NAPABUNTONG-HININGA si Relle habang nakaupo at nakasandal sa swivel chair. Hindi siya makapagpokus sa trabaho niya dahil sa isang bagay na bumabagabag sa kaniya. At huwag niyo ng itanong kung sino at ano? Dahil alam niyo na kung sino ang tinutukoy niya. Relle blew a breath and looked at her watch. Lagpas tanghali na pero hindi pa siya kumakain. Wala siyang gana, eh. Baka paglaruan lang niya ang pagkain niya kung sakali. Tumingin siya sa screen ng laptop niya. Hindi talaga siya makapagpokus dahil sa mga iniisip niya. Lalo na kay Felix. Tatlong araw na niya itong hindi kinakausap. Gusto niyang iwasan ang binata pero the more na umiiwas siya the more naman na nahuhulog ang loob niya rito. Hindi nga rin niya alam kung bakit eh? Ano ba ang rason kung bakit gusto niya ang binata? Eh,