas ang kilay nang makita ang nakangising mukha sa akin ni Cypher. "Did you just blush for daddy?" nakangising asar sa akin ni Cypher na agad nagpalaki ng mga mata ko at mas nagpalala ng pag-iinit ng namumula kong mukha. What the hell?! Cypher Elevic Shelton! Humanda ka sa akin 'pag binalik ka sa 'kin ng daddy mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD