#MOE 21 - Wife

1625 Words
#MyObsessedEx Tammy's POV Naalipungat ako nang magsimulang sumakit ang ulo ko. Hindi ko mapigilan mapaungol sa sakit. Ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko kagagaling ko lang maglasing pero wala akong matandaan na naglasing ako. Ibinuka ko ang mata ko at hindi ko mapigilan mapaungol dahilan mapalingon sa akin si Fara. Nag alala itong lumapit sa akin tsaka umupo sa tabi ko. "A-Anong meroon?" Tanong ko. Dahan dahan naman ako bumangon tsaka napatitig kay Fara. Nababakas rito ang alala. "Ano bang nangyari sayo? Bigla ka nalang nahimatay eh" Bigla nalang bumungad sa aking utak ko ang mga sinabi ni Karl sa akin lalo na noong hinalikan niya ako. Hindi ko mapigilan mapabuntong hininga. Siguro mas mabuting bumitaw na siya dahil imposibleng magkikita pa kami. "Dahil sa pagod.." Walang ganang sagot ko sakanya. "Siguro nga Tammy. Tignan mo yang mata mo. Kitang kita ang kapaguran mo!" Hindi ko pinansin si Fara at sumandal nalang sa kama. Alam kong nasa apartment ulit ako ni Fara kaya nagpapasalamat ako sakanya dahil kahit papaano ay hindi niya ako iniwan. "Ay oo pala! Sorry Tam kung sinaktan ka nung hayop kong Ex!" Natawa nalang ako habang nakapikit. "Nasabi mo na yan. Tsaka gumawa ka pa ng eskandalo" Sabi ko. Naisip ko naman si Karl doon sa Mall. Kung wala siguro si Karl baka ako yung sumapak doon sa ex ni Fara. "Hindi ko yun pinagsisihan!" Komento pa niya. Kumibit lang ako. Pakiramdam ko nagsilitawan ang mga pagod at bigat na nararamdaman ko ngayon. "Pero seryoso. Bakit ka hinila ni Karl? Palagay ko doon kayo napunta sa Carpark? Kasi doon kita nakita eh." Bigla ako napamulat at napatingin kay Fara na nakangisi pero agad yun napangiwi "Siya ba ang dahilan kung bakit ka nahimatay? Siguro dahil natauhan na siya at binitawan ka na.." Napaiwas ako ng tingin. Ang mga tingin ni Fara ay mga awa tungo sa akin. Mahirap rin sabihin na hindi niya kailangan pa maawa sa akin kasi wala siyang alam. Ang alam lang niya ay Ex ko si Karl. Tapos. "Dahil sa sakit ay hindi mo nakayanan kaya ka nahimatay..?" Napaisip ako. Hindi naman ata. Kasi Sa oras na yun ay tanging mabigat at kumikirot ang nasa loob ko nun. Hindi ko na inalam kung anong klaseng emosyon dahil siguro ay awa lang yun at lungkot. "Anyway, tumawag si Gabb" Napatingin ako kay Fara. Ngumiti sya sa akin. "Sa cellphone mo. Akala ko si Tita pero si Boyfie mo pala! Hihihi" humagikgik pa ang loka. Batukan ko nga to. Kaasar. "Anong sabi niya?" "Pinpasabi na mahal na mahal ka niya tsaka mag ingat daw tsaka hindi siya makakauwi ngayon buwan" Sa huling sinabi ni Fara ay mas lalo akong napagod. Bigla nawala ang sigla ko na malaman ko na tumawag siya ngunit naglaho agad ito na hindi siya makakauwi pagkatapos ng Sem. "Ganun ba?" Tumango si Fara. Bumakas ulit ang pag alala ni Fara sa akin pero umiwas tingin nalang ako kasi bumalik nanaman ang bigat at pagod na nararamdaman ko kanina. "Gusto ko magpahinga.." pagod na pagod na sabi ko. Gusto ko tawagan si Gabb at sabihin na umuwi siya dito pero ayoko naman humadlang sa pangarap niya. Ayokong maisturbo kung ano ang trabaho niya sa hospital lalo na isa siyang Doctor. "Siguro nga Tammy. Magbakasyon ka kila Tita at doon mo nalang ibigay ang lahat ng atensyon mo sa pamilya mo." Hindi ako nagsalita "Tsaka ayaw mo ba nun? Hindi mo makikita si Ex mo lalo na tignan mo ang sarili mo? Para kang ginahasa!" Kunti nalang babatukan ko na talaga to. Kung makapanglait ah. Umirap nalang ako. "Ilang oras na pala ako nakatulog?" "Isang araw lang naman" Wala lang sabi niya. Halos nanlaki ang mata ko. "Ano?! Edi tapos na ang exam namin?!" Bigla naman siya napasimangot. "Bukas pa po Nene. Tsaka isang araw ka lang naman natulog ha. Hindi taon taon" Agad naman lumiwanag ang mukha ko pero nanghihinayang pa rin. Kasi naman. Hindi pa kaya ako tapos magreview nuh. Mahirap na. Kailangan ko ng trabaho. "So hindi pa ako naligo" bulong ko sa sarili. Bigla naman ako inirapan ni Fara. "Oo nga yuck! Maligo ka na! Ngayon na. Gosh!" Binatukan ko nga. Hindi ko na mapigilan eh. Kanina pa to. Sarap sakalin. "Aruch ah!!" "Wala akong pampalit!" Nakanguso kong sabi. Lumapit naman si Fara sa kabineta nito. Wag lang niya ibigay sa akin ang kita na ang kaluluwa baka mahampas ko lang yun sakanya. "Ito! Yan lang ang matino kong damit" Napatingin ako sa damit na binigay niya. Napatango nalang ako. Okay naman. Short na maong tsaka sleeveless lang yung T-shirt. Aakmang papasok na ako sa CR ng tawagin ako ni Fara. "Andyan pala sa labas si Jenny!" Nagulat naman ako. Talaga? Andyan si Jenny? Si Jenny Deros. Isa namin kaibigan ngunit may asawa na kaya umalis ito sa apartment. I mean noon ay magkakapit bahay lang kami nila Fara at Jenny. Magkalapit lang ang mga inuupa namin pero nakakalungkot na may fiance pala noon iyon. Hay nakuh. Tumango nalang ako kay Fara at pumasok para makaligo. ________ "Wow!" Iyan ang bumungad sa aking bibig. Hindi ko kasi akalain na makita si Jenny sa harap ko ay buntis. Halos mapanganga pa ako pero nakangiti pa rin ako. Niyakap agad niya ako. "Ang laki ng pinagbago mo Jenny!" Nakangiting sabi ko. Bineso ko agad tsaka hinawakan ang nakaumbok na tiyan. Halos manginig pa ako. "Kailan ka pa buntis?" Tanong ko. Natutuwa kasi ako dahil magiging ninang na ako. Ang sarap siguro sa pakiramdam na maging isang pamilya kasama ang mga minamahal mo. "Matagal na Tammy!" Tuwang tuwang sabi niya. Bigla niya ako pinasadahan ng tingin. "Ang ganda mo Tam! Nakakahumaling pa rin!" Sabay tawa niya. Natawa nalang ako. "Uy wag ka Jenny! Hinahabul yan ng mga dalawang nagbibigating adonis" Sabat naman ni Fara. Halos gusto ko takpan ang laki ng bibig ni Fara. Andito kami sa labas ng apartment at doon lang namin nakita si Jenny na papasok pa lang. "Talaga?! Sabi na nga ba!" Nakangising sabi ni Jenny. Gusto ko sabihin na hindi iyon totoo pero agad kami niyaya ni Jenny papasok sa kotse niya. Mayaman ang pamilya ni Jenny ngunit nakuha niyang maging independent sa kanyang sariling buhay. Nakilala lang namin ni Relyn noon na kaibigan ko pa siya ay oras nung kumuha siya ng sarili niya kwarto. Masaya ako para sakanya dahil nahanap na rin ang lakakeng mamahalin niya habang buhay. Nagkwentuhan kami sa loob ng kotse ni Jenny. Mas lalo ako napapahanga kay Jenny hindi dahil sa maganda pa siya ay kaya niyang magdrive habang buntis siya. Pero kahit na, nagaalala kami. Nagprotesta pa kami sa una dahil buntis nga siya pero siya yung makulit. Hindi halatang makulit si Jenny dahil sa mukha niya ay masasabi mong isa siyang rebelde o masungit. Lagi kasi siyang nakakunot noo. Masasabi kong para siyang BadGirl na buntis. 8 Months na rin ang dinadala niya. Nakakatuwa lang dahil natupad na rin ang pangarap niya ang bumuo ng pamilya kasama ang mahal niya. Iyan kasi ang lagi niyang bukambibig noon. "Panganay ko to" Tuwang tuwang sabi niya. Hindi ko mapigilan mapangiti. Sana lang magiging madali ang panganganak niya. "By the way, Kayo pa rin ba ni Karl? Balita ko kasi magkasama kayo.." Bigla nalang napunta sa akin ang usapan. Napaiwas ako at natahimik. Parang naintindihan naman ni Jenny ang ibig kong sabihin. Kilala niya si Karl dahil noong kami pa ni Karl ay siya at si Relyn ay lagi magkakasama. "Ow sorry! I thought you... Anyway Its Gabb pa rin diba?" Tumango ako. Boto siya kay Karl at gusto rin naman niya si Gabb ngunit mas gusto raw niya para sa akin ay si Karl but I love Gabb. No love for him anymore. Bigla nagring ang cellphone ni Jenny na mawala ang awkward atmosphere. "Hello Asawa ko?" Napangiti nalang ako. Ang kaibigan namin ay masaya na at kuntento sa meroon nito. Sana ako rin. Masaya na at may mapagmahal na asawa. Naiimagine ko tuloy si Gab. "Ha? Eh kasama ko ang mga kaibigan ko.. Gusto mo sumama?.. No its okay.. Saan tayo magkikita?... asus! Ang asawa ko nagiging bata!...Hahahaha!... I love you too" Malaki ang ngiti ni Jenny na humarap sa amin. Napangiti tuloy ako. Nakakadala kasi ang ngiti niya eh. Ang mga mata niya ay puno ito ng saya at pagmamahal. Nakarating kami sa harap ng restaurant. Sabi ni Jenny ay nandito daw ang asawa niya at humingi pa ito ng pasensya sa amin na baka naisturbo kami. Natawa tuloy ako. Pagpasok namin ay may tumayong lalake na nakasuit necktie at hindi maipagkakaila napakagwapo. "Ito pala si Fara at Tammy, mga kaibigan ko na sinasabi ko sayo" malambing na pakilala sa amin ni Jenny sa asawa nito. Bigla naman hinalikan nung asawa nito sa pisnge si Jenny at pinaupo kami. Nailang ako nang titigan ako ng asawa ni Jenny. Nakakunot noo ito at napaturo sa akin. "Ikaw ba yung girlfriend ni Gabby?" Nagtaka naman ako. Kilala niya si Gab? "I mean Mr. Gabby Lopez?" Napangiti naman ako. Syempre kilalang kilala ko. "Opo. Fiancee niya po ako" Sagot ko. Napanganga naman siya. "Wow! Sinasabi na nga ba eh! Ikaw yung nasa picture frame na nasa lamesa ni Lopez!" Bigla naman ako napaiwas at napamula. "Kaya pala pamilyar ka sa akin" Sabi niya sabay tango. Gabb naman! Napapikit ako sandali at napangiti. "Kaano ano po niya kayo?" Nagtatakang tanong ko. Bigla naman lumapit sa amin ang waiter at nilagay ang mga pagkain sa harap namin. "Katrabaho ko siya sa Hospital at kaibigan ko yung gagong iyon" Katrabaho? Edi ibig sabihin. "Day off niyo po?" Nagtatakang tanong ko. "Crop that PO. Hindi pa ako matanda" Tsaka siya tumawa. Nakita kong pinunasan ni Jenny ang gilid ng labi na kaibigan ni Gab. "Thanks asawa ko.." Hinalikan pa ito si Jen sa labi. Napaiwas ako. Grabe ang sweet nila. "Anyway, Tinatanong mo ba na Day off ko?" Tumango ako. "Yeah. It's my day off but only for me. Nagbakasyon lang kasi kami ng asawa ko dito." Nakangiting sabi niya. "Don't worry, hindi ka niloloko ng Fiance mo. Sadyang napakabusy talaga niya. Tsaka para daw yun sayo kaya siya nagsisikap" Napakagat ako at tuluyan ako namula. Gabb! Humanda ka sa akin. ___ #Jenny #Wife #Friend
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD