#MOE 26 - Him

1543 Words
#MyObessedEx ____ Sa pakiramdam ko ay hindi ko alam kung ano dapat na gawin ko. Nawala nalang sa paningin ko ang dalawa kong kaibigan at ang babaeng kasama ni Karl. "Oww Andyan ka na pala Cara. Did I hit you?" Pang aasar na rinig kong sabi pa ni Evan. Doon ko lang nakuhang umiwas ng tingin sakanya at nabaling ang atensyon ko sa dalawa. "Matagal na yun my dear. Di ka pa move on? Wag kang mag aalala. Nasa payapa na siya" Hindi ko pa naintindihan ang sinabi nang Cara daw ngunit nakita ko kung paano lumaglag ang panga ni Evan. "A-Anong ginawa mo sakanya?!" Napatayo na ako na makita kong susugurin niya si Cara. "Wala pa ako ginagawa ko pero inunahan na niya—" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Cara na sampalin siya ni Evan. Agad ako lumapit na sampalin rin ni Cara ang kaibigan ko hanggang sa nagsabunutan sila. Agad ko naman sila inawat at tinulungan ako ni Tita ngunit natigilan ako sa ginawa ni Tita na sampalin niya si Evan nang napakalakas dahilan na matigilan ang kaibigan namin. "Evan! Could you just get out?! Hindi ka ba nahihiya sa pinapakita mo sa harap ng mga kaibigan mo? For petes sake! Kung magwawala ka ay wag sa harap nila! Just Get out Evan!" Bigla kami natahimik sa sigaw ni Tita. Nakita kong yumuko si Evan at tumakbo. Susundan ko pa sana siya ng pigilan ako ni Tita at senenyasan na dito lang ako at hayaan nalang yun. Gusto ko sana sundan siya hindi lang sa kaibigan ko pero para makalayo dito sa kinaroroonan ko. "Tita, Im so sorry. Mas mabuti nalang na sa iba nalang kami makikiusap" Malungkot na sabi ni Cara. Hinawakan naman ni Tita ang kamay ni Cara at hinaplos ito. "No. Just don't mind her atsaka wala pa akong sinasabing ayaw ko kayo patirahin dito diba? Since may utang na loob pa rin kami sainyo so. We'll let you to live here as long as you want" Nakangiting sabi ni Tita. Natigilan ako at napatitig sa mukha ng kaibigan ko. "Ang ganda ni Cara nuh?" Hindi ko napansin ang sinabi ni Leila at kusang gumalaw ang mata ko sa direksyon ni Karl. Nahigit ko ang hininga ko na papunta ito sa akin. "At gwapo ng lalake! Shetty! Nilalangam ang panty ko Tammy!" Bulong sa akin ni Leila. Nagulat ako na may humila sa akin at napatayo ako. "Oh Anyway, Siya si Karl, Pinsan ko pala Tita" Nabaling sa amin ang atensyon ni Tita ngunit nasa kamay namin ang atensyon niya which is ay hinawakan ni Karl. "Ohh.. So siya pala yung kinukwento sa akin ni Tannia" Napakunot noo ako ng marinig ko ang pangalan ng aking ina. Sa halip na hilahin ko ang kamay ko ay naramdaman kong hinigpitan niya ito lalo. "Anong ibig niyo pong sabihin Tita?" Naguguluhan na tanong ko. "Wag ka na mahiya. I know he's your fiancee so let it be. Maganda na yan na ibalita sa mga kamag anak mo diba?" Inosenteng ngiti na sabi ni Tita. Nanlaki ang mata ko. Mali! Hindi si Karl ang fiamcee ko! Napapikit ako at sasabihin sana na hindi siya ang Fiancee ko nang ipaalam ako ni Karl kay Tita habang nagpaiwan ang nakangising si Leila at si Cara. "Bitawan mo ako! Ano ba!!" Halos mangigil na ako ngunit hindi niya pinansin. "Karl! Sabing bitawan ako! Hindi kaba nakakaintindi?!" Halos magmartsa na ako sa inis at galit. Gusto ko bumalik para linawin kila Tita na nagkakamali siya! Na hindi si Karl ang Fiancee ko! "Saan mo ako dadalhin?!" Mabilis niya binuksan ang kotse niya at pilit niya ako papasukin. "Don't be so stubborn Tammy" Malamig na sabi niya. Napanganga ako at napayukom. "Hindi ako sasama say—" Nagulat ako na marahas niya ako hinalikan at napahawak ako sa edge ng pinto ng kotse dahil mahuhulog ako sa loob. Napaungol ako ng pisilin niya ang isa kong dibdib dahilan na manlambot ako at nakuha niya ang pagkakataon na ipasok ako sa loob ng kotse niya at humiwalay sa akin. "Mas lalo kang sumarap.." Nangilid agad ang luha ko ngunit nakangisi siya. Lumipat siya sa tabi ko at nagdrive. Ilang minuto ang nakalipas ngunit hindi ako tumitingin sa direksyon niya. Nasa labas ang lahat ng atensyon ko pero pilit ko na hindi umiyak. Naiinis ako. Naiinis ako kung bakit kami nagkita. Pero alam kong sinadya ito ni Karl. Alam kong hindi marunong tuparin ang isang pangako si Karl. "Natatandaan mo ba ang sinabi ko sayo dati? Kapag nagkita muli tayo ay hindi na kita papakawalan? Akin ka lang?" Naramdaman kong tumingin siya sa akin at humawak sa kamay ko. Lumingon ako at sinamaan siya ng tingin sabay iwas ng kamay ko sakanya. "Edi sayo! Ang kapal mo Karl! Hindi ka na nahiya sa ginagawa mo! Ni hindi mo nirespeto kung ano ang resulta ang magiging reaksyon ni Gabb kung malaman niya ang pinanggagawa mo sa akin! Ang kapal kapal mo! Ni hindi kita mahal pero bakit mo ipinagpipilitan na pag aari mo ako kahit hindi naman?!" Tumulo ang luha ko. Naramdaman ko na bigla bumuhos ang ulan dahil sa lakas ng impact na pagtulo nito. Itinabi niya ang kotse nito sa tabi ng kalsada. At doon ko napagtantong mas lalong dumilim dahil sa ulan. "Tammy Naghintay naman ako diba? Binigyan kita ng pagkakataon na lumayo sa akin" Dumilim ang mukha niya at kumuyom agad ang kamao niya "Anong masama kung mahal lang talaga kita? Bakit hindi mo maintindihan na mahal na mahal kita? Hindi ako makapal Tam, Hindi ako nahihiya dahil wala naman ako ikahihiya sayo" Gumuhit sakanyang mata ang sakit at lungkot. Natahimik ako. Hindi ko masyado mabuka ang bibig ko. "Atsaka Tam, Responsibilidad kita dahil ako ang una mo. Ngunit kung hindi mo talaga ako mahal? Bakit hindi mo subukan na mahalin ulit ako? Hindi naman yun mahirap diba? Na ako nalang ulit diba? Na gagawin ko ang lahat na gusto mo para bumalik ka lang sa akin" May munting pagmamakaawa sa boses niya dahilan na maiyak ako. Masyado na ako naguguluhan. Hindi ko na alam kung ano dapat kong maramdaman. Muli ulit tumahik at pinaandar ang kotse niya. Napatingin pa ako sakanya at nakayukom pa rin ang kamao niya at nandidilim ang mukha. Kung dati lang kapag nakikita ko siyang ganyan ay hinahaplos ko nalang ang mukha niya at lalambot na siya. Lumingon siya sa akin ngunit ito ay walang ekspresyon at blanko __ Hindi ko napansin ay nakatulog ako. Agad ako napaayos ng upo at tumingin sa katabi. Nakita kong bakante ito at nakita ko sa labas na may kausap si Karl na matanda sa malayo at napanganga ako na makitang may katabi itong yacht. Mukhang tumila ata ang ulan. Bumaba ako at napansin ko ata na napalingon sa akin si Karl at binaling ulit ang paningin niya sa matanda at parang kinausap ito. Bigla ako napaisip na tatakas ako ngunit nabaling ang atensyon ko sa paligid. Madilim na. Sobrang dilim. May dumadaan naman na sasakyan ngunit bibihira na. Inilabas ko ang cellphone ko at mag aalas syete na. Tumingin ako sa harap at nakita ko si Karl na papalapit sa akin. Bigla nanikip ang dibdib ko na makita siyang mas lumapit pa sa akin. Nakatitig lang siya sa akin habang papalapit na siya hanggang sa hinapit niya ako at siniil ng halik. Napapikit ako—— "Wag kang nakapikit, Baka hindi ko mapigilan" Bigla ako napamulat at napatingin sa unahan. Nanlaki ang mata ko. A-Ano yun? Napatingin ako sa likod ko, sa kanan, kaliwa at sa unahan. Napatitig ako sa mukha ni Karl at napaantras. No. Hindi. Ano yun? Bakit mukhang nanaginip ako kanina? Pero bakit?! Napapikit ako at napahilot. Ano yun Tam?! Napamura ako. "H-Hey okay ka lang?" Naramdaman ko na hinawakan niya ako. Tinabig ko siya at sinamaan ng tingin. "Wag mo ako hawakan" Naiinis na sabi ko. Shet Tammy! Pinagnanasaan mo ba si Karl?! What the fuvck?! "Iuwi mo na ako" Matigas na sabi ko at bumalik sa kotse ngunit napatili ako nang buhatin niya ako na parang kasal. Nainis naman ako. "Ano ba Karl?! Ibaba mo nga ako!" Halos parang wala siyang narinig at napakapit agad ako sa leeg niya ng tumakbo siya ng mabilis. "Karl!" Napapikit ako at huminto naman siya. Ngunit hindi niya ako ibinababa at naramdaman ko na parang paakyat kami. Inimulat ko ang mata ko at napatigalgal ako na makita ang malakas na ilaw sa loob ng yacht. Hindi niya pa rin ako binaba kahit alam kong nasa loob na kami. Hindi ko malarawan ang nakikita ko ngayon. Ang ganda. Sa ganitong kaganda ay sa Tv ko lang nakikita. "Ang ganda diba?" Naramdaman ko na ibinaba niya ako at binitawan kasabay ang pag andar ng yacht. Napahawak ako sa railings at napakagat sa labi na makita nang malawak ang mga star na umiilaw. "Para sayo to... Tam" Nagulat ako na niyakap niya ako patalikod habang ang baba niya ay nasa leeg ko at sinisinghot ang leeg ko. "Pero kahit gaano kaganda ang mundo ay mas mahal kita. Kahit sino man" Para akong toud na hindi makagalaw. Hindi ako makapalag na gusto ko makawala pero ang utak ko ay naging blanko. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa leeg ngunit agad niya ito tinigil at niyakap ako ng mahigpit. "Mahal na mahal kita Tammy, Sana maging akin ka na" Humiwalay siya sa akin at hinila ako sa isa pang pintuan na sa tingin ko ay pataas pa. "Gutom ka na diba? Alam kong gutom ka na" Natatawang sabi niya at ako naman ay naramdaman ko nalang na tumaas ang sulok ng labi ko at nagpahila sakanya. ___ #Him

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD