#MOE 22 - Cousin

1496 Words
#MyObsessedEx ___ Isang linggo. Dalawang linggo. Tatlong linggo o sabihin natin ay isang buwan ang nakalipas mula sa pagkikita namin ni Jenny at sa asawa nito. Oo bakasyon na nga namin at sa oras nito ay nagliligpit ako sa mga gamit ko. Kailangan ko nang umuwi at bisitahin ang pamilya ko. Tumawag sila sa akin kani-kanina lang at mukhang mga excited hindi dahil sa pagdating ko kundi sa surpresa ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na hindi ko kasama si Gabb at napakabusy ng tao. Natapos ako sa pag aayos at nilinisan ko muna ang kwarto at boung unit bago ako naligo. Nakakahiya naman na hayaan ko nalang tsaka nakikitira lang ako kaya dapat alagaan ko ang unit ni Gabb. Hindi ako nagtagal at nagpaalam sa unit ni Gabb tsaka lang ako bumaba. Nakita ko na kumaway sa akin yung receptionist. Ngumiti lang ako at sinabing babalik lang ako ng hindi magtatagal. Pumara ako ng taxi patungo sa terminal. Wala akong kasama. Si Fara naman ay abala sa paghahanap ng trabaho habang ako ay nag iisip pa kung kinakailangan na maghanap. Ayoko kasi na lagi nalang ako humihingi kapag may kailangan sa magulang ko. Ayoko silang nahihirapan. Nakarating ako at sumakay sa bus. Hindi naman masyadong matao kaya okay lang na wala akong katabi. Naghintay pa ako ng ilang oras bago magbayad at hindi ko namalayan ay nakatulog na ako. ___ "Anaak!" Bigla ako sinalabong ng nanay ko ng isang mainit na yakap mula sakanya. Bigla ko naibaba ang lameta ko at niyakap ang nanay ko. Grabe sobra ko sila namiss simula ng last sem na umalis ako upang mag aral. "Tammy anak! Ang ganda ganda mo!" Napangiti ako. Andito na ako sa Batangas which is part of quezon city. Malapit lang sa Padre Burgos kung saan may mga resort na magaganda doon. Pumasok ako sa loob ng bahay at napapikit ng marahan. Ang amoy ng bahay ay tila niyakap rin ako! Grabe! Pati ata lupa ay namiss ko na rin. Ang weird. "Magpahinga ka muna bago tayo magkamustahan" Tumango ako. Pumanik ako tsaka inayos muna ang mga gamit ko. Siguro mga dalawang buwan o isang buwan ako magtatagal rito. Kailangan ko kasi maghanap ng trabaho eh. Inilig ko ang ulo ko at humiga sa kama. Tumitig ako sa kisame at pumikit. Hindi ko muna iisipin ang trabaho. Kailangan ko muna ang pamilya ko at dapat maging masaya kasama sila. Ayokong nakikita nila na pagod ako lalo na estress ako. Naalala ko ang sinabi Karl huling magkita kami. Siguro naman ay imposible na magtagpo kami diba? Nasa tago akong lugar at maliit na bahay. Napangiti nalang ako na maramdaman ko ang relax na dumadaloy sa utak ko lalo na sa katawan ko. Dahil sa pagod ko sa biyahe ay hindi ko napigilan ay nakatulog ako ng mahimbing. ___ Fara's POV "You are hired as a waitress at sa susunod ay dalhin mo ang sinasabi mong kaibigan dahil kinukulang kami ng waitress dito" Masungit na sabi ng matandang babaeng to. Kanina ko pa gustong dukutin ang mata nito dahil sa panlilisik sa aking mukha. Akala mo kung sinong kagandahan eh mukha naman matanda! "Opo.." "Call me Madame" Tumaas ang kilay ko. Wait ano daw? Wow ha! Sarap pala ihampas ang kamay ko sakanya na para hindi na makaayos tuluyan. Sarap bigwasan. "Okay po Madame.." May bahid na katiting na sarkastiko mula sa boses ko. Kung hindi lang to manager sa restaurant na to ay baka kanina ko pa to kinalmot! Grr! Nakakagigil! "Now! Chu! Chu!" Napabagang ako at ngumiti ng napakaplastik. Tangina siya. Makachu?! Anong klase siyang uwak? Maliban lang sa maitim ito eh ano? Tangina lang. Mas maganda pa rito ang uwak kesa sa demonyitang feeling maganda eh uwak naman! Nakuuuh! Habang patungo sa exit ay kanina ko pa pinapatay sa isipan ko ang demonyitang uwak na yun. Grabe lang! Ang napakasarap niyang durugin! Pramis! Ang hanggang sa hindi na makita! Grrrr!!!! "Good morning Sir.." "Sir Good morning!" Natigilan ako sa paglalakad na makasalubong ko ang isang napakapamilyar sa mukha ko. Napangiti ako na makita muli siya. "Oh Karl! Musta na ah? Hinahanap mo ba si Tam?" Napatigil sa ginagawa ang mga stuff at napatingin sa akin. Lalo na yung demonyitang uwak na lumapit sa amin. "Good morning Sir~" Malanding bati nito kay Karl at tinapunan ako ng napakasamang at nakamamatay na isang tingin ng uwak. "Kebago bago mo ay hindi mo nirerespeto ang amo m-" Napatigil siya ng tumikhim si Karl. "Fara, right?" Doon ko rin napagtanto na sakanya pala ang restaurant nito. Deymn! Siya yung amo namin ni Tam! "Ah eh opo.." Sabi ko. Tumango siya. Pero wala itong makikitang ekspresyon mula sakanya. "So you work here?" Tumango ulit ako. Magsasalita sana ako nang mapalingon kami na may tumawag kay Karl. "Karl! Finally! Nahanap rin kitaa!" Natigilan ako. May isang babaeng napakasopistikadang maglakad patungo kay Karl. Bigla nahulog ang panga ko na mapagtantong nahiya ang sarili ko sa sobrang ganda niya. Parang gusto ko itago ang sarili ko sa kabineta ko at hindi na muli lumabas. Shet! Ang ganda niya pramis! Mula sa mahahaba niyang napakaputing hita dahilan kung bakit napakatangkad niya lalo na sa body shape nito. Omegey! Ang heyt niya po! Nakakatomboy po! Shetneess and hotness overload! Tinalo pa niya si Ako! Hindi ko matanggap! "Hey Cara" Pero wait! Paano si Tam? "Andito ka lang pala!" Nakangusong sabi ni Goddess. Waah! Napakapula ng labi niya. Hindi ko talaga matanggap! "Stop following me Cara" Inis na sumbat ni Karl kay Cara daw. Ngumiti ng malawak si Cara tsaka humarap kay Karl. "Ayoko!" "Bahala ka" "Talaga!" Tumalikod si Karl sakanya at pero huminto siya sa harap ko. "You can go home now and work here tomorrow" Tumango ako. Nilampasan naman niya ako at nakita ko na sumunod si Cara sa kanya. "Kaarl!" "Namaaan!" "Inssaaaaaan!" Parang guminhawa ang boung mundo ko sa narinig ko. Mabuti naman at walang karibal si Tam at Karl sa buhay nila! Dapat ito ipaglaban! Dapat ito patunayan na may forever sila! Pero hindi ko talaga matanggap na mas maganda ang Carang yung sa akinnn! T.T _____ Karl's POV "Ano ba Karl?!" Tinignan ko siya na sobrang nakakabagot dahil sa tingin ko ay may kailangan ito kaya ito naghanap sa akin. "Anong kailangan mo?" Sumandal ako at itinaas ko ang dalawang paa ko sa lamesa at nakacross legs ako. Nandito ako sa sarili kong Restaurant dahil kailangan ko bisitahin at alamin kung ano na ba ang nangyayari. Hindi