#MOE 24 - Destined

1964 Words
#MyObsessedEx ______ "Bukas ah! Mamasyal tayo!" Tumango nalang ako at kinawayan si Ken. Maya maya ay nawala na sa paningin ko si Ken at napabuntong hininga nalang ako. Pumasok ako sa bahay at nadatnan ko si Tatay at Nay na nag uusap. "Anak! Kamusta ang usapan niyo ni Ken?" Umupo ako sa maliit namin na sofa at tumingin kay Nay. "Okay lang naman.." Sabay tipid na ngumiti. "Oh bakit parang malungkot ka pa?" Napaiwas ako at napasandal. "Naguguilty kasi ako Nay eh. Hindi ako nakapag paalam sa kanila ng maayos" Sa totoo lang ay kanina ko pa iyon nararamdaman. Ayaw ko lang ipakita kay Ken at baka mas makonsensya ako. "Anak. Wala ka naman ginawang masama para makonsesnya ka. Ginawa mo yun para sa sarili mong pangarap diba?" Tumango ako. "Atsaka dapat suportado sila sayo dahil malapit na makamit ang matagal mong pangarap" Bigla ako napayuko sa tinig ni Nanay. Siguro nga Nay. Ayokong masaktan ka kapag nalaman mo ang mga nangyayari sa akin doon. Baka magalit ka pa sa akin o masabihan na isa akong walang kwentang anak. Umupo rin sa tabi ko si Tatay at inakbayan ako. "Mukhang pumayat ata ang Anak ko?" "Nakakain ka ba doon ng maayos Tammy?" Tumango ako sa tanong ni Nanay. "Anak ayaw ko ng sinungaling..." Napabuntong hininga nalang ako. Kilala na talaga ako ni Tatay, Sa tono palang ng pananalita nito ay alam ko na ang nais nito. "Atsaka bakit ang lalaki at ang iitim ng mata mo? Hindi ka ba doon makatulog ng maayos?" Napaiwas ako sa tingin ni Tay at Nay. "Tay, Nay. Alam kong nag aalala kayo pero.. pero may kasama naman ako. Atsaka malaking tao na ako. Kaya ko ang sarili ko" Depensa ko. Ayaw ko man magsinungaling ay medyo tumapat ako kahit papaano. Ayaw ko naman sabihin na si Gabb lagi ang kasama ko, baka mahimatay si Nanay. "Pero anak. Mag ingat ka pa rin! Ayokong nakikitang nasasaktan ka!" Nagulat ako na sumisinghot na si Nanay. "Naman Nay! Hindi pa ako aalis ngayon! Ito naman si Nay parang hindi na ako babalik" Natatawang sabi ko at niyakap si Nay. "Kahit na! Ayoko talagang nahihirapan ka!" Niyakap niya ako ng pabalik. "Uy uy! Bakit si Tatay walang yakap?" Napakawalan ko si Nanay at natatawang niyakap rin si Tatay. Naramdaman ko na niyakap kami ni Tatay. Hindi ko maiwasan mapangiti. Sa boung buhay ko ay kahit isang hiling kina Nay at Tay ay wala akong hiniling kahit ano. Sila ang kusang bumibigay sa akin. Alam kong minsan ay napakasarili ko at iyon ay ayaw kong idamay ang pamilya ko sa problema ko. Ayaw kong iproblema nila ang problema ko kahit alam kong gagawin nila ang lahat para mapasaya ako. ______ Kinabukasan ay nagising ako sa paa ni Ate na nasa tiyan ko na. Napailing nalang ako at bumangon. Oo nga pala. Kagabi ay dumating si Ate habang naglalambingan kami nila Nay. Hindi nga ako makapaniwala na sabihin niyang may Fiancee na siya at isa yung magandang balita sa amin ni Nanay at Tatay. Napatingin ako kay Ate na mahimbing ang tulog. Masaya ako para sakanya at sa wakas ay nahanap rin ang nasa kanya. Napatingin ako sa orasan at nagulat ako na mag aalas unse na nang umaga. Ganoon ba ako katagal matulog? Sabagay hating gabi na kami nakatulog nila Ate. At siguro napahaba ata ang usapan namin na pamilya. Naligo na ako at nag ayos bago ako bumaba para tulungan si Nanay sa pagluluto ng lunch. "Nay saan ka pupunta?" Tanong ko na makita si Nay na nakabestida habang may hawak na basket. Lumingon siya sa akin. "Mamalengke ako. Gusto mo sumama?" Sabi niya. Bigla ako napangiti at sumama kay Nay. Hindi ko na naisipan na kumain ng breakfast kasi nasanay na ang tiyan ko na hindi kumakain sa umaga. __ Tagaktak ang pawis ko sa public marketing. Halos karamihan ay mga maiingay na nagtitinda at sigawan para makaagaw ng atensyon ng costumer. Aaminin ko na hindi na ako sanay sa ganitong lugar dahil siguro ay noong dun pa ako sa manila ay kadalasan na nakakain ko ay mga Fast food. Halos siksikan kami ni Nanay sa mga taong namimili lalo na yung mga batang naglalaro at naghahabulan na nakipagsiksikan rin. Napahawak ako sa maliit na wallet ni Nanay at hinigpitan ang kapit sa medyo mabigat na na basket, Marami na kasi kami napamili eh. "Oh bili na bili na! Isang supot ng sili ay singko nalang! Singko nalang!" Nailayo ko bigla ang mukha ko sa katabi kong nagtitinda ng mga maaanghang na tinda sa sigaw nito. Napasimangot ako. "Magkano ito Manong?" Narinig ko si Nay na may hawak na tilapia. Nagpaalam nalang ako kay Nay na lumabas lang ng saglit dahil gusto ko manglanghap ng malinis na hangin. Pagkalabas ko ay napangiti ako na medyo nabawasan ang mga tao. Hindi na ito tulad ng kaninang umaga. Napatingin pa ako sa mga trycicle na dumadaan sa harap ko. Medyo guminhawa ang nararamdaman ko. "Hi!" Hindi ko pinansin ang mga adik sa kanto na napapadaan sa harap ko. Umismid ako. Mukha silang kinulangan sa materyales sa paggawa ng dyos sakanila. Napangisi ako. Babalik sana ako nang may narinig akong tili nang isang matanda dahilan mapatingin ako. "MAY NASAGASAAN!!!" Pupunta sana ako sa direksyon na yun ng magkompulan ang mga tao sa harap ng magarang itim na sasakyan. Medyo nasilaw ako sa init ng araw na bumaba ang isang binata na hindi ko pa masyadong nakita ng maayos idagdag mo pa ang tumatama sa kanila ang araw lalo na yung mga tao. "Pasensya na po! Hindi ko po sinasadya! Kasama ko po ang asawa ko! Pasensya na po talaga!" Nakita ko pa kung paano gumulong ang mga gulay sa daan. Napailing nalang ako. Yan kasi. Hindi kasi nag iingat. Tsk! Kawawa naman yung matandang lalake. "Babayaran ko nalang po! Pasensya na po talaga!" Nagulat ako na tumayo yung parang nasagasaan at mukhang hindi naman nasaktan. Woah. Ang lakas naman ni Manong at parang walang nangyare. Nagsikalat yung mga tao at umalis galing doon. Hindi ko pa masyado nakikita ang lalake pero may munting kaba at t***k ang puso ko. Pero hindi ko nalang pinansin. Aalis sana ako dahil ayoko pang makipagchismisan ng may isang babaeng bumaba mula sa kotse at nasilaw ako sa taglay nitong ganda. Medyo napatulala ako. Ngunit ang mas nagpatigil sa mundo ko ay makita ng klaro ang isang lalakeng lumapit sa babae at tumungo sa nagtitinda ng mga Mangga. Bigla nanlamig ang kamay ko. At mabilis ako tumago sa mga saradong tindahan at pinanood sila. Nakita ko si Karl na kung paano niya kinuha ang wallet nito sa likod at binayaran ang matanda na may hawak ng isang supot na punong puno nang mangga. Bumalik sila sa kotse nito at nakita ko kung paano niya inalalayan ang magandang babae at kinurot pa ang pisnge ni Karl. Napalunok ako. Binuksan ni Karl ang kotse nito ngunit agad ako napasandal na lumingon ito sa direksyon ko. Bigla bumilis ang takbo ng puso ko at napamaang ako kung nakita niya ba ako o hindi. Halos manginig ang tuhod ko at mapaupo. Hindi pwede na makita niya ako. Lalo na anong ginagawa niya dito? Sino yung babaeng kasama niya? ___ Karl's POV "Kaaaarl naman! Sigee na!" Hindi ko pinansin si Cara at nanatili ang direksyon ko sa daan. "Gusto ko nang pagkain!!!" Inis akong bumaling sakanya at hinagis sakanya ang fast food sa drive thru. "Ayan na diba?! Bakit ayaw mo pang kainin?!" Sita ko at inis na ibinalik ang atensyon ko sa daan. Naramdaman ko agad na ihahagis niyang pabalik ang pagkain at agad ko itong iniwasan. "Ayoko sabi niyaaan! Nakakainis ka naman Karl eeeh!!!" Halos mapatampal ako sa manibela sa tili nito. Kanina pa ako naririndi sa babaeng to! Hindi talaga ako titigilan hanggang hindi siya makakain ng mangga. Napamura tuloy ako. "Huy Karl! Wag mo ako pinagmumura dyan! Tadyakin kita dyan eh!" Hindi ko nalang siya pinansin at seryosong nagmaneho. "Kaaaarl!" Bahala ka sa buhay mo. "Pinsaaaaaaan!!!!!!!" _____ Halos gusto ko na sipain ang babaeng to palabas sa kotse ko at halos mamilipit ako sa sakit ng tenga ko sa tili niya! Damn it! Ganito ba ang mga buntis?! Halos mapamura ulit ako at kanina pa tong babaeng to sa kakatili ng mangga! Tangina talaga! Napaisip tuloy ako. Kung mabuntis ko rin si Tammy ay siguro ay ganito rin ang reaksyon niya kapag naglilihi? Napangisi ako. Why not? Ipapatili ko sakanya ang masarap at malamas na pagkain upang hindi niya mapagsawaan. Ohh.. mahal ko. Gustong gusto ko na ulit kitang makita.. "Kaarl! Ditooooo! May mangga doon! Siguradoo!" Nawala bigla ang pantasya ko kay Tammy ko at napatingin kay Cara. "Ano?!" "Doon! May mangga doon panigurado!! Yummy!" Tinignan ko kung alin ang tinuturo niya at napasimangot ako. "Mabaho dyan! Doon nalang sa hotel. Magpapadala tayo ng sangkatotak na mangga!" Sabi ko at deretso na nagmaneho. "Waaaah!!! Kaarl!!! Noo! Ayoko doon!!!!" Napapikit ako sa pabigla bigla niyang tili at napayukom ako. "Pwede ba Cara?!! Tumahimik ka naman sandali! Kanina pa ako rinding rindi sa boses mo!" Sigaw ko sakanya dahilan na mapatahimik siya. Napangiti ako. Good cousin. Maya maya ay nakita kong may nilabas siya at sa tingin ko ay cellphone nito. "Ahh ganun Karl?! Sige! Tatawagin ko tong si Tammy mo at sasabihin kong may babae ka!" Sita niya. Hindi ko siya pinansin. Huh. As if maniniwala si Tammy ko sakanya. "Okay. Sasabihin ko rin kay Mr. Gabby Lopez na may relasyon kayo ni Tammy at ito naman si Tammy ay magagalit sayo at syempre kasunod nito na nagsex na kayo at ikaw ang nakauna kay Tammy mo at ito naman si Mr. Gabby Lopez ay papatayin ka sa galit at si Tammy naman ay hindi ka mapapatawad kahit kailan!!! Bwahahahahahahaha!!" Halos manlaki ang mata ko at napabrake sa sinabi ni Cara sa akin. Nanlalaki ang mata ko na napatingin kay Cara na nakangisi ng malademonyo sa akin. "P-Paano mo nalaman?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Syempre sa magaling mong kapatid!" Ngisi ulit nito. Napayukom ako at nasuntok ang manibela. f**k f**k f**k! What the f**k Relyn?! P*ta! "Don't be mad at her Dear Cousin. Wala siyang ginagawang masama at sa halip na magalit ka dyan ay bilhan mo nalang ako ng mangga at tapos ang problema." Napapikit ako sa inis at pinaandar ang kotse. Tumungo ako sa matataong palengke na gustong gusto ni Cara. Napahawak ako sa ulo at tahimik na nagmamasid ng mangga sa paligid. "Ayon Karl! Ayooon!" Hindi ko pinansin si Cara at wala sa sariling nagmamaneho. "Kaaarl!!! May mababangga ka!!" Natauhan ako at bigla ako napabrake. Nagulat ako na nagsipunta ang mga tao sa direksyon sa harap ng kotse ko at bumaba ako. Nagulat ako na may nakahigang matanda na namimilipit sa sakit. s**t! Damn it! Bigla ko tinulungan ang matanda at humingi ng pasensya sa mga tao at lalo na sa matanda. Nainis tuloy ako sa sarili ko. Nasabi ko pa na may kasama akong asawa. "Manong dadalhin kita sa Hospital!" Sabi ko at inalalayan. "Wag na iho! Nahilo lang ako kaya basta basta nalang ako tumawid" Sabi nito. Napatingin ako sa mga tininda nito na nagsikalat na. "Ito po ho Manong! Babayaran ko nalang po ang nasayang na gulay" Sabi ko sabay kuha ng limang libo at binigay sakanya. Bigla naman niya ibinalik iyon sa akin at nakangiting umiling sa akin. "Wag na iho. Salamat nalang atsaka alam kong hindi mo sinasadya iyon" Natigilan ako. Pero tinulungan ko nalang na ipulot ang mga gulay at binalik ito sakanya. "Salamat Iho" Sabay alis niya. Medyo nagtaka pa ako. Ang weird naman ng matanda na yon. Papasok sana ako na makita si Cara na bumaba at tumungo sa mga mangga na nagtitinda sa gilid. Doon ko rin napansin na wala na ang mga tao na nagtipunan kanina. Ibinili ko si Cara sa inaasam asam nitong mangga at inaalalayan ito na makapasok sa kotse pero bago yun ay kinurot niya ako sa pisnge dahilan na mapasimangot ako. Busy sa mangga eh. Papasok sana ako sa kotse ko ng maramdaman ko na may nakatitig sa akin. Mabilis ako lumingon sa di kalayuan pero wala naman. Napakunot noo ako. Wala naman ah. Napakibit balikat nalang ako at pumasok. Pinaandar ko ang kotse at sa ngayon ay patungo sa Hotel. ___ #Destined
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD