PAGKATAPOS KO sa mga taong sumugod sa akin sa kuwarto ko ay agad akong naglakad palabas, dala-dala ang dalawang baril na sa pagkakabilang ko ay may tig-lima na lang na bala.
Nabilang ko pa ang katawang nakabulagta sa kuwarto ko at nasa bente rin ’yun. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kuwarto habang nakahanda ang aking mga kamay sa mga balak umatake.
I heard a faint step on my right, so I immediately aimed my gun in that direction at tsaka pinaputok iyon. Sakto namang lumabas ang ulo ng isang lalaki who was trying to fire back at me with his gun. Unfortunately for him, I was faster. Natamaan na muna siya sa ulo bago pa man niya makalabit ang baril niya.
Fifteen down, I don’t know kung ilan pa ang nasa labas.
Sinilip ko naman ang kuwarto ni Cypher dahil baka may makasunod sa kanya. Mabuti na lang talaga at sinilip ko dahil kung hindi ay baka may nakasunod na nga kay Cypher.
There were five goons trying to open the secret door, so I immediately shoot them with my gun. Agad namang bumulagta ang limang katawan nila na puro may tama sa puso.
Agad akong lumapit doon at inilayo sila sa kabinet. I closed the door of the cabinet and put the clothes just above the hidden door para naman hindi na nila malaman na may sikretong daanan doon.
Nang maayos ko na ay agad akong tumalikod at naglakad palabas, pero hindi pa man ako tuluyang nakararating sa gitnang bahagi ng kuwarto ay pabalibag na bumukas ang pinto.
Doon pumasok ang isang may kalakihang lalaki. Kasunod naman niya ang apat pang kalalakihan na kapwa may hawak na mga baril at nakatutok sa akin.
“Put your guns down,” malamig na utos ng lalaki sa mga kasamahan niya na agad namang sinunod ng apat.
Batay sa nakikita ko, ang lalaking ito ang pinaka-leader ng grupong ito. Maybe he’s a knight, or also a reaper. Hindi naman kasi maipagkakaila mula sa itsura niya. He’s handsome and super manly in his shirt and ripped pants. Even if his face were hidden behind the mask, I could already tell that he’s quite handsome.
Anyway, pake’ ko ba sa itsura niya? Tss!
“Hello, Heippies. It’s nice to finally meet you,” nakangising sabi sa akin ng lalaki.
Hindi naman ako umimik at nanatiling blanko at walang emosyon lang na tumingin sa kanya. Ibinaba ko na rin ang hawak kong baril pero nanatiling alerto pa rin ako.
With my two guns in my hands, I still have five bullets. Three on my left and two on my right. Sakto lang para sa kanila in case they commit a misdeed.
“Oh, cat got your tongue, eh?” nakangisi pa ring tanong niya kaya naman napairap ako at hindi na plinano pang patulan siya.
Naniniwala kasi ako sa kakayahang mang-inis ng silent treatment sa mga tao lalo na do’n sa mga maiiksi ang pasensya ’gaya na lang ng lalaking nasa harapan ko.
“Huh! ’Gaya nga ng mga sabi-sabi, you really had your own way of cutting your enemies patience,” biglang seryosong sabi niya sabay tayo ng tuwid. “If you don’t want to talk, then I’ll go straight forward. You have to go with us, Eerah,” seryoso pa ring sabi niya and I help myself to suppress my shock expression.
He knows me! Not only my codename in the mafia, but also my real name! Damn! Just who the f*ck is this guy?
“I know you’re curious right now. I know you, but you don’t know me. Don’t worry, sumama ka lang sa akin ay masasagot lahat nang mga katanangan mo,” nakangiting sabi niya.
And I’m sure that smile is genuine! Pero bakit ako? I thought, si Cypher ang kailangan nila?
“Yeah, dream on!” singhal ko saka pinaputukan ang apat na lalaking nasa likuran niya.
Napatawa naman siya nang paglingon niya sa mga kasama niya ay lahat nakabulagta na, tapos tumingin ulit siya sa akin nang may ngisi na sa mukha.
“It seems like you don’t want me to bring you back with me yet. If that’s the case, then I’ll let you go for today. Enjoy these guys; I’m leaving them to you. Bye, Eerah.” nakangiting paalam naman nang lalaki bago mabilis na nawala sa paningin ko.
F*ck! Akala niya ba hahayaan ko siya? Pwes nagkakamali siya kung gano’n!
Agad akong humabol sa kanya at naabutan ko naman siya na pababa na ng hagdan.
I run into the space between us and jump towards the guy. “F*ck!” daing niya nang agad kong ipinulupot ang mga braso ko sa leeg niya at gano’n din ang mga binti ko sa bewang niya.
“Where do you think you’re going?” tiim-bagang na tanong ko sabay sakal sa kanya gamit ang braso ko.
“F*ck! Eerah! What the hell?” malakas na sigaw niya kaya naman mas hinigpitan ko pa ang pagkakasakal ko sa kanya.
Alam kong sinadya niya iyon para may makarinig sa aming mga tauhan niya at hindi nga ako nagkamali.
Agad kong itinutok ang hawak kong baril sa sentido ng lalaki bago nilingon ang mga lalaking nakatingin at nakatutok sa akin ang mga baril.
“Sige! Try pulling the trigger, and your boss will die.” banta ko sa kanila.
Napahinto naman ako nang biglang tumawa nang malakas ang lalaking ito. Kaya naman naiinis na binatukan ko siya sa ulo.
“Don’t worry, I got it’s revolver,” nakangising sabi niya sabay pakita ng hawak na revolver.
Napamura naman ako sa isip ng sinubukan kong pindutin ang baril ngunit wala ngang nangyari.
He laughs at me as he lets the only bullet fall off the stairs. Nanggagalaiting itinulak ko na lang siya pababa ng hagdan.
If I can’t k*ll him with a gun, then let him d*e in a natural way, like falling down the stairs, though I know it won’t k*ll him since hindi naman gano’n katarik at kahaba ang hagdan.
Pero bago pa man siya magpagulong-gulong pababa nang maiksing hagdan ay nahagip ko ang batok niya. I don’t know if I saw it right, but I’m sure something in there is fishy.
Nainis naman ako nang agad siyang nakahawak sa kapitan ng hagdan. Damn! He’s a lucky jerk!
“F*ck! Eerah! Pasalamat ka may amnesia ka! Masakit ’yun ah!” inis namang singhal niya sa akin na akala mo ay close talaga kami.
“F*ck you too! Who are you?! Why do you act like you know the real me?” galit na sigaw ko sa kanya.
“’Nah, maybe I’ll tell you next time. But right now, as what I had promised, please yourself with this bunch of my armies. See ’ya soon, Mi fidere!” sigaw niya sabay takbo pababa ng hagdan.
And that is the cue for the others to charge towards me. At dahil may mga hawak silang baril ay agad akong tumakbo pabalik sa kuwartong pinanggalingan ko kanina kung saan ay nakalaban ko pa ang ilan na may mga baril.
Pagkapasok ay agad kong kinuha lahAt nang baril na makita ko at inihanda ang sarili.
Damn! Mukhang matatagalan ’ata ako ngayon dahil sa mga ito. F*ck!
DUMIRETSO NAMAN ako pababa ng hagdan at doon ko nakita ang marami pang kalalakihan na nag-aabang sa akin.
“F*ck!” mahinang mura ko ng makatyamba ng sipa sa akin ’yung isa sa kalaban ko.
Sinakto pa talaga niyang sa kalamnam ang tama ah! Masakit kaya ’yun!
Masyado ko atang minaliit ang mga kampon ni satanas na mga ito. Mukhang sa unang pagkakataon ay napuruhan ako. Tsk.
Agad naman akong napatalon paatras nang magbalak sumipa ulit ang isang kampon ni satan na siya ring nakatama sa akin sa kalamnan.
“Aba...Uulit ka pa?” malamig na tanong ko sa kanya na mukhang nagulat pa ng makita ang malalamig kong mata. “Tama na ’yung isang tsamba. Do you really think I will let you hit me twice? Ano ka sinuswerte?” nakangising pambubuyo ko sa lalaki as I surprisingly grab his arm and make a turn backwards, then give him a knee on the back of his knee.
Twenty-one down, nine to go.
Agad namang sumugod ang dalawang kawal ni satan nang sabay. Isang side kick ang ginawa sa nasa kanan ko samantalang isang upper cut naman ang ibinigay ko sa nasa kaliwa ko. At dahil medyo nauna ang isang sumipa ay hinuli ko iyon using both of my hands as I kick the one who tried to punch me.
At dahil tinamaan ko sa mukha ’yung balak sumuntok sa akin ay agad iyong nawalan ng malay. While I flip the guy who tried to kick me using both of my hands. At dahil una ang ulo niyang bumagsak ay agad din siyang nawalan ng malay.
Twenty-three down, six to go.
Damn, pagod na ako!
But of course, the legendary reaper, Heippies, never lets her enemies know what she really feel. So I remained cold, composed, and don’t forget the scary aura to complete the whole scene.
This time, ako na mismo ang kumilos pasugod sa dalawa pang kampon ni satanas.
Sinalubong ko ng isang malakas na sipa ang unang lalaki at agad iyong nawalan ng malay as I aimed for the crucial part of his neck. Sumunod naman agad ang kamay ko para sa isang suntok sa mukha ng pangalawang lalaki na agad naman niyang nasalag gamit ang kamay.
Napangisi tuloy ako dahil doon. In fairness, may magaling din naman pala sa kanila kahit papaano.
Ay, hindi pala.
Agad ko kasing nabasa ang balak niyang pagpilipit sa akin kaya naman bilang pagsalag ko doon ay agad kong sinipa ang lalaki patalikod and I made sure I will hit his so called ’treasure’.
“Ahh! F*ck!” malakas na mura nito kasabay ng pamimilipit niya sa sakit.
And I take that as a chance to finish him off by knocking him off. I gave him a blow to the stomach. Then a hard smack at the back of his neck made him fall unconscious too.
Twenty-five down, four to go!
Let’s finish this already. Kanina pa ako nandito. Baka naiinip na ang baby ko.
“Sorry but not sorry, but I should finish this game,” walang emosyong sabi ko sabay labas na ng apat na maliit na kutsilyo mula sa bewang ko na nakoha ko kanina ng magtago ako sa kuwarto ko.
These knives will be and always will be my favorite weapon, and so they will be my last resort to show them what I’ve got.
I put two each on my hands between my fingers. I shot my left hand on the left side, wherein the two running satanic demons came rushing towards me. I aimed at their necks, and as always, it never fails as it makes its way towards the necks of my suspects.
I flipped three times backward when the other man shot me with his gun. Ang kaninang dalawang kalaban na lang dapat ay nadagdagan pa ng isa at ang masama ay may dala pa itong baril.
“Oh, nice, a gun. I like it,” kunwaring natutuwang saad ko pero ang totoo niyan ay naiinis na talaga ako.
Kanina pa ako nakikipaglaban sa mga kampon ni satanas na ito pero hindi pa rin sila maubos-ubos.
At dahil nga naiinis na ako ay agad akong tumalon palapit sa kanila na mukhang ikinagulat naman nila kaya napaatras pa sila ng isang hakbang.
Walang anu-ano’y itinapon ko ang dalawang kutsilyo sa pwesto ng dalawang lalaki na walang armas samantalang sinugod ko naman ang lalaking may hawak na baril.
Mukha naman siyang natauhan kaya naman mahigpit na hinawakan niya ang baril, itinutok sa akin at tsaka nagpap*tok ng sunod-sunod.
At dahil ramdam kong kinakabahan siya ay kampante akong hindi niya ako matatamaan. Kaya naman kahit na halos nasa harapan niya na ako ay sa sobrang kaba niya, hindi pa rin niya ako tinamaan. I gritted my teeth as I gripped his hand, which held the gun. I twisted it to his back as he shouted in plea and tried everything to free himself.
But I won’t let him. Not unless he’s dead or unconscious.
Pagkapilipit ko ng kamay niya ay agad ko siyang tinuhuran sa likod ng tuhod niya na nagpasigaw sa kanya sa sakit. I let him go as I prepared my feet and gave him a final kick on his nape, making him unconscious.
Finally! Natapos din sila sa wakas! Kingina, kanina pa 'yun naiinip ang baby ko! Tss.
Kaya naman ang ginawa ko ay tumakbo pababa sa hagdan palabas ng apartment na tinitirhan namin at tsaka naglakad palabas ng bahay na parang wala lang.
Medyo maliwanag na kasi at sigurado akong may mga naglalakad-lakad na sa labas ng bahay kaya ayokong pagsuspetsahan nila ako.
"Mom." Napangiti ako ng makita ang tuwang-tuwang mukha ni Cypher na nakaabang sa nakabukas na kotse.
Though hindi na ako nagtaka ng imbes na isang taxi ang maabutan kong may lulan kay Cypher ay isang P*rche Expedition car ang sumalubong sa akin. Kitang-kita ko tuloy ang nakangising bungad sa akin ni Blythe na nakaupo sa may driver's seat.
"Hello Heippies," nakangising bati pa niya sa akin na sinamaan ko lang ng tingin.
Tinarayan ko pa siya at tsaka naglakad papunta sa back seat na kinauupuan ng anak ko.
Habang nasa kalagitnaan kasi ako ng pakikipagbuno kay kamatayan kanina ay kumuha ako ng pagkakataon para tawagan si Blythe tungkol sa pagsugod sa amin at para na rin sabihan siya na abangan si Cypher sa labas.
Pagkapasok ko ay agad na pinaharurot ni Blythe ang kotse habang mahigpit naman akong niyakap ng anak ko.
"Mommy..." malambing na tawag pa niya sa akin.
Naiiling na napapangiti na lang ako sa kalambingan niya. Kaya naman nanggigigil na ibinalik ko sa kanya ang mahigpit niyang yakap nang mas mahigpit pa. But I made sure that I wouldn't hurt him in the process.
"Heippies. You took long enough there, huh? Mukhang nahirapan ka talaga sa taas ah?" nakangising pang-aasar sa akin ni Blythe.
"Tss, As if I would, Blood," tanging sagot ko na lang at hindi na pinansin pa ang lalaki.
Tinawanan niya lang ako. I even heard him say, 'Same old Eerah. Same, same.' na binuntutan pa niya ng tawa. I just mentally rolled my eyes, dahil sa kabaliwan niya.
Pero agad akong napabaling sa kanya ng tingin ng may maalala.
"Anyway, call some limpiezas for the bodies," utos ko naman sa kanya, "And tell them to call me if they found out something fishy. I think it was not the Saga's doing. I can feel it," dugtong ko pa na agad naman niyang tinanguan.
Hindi naman kasi gumagamit ng mask ang mga tauhan ni satan kapag nagtatrabaho. They are one of those mafia groups that never hide their identities. At ang alam ko lang na gagawa noon ay ang Shelton Mafia at ang Black Organosi na siyang nangunguna sa mafia world.
The limpiezas, are the ones who were responsible for the cleaning of the deaths caused by us, reapers. And reapers were like assassins who k*lled a certain person or a group of people. The difference between us reapers and the assassins is that they were paid by the person who contacted them, but Reapers were under an oath to k*ll for the boss.
Mostly, reapers k*ll, limpieza cleaned, and ultors were responsible for punishing either members, or any enemy who tried to counterattack us, especially the boss.
That is actually the most members a mafia should have, except for the mafia boss himself and, of course, the members.
But if it's a big one, just like the mafia I am in, there are still more. Mayroong appointer kung saan sila ang bahala sa mga illegal transactions na ginagawa ng mafia, ang hakken na siyang tagapangalaga sa mga mahahalagang documents ng mafia na nakalagay sa computer. Sila rin 'yung mga tracker at hacker na kailangang-kailangan talaga sa isang mafia. Knight naman ang mga kadalasang alalay o parang mga body guard ng boss at ang backer o ang mga back up ng mga reaper at knight sa mga misyon na kadalasan ay magagaling sa long range na labanan such as a snipper.
Anyway, ang dami ko ng Dada. Hahaha...
Pinagpatuloy ko na lang ang pakikipaglambingan sa baby Cypher ko. Napakalambing kasing bata. Nakakagigil!
Hindi ko alam pero may kakaibang bond talaga akong nararamdaman lagi para sa batang ito. 'Yung parang ayaw na ayaw kong makikita na malungkot, naiyak, o kahit na nakasimangot si Cypher. And every time I can see him smile, laugh, and be happy, it makes me feel happy too.
Unang tingin ko pa lang sa kanya noon ay kakaibang tuwa na agad ang naramdaman ko. Mangiyak-ngiyak pa nga ako noon kung hindi lang nakakahiya kay boss ay baka umiyak na talaga ako nang tuluyan.
Mababaw man pero sa loob nang halos limang taong pag-aalaga ko sa kanya ay ganang klase na ng bond ang naipundar naming dalawa sa isa't isa.
We act as if he's really from my womb and I really gave birth to him. He treated me like I was really his mother, and I treated him as if he were really my son.
And I love being with this child. Para na nga kaming tunay na mag-ina kung hindi lang dahil sa mukha niya na parang clone lang ng ama niya ay baka akalain mo talagang mag-ina nga kami. Hindi nga kami mapaghiwalay na dalawa eh, well, except siguro ng ama ni Cypher.
Speaking of ama, agad akong napalayo kay Cypher ng makita ang daang tinatahak namin.
"Blythe, don't tell me you're bringing us to the boss?" nanlalaki pa ang mga mata kong tanong sa kanya.
"I'm really amazed about your thinking, Heippies! Hahaha. And yeah, the boss is asking about Young Master since he said that he misses his son already," sagot naman niya na focus pa rin sa pagmamaneho.
Napanguso na lang tuloy ako. That only means na makakasalamuha ulit namin ang tanging sagabal sa bonding namin ng anak kong si Cypher. Or should I practice calling him now, Young Master?
"What did you say, Tito Blythe? We will see my father?" biglang tanong ni Cypher kay Blythe na ginaya pa ako sa pag-lean paharap kay Blythe.
I'm on Blythe's right side, while Cypher's on his left side. Napatawa na lang kaming dalawa ni Blythe kay Cypher. He really idolizes me. Naalala ko pa noong unang beses na sinabi niya sa aking ako ang bagong idol niya which is his former idol and none other than his Dad.
"Yes, Young Master. So magpakasawa ka na sa kakalambing sa mommy sl*sh idol mo 'cause for sure when we come back to the mansion, you'll be inseparable with your father," natatawang pagbibiro ni Blythe kay Cypher.
Napanguso naman ako sa sinabi niya at pabagsak na naupo muli ng maayos. Napatingin naman ako kay Cypher ng 'gaya ko ay pabagsak din itong sumalampak sa upuan. Pareho pa kaming nakangusong napatingin sa isa't isa.
"Damn, hindi talaga maipagkakailang mag-ina kayo sa mga kilos niyo. Kung 'di ko lang alam ang totoo baka nasabi kong anak mo talaga si Cypher, Eerah," naiiling na sabi sa amin ni Blythe.
At dahil doon ay nagkatinginan kaming muli ni Cypher tsaka sabay na humalakhak. Damn. Hindi talaga ako magsasawa sa kaaalaga sa batang ito.
NATAPOS ANG ilang minuto na byahe kung saan wala kaming ibang ginawa ni Cypher kung 'di ang maglambingan sa isa't isa at narating din namin ang napakalaking gate nang malawak na manor ng mga Shelton.
Napatigil na kami ni Cypher sa paghaharutan at agad naman akong lumipAt nang upuan sa passenger seat. Umayos naman ng upo ang nakangusong si Cypher habang pinagtatawanan naman kami ni Blythe.
Sa inis ay nabatukan ko si pa Blythe. Gustong-gusto talaga niya kapag nagkakahiwalay kami ni Cypher. Miracle raw kasi kapag nakikita niya na naiinis ako, nakabusangot, o kahit na anong ekspresyon na minsan lang daw masubaybayan ng kahit sino sa mukha ng isang legendary reaper na si Heippies, which is me. Although it's true, it still sounds ridiculous. Lalo na sa sobrang OA na pagkakasabi pa ni Blythe.
"Aw! Hahaha..." natatawa pang daing niya ng binatukan ko siya.
Naiinis na ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana habang binabaybay namin ang mahabang entrance ng mansion bago mo pa man marating ang mismong mansion.
"Huhuhu. Mommy, I'm going to miss you. For sure, Dad will be with me for a week or more." Nakanguso at naluluhang reklamo ni Cypher na natanawan ko sa rear view mirror ng kotse.
"Don't cry anak. Just give that week to your Dad. Remember, months ang laging haba ng pagsasama natin while yours and your father's only last for weeks," pagpapatahan ko naman sa kanya.
Lalo lang siyang napanguso sa tinuran ko. Well, wala naman na kaming magagawa. Me over his Dad, walang-wala ako. Ni hindi ko nga matagalan ang makasama sa iisang bubong ang boss, ang makausap pa kaya regarding Cypher.
Nah, no thanks. Siguro lahat kaya kong gawin for Cypher, but just this one. Talking for his father, 'yun lang 'ata ang hindi ko magagawa para sa kanya.
Sorry baby, your mommy's a p*ssy pagdating sa daddy mong parang laging may black aura kapag kaharap ko.
"And we're here," anunsyo ni Blythe kaya naman napabalik ako sa huwisyo ko.
Nagkatinginan muna kami ni Cypher bago siya ngumuso sa akin. I mouthed him an, 'I love you, baby' before I opened the door to the passenger's seat.
Agad-agad akong lumabas ng kotse para sana pagbuksan si Cypher ng pinto ngunit nauna na si Blythe na gumawa no'n.
Seryoso naman ang mukhang lumabas ng kotse si Cypher. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
Cypher is only six years old, pero ang talino ay hindi mailalayo sa talino ng mga matatanda. He's mature in and wise in his own way.
Though, sa sobrang talino man niya at mature mag-isip at an early age, ay hindi 'yun naging hadlang para mailabas pa rin niya ang pagiging bata ng katawan, isip, at puso niya. I love it every time I see him enjoying his childhood, which I know, even Cypher himself, he can't have when he's inside this mansion under the protection of his father.
Pero balita ko naman na kapag nagba-bonding ang mag-ama ay grabeng pagpa-pamper ang ginagawa ni boss kay Cypher kaya nagiging spoiled minsan si Cypher kapag ako na ang kasama.
At grabe lang ang bilib ko sa batang iyon dahil kahit na sa murang edad niya na 'yun ay naiintindihan niya ang bawat bagay sa paligid niya. Ang paghahabol sa kanya ni kamatayan. Ang pagiging future mafia boss niya. Kahit ang mga pagpapanggap namin na hindi gaanong close sa harap ng ama niya.
"Elevic." Natigilan naman ako ng marinig ang malamig na timbre ng boses ng nagsalita.
At dahil nakaharap ako kay Cypher ay awtomatik na nakatalikod ako sa lalaking sigurado akong isang metro lang ang layo mula sa akin.
"Dad," balik naman ni Cypher sa ama.
And yes, the guy a meter behind me is none other than the ruthless, cold, and most powerful mafia boss, Tarvy Alistair Zuchary Shelton, also called Death. And the one and only father of Cypher Elevic Shelton and the one who asked me—no, the one who ordered me to protect Cypher no matter what.