ko kasi napapansin na hinahayaan ko nalang na lumago ang mga negosyo ngunit ito ay bumabagsak na pala dahil sa kapabayaan ko. Napatiim ako. Oo nga pala. Dito pala nagtatrabaho si Fara? Napangisi ako. Bakit hindi niya kasama si Tammy? Total namimiss ko na rin ang mahal ko. Napamura ako na maramdaman ko na gusto ko ulit siya angkinin. "Ano kasi Insan." Nabaling ang atensyon ko kay Cara. Balisa ang kamay nito kaya tumaas ang kilay ko. "Ano?" "Karl kailangan ko ng tulong mo" Hinintay ko ang sunod niyang sasabihin pero napaiwas siya ng tingin. Mas lalo nama ako nagtaka. Ano bang nangyayare sa pinsan ko at tinotopak nanaman? "Anong tulong?" Bagot na tanong ko. Napalunok siya. "Buntis kasi ako.." "What?!" Halos lumuwa ang mata ko sa balita na ipinarinig sa akin. Halos mapamura ako dahil sa hindi inaasahan. Tangina lang. Inunahan ako?! "Sinong ama?" Umayos na ako ng upo at tinanong siya. Napayuko siya at doon ko napansin na nangigilid ang luha niya. "Kassi.. namatay siya.." Hindi ako makagalaw. Nanatili lang ang tingin ko kay Cara. "Bakit siya namatay?" "N-Nagpakamatay siya dahil nasasakal na daw siya sa akin.." Humagulgol siya "At napakaobsessed ko daw sakanya at posessive kaya nagpakamatay siya.." Nanatiling nakakunot ang noo ko at hinintay ng sunod na sasabihin niya. "Nabasa ko lang noong isang araw ang sulat niya at doon na siya nagpaalam" Humagulgol ulit siya. "So ano ang pinunta mo dito?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin at suminghot. "Itago mo ako.." "Ha? Bakit?" Tumitig siya sa akin sandali at sumandal sa upuan nito. "Hinahanap ako ng mga pulis" "What?!" Tumango siya at tumayo. "Please Insan! Tulungan mo ako! Hinahanap na ako ng pulis!" Nagulat ako na lumuhod na siya sa harap ko. Tumutulo ang luha niya at humahagugol "A-Akala nila ako ang pumatay kay Liam!" Halos mapatampal ako sa hinihingi nito. Itinayo ko siya at hinarap siya. "Saan naman kita itatago?" Halos gusto ko na mabaliw sa dami ng problema ko! Putangina talaga oh! Dumagdag pa si Cara! Bakit hindi nalang humingi sa magaling kong kapatid?! Napabagang nalang ako. "S-Sa Davao" Tinitigan ko siyag ng nanlilisik. "Anong gagawin ko dun?" "Eh sa Zamboanga?" "Ayoko" "Eh saan mo gusto?!" Naiiyak na tanong niya sa akin. Ngumisi ako. "Ang malapit lang Cara" Napaisip bigla siya. "Sa Quezon? Pwede na ba yun?" Napaisip naman ako "May Isla ka doon diba?" Napatango ako "Tsaka may iilan na resort ka dun" Pangungumbinsi sa akin ni Cara. Napahawak ako sa panga ko at napaisip. Bumalik ako sa upuan ko at inisip ang problema ni Cara. Napabuntong hininga ako. Ayaw kong tulungan si Cara dahil panigurado ay hindi ko na talaga matatanaw o makikita si Tammy. At iyon ang hindi ko ata kakayanin pero gaya ng sabi ko ay kung ang tadhana ay sang ayon sa amin o sa akin ay siya mismo gagawa ng paraan upang magtagpo kami at sa oras na yun. Akin lang siya. Akin. Wala na akong pakialam pa kay Gabb basta mapasaakin siya. Kung kinakailangan kung pumatay ay gagawin ko. Basta si Tammy ay akin lang. "Okay, sasamahan kita" _____ #Cara #Cousin #Emergency #Help
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD