Isang buntonghininga muna ang pinakawalan ko bago ko itulak pabukas ang malaking pintuan ng mansion.
Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako ngayon. Kanina pa nga lang na namimili ako ng isusuot pagkatapos akong sabihan ng isang katulong na magsuot daw ako ng damit na komportable ako, dahil isasama raw nila ako sa bonding ng mag-ama at para na rin maging bantay nila as a reaper.
Paalala pa niya na magsuot ako ng damit na hindi ako pagkakamalan na masamang tao.
Like, grabe boss, ah? So mula simula feeling mo mukha akong masamang tao gano'n?
Grabe talaga! Mukha bang pang masasamang tao ang mga suot ko?
Kadalasan kasi kapag nasa mansyon ako, naka-denim pants ako lagi. Kahit kapag nasa mga misyon ako ay ganang mga damit ang suot ko. Mas komportable kasi akong kumilos kapag ganoon.
So 'yung mga damit kong gan'yan ay pang masasamang tao na pala gano'n? I mean 'yung mga damitan kong 'yun ay nagmumukha na akong masamang tao?
Pero 'pag kami ni Cypher ang magkasama? I can dress and act freely 'gaya ng gusto ko. Tsaka sayang naman ang mga dress ko raw na nasa closet ng kuwarto ko sa mansion kung hindi ko naman nasusuot.
Kaya naman hindi talaga ako komportable. This will be the first time that I will wear a dress in front of the boss. Hindi lang 'yun, nagpaganda pa talaga ako!
Pero uy, hindi ako nagpaganda for him ah! 'Gaya nga ng sabi niya, I should wear a comfortable outfit. And I am comfortable if I wear a dress and put on at least a powder and a lipstick. Sa katunayan nga niyan ay may blush on pa at fake eyelashes akong suot kapag kami lang ni Cypher ang magkasama. At dahil ayaw ko namang ma-misinterpret ako ni Boss kaya lipstick na lang at pulbos ang nilagay ko maliban sa pabango.
Agad na bumungad sa akin ang kotse kung saan nakita kong nagtatawanan ang mag-ama noong mabuksan ko ang pinto. Hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti dahil sa closeness ng mag-ama.
Akala ko noon ay malupit na ama si boss kay Cypher. Base na rin sa profile na mayroon siya as the mafia boss. Pero ngayon ay mukhang napatunayan ko na, na totoo ngang malambot ang puso niya when it comes to his only son.
At kahit papaano ay may katotohanan naman ang mga sinabi ni Cypher sa akin. Well now I believe that he's great and a good father. Pero 'yung great and good boss? Nah. H'wag na lang Cypher.
Bigla namang napatingin sa akin si Cypher at mas lalong lumawak ang mga ngiti niya. Ibubuka na sana niya ang bibig niya ng senyasan ko siyang 'wag ng magsalita.
Paniguradong tatawagin niya lang ako ng mommy. Baka marinig pa ng daddy niya.
Mukhang napansin naman ni boss na hindi na tumatawa si Cypher sa pangingiliti niya at nakatingin na lang sa likod niya kaya naman dahan-dahan niyang ibinaba si Cypher mula sa pagkakakarga niya at tsaka humarap sa akin.
Doon ko lang napansin na terno pala ang suot ng mag-ama. Pareho na silang naka kulay navy blue blouse at jeans. Pareho ring messy ang may kahabaan nilang mga buhok. And they really look like each other.
Wala sa sariling napalingon naman ako sa damit ko ng maalala ang damit ng mag-ama.
I wore a simple fitted dress na hindi lalagpas sa tuhod ang haba. Nakasuot din ako ng three inches high heels. At ang nakakagulat lang ay ang kulay din ng dress ko ay navy blue dahil sinadya ko talaga iyon para terno kaming baby ko.
Pero 'di ko inakalang navy blue din pala ang suot ni boss–Teka lang, hindi naman 'yan gan'yan kanina eh! Kulay green 'yun noong una!
Yuyuko na sana ako para magpaalam ulit ng makita ko ang natatawang tingin ni Cypher sa ama kaya naman napalingon din ako kay boss. Doon ko lang napansin na nakatingin lang sa akin si boss.
And ako lang ba o talagang may kakaiba sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Why can I see sadness, misery, and, is that...Longingness?
"Dad! I know she looks dashing with her dress but can we go now?" biglang singit ni Cypher.
Dali-dali naman akong umiwas mula sa tinginan namin at agad na nayuko.
"I-I'm sorry, Your Highness. I'll change my dress if you li—"
"Nah'. Just get in the car. You consumed minutes of our time already and I won't let that become an hour," singit ni boss sabay bukas ng pintuan sa back seat.
"—ke...O-okay your highness." Napabuntonghininga na lang ako tsaka naglakad na papalapit sa kotse.
Bago pa man pumasok sa kotse si Cypher ay kinindatan niya muna ako bago natatawang pumasok na sa loob ng kotse. Napanguso na lang tuloy ako sa kapilyuhan ng batang 'yun. Mukhang 'yun lang 'ata ang hindi niya namana sa ama niya.
Naiiling na pumasok na lang ako ng kotse.
KASALUKUYAN kami ngayong nasa loob ng kotse. Magkatabi ang mag-ama sa backseat samantalang katabi ko naman ang driver sa passenger' seat. At kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko dahil sa pagiging uncomfortable ko ngayon.
Ramdam na ramdam ko kasi ang eyebags ko dahil sa hindi na ako nakatulog pa mula ng magising ako kaninang madaling araw. Idagdag mo pa na nakikita ko ngayon at naririnig ang mga ngiti at tawa ni boss. Makikita mo talaga ang genuine na ngiti, tawa, at saya niya habang nakikipagharutan sa anak niya.
Well yes it made me uncomfortable, but not in a way na hindi ko maatim 'yun. It was a type of being uncomfortable na hindi ka mapakali pero hindi pangit sa pakiramdam. Basta, something like that.
And I am quite amazed, actually. This is my first time kasing makasama sa bonding date ng mag-ama. At ito rin ang unang beses na makita ko ang gan'yang reaksyon mula sa mukha ng mahal na hari. Napakalayo talaga kumpara sa laging nakakunot niyang noo, walang reaksyong mukha, at masungit na aura.
Feeling ko tuloy ay hindi isang kinatatakutang mafia boss sa buong mundo ang nakikita ko ngayon kung 'di isang mapagmahal na ama sa kanyang anak ang nasasaksihan ng mga mata ko.
"Daddy, are we there yet? I'm hungry na." Nakangusong paglalambing ni Cypher sa ama.
"We're almost there son. But do you want to eat first?" malambing namang tanong ni boss sa anak.
Hays...Kakaibang power talaga 'ata ang mayroon sa batang 'yan. Biruin mo, ako na laging blanko ang mukha, bihirang ngumiti sa harap ng ibang tao, at palaging malamig ang pakikitungo sa iba ay nag-iiba kapag si Cypher na ang kaharap ko.
Lagi akong nakatawa sa kanya. Napapangiti niya ako kahit sa simpleng bagay lang. At parating malambing ang boses ko kapag siya na ang kausap ko.
At mukhang namana niya iyon sa kanyang ama. 'Gaya kasi ni Cypher ay may gano'n ding epekto sa akin si boss.
Ang dating walang inuurungan ay sa simpleng presensya niya lang ay nanginginig na ang mga tuhod ko. Ang dating batong reaper ay unti-unting nanlalambot kapag nababalingan ng mga mata niya. At ang dating reaper na walang kinatatakutan ay nagkaroon ng kahinaan. I can't tell it and make a confirmation but I think, Cypher and boss became my weakness.
Weakness ko si Cypher kasi feeling ko, ikamamatay ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Na baka hindi ko kayanin kapag napahamak siya. And boss, he's my weakness because everytime na malapit lang siya, para akong ewan na bigla na lang manghihina. Na parang takot na takot ako lagi kapag nasa tabi lang siya.
Magkaiba man sila ng epekto bilang mga weakness ko, I know both of them were still my weaknesses. Feeling ko tuloy ang hina-hina ko na. And that is because of these two guys. They can make the legendary Heippies, weak and fragile in their own way.
Kung sabagay. Wala naman akong alam since wala nga akong maalala. I'm not sure but I can feel it, there were things they are hiding away from me. Ang nakakainis lang dahil parang wala man lang akong balak na alamin pa ang mga iyon 'gaya ng naipangako ko noon sa sarili. Kahit na ramdam ko na maaaring ang iba sa mga sinabi nila sa akin ay kasinungalingan at kulang-kulang sa impormasyon ang ibinibigay nila sa akin ay okay lang sa akin.
Samantalang noong araw na ipapakilala pa lang sa akin ni Blythe ang boss ay nangako ako sa sarili ko na hindi na ako basta maniniwala sa mga pinagsasasabi nila sa akin. Maybe I will pretend I believe them but deep inside of me, I'm still looking for more.
Pero noong nahawakan ako ni boss sa magkabilang balikat ko noong unang beses kaming magkita. Noong sinabi niya sa akin kung sino ako straight to my eyes, para akong ewan na tumango sa kanya. Na kahit wala man siyang ebidensya ay naniwala ako sa lahat ng sinabi niya. Na sa lahat ng nagsasabi sa akin tungkol sa mga alaalang nawala ay sa mga sinasabi niya lang ako naniniwala at may tiwala.
And then those time noong ipinagkatiwala sa akin ni boss si Cypher. And noong unang beses na nahawakan ko si Cypher. Noong ako na ang nag-aalaga sa kanya, feeling ko ay okay na ako sa buhay ko. I forgot my vow to look for the truth for myself. Okay na rin sa akin lahat nang mga sinasabi nila and I don't care if ever that is a lie or not. Wala na akong pakialam.
That's why for me, they're my weaknesses. Dahil sa kanilang dalawa rin nakabatay ang kasiyahan at pagkatao ko bilang ako.
Lahat nang katotohanang alam ko ay lahat nakabase sa mga sinabi at kinuwento nila sa akin. And even a single bit of a memory from me ay wala akong makuha. Hanggang ngayon ay wala pa rin talaga akong maalala.
Naalala ko tuloy noong kagigising ko pa lang mula sa coma.
—Flashback—
Nanghihinang nagmulat ako ng mga mata ko since hindi ko naman maigalaw ang ibang parte ng katawan ko. Tanging ang mga pilik-mata lang 'ata ang naigagalaw ko at hirap na hirap pa ako.
Pilit ko namang iginalaw ang ibang parte ng katawan ko pero ang mata ko lang talaga ang naigagalaw ko. I tried moving my fingers and I felt relief ng maigalaw ko iyon.
"Ugh...A-ah" ungol ko ng maramdaman ang pananakit ng buong katawan ko.
Sh*t! Ang sakit naman! Parang tinutusok-tusok ang buong katawan ko ng karayom sa sobrang sakit.
"E-Eerah? Eerah! Oh God! Oh God! You're finally awake! Wait, I-I'll call the doctors, okay?" sunod-sunod na sabi ng isang lalaki.
Maglalakad na sana siya papunta sa pintuan ng pinilit kong pagsalitain ang sarili ko," W-wait..." mahinang bulong ko.
Buti na lang talaga at narinig niya. Agad siyang lumapit sa akin at doon ko nakita ang mukha niya.
Aba'y kay gwapo naman ng lalaking 'to! Black hair ang kulay ng buhok niyang medyo may kahabaan at messy. 'Yung medyo singkit niyang mata na parang korean, ang matangos na ilong, perfect jaw, at ang manipis at maliit na pulang labi.
Is he wearing lipstick? Or that's natural red lips?
Pero sino ba 'to? nakuha ko pa talagang inspeksyunin siya sa lagay kong ito. Bahala na nga, nauuhaw na talaga ako.
"W-water p-leas-se..." bulong ko ulit dahil feeling ko ay tuyong-tuyo na ang lalamunan ko.
"Oh! Okay, okay! I'll get you," natatarantang sabi naman niya sabay dulog sa mesa sa gilid ng kama ko. "Here, here drink this," taranta pa ring sabi niya habang hawak ang isang baso sa kaliwa at tinulungan naman akong makaupo ng kanan niyang kamay.
Agad namang umayos ang pakiramdam ko ng makainom ako ng tubig. Naigagalaw ko na rin kahit papaano ang mga kamay at paa ko. Buti naman at gumagana na ang katawan ko.
'Yung lalaki naman ay agad na pinindot ang intercom na malapit lang sa kama sa taas.
"Are you feeling well now Eerah?" mahinahon na rin sa wakas niyang tanong.
Dahan-dahan naman akong napatango. Nakakapagtaka, kanina niya pa ako tinatawag na Eerah, sino ba siya?
Maraming tanong ang pumasok sa isip ko. Sino siya? Bakit siya nandito? Bakit ako nandito? Anong nangyari? At marami pang iba.
Napansin niya 'ata ang pangungunot ko ng noo ko habang nakatingin sa kanya. Agad siyang lumapit ulit sa akin at nagtatakang tiningnan ako.
"Why aren't you speaking? Oh well I remember, gan'yan ka nga pala talaga," nakangising sabi niya pa.
"Me? G-ganito na? How can you say so?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Well, I just know it. Tsaka alam na rin naman namin ang lahat. So yeah, I know deep inside, you are good enough. Kaya nga nagawa mo 'yun eh. At naiintindihan ko 'yun," nakangiting sabi naman niya.
Lalo naman akong naguluhan sa mga sinabi niya. At mukhang napansin niya 'yun kaya naman napapalatak siya.
"What are you looking at? Don't tell me na-touch ka sa sinabi ko sa'yo?" natatawang tanong niya sa akin.
Pinagtaasan ko na lang siya ng kilay. Mukha namang matino at mabait si kuya. Sadyang may topak lang 'ata siya ngayon kaya gan'yan.
"What now Eerah? Cat got your tongue? Magsalita ka naman. Alam kong gan'yang talaga ang totoong ikaw pero, can you at least talk to me? Mapapanisan ka ng laway niyan," nakalabing sabi niya sa akin.
Napairap naman ako sa hangin. Kung makalabi kasi, akala mo naman bagay sa kanya. Hindi kaya.
Pero mukha namang mabait siya. And mukha talagang kilalang-kilala niya ako kaya naman hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at prangkang tinanong ko na siya.
"Who are you? Do I know you? Are we that close since it looks like you know so many things about me. What are we? Are you my boyfriend? A fiance? A husband? Or a brother? Cousin? Relative?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya na nagpatanga lang sa kanya. "You see, I can't remember anything. Not even my name. Can you help me? You know me right?" dugtong ko pa na lalong nagpanganga sa kanya.
Hindi agad siya nakapagsalita at nanatili ang nanlalaki niyang mata sa akin. But when he registered my words, agad siyang napamura.
"Seriously Eerah? This isn't funny. Drop the act now please," seryoso bigla na utos niya sa akin.
"No, I'm not acting at all. Kung napapansin mo, hindi ganito ang itsura ng nagpapanggap. And I'm serious. Now if you don't want to believe and help me, just get me out of here," seryoso ring sabi ko.
Sakto namang pagdating ng mga nurse at doctor. Agad na lumapit sa akin ang mga nurse samantalang kinausap naman ng lalaki ang doctor. Nakinig na lang ako sa kanila habang tahimik na inaasikaso naman ako ng mga nurse.
"What's wrong with her, Doc? Is she really fine? She said she don't remember anything. Is that possible, Doc? Samantalang hindi naman apektado ang ulo niya ng operasyon?" sunod-sunod na tanong niya sa doctor.
"Is that so Mr. Fontanella? Well as you can see, amnesia is not impossible for a person who got in coma for a year. Maybe because—" Hindi ko na napatapos pa ang doctor ng marinig ko ang sinabi niya.
"What! I'm in a one year coma? What the fvck!" Doon na ako nagsimulang magwala dahil hindi ako makapaniwala.
Isang taong coma? Tapos ngayon naman ay amnesia? 'Yung totoo? Ang malas ko naman ata!
"Fvck! Let me go! I wanna know the truth! Let me go! Ano ba?! Bitawan niyo ako o tatadyakan ko kayo isa-isa diyan? Ahh! Let me go, you fvckers" pagmumura ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nila.
"Hey Eerah! Calm down" sigaw naman ni kuya sa akin.
"No! Tell me the truth! Why am I here? Who are you? What the hell happened to me? And fvck! one year of a hell in coma! Bakit 'yun?" sigaw na tanong ko naman habang pilit pa ring nagpupumiglas sa pagkakahawak nila.
"No. I won't answer you not unless you calmed down. Eerah! Nasasaktan mo na ang mga nurse stop it" sigaw niya ulit but I ignored it.
Sa halip ay lalo akong nagwala. I punch here and there at bahala na kung sino man ang matamaan sa mga babaeng nurse at lalaking nurse na nakahawak sa akin.
Pilit akong kumakawala sa hawak nila. Balak kong lumabas ng kuwartong iyon at nang hospital na iyon kung ayaw nilang sagutin ang mga tanong ko. Pero isang lapit lang sa akin ng doctor sabay inject ng isang karayom sa akin ay nawalan na ako agad ako ng malay.
—End of Flashback—
Ewan ko ba ba't ako nagwala that time. Naalala ko tuloy 'yung mga nalagyan ko ng pasang babae at mga lalaking nurse.
Naalala ko din 'yung sinabi sa akin ni Blythe na kahit may amnesia raw ako ay gumagana pa rin ang pagiging reaper ko kaya naman napaniwala na rin niya ako sa mga sinasabi niya.
"Hey, reaper. What are you still waitin' there? My son is hungry," galit na sigaw sa akin ni boss kaya naman napaigik ako sa kinauupuan ko.
Paglingon ko sa pintuan sa kanan ko ay nakita kong bukas na iyon at nakasilip sa akin ang boss ko. Nagulat na naman ako dahil napakalapit na naman ng mukha niya sa akin. Kaya agad akong napaliyad papalayo lang sa mukha niya.
Kingina talaga ng lalaking ito! Ayaw talagang tantanan ang pagpapatakbo ng mabilis sa puso ko! At bumibinggo na siya ah! Sa araw na ito, tatlong beses na niyang pinapula ang mga pisngi ko. Partida, alas d'yes pa lang ng umaga ngayon ah.
"S-sorry, Your Highness," hinging paumanhin ko na lang.
At isa pa, ang dakilang Heippies na hindi nahingi ng sorry kahit kanino ay tatlong beses lang namang humingi sa lalaking ito. Iba talaga! Nakakainis!
"Tss," he tss-ed before leaving the door and walking towards nowhere.
Napakagat na lang ako ng ibabang labi ko bago pa man ako makapagsalita ng isang masamang bagay tungkol sa lalaking iyon sa harap ng driver. Isumbong pa ako do'n eh.
Ayaw ko pang mamatay ng maaga.
Kaya naman agad na lang akong lumabas ng kotse tsaka sumunod sa kanila. Napanganga na lang ako nang makitang sa isang kilalang fastfood chain ang kakainan namin. Namamanghang napatingin tuloy ako sa gawi ng mag-ama na parehong nakangiti habang papasok ng Jollybee.
Yes po mga kaibigan, ang ating dakila at kinatatakutang mafia boss ay kakayaning pumasok at kumain sa isang fast food para sa anak. Bigyan ng jacket 'yan!
"Don't tell me ngayon ka lang nakakita niyan? Come on" iritadong sigaw bigla ni boss sa akin.
Imbes na mainis ay natuwa ako dahil sa pagtatagalog niya. Lagi kasing english ang langguage na binibigkas ng labi niya kaya namamangha akong marinig ang pagtatagalog niya.
At ang nakakamangha lang ay wala man lang accent ang pagkakasalita niya ng tagalog. Samantalang kapag nagsasalita siya ng english ay bakas na bakas ang deep american accent niya. Pero 'pag nagsalita na siya ng tagalog ay aakalain mo talagang Pilipino ang nagsasalita.
Parang bulang nabura tuloy sa utak ko na kinatatakutan ko ang lalaking iyon. Well, sa itsura niya ngayon at sa awra niya ay hindi naman nakakatakot. Actually, nakakahumaling pa nga 'yun kasi kanina pa siya sinusundan ng tingin ng ibang mga costumer ng Jollybee.
Hmm...Mapag-tripan nga.
Pasalamat siya dahil ang pilyang side lang naman ng isang Heippies na walang iba kung 'di ako ang makikita niya. Humanda ka sa'kin Tarvy Alistair Zuchary Shelton, matitikman mo ngayon ang kamandag ng isang pilyang Heippies.