#MOE 23 - Childhood

1309 Words
#MyObsessedEx ____ Tammy's POV Nagkwentuhan at nagkamustahan kami ng mga pamilya ko. Doon ko napansin na hapon na pala simula makarating ako dito. "Anak.. Hmm.." Napatingin ako kay Nay na nagtataka na nakatingin sa akin. Ngumiti ako. "Ano po yun?" "Diba may supresa ka sa amin?" Unti unti nawala ang ngiti ko na maisip ang sinabi ni Nanay. Oo nga pala. Sinabi ko nga pala na may ipapakilala ako sakanila. Pero mukhang nadelay eh. Ngumiti ako ng peke sakanila. "Ano Nay.. Baka sa susunod pa eh.. Hmm. Hindi pa yun ready hahaha" Natatawang sabi ko kahit pilit lang. Parang naunawaan ni Nanay ang sinabi ko at iniba ang usapan. "Ay oo nga pala! Dadating yung ate mo bukas!" Nanlaki ang mata ko. "Talaga po?!" Tumango tango si Nanay. Napatingin ako kay Tay. Edi ibig sabihin uuwi rin siya? I mean nakakaexcite! Gusto ko na siya makita. Nagpatuloy tuloy lang kami sa kwentuhan at paminsan naman ay umaabot sa asaran. Natutuwa ako na makita sila na nag aasaran at natatawa. Pakiramdam ko kasi nawala nalang sa isip ko ang mga problema ko at pagod ko. Nakakalungkot isipin na tumatanda na ang mga magulang mo ngunit wala ka sa tabi nila habang pinagmamasdan mo silang tumatanda. Napakasakit isipin yun. Ginawa ko naman ang lahat para isingit sila Nanay sa panahon ko. Ngunit ayaw ko naman sila idamay sa problema ko. May plano pa naman ako na hindi sabihin ang paghahanap ko ng trabaho. ____ Lumabas ako sa bahay at napangiti ako nang makita ang mga bata na naghahabulan sa kalsada. Minsan nakakamiss ang pagiging bata dahil ang naiisip mo lang ay ang maging masaya at madali sa buhay. Kita ko mula rito ang kulay kahel senyales na papalubog ang araw habang tumatama ang liwanag nito sa aming lugar. Napangiti tuloy ako. "Tammy?" Napatingin ako sa paligid at nanlaki ang mata namin sa isa't isa na makita ko si Ken na pinagmamasdan ako. "Ken!" "Wow Tammy!" Natatawa ako na sinalubongan niya ako ng yakap. Kaibigan ko si Ken. Kumbaga kababata ko simula lumipat kami rito. "Ikaw ba talaga yan Tam?" Natawa ulit ako at marahan siya hinampas! Medyo nahihiya ako eh. Hahaha. "Ano ba naman Ken! Wag mo nga akong tignan nang ganyan!" Naiilang na sabi ko. Kasi naman. Kung makatingin parang sobra pa sa paghanga na tila nakakita ng multo. "Lalo kang gumanda Tam!" Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Ayoko ngang umasa nuh. "Kamusta Tam?" Hinila agad niya ako sa gilid ng kalsada at umupo. Tumabi ako sakanya at inakbayan siya. "Hmm.. busy eh" sagot ko. "Kailan nga ba kita huli nakita?" Napatitig ako kay Ken. Simula nakapasa ako sa isa sa mga university sa manila ay hindi ko namuli nakita ang mga kabigan ko rito. Alam kong masyadong masama kung sabihin ko na hindi ako nagpaalam ng maayos sakanila at nagpapasalamat naman ako na hindi ako sinumbatan ni Ken na makita niya ako rito. "Limang taon?" Napaiwas ako ng tingin. "Ah oo! Limang taon na hindi ka namin nakita!" Napatitig nalang ako sa kawalan. "Bakit masaya ka pa?" Tanong ko sakanya. "Diba dapat ay galit kayo sa akin?" Tumango naman siya pero nakangiti. "Tammy. Naiintindihan ko kasi eh. Pero sa iba natin kaibigan ay hindi ko na alam." Bigla ako nalungkot. Sa dami ng problema ko sa manila ay kahit ni isang segundo ay hindi ko lamang sila naisip. Siguro napakasama kong kaibigan. Hindi na nga ako nagpaalam, Hindi ko pa nagawang makipagkumonikasyon sa kanila. "Pero Tammy.. gusto ko magalit sayo" Nagtataka naman napatingin ako sakanya. "Sobra ka namin namiss. Lalo na sila Evan at Liela, Umiyak pa yung dalawa!" Medyo natawa ako ngunit nangigilid na ang luha ko. Pakiramdam ko ang bigat ulit ng nararamdaman ko ngayon. "Ang iba mo kasi eh. Basta ka nalang umalis. Para mo na ring pinutol ang pagkakaibigan natin.." Nakatitig lang ako sa kawalan habang nakikinig. "Kasi alam mo? Galit sila sayo.." Napayuko ako kasabay ang pagpatak ng luha ko. Oo na kasalanan ko. Wala akong kwentang kaibigan kung agad ko naman sila nakalimutan. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko kasi kahit ako nahirapan rin simula mag aral ako doon. "U-Uy! Umiyak ka?" Bigla niya hinawakan ang pisnge ko at pinunasan ang mga butil ng luha ko. "Kasi naman ikaw! Kakarating ko lang dito. Pinaiyak mo na ako.." unti unti humina ang boses ko. Natawa siya. "Hindi ka pa rin nagbabago! Iyakin nakuh!" Nakangiwing sabi niya. Hinampas ko naman siya. Ngumisi lang siya at inakbayan ako. Medyo gumaan ang loob ko at nawala wala ang pangigilid ng luha ko. "May boyfriend ka na Tam?" Sumandal ako sa braso niya habang pinagmamasdan ang mga bata. "Wala.." "Wee? Bakit may singsing ka?" Itinaas niya ang kanang kamay ko at nakita ko ang bigay ni Gabb sa akin dati. Napangiti ako ng malungkot. Kung sana andito siya para ipakilala ko siya sa pamilya ko at mga kaibigan ko. Pero wala eh. Busy siya. "Wag mong sabihin.." "Fiancee ko siya" inunahan na sabi ko. Bigla siya napaharap sa akin kaya muntik ako mahulog kong hindi lang niya ako naalalayan. Napasimangot tuloy ako. "Seryoso ka Tam?!" "Oo nga!" "P-Pero.." Napakunot ako. "Pero ano?" Umiling agad siya. "Wala!" Nagbalik ulit ang posisyon namin at tahimik namin pinagmamasdan ang mga tao sa paligid. "Pero seryoso. Ang laki ng pinag bago mo" Kumibit lang ako. "Hindi ikaw yung Tammy na masayahin na kababata ko" Doon ako mismo natigilan. Pakiramdam ko may nakita siya mula sa akin. "Ano ibig mong sabihin?" Natatawang sabi ko. Umayos na ako ng upo at ngumiti sakanya. "Wag mo nga akong idala sa plastik mong ngiti. Hindi ako gaya ng ibang tao na nadadala sa pinapakita mo" "Makasabi ka plastik!" Napanguso ako. Ang sakit kaya sabihan na plastik. Pinagmasdan niya ako at hinarap sakanya. "Alam mo kasi Tam. Kahit ngumiti ka pa ng paulit ulit. Hindi mo matatalo ang mata mo." Sabi niya. Tinabig ko ng marahan ang kamay niya at tumingin sa kawalan. "Masaya nga ako diba?" Medyo naiinis na sabi ko. "See? Pagod ka" Napabuntong hininga ako at napahilot sa ulo. "Dapat kasi hindi mo nalang pinaalala. Andito ako para kumalma at magpahinga.." Medyo nanghihinayang na sabi ko. Kasi bumabalik ang alaala ko kay Karl eh. "Sorry.. pero nag aalala lang naman ako eh" "Oo na pero wag mo nalang pansinin kung anong emosyon na lumalabas sa mata ko" Sabi ko. Ngumuso siya sa akin. "Hindi ko mapigilan." Naparoll eyes ako. "Bahala ka.." Muli ulit tumahimik ang pagitan namin. Hindi na ako nakasandal sakanya at may espasyo ulit sa pagitan namin. Kung napapansin ay ganito kami mag usap. Medyo magulo pero nagkakaintindihan. Minsan kasi kapag iba ang usapan ay lumalalim iyon hanggang sa iba naman na pag uusapan. Napangisi tuloy ako. "May girlfriend ka na ba?" Tanong ko naman sakanya. "Wala.." "Oww?" Medyo gulat na napatingin ako sakanya. Napaiwas siya sa akin. Ngumisi ako. Gwapo naman si Ken eh. Medyo moreno lang at malaki lang ang katawan. "Wag mo nga akong tignan nang ganyan!" Naiilang na sabi niya. Natawa ako. "Bakit naman?" Tanong ko. Mas lalo ko tinitigan ang mukha niya kaya mas lalo siyang nailang at napapansin ko ay namumula na siya. "Parang pinagnanasaan mo ako e!" Tilang naging O-shape ang bibig ko tila naamaze ako sa sinabi niya. "Woah! Teka lang Ken. Hinay sa pagiging assuming ah? Baka umasa ka hahaha" Natatawang sabi ko. Bigla siya humarap sa akin na tila naasar na siya sa akin. "Eeeeh!" Mas humagalpak ako ng tawa sa pagiging bata niya. "Tae naman Ken! Hindi bagay sayo!" Natatawang sabi ko. Bigla nagliwanag ang mukha niya at hinila ako kasabay ang mainit na yakap mula sakanya. "Ganyan nga Tam. Pantay na ang mata mo sa ngiti mo" Niyakap ko siya pabalik at natawa sa sinabi nito. "Paano naging pantay Ken?" Natatawang tanong ko. Naramdaman ko humigpit ang yakap niya sa akin. "Grabeee Tammy! Nakakamiss ka ng sobra sobra!" Nang aasar na sabi niya. Napanguso ako kahit hindi niya yun makita. Hindi niya kasi pinansin ang tanong ko. Nakakaasar. "Asus. Alam kong maganda ako! Bwahahaha!" "Anong konek?" "Wala! Basta maganda ako! Mwehehehe!" Nag asaran ulit kami at hindi maiwasan ang inisan at asaran sa aming dalawa. Match kasi kami pagdating sa mood. Minsan ako ang bipolar, minsan siya naman. Pero kaya namin ihandle ang isa't isa kaya tumagal kami hanggang sa lumaki kami. Sana lang, lagi nalang ganito. ____ #Ken #Childhood #Friend #Place
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD