#MOE 25 - Upset

1390 Words
#MyObsessedEx *** Tammy's POV Sumilip ulit ako upang tignan kung nakaalis na sila. Doon ko lang nakuhang huminga ng maayos. Tumayo ako at umalis sa kinaroroonan ko. Kanina pa kumakabog ng malakas ang puso ko sa pangangamba. Hindi ko kasi makalimutan ang sinabi niya sa akin. Pero bakit? Bakit nandito siya? Sinusundan ba niya ako o nagkataon lang? O baka naman may nagsabi? "Tammy Anak! Saan ka ba nanggaling ha?!" "Sorry Nay. May tinignan lang" Sabi ko. Umiling nalang siya at umuwi sa bahay. Tinulungan ko nalang si Nanay sa gawain bahay sa halip na isipin ang nangyari kanina. Alam kong nakapagtataka pero imposible na talaga na mapunta siya dito. Lalo na kapag pinaniwala ko sa sarili ko na napadaan lang sila sa lugar na yun. Hindi eh. Nasa probinsya to, kaya pasok sila dito. Halos naghanda na kami kahit walang birthday sa aming pamilya. Sinasabi ni Nanay para ito sa aming magkakapatid dahil daw malapit na ako makapagtapos at si Ate naman ay ipinakilala na ang finacee nito sa amin. Nagpakasaya nalang ako upang makalimutan ang nasa isip ko kanina at nakipagkwentuhan. Wala kaming ginawa kundi nag asaran at nagkwentuhan. Pinilit nila ako kung sino rin ang ipapakilala ko sakanila. Medyo nalungkot ako pero ipinagyabang ko sakanila na ang Fiancee ko ay isang magaling na Doctor. Syempre bilang magulang ay kahit ako ay mapapahanga ng sobra kaya todo naman sila kakapilit na papuntahin ko daw dito. Ayoko naman kasi nga busy siya sa hospital. Work niya at ayaw kong isturbohin yun. Sakto naman na dumating si Ken sa bahay at hiniram ako kila Nanay. Gaya ng sabi ni Ken kahapon ay ipinasyal niya ako sa magagandang lugar. Hindi ko rin maiwasan humanga pero may kaba at pangangamba ang nasa puso ko. Natatakot ako na baka makita niya ako rito. Hindi ko ipinahalata kay Ken ang nararamdaman ko at naging sandali tuloy ang pamamasyal namin at inaya ko nang umuwi kahit maaga pa. Bumalik ulit kami sa bahay at ganun pa rin ang gawain. Si Kuya Trel ay nakaakbay naman kay Ate samantala sila Nay at Tay ay naglalambingan. Tsk. Ang tatanda na pero ubod naman ng katamisan. Hay. Iba na talaga kapag nagmamahal. Humingi ako ng pasensya kay Ken at pumanik na ako. Magpupunas sana ako ng sarili nang bigla nag ring ang cellphone ko. "Hello?" ["Hon!"] "Gabb?" ["Yes It's me. Im so sorry Hon kung hindi ko lang nakuhang bisitahin ka! Im so sorry Hon. I love you.."] Napangiti nalang ako. "Ano ka ba Hon. Okay lang. Asan ka ngayon?" ["Nasa Canteen kasama ang mga kaibigan ko sa Hospital. Anyway, Mamaya ay may operating ako kaya Hon madalas na ang pagtatawag ko sayo. Im sorry hon but don't forget that I love you so much.."] Bigla nanlambot ang puso ko. "Kailan ang bakasyon mo Hon?" Mahinang tanong ko? ["Hon halos wala na ata this next week or this month pero ipapangako ko na uuwi ako kahit one day lang. Kakayanin ko"] Hindi ako nakapagsalita. ["Hon kakayanin natin to diba?"] Gumuhit sa akin ang sakit. "Nasa probinsya ako Gabb" Narinig ko na napatahimik siya. ["T-Talaga? Bakit...B-Bakit hindi mo ako hinintay?"] Nanggilid agad ang luha ko. Kung hihintayin ko pa siya ay baka kung ano pa ang mangyari sa akin dun. "Sorry Hon. N-Namiss ko ang pamilya ko eh." Napahikbi ako. Ang sakit kasi eh. Kahit naiintindihan ko na may trabaho siya at para sa amin yun ay hindi ko maiwasan mangulila at masaktan. Alam kong mababaw ako pero gusto ko kasi na nasa tabi ko lagi si Gabb kasi hindi ako makapaghintay na ikasal sakanya at sakanya lang ako at akin lang siya. ["Sorry Hon kung nawawalan na ako ng oras sayo pero sana maintindihan mo. Atsaka.. M-May tiwala ka naman sa akin diba? May tiwala rin naman ako sayo kaya kakayanin natin to. Kunti nalang Hon.."] "Ipapakilala sana kita sa pamilya ko pero.. yun nga.. Nagtatrabaho ka. Busy.." Natahimik naman siya at narinig ko ang malalim niya buntong hininga. ["Hon.. I-I love you. Let's talk later. I need to hang up"] Bago siya nagpaalam ay may narinig pa akong humihingi ng tulong dahil sa inatake daw ito sa puso. Napaupo ako at natulala. Okay. Naintindihan ko. Kunti nalang Tam. Tiis tiis nalang. Napahilamos ako. Two years or Three years ata ako maghihintay Gabb pero titiisin ko. Titiisin ko. Tumulo ang luha ko. Kung pwede lang sana lumipat ng ekswelahan sa malapitan sa hospital nila Gabb ay matagal ko nang ginawa. Napapikit ako at napatitig. Wala na ata ako masasabi sakanya dahil siguro ay nasanay na ako. _____ Ilang nagdaan ang araw simula nang makausap ko si Gabb. Sa mga nagdaan ay hindi ko muna iyon inisip. Ayokong masira ang bakasyon ko at baka mapansin nila Tay na may malaki akong problema. Sa nakalipas na mga araw ay mas nakakabuti sa naging bakasyon ko kila Nay na hindi ko na muli nakita si Karl o kahit sinong tao na kakilala ko sa manila. Napangiti. "Mukhang masaya ka ata ah?" Bigla ako napalingon. Napanganga ako na tumabi sa akin si Evan at sa kaliwa ko ay si Leila. "Surprise?" Bigla ako napamaang at niyakap ang dalawa. OMG! Ang mga kaibigan ko! "Opps! Bawal ang hug" Bigla nila ako binitawan at humiwalay sa akin ang dalawa. "May kasalanan ka pa sa amin" Napayuko ako. "Sorry Evan at Leil—" "Wala na yun! Tinakot ka lang namin!" Natatawang sabi ni Leila. "Huh?" "Hay nakuh Tam! Ganyan ka parin?!" Napangiti ako sa usad ni Evan pero niyakap ko ulit sila. Akala ko talaga magagalit sila sa akin dahil sa pang iiwan ko pero hindi ko inaasahan na agad nila ako pinatawad at initindi ako. Sabagay kapag totoo ang kaibigan ay hindi sila hahadlang sa pangarap mo kundi susuportahan kapa kahit nasaktan na sila at alam nila ang dahilan kahit hindi ka nagpaliwanag. Napangiti ako. Niyaya agad ako nila Evan at Leila na tumuloy sa bahay nila upang sabihin na nandito daw ako. Medyo nahiya naman ako. Kahit alam ko na dati ay lagi akong pumapasok sa bahay nila Evan ay mahiyain parin ako. Ewan ko ba kung bakit. Napadaan kami sa Garden nila Evan at napangiti ako na wala pa rin pinagbago maliban lang sa nawalan ng puno at kahoy nalang ang natira. Sabi pa ni Evan ay dahil daw iyon sa bagyo kaya naputol. Pumasok kami sa malaking bahay ni Evan at gulat na napatingin sa akin ang Mommy ni Evan. Mayaman ang pamilya nila Evan at may sariling resort pa sila dito. Pero hindi ko alam kung bakit dito pa niya naisipan ng gaga na mag aral dito. "Ikaw ba yan Tammy?" Nahihiya naman ako tumango. Kasi naman! "Ang laki nang pinagbago mo Hija! Ang ganda ganda mo na!" Napatingin ako kay Tita. May mga kulubot na at wrinkles na nakikita ko sa mukha ni Tita. Sa ngayon ay medyo tumanda na siya ng masyado. Pinaupo kami at pinakuha ng miryenda. Lumingon ito kay Evan. "Oo nga pala Anak. Your Friend Cara just got home here. Bibisita sila sayo ngayon or maybe this next week. Kasama kasi nito ang Pinsan niya eh" Bigla nanlaki ang mata ni Evan at hinarap si Tita. "Seryoso ka Mom?! Why did you let her to visit me?!" Naiinis na maktol ni Evan tsaka tumingin kay Tita. "Why not?" "Why not Mom?! Why not?! OMG! I hate that girl you know that! I dispised her when she stole my boyfriend!" Galit na galit na sigaw ni Evan. Napakunot noo ako. Talaga? "That was a long time ago Evan. Just move on and let her be friend you" Kalma na sabi ni Tita. Umiling agad si Evan. "No way in hell Mom! You know what kind of attitude of that girl!! Hindi mo ba naalala kung paano niya itinakas ang boyfriend ko noon?! Wow! I would never ever forget what kind obsession she had!" Napangiwi ako sa kwento ni Evan. Gez. Masaklap rin pala ang nangyari noon kay Evan nang wala ako. "And her family was obsessed too! Lahat sila! Lahi na ata nila yan. Surely kawawa yung magiging biktima nila" Napapailing na sabi ni Evan. "Really Evan? Really?" Lahat kami ay napalingon sa likod ko ngunit halos mahulog ako sa kinauupuan ko na magtama ang mata namin ni Karl. Napamaang ako at nagsimula na ang matinding takot at ngamba sa loob ko. "Hanggang ngayon ba ay sinisiraan mo pa rin ako Evan? Is that your warm welcome to me? I love it" Sabi ng isang babaeng nakita ko noon nung sumama ako kay Nay sa pamamalengke. Tanaw ko mula rito ang karisma at kaputian nito. Lumapit silang dalawa at nawalan ang atensyon ko sa dalawa dahil nanatili pa rin ang titigan namin ni Karl hanggang sa ngumisi siya sa akin. _____ #Upset
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD